noveltoon logo noveltoon
Taming the Beast

Chapter 15

Ch. 16 / 43 May 09, 2025

“Where the hell do you think you’re going, Kitty?”

Natigil ako sa akmang paglakad palapit sa pinto nang marinig ko ang malagong na boses ni Colt.

Marahan ko siyang nilingon bago ngumiti. “I…I have a lot of things to do, kailangan ko nang umuwi.”

“Uh huh…” nakataas ang kilay at nakangising sabi ni Colt.

Isang ngisi rin ang pinakawalan ko. “Ayaw mo ba akong umalis kaagad?” Sabi kong marahang naglalakad palapit sa kaniya.

Napansin kong nawala ang ngising naglalaro sa mga labi ni Colt. Tumiim ang mga bagang niya kasabay ng pagsasalubong ng mga kilay.

Talagang hindi mabiro ang lalaking ito. Parang akala mo’y palagi akong may binabalak na masama sa tuwing titingnan ako nito. Bulong ko sa aking isipan.

Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Colt bago naupo sa sofa. Gustuhin ko mang umalis na’y nasisiyahan pa akong tuksuhin si Colt. Natutuwa ako sa tuwing kukunot na ang kaniyang noo at titiim ang mga bagang. Aware kaya si Colt na mas lalo siyang gumuguwapo kapag ginagawa niya iyon?

Well, babae rin naman ako. Hindi ko ikakailang naguguwapuhan ako kay Colt. Pero hindi naman ibig sabihin niyo’y gusto ko na siya. Oh, pwede rin pala, gusto ko siya; gusto ko siyang bangasan!

Ang dami na nilang nalalaman sa pagkatao ko. Silang dalawa ng kakambal niyang si Flix! Kulang na lamang ay sabihin rin nila sa akin kung anong kulay ng panty na suot ko ngayon. Nakakaimbyerna, letse!

“Talaga bang ganiyan ka?” seryosong tanong sa akin ni Colt.

Awtomatikong tumaas ang aking kilay. Wala sa sariling napaupo ako sa pang-isahang upuan na nasa harap niya.

“What do you mean?”

Ewan ko ba, pero pakiramdam ko’y kailangan kong sumagot nang matino sa mga sasabihin o itatanong ni Colt.

“Talaga bang gusto mo ang trabahong mayroon ka ngayon?”

Saglit akong natigilan. Matapang na sinalubong ko ang malamig na titig ni Colt. “Gusto ko man o hindi, wala ka nang pakialam doon.”

“Nagtatanong lang ako—”

“I grew up with a knife and a gun in my hands. Pumapatay ako para sa mga taong naghahanap ng katarungan.” Mariin kong putol sa pagsasalita niya.

Hindi ko maiwasang mainis sa naging tanong ni Colt. What does he want? Hinuhuli niya ba ako para kung sakaling may masabi man akong mali o hindi pasok sa gusto niyang maging sagot ko’y dadalhin niya ako sa piitan?

“Then, what should I call you, a killer or a murderer?”

Bigla’y parang nalulon ko ang aking dila. Para akong binuhusan ng isang timbang yelo na tinunaw sa sobrang lamig ng boses ni Colt. Sa unang pagkakatao’y nakaramdam ako ng kaba habang magkahugpong ang aming mga paningin.

“I have to go…” marahan kong sabi habang nakakuyom ang mga kamao. Pinipilit kong huwag sumabog sa galit dahil hindi ko alam kung anong klaseng tao si Colt. Oo’t palagi siyang nakasimangot o di kaya’y palaging seryoso ang ekspresiyon. Minsan ko na siyang nakitang ngumisi at umirap. Pero hindi naman ibig sabihin niyo’y kilala ko na siyang talaga.

Unfair para sa akin na halos wala talaga akong alam sa kung anong pagkatao ni Colt. Hindi ko alam kung anong nakatago sa likod ng nakakatunaw niyang titig. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak niya habang kaharap niya ako ngayon.

Bago ako tuluyang tumayo’y hindi nakalagpas sa akin ang saglit na pagpikit nang mariin ni Colt. Naulinigan ko rin ang marahas niyang pagmumura.

“I’m sorry, hindi ko sinasadyang galitin ka.”

“Hindi ako galit…” malamig kong sabi sabay lakad palapit sa pinto. Pero bago ko pa man mahawakan ang seradura’y mahigpit nang nahawakan ni Colt ang aking braso.

“I know you’re mad.”

“I am not.” Mariin kong sagot.

“You are…” pamimilit ni Colt habang hinihila ako pabalik sa sofa.

“Ano ba?!” I snapped.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago ako hinawakan sa magkabilang balikat.

“Can you stay here for a while.”

“Why?”

Nakita ko ang saglit na pag-iwas niya ng tingin. “I don’t know…”

I rolled my eyes. Hindi ko maintindihan si Colt. Noong mga nakaraang pagpunta ko rito’y halos kaladkarin niya na ako para lang umalis ako rito sa bahay niya. Tapos ngayon hihilingin niya sa aking mag-stay ako sandali para sa wala?!

“You’re—”

“Please, stay here with—”

“Why?!” Bastusan pala ito. Hindi niya ako pinatapos edi sasabat din ako.

“Bakit ba ang dami mong tanong?” Kunot ang noong sabi ni Colt. Mabilis ko siyang inirapan.

Ano bang gusto niya? Baka pagtitripan niya lang ako. Mauubos na naman ang oras ko sa mga walang kwentang bagay.

“Malamang!” Sabi kong pinanlalakihan siya ng mga mata. “Baka mamaya niyan aalis ka pala at iiwan mo sa akin si Zain. I swear to God, kakalbuhin kita kapag pinagdampot mo ako ng dumi ng alaga mo!”

“Why would I do that to you? Alam ko namang maarte ka.”

“What the hell?! Bakit nga?!”

“Oh dammit, I just want you here!”

Hindi ko maapuhap ang kung anong sasabihin ko pabalik kay Colt. I was shocked. I wanted to asked why, but I remained silent. Isa pa’y parang babatukan na ako ni Colt kung sakaling magtanong na naman ako.

Pilit kong sinupil ang ngiting muntik nang kumawala sa aking mga labi. Hindi magiging maganda ang dating ng reaksiyon ko kay Colt. Baka isipin niya’y nagustuhan ko ang sinabi niya.

Pero hindi naman ako papatalo. Kahit na tila may mga paru-parong nagliliparan sa aking tiya’y kailangan kong bumawi.

I smiled seductively. “You want me here? Baka naman gusto mo lang akong masolo?”

“Ganoon na nga.”

Taliwas sa inaasahan ko ang naging tugon ni Colt. Akala ko’y kukunot na naman ang kaniyang noo’t magsasalubong ang mga kilay. But he just smirked.

I’m confused.

“Pakulo na naman ba ito ng bakulaw mong kapatid?”

“Well…”

Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nadismaya. Ewan, naiinis ako.

“Anong gusto mong gawin?”

“Let’s pretend that we like each other.”

“No thanks…”

“I’ll pay you—”

“I have money.”

“What do you want? I’ll give anything you want.”

Saglit akong napaisip. Sigurado naman kaya siyang ibibigay niya sa akin ang kung anong gustuhin ko?

Isang ngisi ang pinakawalan ko. “Anything?”

“Yes, Kitty, anything you want.”

“Alright, magpapanggap lang ba tayo?” Nakangisi kong tanong sabay balik sa sofa. Ipinagkrus ko pa ang aking mga hita habang naghihintay sa sagot ni Colt.

“Iyon nga, so anong gusto mong kapalit?”

Kunwa’y saglit akong nag-isip bago sumandal sa sofa. “Pwede bang saka ko na lang sabihin sa’yo kung anong gusto kong kapalit?”

“Bakit?” Muli’y salubong ang kilay na tanong ni Colt.

“Wala pa kasi akong maisip sa ngayon.”

“Hindi mo hihilingin na bumalik ako sa opisina?”

Isang halakhak ang kumawala sa aking bibig. Gusto kong hilingin iyon, pero sayang naman. Magagawa ko pa rin naman ang trabaho ko kay Flix. Masasayang lang kung iyon ang hihilingin ko kay Colt. Saka na kapag may naisip na akong maganda.

“May tiwala ako sa kakayahan ko, maibabalik kita sa opisina mo. Malay mo isang araw, magising ka na lang na nag-aasikaso ng sarili para pumasok sa opisina.”

Napapangising tinitigan ako ni Colt. Hindi ako nagpatalo, sinalubong ko ang titig niya kahit na ba parang may kung anong bumundol sa dibdib ko.

“Kung ganoon, wala nang atrasan?”

“Wala na…” mabilis kong sagot.

“Good, starting tomorrow, you’ll help me forget everything about Zairene.”

“Wait, what?!” Malakas kong sabi. Ang buong akala ko’y magpapanggap lang kami sa harap ni Flix?!

“You’ll help move on.”

“Gago ka ba?! Gagawin mo pa akong panakip-butas?!” Inis kong sabi na nginisihan lang ni Colt.

Ang sarap talagang sapakin ng gagong ito! Sigaw ko sa isipan.

“You already agreed on my—”

“Isa kang malaking scam!” sigaw ko sabay bato ng unan sa kaniyang mukha. Pero ang kumag nagawa pang humalakhak sa ginawa ko. “Tangina ka, pinagtitripan mo ako e!”

“I’m sorry…”

“Nakakabwisit talaga kayong mga Vierco! Kambal nga kayo ni Flix!” Inis kong sabi sabay tayo. This time, natuloy na ang pagbukas ko ng pinto.

“Hey, don’t forget to come here tomorrow night, I’ll cook dinner for our first night, Kitty.” Malakas at natatawang pahabol ni Colt bago ako tuluyang nakalabas ng bahay niya.

“Kitty!”

Wala pang dalawang minutong naglalakad ako palapit sa gate nang muli kong marinig ang pagtawag sa akin ni Colt.

Inis na nilingon ko siya. Nakasandal siya sa hamba ng pinto habang magkasalikop ang mga braso.

“What?!”

“I like your new look.”

Bigla kong naramdaman ang pag-iinit ng aking mga pisngi kaya mabilis na tinungo ko ang aking kotse.

Nakakainis! Hindi naman ako ganito dati! Hindi na ako teenager for Pete’s sake!

Pero pupunta ba ako bukas ng gabi o hindi? Oh fucked, what the hell am I thinking?!