noveltoon logo noveltoon
Halik ni Kamatayan

Chapter 25

Ch. 26 / 98 Feb 05, 2022

“Rose, saglit lang ha. Magbibihis lang ako pero mabilis lang, promise,” paalam ni Harris.

“Ano ka ba, okay lang kahit tagalan mo pa,” natatawang sagot ni Rose. Naunang umuwi sina Kap Henry at Tita Lani kanina dahil magluluto pa raw ang ginang. At pagkasunod nga nila ay hindi pa rin daw ito tapos magluto sa kusina.

“Relax ka lang d’yan and feel at home, okay?” bilim pa ni Harris.

“Okay po, I will.” Naupo na si Rose sa malambot na sofa nang pumanhik sa hagdan ang gwapong doktor. At pagkatapos uminom ng juice mula sa hawak na baso na dinala ng katulong ay inilibot niya ang paningin sa maluwag na sala ng bahay na may dalawnag magkatapatang sofa bed. Maganda rin ang mga koleksyon ng jar na nakadisplay sa bawat kanto, napansin niya rin na mukhang mamahalin ang chandelier na nakasabit ng mataas sa gitna. Kung hindi siya nagkakamali, itong bahay nina Harris ang pinakamalaking bahay sa buong Isla Azul.

“Hija, nand’yan ka na pala,” bati ni Kap Henry na pumasok sa sala at naupo sa katapat na sofa ni Rose. May hawak itong tasa ng kape.

“Kakarating lang din po namin ni Harris, kap. Umakyat lang po siya para magpalit ng damit.” Ibinalik na ni Rose ang hawak na baso sa kalapit na mababang lamesa. Baka kasi mabasag pa iyon sa mga kamay niya habang kausap ng kapitan.

“Malapit nang matapos si Lani sa niluluto niya. Sabi ko nga at bilis-bilisan niya dahil nakakahiya sa bisita namin,” kwento ni Kap Henry bago sumimsim ng kape.

“Naku, baka ma-pressure po ‘yun si Tita Lani. Hindi naman po ako mainipin na tao,” nakangiti pang sagot niya habang pilit na kinokontrol ang pagbabago ng kanyang facial expression. Hindi siya pwedeng mahalata ni Kap Henry. Hindi siya pwedneg mahalata ninoman sa islang ito.

“Alam mo kasi,” hininaan pa ng kapitan ang boses kahit may kalayuan ang kusina kung nasaan ang asawa. “May kabagalan na kumilos ang asawa kong ‘yon. Palibhasa, tumatanda na.”

Kumunot ang noo ni Rose pero nanatiling nakangiti. “Uhmm, actually… Nakita ko po ‘yung wedding picture ninyo sa may clinic ni Harris. Parang wala naman po masyadong nagbago. Pareho po yata kayong hindi tumatanda nin Tita Lani,” puri pa niya.

“SI Lani lang naman talaga ang tumatanda. Hindi mo natatanong kahit senior na ako,” muli ay mas hininaan ng kapitan ang boses. “Kayang-kaya ko pa.”

Lihim na ngumisi si Rose na kaagad niya ring binawi. Ito na nga ang hinihintay niyang pagkakataon. “Halata naman po sa katawan ninyo kap, parang kaya ninyo pa nga po ng ilang round eh.”

Muntik nang maubo si Kap Henry dahil naparami ang simsim nito ng kape. Hindi kasi nito inaasahan ang sasabihin na iyon ng turista. Pinakalma ito ang sarili at hindi nagpahalata. “Halata bang kaya ko pa ng ilang rounds pagdating sa romansa?”

Lalong pilyang ngumiti si Rose. Inabot niya ang baso ng juice at ibinalim kaagad sa lamesa pagkatapos uminom saglit. Ginawa niya lang iyon upang makakilos at tumaas lalo ang suot niyang palda. “Oo naman kap, ang macho ninyo pa rin po kaya. At ang lakas pa ng sex appeal.”

Muling napalunok si Kap Henry kahit hindi na ito muling sumimsim pa ng kape. Unti-unti ay tila naninikip ang suot nitong pantalon. Hindi tuloy nito mapigilang hagurin ng tingin ang magandang turista. Mula sa maputing binti ni Rose pataaas sa makinis nitong mga hita, malusog na dibdib… Hanggang sa magsalubong na ang kanilang mga mata. Muling ngumiti si Rose at sa pagkakataong iyon ay tila mas pilya pa. Nawalan tuloy ng salitang itutugon si Kap Henry sa sa dalaga. Mukhaa kasing hindi lang itong palaban sa sa pakikipag-usap. Parang masarap itong kalaban sa ibabaw ng kama.

“Rose, sorry natagalan ako. May chineck lang ako na papers sa taaas,” ani Harris nang makabalik sa sala.

“Sabi ko naman sa iyo, okay lang. Hindi ako nainip kasi ka-kwentuhan ko si Kap,” tugon ni Rose bago pasimpleng tumingin nang makabuluhan sa tinutukoy sa lalaki.

“Dad, and’yan ka pala,” ani Harris.

“Lumabas lang ako dito para siguraduhin na hindi maiinip ang bisita natin,” umayo na si Kap Henry habang hawak pa rin ang tasa ng kape na halos wala ng laman. Bahagya pa itong tumagilid ng tayo dahil baka mapansin ng mga kausap ang unti-unting bumubukol sa gitna ng suot na pantalon. “Babalik na rin ako sa kusina at baka gine-gyera na naman ni Lani ang mga katulong sa kusina.”

“Hahaha. Oo nga dad, pakalmahin mo muna si mom do’n,” sagot ni Harris bago naupo sa tab I ni Rose.

“Oh siya, maiwan ko muna kayo,” muling paalam ni Kap Henry bago nagpatuloy na sa paglalakad pabalik mng kusina.

Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Rose ang pagbukol sa may gitna ng pantalon ni Kap Henry. Ngumiti siya nang matamis nang humarap kay Harris kahit ang totoo ay gigil na gigil na siya kanina pa. Gigil na gigil na siyang patayin ang tatay nito.