“Violet…” mula sa earpiece na suot ko’y narinig ko ang tinig ni Black. We’re on a mission right now. Pero hindi pa naman sa puntong papatayin ko na si Ace. I don’t really care kung kailan nila ako pakikilusin. Isa pa’y wala namang kaso sa akin kung magtagal man ang mission na ito. I just want to see Ace and make him pay for killing Serena.
Kuyom ang kamaong naglakad ako papasok ng club. As expected maingay, malakas ang tugtog at maraming tao. And fuck everyone’s making out!
“…stay calm, he’s in the VIP room.” Dugtong ni Black bago huminga nang malalim. “Be careful or I’ll shoot you dead.”
Saglit akong napangisi. “What’s the difference? Kabaong rin ang tuloy ko.” Pang-aasar ko kay Black.
Narinig ko ang mahinang tawanan ni Grey at Red. Mukhang inaasar na ng mga ito si Black.
Kung narito kaya si Serena? Ganito pa ba kaya ang gagawin namin sa mga oras na ito? Magkakamisyon ba kayang ako ang unang kikilos?
Maybe not? Of course kung narito pa siya at humihinga malamang na hindi ako mag-aaksaya ng oras na akitin ang Ace na iyon! Kung narito sana si Serena malamang na malaya ako sa mga problemang tinatakasan ko. Though I’m not saying that I can’t deal with it. Ang ibig kong sabihin ay mapapadali sana ang mga bagay-bagay. Hindi sana ako maliligaw sa buhay ni Colt at Flix. Hindi sana ako masasangkot sa walang kwentang bet na iyon.
Ugh! It’s annoying me! I want to punch someone’s face!
Dahil sa inis ay pinilit kong huminga nang malalim bago inilibot ang tingin sa loob ng club. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa second floor ang mga VIP rooms.
Muli akong nagpakawala ng malalim na paghinga bago inipon ang buhok ko sa isang side. Hinayaan kong nakalantad ang maputi kong leeg at balikat. I’m wearing a fitted crop top and a high waisted jeans. I’m also wearing a black boots. Naglagay rin ako ng pulang lipstick at malaking hikaw.
Isang maliit na earpiece ang nasa tenga ko habang nasa suot ko namang bracelet ang device na gamit ko para kausapin si Black at ang iba pa.
Hindi nakaligtas sa akin ang may pagnanasang titig ng ilang kalalakihan nang maglakad ako palapit sa hagdan. Marami-rami rin ang tao sa taas.
I tried to stay casual dahil baka may makahalatang narito ako at may binabalak na masama. Oh, hindi pala masama sa mata nila ang gagawin kong pang-aakit kay Ace. It’s normal nowadays.
Isang hallway ang tinahak ko bago itinaas ang kamay para kunwaring hahawiin ang buhok. “What room?” mahina kong tanong habang iginagala ang tingin. Wala namang tao sa hallway pero gusto ko lang makasigurado.
“The door at the end of the hallway.”
Nang makuha ang sagot ni Damon ay kaagad na akong lumapit sa nakasaradong pinto. Pero akmang pipihitin ko pa lang ang seradura nang may biglang humawak sa palapulsuhan ko.
“What are you doing Miss?”
“I…uh, I was looking for my boyfriend’s room.” Pagdadahilan ko nang mapansing malaking tao ang lalaking kaharap.
“Violet, what’s happening? Are you okay?” Nag-aalalang tanong ni Black.
“Boyfriend huh? Baka naman isa ka sa mga babaeng gustong makuha ang atensiyon ng boss namib?” Nakangising tanong ng lalaki bago ako hinagod ng tingin.
This asshole! If I could only smack your face ginawa ko na. Pero hindi naman ako tanga lalo na nang makitang may dalawa pang dumating na lalaki.
“Dude, this one’s pretty. Mukhang masarap din, look at the body.” Sabi ng isa.
Malakas na hinila ko ang aking kamay bago malamig silang tinitigan. Damn! Kailangan kong kumalma dahil kung hindi’y baka mapasabog ko nang wala sa oras ang mga bungo ng tatlong pangit na ito.
“Violet, come back here. Ayaw kong maulit ang dati!” Malakas na sabi ni Black. Right, dahil sa nagawa ni Serena noon kaya siya wala ngayon. Kahit sino naman sa amin ay ayaw nang maulit pa iyon. But these guys here, fuck! They’re pissing me off!
“Damn it Violet, makinig ka kay Black. Bumalik ka na dito.” Narinig ko namang sabi ni Red.
Marahil ay narinig nila ang sinabi ng isa sa mga lalaking nasa harap ko.
“Pupuntahan ko na lang siya.” Singit ni Grey.
Ilang sandali lang ay napapabuntong-hiningang naglakad na lang ako para umalis. Siguro nga hindi ngayon ang time para akitin ko si Ace.
“Hey, wait, where do you think you’re going?”
Muli kong itinaas ang kamay. “Black, can you hack the CCTV cameras for me?”
“Oh no! What the hell are you thinking?!” Galit na sigaw ni Black. Malamang na papagalitan niya ako kung sakaling makabalik ako ng buhay sa van niya.
“Just do it.”
“Violet.” Malamig na sabi ni Black.
“I promise I’ll be careful.” Pagpipilit ko.
“Hoy, sinong kausap mo? Sino ka ba?” Malakas na tanong sa akin ng lalaki. Nakatalikod ako sa kanila kaya hindi ko alam kung sino ang nagsalita.
“Do it Black, I’m already here.” Narinig kong sabi naman ni Grey.
Isang buntong-hininga ang ginawa ni Damon bago sinunod ang utos ko. Mariin akong pumikit bago huminga nang malalim.
“Miss, tinatanong kita! Spy ka ba? Sino—.”
Hindi na nito naituloy ang sinasabi nang bigla ko siyang sinipa sa sikmura. Akmang susugod sa akin ang dalawa pa nang mabilis na inilabas ko ang patalim na nakasuksok sa boots na suot ko.
Malaking ngumisi ang isa sa mga lalaking nasa harap ko. Bago mabilis akong dinaluhong. I dodged from his punches. Mabilis ang kilos na siniko ko ang kaniyang panga na siyang dahilan ng kaniyang pagkabagsak.
The other two guys were about to attack me nang mariin kong inilagay ang patalim sa leeg ng lalaking napabagsak ko. I tightened my grip on his hair while slowly piercing my knife on his neck.
“Miss, you don’t know who are you messing with.” Matalim ang tinging sabi ng isang lalaki na siyang ikinangisi ko.
“Sorry, but you were the one who messed with the wrong person.” I smirked and continued what I’m doing. Nakita ko kung paanong nanginig ang lalaking hawak ko nang tuluyan kong mahiwa ang kaniyang leeg. Masaganang umagos ang malapot nitong dugo sa sahig.
Hindi na ako nagulat nang tutukan ako ng baril ng isa sa dalawang lalaking natira. I just smirked while wiping the blood out of my precious knife.
“Go on, shoot me.” Nakangisi ko pa ring sabi. “Shoot me now or I’ll slit your throat like what I did with this bastard.” Sabi ko bago sinipa ang walang buhay na lalaki.
“Who are you?”
“Who am I?” balik tanong ko sa kanila.
“Bitch!” Malakas na sabi ng isa bago kinasa ang baril. Pero bago pa man nito mapaputok iyon ay kaagad na itong bumulagta sa sahig. Kasunod ng isa pa.
“You said you’re already here? Bakit ngayon ka lang dumating?” Taas ang kilay na tanong ko.
Marahang ngumisi si Grey. “Colt’s downstairs, I saw him looking this way. Malamang na nakita ka niya kanina.”
“What?”
“Kung ayaw mong makita ka niya dito, umalis ka na. Ako na ang bahalang umayos sa mga ito.” Sabi pa ni Grey habang napapangiwing nakatingin sa lalaking ginilitan ko. “What is this Violet?”
“He pissed me off.” Walang gana kong sabi habang ibinabalik ang patalim sa kinalalagyan nito kanina. “How can you take care of them? Baka nasa kuwarto pa si Ace, makikita ka niya kapag lumabas siya.”
“Just get your ass out of here, and meet your boyfriend downstairs.”
“Whatever, you dickhead!” Inis kong sabi bago tumalikod para umalis.
Marahas akong nagpakawala ng hininga bago tumungo sa wash room na nasa second floor. Saglit lang akong naghugas ng kamay bago lumabas.
Pababa pa lang ako ng hagdan nang mahagip na kaagad ng mga mata ko si Colt na nasa counter. He’s drinking his…milk? Seryoso ba siya?
Akmang lalagpasan ko na siya nang bigla niyang hilahin ang kamay ko. Marahas na pinaupo niya ako sa bakanteng upuan sa kaniyang tabi. “What are you doing? And what are you wearing?!”
Napapaawang ang bibig na tiningnan ko siya. “Excuse me? Hindi naman ako nainform na kailangan ko palang magreport sayo.” Nakangisi kong sabi bago sinulyapan ang gatas na nasa baso niya.
Napapataas ang kilay ko nang marahan niyang kunin ang baso. Hindi ako nakaimik nang ilagay niya iyon sa aking harapan. “Drink that and I’ll take you home.”
“You’re impossible! Anong akala mo sa akin teenager? Hello, I’m already twenty-four. I’m allowed to drink whatever I want. And besides, why do you care?” Pagtataray ko pa pero nilagok ko naman ang gatas. Bitch, it’s my favorite so who cares?! Isa pa, tama naman ang timing ni Colt. I always drink milk after killing rats. Pampakalma at pampawala na rin ng inis.
“Let’s go.”
Hindi ako makapaniwala nang hilahin ako ni Colt palabas ng club. Hindi na ako nagtanong nang pagalit na ipinasok niya ako sa loob ng kaniyang kotse.
“Hey Violet, care to explain what’s happening?” Narinig ko ang panunukso sa boses ni Red kaya pasimpleng tinanggal ko ang earpiece. Damn it!
Pasalamat ang Colt na ito’t nakainom na ako ng gatas. Kung hindi’y baka natulad na siya sa lalaking pinatay ko kanina.