noveltoon logo noveltoon
Taming the Beast

Chapter 14

Ch. 15 / 43 May 09, 2025

Isang malaking ngisi ang ipinaskil ko sa aking mga labi pagkatuntong ko pa lang sa building ni Flix. Uunahin ko itong bwisitin bago ang kakambal nitong ipinaglihi sa sama ng loob.

“Ang ganda natin Ma’am Keith!” Nakangiting bati sa akin ng babaeng nakasalubong ko. Tipid na ngumiti ako bilang sagot. Hindi ko ito kilala, kaya hindi ko mapigilan ang magtaka.

Nang makarating sa opisina ni Flix ay kaagad na binuksan ko ang pinto. Wala naman itong kasama sa loob nang mapasukan ko kaya ayos lang hindi ako kumatok. Ang totoo nga’y nakatulala lamang ito. Parang napakalalim ng iniisip.

“Mukhang may gumugulo yata sa isipan mo.” Napapangisi kong puna sa katahimikan ni Flix.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito bago lumingin sa akin.

“May mga bagay ba akong nagawa na nakaligtaan ko? Naaksidente ba ako’t nagka-amnesia?”

Bigla akong napamaang. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o hindi sa tanong na iyon ni Flix.

“Anong nangyayari sa’yo? Ilang araw lang akong nawala, bakit parang nawala ka na rin yata sa sarili?” Natatawa kong tanong bago naupo sa harap ng lamesa nito.

Napansin ko ang pagsasalubong ng mga kilay ni Flix. Kasunod niyon ang pagtingin nito sa akin na para bang mahahanap nito sa mukha ko ang kasagutan.

“Kumusta ang trabaho mo kay Colt?”

Pinigilan kong masamid ng sariling laway nang marinig ko ang tanong ni Flix.

Kumusta na nga ba ang trabaho ko sa kakambal nito? “Ayon, mukhang malabo pa ring mapapunta ko siya sa opisina niya. Bakit hindi mo na lang kaya pabayaan ang kapatid mo? Surely his company won’t go down, kahit hindi siya personal na tumungo sa opisina. He can still work at home.”

“Alam kong makakasurvive ang kompaniya ni Colt kahit na nasa bahay lang siya. Pero malabong maging maayos pa ang tingin sa kaniya ng mga taong nasa ilalaim niya. Everyone’s waiting for the opportunity to kick him out of the company.”

Napapairap na tumayo na lamang ako. Wala na dapat akong pakialam kung anong mangyari kung hindi man bumalik sa trabaho si Colt.

“Saan ka pupunta?” Tanong sa akin ni Flix nang mapansin ang balak kong pag-alis.

“Pupuntahan si Colt…”

Napapatangong iwinasiwas na lamang ni Flix ang kamay. Kasunod niyon ang marahan nitong pagsapo sa mukha at pagsabunot sa buhok. Mukhang may problema nga ang loko.

Napapailing na lumabas na lamang ako ng opisina ni Flix. Kung may problema man ito’y wala na akong magagawa roon.

Kaagad kong tinungo ang kinapaparadahan ng aking kotse. Ilang beses akong napahawak sa aking buhok nang makasakay ako sa aking sasakyan.

Nakakainis na ewan, gusto ko pa naman magyabang kay Flix. Pero mukhang wala ito sa mood na makipaglokohan sa akin. Sa ibang araw na lang siguro.

Bago ko buhayin ang makina ng aking sasakya’y nabaling ang tingin ko sa nakaparadang kotse sa aking harapan. Pumasok roon ang isang lalaking pamilyar sa akin. Parehong-pareho ang suot nitong damit kanina at ngayon. Coincidence o hindi’y hindi ko alam. Wala akong oras pagtuonan ng pansin ang mga bagay-bagay na alam kong wala namang halaga.

Ilang sandali lamang ay tinatahak na ng sasakyan ko ang daan patungo sa bahay ni Colt.

Hindi ako mapakali, ewan ko kung bakit. Kung dahil ba sa unang beses na makikita ni Colt ang bago kong hitsura? Pwede ring dahil sa halos isang linggong pagkawala ko’y ngayon niya na lang ulit ako makikita. O baka dahil sa sasakyang kanina ko pa napapansing nakabuntot sa aking likuran?

It was a black Corolla. Kung hindi ako nagkakamali’y ito rin ang sasakyang nasa harap ng kotse ko sa parking lot ng building ni Flix.

I don’t know if I’m just being paranoid or something. Pero hindi ko maiwasang pangunutan ng noo sa isiping may posibilidad na sinusundan ako nito.

Isang sasakyang pula ang nakapagitan sa amin kaya medyo nakakaramdam pa ako ng kapanatagan. Pero hindi ibig sabihin na natatakot ako sa ginagawa nito.

I’m always ready.

Nagtataka lamang ako kung anong kailangan nito sa akin.

Nang mapansin ko ang papatapos na bilang ng stop light ay kaagad kong inapakan nang mariin ang accelerator ng aking kotse. Dahilan para makahabol ako bago maging berde ang kulay niyon.

I let out a sigh of relief. Napapangising pinasibad ko na ang sasakyan palayo sa kotseng naipit sa traffic.

Minutes later, nakarating ako sa bahay ni Colt ng wala nang nakabuntot sa akin. Inihimpil ko ang sasakyan sa mismong tapat ng gate ng bahay. Bago bumaba ay saglit kong sinipat ang sarili. Inayos ko nang kaunti ang aking buhok. Mabilis na nag-spray din ako ng pabango.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalagay ng pulang lipstick nang bigla akong napatigil. Nanlalaki ang mga matang ibinalik ko sa pouch ang lipstick pagkatapos ay marahang tinampal ang sarili.

Bakit kailangan kong magpaganda? Wala namang pakialam ang Colt na iyon sa akin. Kaya useless lang ang effort ko.

Marahas akong napahinga bago bumaba mula sa aking sasakyan. Hinayaan kong dalhin ng hangin ang maiksi kong buhok.

God, I’m loving my hair.

Hindi na ako nag-abala pang magdoorbell. Bukas ang gate, mukhang nakalimutan ng kumag na isara. Pero salamat na rin, makakapasok ako nang hindi aakyatin ang mataas na gate ni Colt.

“Ikaw na naman…”

Hindi pa man ako nakakapasok ay narinig ko na kaagad ang boses ni Colt sa aking likuran. Mataman siyang nakatitig sa akin na para bang isa akong paslit na nahuling nagnanakaw ng kendi sa tindahan.

“I just want to visit Zain.” Sabi kong idinahilan na lamang ang aso niya.

“Hindi mo gusto si Zain, diba?” Taas ang kilay na sabi ni Colt bago ako pinaunang pumasok sa gate.

Saan naman kaya galing ang kumag na ito?

“I can hear you, Kitty.”

“Kitty?”

“Why are you here?” Muling tanong ni Colt habang nakataas ang isang kilay.

Nakakabwisit talaga ang isang tao kapag tinanong mo’y ililiko ang usapan dahil ayaw sumagot. Sarap bangasan ni Colt.

“Binibisita ko nga si Zain.”

“Hindi mo naman gusto si Zain, hindi ba? Palagi kang nagrereklamo na naiinis ka sa alaga ko.” Seryosong sagot ni Colt habang pinagbubuksan ako ng pinto.

What a gentleman. Hindi ko alam na pati pala mga halimaw may itinatagong kabutihan sa puso.

“Alam mo Colt, diretsuhin mo na lang ako. Alam ko naman ang gustong mong marinig mula sa akin.” Pagtataray ko sabay pabagsak na naupo sa sofa. Naging dahilan para maagaw ko ang pansin ng nananahimik na si Zain sa gilid.

Mabilis na tumakbo ang aso ni Colt palapit sa akin. Hindi naman sa ayaw ko sa aso, pero bigla na naman akong nakaramdam ng kaunting inis nang dambahan ako nito. Hindi pa nakuntento’y dinilaan pa ang mukha ko.

“Damn it! This is why I hate dogs.”

“She likes kisses…” komento ni Colt habang titig na titig sa amin ng aso niya. “Now tell me you came here to visit Zain.”

Wala akong nagawa kundi ang mapairap. Marahan akong tumayo’t naglakad palapit sa banyong nasa kusina. Wala akong choice kundi ang maghilamos. Sayang ang make up ko!

Nakakainis pa si Colt dahil parang wala man lang napapansin na kakaiba sa akin. Like duh, halos lahat yata nabago sa hitsura ko.

Napapabuntong-hiningang tiningnan ko ang sarili sa salaming nasa banyo. Nawala na nga nang tuluyan ang aking make up. Sana pala ‘yung waterproof ang ginamit ko. Letse!

“Girl’s without make up are still the prettiest…”

“Oh really? Thank—”

“Pero hindi ka kasama roon.”

“Fuck you, beast!” Inis kong sikmat bago hinablot ang towel na nasa gilid. “Wala ka talagang kwenta, dapat talaga sa iyo ikinukulong sa isang kuwarto para hindi na maghasik ng kasamaan.”

“Nagbibiro lang naman ako, masyado kang hot.”

Natigil ako sa pagpupunas ng aking mukha nang marinig ang sinabi ni Colt. Mabilis akong umirap para pagtakpan ang ngiting muntik nang sumilay sa aking mga labi.

Maarteng naglakad ako pabalik sa sofa. Pero hindi pa man ako nakakaupo’y muli kong sinulyapan si Colt; na dapat hindi ko ginawa. Dahil nalingunan ko siyang titig na titig sa nakahantad kong hita.

Walanghiya talaga ang damuho’t itinaas pa ang tingin sa nakalantad ko ring baywang. Tumaas pa ang mga mata ni Colt sa aking dibdib hanggang sa maghinang ang aming mga mata.

He clenched his jaw. Kasunod niyon ang pagtiim ng tingin niya sa akin at pagpapakawala nang marahas na paghinga.

“Damn it…” he mouthed.

Bigla akong napalunok, kailangan ko na yatang umuwi. Baka di ako makawala sa teritoryo ng halimaw.