“Oh siya iha, mauuna na kaming mag-asawa na magpahinga sa inyo ni Harris,” paalam ni Tita Lani habang katabi si Kap Henry.
“Sige po tita, salamat po ulit sa masarap na dinner,” tugon naman ni Rose. Kagaya ng pangako ng ginang ay nagluto ito ng kare-kare at adobo na sinamahan pa ng coffee jelly para sa hapunan ng gabing iyon, na masaya nilang pinagsaluhan sa mahabang lamesa kasama ang iba pang putahe na puro laman-dagat. At sa sobrang saya nila habang naghahapunan ay hindi na niya napansin na mahigit isang oras na pala silang naandoon.
“Harrris, ikaw nang bahala sa magandang bisita natin. Siguraduhin mong maihahatid mo siya kayna Poncio mamaya,” bilin ni Kap Henry.
“Si dad talaga, oh. SIyempre naman. Magtsa-tsaa lang kami saglit sa veranda bago ko siya ihatid pauwi,” natatawang sagot ni Harris.
“Sige, hija. Salamat ulit sa pagtulong sa anak ko kanina. Sana hindi pa ito ang huling beses na makakasama ka namin sa hapunan,” nakangiti pang dagdag ni Tita Lani.
“Sa sarap ninyo pong magluto tita, baka balik-balikan ko po itong bahay ninyo,” muling tugon ni Rose na sinundan ng mga tawanan ng kasama sa sala ng malaking bahay.
Nang makapanhik na ang mag-asawa sa kwarto ng mga ito ay tumuloy naman sina Rose at Harris sa malaking veranda ng bahay, kung saan maraming mga paso ng mga bulaklak sa gilid at napapalibutan ng bermuda grass ang inaapakan nilang lupa.
“Ang ganda naman dito,” namamanghang sabi ni Rose. Nakasuot lang siya ng manipis na tsinelas kaya ramdam niya ang lambot ng mga damong inaapakan. Napangiti pa siya nang alalayan siya ni Harris na makaupo.
“Favorite place ko ito dito sa bahay. Sobrang relaxing kasi lalo na ng mga halaman ni mommy,” ani Harris. Tatlong palapag ang bahay nila na may pitong kwarto, malaking terrace at maluwag na veranda. Itong veranda ang paborito niyang lugar dahil bukod sa maaliwalas ay napakatahimik. Tanaw din ang ilang mga kalapit na bundok at may makipot na daan patungo sa dagat mula sa lugar na iyon.
“Eto na na ang tsaa ninyo Harris,” anang matandang babae na nakasuot ng unipormeng pangkatulong at inilagay na sa pabilog na lamesa ang tray na may dalawang tasa ng tsaa na nakapatong sa platito.
“Salamat po manang, magpahinga na po kayo ah? Ako na lang po ang maglalagay ng mga ito mamaya sa kusina,” tugon ni Harris sa matanda na pagkatapos tumango ay umalis na rin.
Napapangiting kumunot ang noo ni Rose nang iabot ni Harris ang tasa ng tsaa na para sa kanya. “Ganyan ka ba talaga?”
“Ha? Anong ibig mong sabihin?” takang balik tanong ni Harris.
Saglit munang hinipan ni Rose ang hawak na tasa bago muling nagsalita. “Parang sobrang bait mo sa kahit na sino.”
“Ako? Mabait? Paano mo naman nasabi ‘yun?”
Nagkibit balikat si Rose. “Wala lang… Napansin ko lang. Parang napakagalang mo kasi lagi. Kayna Tatay Poncio at Nanay Harwina, sa mga pasyente mo. Pati na rin dito sa mga katulong ninyo sa bahay.”
“Actually, hindi ko rin alam. Magaan lang talaga siguro ang loob ko sa matatanda.”
“I see. Kaya mo ba gustong maging doktor dahil mabait ka sa matatanda?” muling pag-uusisa ni Rose habang hindi maiwasang titigan ang napakagwapong mukha ni Harris. Bumagay sa pangahing mukha nito ang balbas na alaga sa trim. Matangos din ang ilong na maganda ang kombinasyon sa bilugan nitong mga mata.
“Sort of. Pero honestly, sina daddy ang may gusto na mag-doktor ako. Buti nga kinaya ko eh.” Pagkatapos hipan ay uminom saglit ang binata ng tsaa mula sa hawak na tasa.
Nagsalubong naman ang kilay ni Rose. “Talaga? Uhmm. Ano talagang gusto mo?”
Sinalubong ni Harris ang tingin ni Rose. Ramdam niyang kanina pa siya tinitigan ng magandang turista na medyo nagpapa-conscious na sa kanya, dahil hindi niya tuloy magawang titigan ang maganda nitong mukha. Ang mukha nito na noong unang beses pa lang niya nakita ay parang gustung-gusto na niyang halikan. May something kasi sa dalaga na parang nakaka-magnet itong titigan at nakaka-hypnotize na halikan. “Ikaw.”
Napalunok si Rose sa naging sagot ni Harris. Hindi niya kasi inaasahan ‘yun kaya pinilit niyang magkunwaring natawa sa sinabi nito. “A-anong ako?”
Si Harris naman ang natawa. Masyado yata siyang nagiging mabilis at iyon ang iniiwasan niya. Ang iparamdam kay Rose na masyado siyang presko dahil baka ma-turn off niya ito. “Sorry… I mean, ‘yung… ‘Yung profession mo. I used to dream to be a photograper. I think that was no’ng nasa high school pa lang pa ako.”
Saglit na nakagat ni Rose ang pang-ilalim na labi upang pigilan ang sarili na matawa. Bakit ba kasi iba ang nasa isip niya na sasabihin ng doktor na kaharap. “Ah okay. Akala ko kung anong ako.”
“Sorry, I didn’t mean to offend you.”
“No, it’s okay. Hindi ako na-offend,” nakangiting tugon ni Rose. “So, ayun nga. You wanted to be a photographer. And then?”
“Uhmm. Matagal na ‘yun. Ayun, nung medyo bagets pa nga ako. Kaya lang, sabi nina daddy... Wala naman daw matutulong ang pagiging photographer dito sa isla kaya mag-doktor na lang daw ako. Then that’s it, kinalimutan ko na lang ‘yung first dream profession ko.” Sumimsim muli ng tsaa si Harris kasunod ang pagguhit ng mapait na ngiti sa mga labi.
“Sobrang laki ng attachment ng parents mo dito sa isla na ito, ‘no?” pansin ni Rose.
“Halata ba? They even sacrificed their son’s dream para sa isla na ito.”Mapait na tumawa si Harris. “Isa raw kasi sila sa pinakamatagal nang nakatira dito at dito na rin daw gumanda ang buhay nila. Buhay namin. Kaya siguro, gusto nilang suklian ‘yun.”
Napansin ni Rose ang lungkot sa mga mata ni Harris. “Matagal na kayong magkakaibigan nina Jin?”
“Ah, oo,” ani Harris na sinabayan pa ng pagtango. Ibinaba na niya ang hawak na tasa sa ibabaw ng lamesa. “Mga bata pa lang magkakaibigan na kami. Magkakakilala rin kasi ‘yung parents namin. Magkakaibigan din sila lalo na ‘yung parents nina Adolph saka parents ko.”
Lumalim ang paghinga ni Rose pero hindi niya ipinahalata sa kausap. Bakit ba ‘yun pa kasi ang naisipan niyang itanong. “Gano’n ba?”
“Oo, ang alam ko magkababata nga rin sila dito. Alam mo na, maliit lang ang isla kaya halos lahat ng mga tao dito, magkakakilala.” Patuloy na kwento ni Harris. “Ikaw naman magkwento.” Humalumbaba pa si Harris habang nakatingin kay Rose na tila nagpapa-cute.
“Anong namang iku-kwento ko?” tanong ni Rose nang salubungin ang tingin ng bilugang mga mata ni Harris.
“Kahit ano. Hindi ka masyadong nagkwento kanina habang nagdi-dinner tayo about life.”
“Wala naman kasi ako masyadong iku-kwento. Ulila na kasi ako,” tugon ni Rose. Hindi na masyadong mainit ang tsaa niya kaya nagawa niya na iyong inumin. “Wala rin naman akong mga… Kapatid. Kaya ayun. Boring ang buhay ko.”
“Sorry to hear that.”
“It’s okay, ano ka ba. Ang mga ulila, hindi dapat kinakaawan lalo na kung hindi naman naging patapon ang buhay namin,” dugtong pa ni Rose.
“Actually, tama ka naman do’n. At least nagagawa mo na lahat ng gusto mo ‘di ba?”
“Exactly!” sang-ayon ni Rose.
“Uhmm, what about ‘yung mga kasama mo na lang sa Manila ngayon,” muling tanong ni Harris.
“Kasama? What do you mean na kasama?” balik tanong ni Rose kahit parang alam niya na kung saan papunta ang tanungan nilang iyon ng gwapong dokor.
“Wala kang kapatid, right? Uhmm… What about cousins… Officemates… Or friends, gano’n?” muling inabot ni Harris ang tasa ng tsaa niya na halos wala na sa kalahati ang laman at nagkunwaring iinom.
Nagpigil na ng ngiti si Rose. “Phishing ka na, doc ah.”
“Don’t get me wrong… Ayoko lang talaga isipin mo na –”
“Wala akong naiwang boyfriend sa Manila. At wala akong boyfriend kahit saan,” natatawang putol ni Rose sa sinasabi ng kausap na parang nagsisimula nang mataranta.
“Talaga? That’s great… I mean, that’s nice,” ani Harris bago tuluyang ininom ang natitirang laman ng tasa niya.
“Ikaw doc, may girlfriend ka ba?”
Muntik nang hindi malunok ni Harris ang kakainom lang na malamig na tsaa sa diretsong tanong na ibinato ni Rose. Saglit din siyang naubo.
“Sorrry, nagulat ba kita sa tanong ko?” natatawang sabi ni Rose bago inabutan ng tissue ang kausap. “I just want to be… Uhmmm You know, safe. Ayoko lang na baka may biglang sumugod na babae sa akin at i-claim na nilalandi ko ang boyfriend niya kahit wala pa naman akong ginagawa.”
“Wala pa?” kuno’t noo pero nakangiting ulit ni Harris.
“Oo, wala pa. Kasi hindi ko pa naman alam kung may girlfriend ka o wala,” nakaguhit ang matamis na ngiti sa mga labi ni Rose.
“Ang cute mo talaga,”napapailing na sabi ni Harris. “Pero wala akong girlfriend. I’m single,” ani Harris.
“And ready to mingle with me?”
Tumitig si Harris sa mga mata ni Rose na tila binabasa kung seryoso ba ito sa tanong na iyon.
“Pero charot lang ‘yun doc! Ito naman masyadong seryoso, hindi na mabiro.” Halos sabay silang nagtawanan ni Harris sa sinabi niyang iyon.
“Hanggang kailan ka ba dito sa isla?” Sinimulan nang punasan ni Harris ang mga matang nagluha dahil sa kakatawa.
“Kung hanggang kailan mo gusto.”
Nakangiting napapailing na lang si Harris. “Alam mo Rose, konti na lang seseryosohin ko na ‘yang mga charot mo.”
“Bakit mo hindi mo pa ngayon seryosohin?” pigil ang ngiting ani Rose. Kuhang-kuha na niya ang kiliti ng gwapong doktor. “Pero charot lang ulit ‘yun of course. Pero ayun nga. May tinatapos kasi akong project. Kapag natapos ko na ‘yung project ko dito, pwede na akong bumalik ng Manila.”
“Proejct? Anong project ‘yun?”
“Project na related lang sa trabaho ko,” tugon ni Rose.
“I see. Alam ko ang bad pero sana hindi mo kaagad matapos kung ano man ‘yung project na ‘yon.” May pag-aalinlangan pero tinuloy pa rin na sinabi ni Harris.
“Ha? Bakit naman?”
“Wala lang. Para mag-stay ka pa dito. Honestly, gusto pa kitang mas makilala sana.” Hindi alam ni Harris kung bakit at kung anong meron kay Rose bukod sa totoong maganda talaga ito. Pero para kasing may kung anong gayuma sa mukha nito na tila araw-araw niyang hinahanap-hanap at gustong makita. At batid niyang hindi lang siya ang lalaki sa isla na maaaring mabaliw sa kagandahan nito. Kaya hangga’t kaya niya ay nais niya na sanang bakuran ang magandang turista.
“In short, gusto mo akong pormahan?”
“Uhmm…” Hindi kaagad nakasagot si Harris. Medyo conservative kasi siyang lalaki, kaya kahit gaano niya kagusto ang kaharap na dalaga. Ayaw niyang i-take advantage ang sitwasyon.
“So, ayaw mo doc? Asssuming lang pala ako.” Natatawang napahawak sa may sintido si Rose.
“Gusto kita,” kaagad na sagot Harris. “Ayoko lang na madaliin ang lahat at mas lalong ayokong i-take advantage na nandito ka sa bahay namin ngayon. But again, I like you. I like you so much.”
Saglit na kingat ni Rose ang labi niya upang mapigilan ang kinikilig na ngiti “Okay. So I think, that’s all I want to hear for now. And medyo gumagabi na rin doc –”
“Harris.” Pagtatama ng binata.
“Oo nga pala, Harris. So ayun, medyo gumagabi na. Baka pwede mo na siguro akong ihatid pauwi?” nakangiting tanong ni Rose.
“Sure, of course…. Ilaalagay ko lang ito sa kusina then I’ll get the keys.”
“Ako na lang maglalagay nito sa kusina,” prisinta ni Rose na hinawakan ang tray na may dalawang tasa bago tumayo.
“No Rose, bisita ka rito kaya dapat ikaw ang inaasikaso ko,” ani Harris na humawak na rin sa tray.
“Ang KJ nito, it’s fine. Ako na lang,” pagpupumilit pa ni Rose na sa muling paghila niya sa tray ay tumumba ang isa sa mga tasa na may laman pang tsaa at tumilamsik sa suot niyang manipis na puting jacket.
“Shoot! I’m sorry, sorry Rose.” Ibinaba na Harris ang tray sa lamesa at kinuha ang natitirang tissue bago sinimulang ipunas sa may jacket ni Rose. Bigla siyang napahinto sa ginagawa ng bahagyang bumaba ang zipper sa harapan ng jacket ni Rose at sumilip ang itaas na bahagi ng makinis, maputi at malulusog na dibdib nito. Napalunok si Harris nang magtama ang mga tingin nila ni Rose. Ilang segundong titigan bago bumaba ang mga tingin niya sa mapupulang labi ni Rose. Hahalikan na niya ba ito o magpipigil ulit siya? Muli siyang napalunok ng laway. “I think I should get you another jacket sa loob.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Rose na hindi alam kung matatawa ba o maiinis. Hindi pa rin talaga nagbabago si Harris. “Sige. Hihintayin na lang kita dito.”
“Yep, hintayin mo na lang ako dito. Mabilis lang ako,” ulit ni Harris. Kinuha na nito ang tray ng tasa at nang makatalikod na mula kay Rose ay napabuntong hininga siya ng malalim. Ramdam niya ang malakas na kaba ng dibdib niya at ang unti-unting paggising ng isang bahagi ng kanyang katawan. “Hay…” Muntik na niyang hindi mapigilan ang sarili. Muli siyang bumuntong hininga bago nagpatuloy sa paglalakad papasok ng malaking bahay.
Samantalang natatawang napailing na lang Rose. Naupo na siya ulit at nagpunas ng tissue sa bahagi ng jacket na namantsahan ng tsaa. Ilang minuto lang ay naramdaman niyang tila may kakaiba sa paligid. Inilibot niya ang paningin. At nahagip ng mata niya ang isa sa mga bintana na bahagyang nakabukas at may kaunting liwanag. Tama ang hinala niya. Kanina pa niya nararamdaman na may nagmamasid sa kanila ni Harris. Kaagad na niyang inalis ang mga tingin doon bago ibinulsa ang hawak na tissue. Hinawakan niya ang zipper na nasa harapan ng jacket at dahan-dahang ibinaba bago iyong tuluyang hinubad. Manipis na itim na spaghetti lang ang suot niya na pangtaas ngayon at nagkunwaring inaayos ang strap pati na ang push up bra na suot niya. Tumayo pa siya at sinuklay-suklay ng mga dailiri ng kamay ang mahabang buhok bago dahan-dahan iyong iipinuyod ng mataas. Ramdam niya ang paghalik ng malamig sa may pusod niya nang umangat ng halos kalahati ang damit niya dahil sa ginawang pagtatali ng buhok. Nakakangalay pero ginawa niya iyon ng matagal. At nang matapos ay hinawakan ng isang kamay niya ang leeg na tila minamasahe. Ibinabata pa niya iyon sa may balikat niya kasunod ang pagpikit ng mga mata habang patuloy sa ginagawa na tila ba nasasarapan. Muli naman siyang nag-inat siya ng mga braso pataas upang muli na namang tumaas ang damit niya. Naramdaman niya ulit ang paghalik ng malamig na hangin sa may pusod at kili-kili niya na hindi niya na inalintana. Mas iniisip niya ngayon ang pagnanasa sa mga mata ng kung sino man ang nasa may bintanang iyon.
“Ready?”
Umayos ng tayo si Rose at lumingon sa kababalik lang na si Harris na may hawak na jacket. “Yes, kanina pa.”
“Bakit hinubad mo na ang jacket mo, baka lamigin ka,” ani Harris.
“It’s okay, hindi naman masyadong malamig ngayon.” Hindi na tumanggi pa si Rose nang ilagay ni Harris sa may likuran niya ang jacket nito at ayain na siyang lumabas. At bago sila tuluyang umalis ng veranda ay muli niyang dinaanan ang tingin ang bintana na bahagya pa ring nakabukas. Kung sino man ang nagmamay-ari ng mga matang nakamasid sa kanya ngayon, sigurado siyang anumang oras ay didiretso na ito ng banyo upang magparaos.