noveltoon logo noveltoon
Halik ni Kamatayan

Chapter 23

Ch. 24 / 98 Feb 05, 2022

Tahimik at malamig ang gabi na dulot ng mga alon sa dagat. Gumuhit ang malaking ngiti sa mga labi ni Adolph nang makita si Rose na nakaupo sa may pampang. Ilang araw na niyang tine-tyempuhan ang dalaga doon pero palagi itong wala. Ilang araw din tuloy siyang hindi matahimik dahil matagal na niya itong gusto na makausap.

Hindi na nga siya nagdalawang isip pa na lumapit at umpo sa tabi ni Rose. “Hi.”

“Oh Adolph! Hi!” kaagad na sagot ni Rose.

Pinigilan ni Adolph ang lalong paglawak ng ngiti sa mga labi niya upang hindi mapansin ni Rose na masyado siyang masaya na makita ito kahit iyon naman ang totoo.

“Kumusta ka? Okay ka na ba?” tanong ni Rose.

Tumango si Adolph. “Yep. Okay naman ako.”

“Good to know… Nag-worry talaga ako sa inyo ni Jin. I know kung gaano kayo ka-close sa isa’t-isa nina Mel. Hindi na lang ako nag-reach out sa inyo kasi inisip ko, baka kailangan ninyo ng time para mabilis na makapag-move on sa pagkawala ni Mel.”

Kumibit balikat si Adolph. “Gano’n talaga siguro, hindi naman pwedeng makasama natin habambuhay ang isang tao kahit gaaano pa siya kaimportante para sa atin.”

“Alam mo tama ka. Medyo nagi-guilty nga ako eh. Kasi hindi masyadong naging maganda ang huling pag-uusap namin ni Mel.”

Bumaling na ang tingin ni Adolph sa magandang mukha ni Rose.

“The last time kasi na nag-usap kami, sinabi ni Mel sa akin na gusto niya ako,” kwento ni Rose habang nakatingin sa may dagat na umaalon-alon.

“Sinabi niya ‘yun?” tanong ni Adolph.

Tumango si Rose.

“A-anong sabi mo sa kanya?” muling tanong ni Adolph na para bang may hinhintay na marinig mula sa kaausap.

“Ang sabi ko hindi pwede. Ang sabi ko h’wag niya nang i-entertain ang feelings niya para sa akin kasi…”

“Kasi ano?” Nagsisimula na namang bumilis ang tibok ng puso ni Adolph. Nakita niya ang pagguhit ng ngiti sa mga labi ni Rose. Mapait na ngiti na para bang hindi ito natutuwa bago sinalubong ang mga tingin niya.

“Kasi may iba na akong gusto na alam kong hindi naman pwede na maging akin.”

Napalunok ng laway si Adolph. Tama ang hinala niya, may gusto talaga sa kanya si Rose. Malamig ang hangin pero tila nagsisimulang mag-init ang kanyang pakiramdam. Saglit pa siyang natulala sa dalaga bago ito tumayo. Hinawakan nito ang braso niya at itinayo na rin siya. Saka lang niya napansin na manipis pala ang dress na suot ni Rose.

“Halika,” ani Rose.

“Saan?”

Sa halip na sumagot ay hinubad ni Rose ang suot na damit. “Gusto kong mag-swimming. Tara!” anito bago tumakbo palapit sa tubig dagat.

“Rose, sandali lang! Medyo malakas ang alon!” halos sigaw ni Adolp. Nakita niya kung paano umalog ang malusog na dibdib at mabilog na pwet ni Rose sa pagtakbong ginawa, napakaliit din ng beywang nito na kitang-kita sa suot na two-piece na swimsuit. Gustong-gusto niyang samahan si Rose pero pinipigilan niya ang sarili. Ngayong sigurado na siya na tama ang lahat ng pagpapantasya niyang gusto rin siya ng turista sa kanilang isla, paano niya pa pipigilan ang sarili na angkinin ang katawan nito sa oras na magkalapit sila?

“Eh ‘di samahan mo ako, para hindi ako mapahamak!” pasigaw na sagot ni Rose bago tuluyan lumusong sa malalim na bahagi ng dagat. “Ouch!”

“Rose!” Hindi na nagdalawang isip pa si Adolph nang sumigaw si Rose at nawala sa paningin niya. Kaagad na rin siyang lumusong sa tubig at sinundan ito. “Rose! Rose! Nasaan ka?” kinakabahang sigaw niya nang hindi kaagad ito makita.

“Boo!” biglang sumakay si Rose sa likod ni Adolph at malambing na kinagat ang tainga ng binata. “Joke lang!”

Nakaramdam ng kuryente si Adolph sa pagdikit ng mga balat nila at malambing na pagkagat ni Rose sa tainga niya. Kaagad siyang humarap sa dalaga habang hindi alam kung matatawa ba o maiinis sa ginagawa nito. Nag-alala kaaagad kasi siya sa biglang pagkawala ni Rose sa paningin niya. Pero kaagad ding nawala ang inis nang humawak ang dalaga sa mga braso niya. “Ang kulit mo talaga! Para kang bata,” natatawang saway niya.

“Joke lang. Hindi ka na mabiro. Teka, bakit nakadamit ka pa? Alisin na natin ito.”

Napalunok muli ng laway si Adolph bago tila nahipnotismo at hindi na tumanggi pa nang itaas ni Rose ang t-shirt na suot niya. At nang mahubad ang damit ay kaagad niyang inihagis na kung umabot man sa may pampang o tinangay ng mga na alon ay wala na siyang pakialam pa. Hindi niya rin alam kung alak pa ba ang dahilan ng pag-init ng pakiramdam niya sa kabila ng malamig na tubig na humahalik sa balat niya, o dahil na iyon sa magandang babaeng halos hubad na sa kanyang harapan. Dumoble ang kabang nararamdaman niya nang lumapat ang mga palad ni Rose sa malapad niyang dibdib kasunod ang pagtititigan ng kanilang mga mata. Nakakapaso ang balat ni Rose na kakaiba talaga ang kuryenteng hatid sa katawan niya. Hinawakan niya na ang baywang nito upang mas magdikit pa ang kanilang mga katawan. Gising na gising na ang kanyang alaga at sigurado siyang ramdam iyon ni Rose. Ramdam nito ang kanyang katigasan at kaumbukan. Ngumiti si Rose na dahilan upang ilang ulit pa siyang mapalunok ng laway. Nagsisimula nang mamula ang pisngi nito dahil na rin sa lamig ng tubig habang ang pagkakangiti ng namumutlang mga labi ay tila inaakit siyang halikan ang mga iyon. Pinigilanniya ang pangangatal ng mga labi dahil sa kaba at lamig. Alam niyang anumang oras ay magkakasala na siya sa babaeng pakakasalan niya sa susunod na buwan.

“Adolph!”

Sabay na napapitlag sina Adolph at Rose na kaaagad na naghiwalay ang mga katawan dahil sa sigaw ng isang lalaki mula sa may pampang. Si Mang Mario.

Pasimpleng naiinis na bumuntong hininga si Adolph bago niyaya si Rose na umahon na sila mula sa hanggang baywang na bahagi ng tubig dagat. Pinulot ni Adolph ang t-shirt na umabot pala sa pampang, at kahit basang-basa pa ay isinuot na niya iyon bago lumapit sa tatay niya. Si Rose naman ay isinuot na rin ang dress na hinubad kanina pero nanatili sa kinatatayuan habang ang tingin ay na kay Mang Mario.

“Ano ‘yun ‘tay?” tanong ni Adolph nang makalapit sa tatay niya.

“Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba ay magkasama kayo ni Grace?” balik tanong ni Mang Mario.

“Pauwi na rin ho ako, nagkatuwaan lang kami ni Rose na magtampisaw saglit sa dagat.”

“Ang babaeng turista.” Nagtama ang mga tingin ni Mang Mario at Rose. Ngumiti si Rose. Nakakalokong mga ngiti na nagdulot ng kakaibang kaba sa matandang lalaki na kaagad ibinalik ang tingin sa kausap na binata. “Hindi ko gusto ang naririnig ko tungkol sa babaeng ‘yan. Kaya Adolph, layu-layuan mo na siya! Baka may iba na namang makakita ng mga kalaswaang ginagawa ninyo dito.”

“Pwede ba ‘tay, wala kaming ginaagawang masama ni Rose, h’wag nga kayong malisyoso!” naiinis na sagot pa ni Adolph na kumamot pa sa kulot na buhok.

“Tandaan mo Adolph, ikakasal ka na!” mahina pero matigas na sabi ni Mang Mario.

“Paano ko naman makakalimutan ‘yon ‘tay, eh halos araw-araw ninyong pinapaalala sa akin na pambayad utang ninyo ako sa mga winaldas ninyong pera ni nanay!” Lalong nakaramdam ng inis si Adolph at tinalikuran na ang kausap.

“Saan ka pupunta?!” tanong ni Mang Mario sa biglang pagtalikod ni Adolph.

“Mauna na kayong umuwi, ihahatid ko pa si Rose pauwi sa kanila mamaya.”

Napapailing na naiwan si Mang Mario sa kinatatayuan. Kilala niya si Adolph, sa tono ng pananalita nito ay hindi ito makikinig sa kanya ngayon. Saglit niya muling pinagmasdan si Rose na ngumiti pa bago tumalikod at naupo. May kung anong kaba talaga siyang nararamdaman sa bawat pagngiti nito. Parang nakita niya na ang ngiti na iyo sa kung saan. Inis at gulo ang isip na naglakad na siya pauwi sa bahay.

Muli namang naupo si Adolph sa tabi ni Rose. “Sorry sa tatay ko. Nag-uulyanin na yata kaya kung makasigaw ay parang bingi ‘yung mga tinatawag.”

Bahagya namang natawa si Rose. “Okay lang ‘yun. Uhmm... Adolph, pwedeng magtanong?”

“Siyempre naman, kahit ano pa ‘yan,” ani Adolph.

“ Gaano na nga pala kayo katagal ni Grace?”

Hindi napigilan ni Aolph ang pagguhit ng mapait na ngiti sa mga labi niya. Ayaw na sana niyang sagutin ang tanong nito pero wala na rin naman siya na ibang pagpipilian. “Isang taon halos. Pero matagal na kaming magkakilaala, sabay na rin kasi kami halos tumanda sa isla na ito.”

“Mahal mo ba siya?”

Saglit na nablangko ang isip ni Adolph sa muling naging tanong ni Rose. Sinimulan niyang kapain ang sariling nararamdaman. Isang taon na silang magkarelasyon ni Grace at isang buwan na lang halos ay ikakasal na sila. Pero kahit minsan ba ay nakaramdam siya ng kahit konting pagmamahal sa nobya niya? O sadyang wala lang siyang ibang pagpipilian kung hindi ang mahalin ito kahit parang hindi kaya ng puso niya?

“Adolph…”

Ang mainit na palad ni Rose sa may braso niya ang nagpanumbalik sa diwa niya sa kasulukuyan. Muling nabaling sa magandang mukha ni Rose ang mga tingin niya. Ang mukha nitong kahit kailan ay hinding-hindi niya pagsasawaang titigan.

“Hindi mo naman kailangan sagutin kung nahihirapan ka. I understand,” ani Rose bago tumayo. “Anyway, I think I have to go na, medyo lumalalim na ang gabi.”

Tumayo na rin si Adolph. “Ihahatid na kita.”

“Sure ka?” tanong ni Rose habang nakataas ang isang kilay.

Ngumiti si Adolph. “Oo, malalim na ang gabi kaya kailangan mo ng kasama pauwi kayna Nanay Harwina.”

Nagkibit balikat si Rose. “Okay, if you insist. Let’s go.”

Muling naramdaman ni Adolph ang kakaibang ng kuryente sa pagpulupot ng mga kamay ni Rose sa braso niya. Bahagya pang dumikit ang braso niya sa may gilid ng dibdib nito na muling nagpapainit sa katawan niya. Gusto niya sanang pag-usapan ulit nila ni Rose ang topic nila kanina tungkol sa lalaking nagugustuhan nito. Gusto niya sanang muli itong yayain sa tubig at sabay silang maglublob doon. Gusto niya sanang mayakap ulit ang dalaga. Gusto niyang muling iparamdam kay Rose kung gaano kalaki ang kanyang alaga na nagigising nito sa tuwing magdidikit ang kanilang mga katawan. Pero pinigilan niya ang sarili. Hindi niya kailangang magmadali. Dahil sigurado naman siya, matitikman niya rin ang magandang katawan ni Rose. Mapapasakanya rin ang magandang turista ng kanilang isla. “Tara, ihahatid na kita sa inyo...”