noveltoon logo noveltoon
Taming the Beast

Chapter 4

Ch. 5 / 43 May 09, 2025

"GOD!!! I hate him!" Inis kong sabi nang makapasok ako sa loob ng condo ko.

Isang malakas na sigaw ang aking pinakawalan bago pabagsak na nahiga sa kama. Pakiramdam ko'y napakahaba ng araw na ito. Pinagsisisihan kong nakilala ko ang kambal na Vierco! Pinagsisisihan kong pumayag ako sa gusto ni Flix!

Dang! I nearly killed the great beast! Kung hindi lang dahil sa mga taong pinagtataguan ko'y nasakal ko na nang wala sa oras ang Colt na iyon!

Natigil ako sa ginagawang pagsabunot sa sarili nang marinig ang pagtunog ng aking cellphone; the cellphone that I've been using whenever we're on a mission. Damn, I wanna get over it. Gusto ko nang makalimutan ang lahat!

"Hello?" Sagot ko sa tawag bago lumunok nang ilang beses.

"Violet!" Malakas na sabi mula sa kabilang linya. His voice sounds the same. Nothing changed.

"I told you not to call kung hindi rin naman importante." Medyo inis kong sabi pero ang totoo'y nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang boses niya.

"It's her death anniversary. Hihintayin ka namin sa puntod niya." Sa sinabing iyon ni Damon ay bigla akong natigilan. Muntik ko nang makalimutang death anniversary ngayon ng matalik kong kaibigan.

"I'm sorry..." mahina kong sabi bago tumayo mula sa pagkakahiga. "...magpapalit lang ako ng damit."

Nang matapos ang tawag ay mabilis kong hinugot sa aking closet ang isang itim na bestida.

Isang taon na ang nakakalipas simula nang mamatay si Serena. My best friend, the best of the best. Hindi ko aakalaing ganoon lang kadaling napatay siya. Iba ang pagkakakilala ko sa kaniya. Kapag may taong gusto siyang patayi'y uunahan niya ito. Pero bakit hindi niya naiwasan ang kamatayan?

She was the best hired killer. Maliban kay Damon ay isa siya sa kinatatakutan sa aming grupo. She can easily eliminate those who tries to get on her way.

Mapaglaro nga naman ang tadhana.

Nang matapos ako sa pagbibihis ay kaagad akong lumabas ng aking condo. Tahimik na sumakay ako ng elevator hanggang sa ground floor, kung saan naroon ang aking kotse.

Wala na akong inaksayang oras. Mabilis kong pinasibad ang sasakyan papunta sa sementeryong kinalilibingan ni Serena.

Wala pang isang oras ay nagpapark na ako ng aking sasakyan sa gilid. Kaagad akong lumabas ng kotse bitbit ang isang bungkos ng bulaklak. Akma akong papasok sa loob ng sementeryo nang mapansin ko ang paghinto ng isang itim na kotse sa kabilang side ng kalsada. Halos manlaki ang mga mata ko nang makilala kung sino ang taong may dala niyon.

Mabilis akong pumasok sa loob ng sementeryo at hinanap ang mga kaibigan.

"Hey, bakit parang may tinatakbuhan ka?" Puna ni Jared sa akin. Patakbo kasi akong lumapit sa kanila habang palingon-lingon sa likod.

"May nakita kasi akong multo." Pagdadahilan ko.

"Sino? Si Lorenzo ba? Bakit hindi mo na lang patahimikin ang isang iyon? Nang hindi ka na nagtatago ngayon." Suhestiyon sa akin ni Damon.

Awtomatikong napaikot ang aking mga mata. "Mas lalong ididiin nila ako."

"So, siya nga ang nakita mo?" Salubong ang kilay na tanong ni Greyson.

"Hindi, tsonggo ang nakita ko." Inis kong sagot bago lumapit sa puntod ni Serena.

Maingat kong ipinatong ang bulaklak na dala ko. Bago hinaplos ang pangalan niyang nakaukit sa isang lapida.

"Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala." Maya-maya'y sabi ni Jared. Napatango na lang ako bilang sagot bago tumingin kay Damon.

Sa aming apat na narito mas alam naming nasaktan si Damon. Hindi lingid sa amin ang pagtinging meron siya para kay Serena.

"Mapaglaro ang tadhana. Wala tayong ibang magagawa kundi tanggapin iyon." Maya-maya'y sambit niya bago inilipat ang tingin sa taong nakakuha ng kaniyang atensiyon.

Dahil sa tinupak ako ng kyuryusidad, sinundan ko ng tingin ang kung anong tinitingnan ni Damon. And I regretted it immediately.

He's standing meters away from where we are. His eyes filled with longing. Malamang na nangungulila ito sa yumaong asawa.

"Hey, that's Colt Vierco, known for having the best security company in Asia." Pag-agaw ni Jared sa atensiyon ko.

"And so?" Pinilit kong magtaray kahit na kulang na lang ay lumubog ako sa kinatatayuan ko nang mapansin ang paglingon ni Colt sa amin.

"Anong 'and so'? He's one of the best. Iyon nga lang, bato siya pagdating sa pamimilit ni Boss sa deal na gustong mangyari ni Boss." Kunot ang noong tiningnan ko si Jared. Napakadaldal nito. Kahit yata anong bagay ay may alam ito roon.

"I don't give a damn." Seryoso kong sabi bago naglakad palayo.

"Ohh, our Violet's acting weird. May hindi ka ba sinasabi sa amin?" Pangangatiyaw sa akin ni Grey. Hindi na ako magtataka kung bakit inis na inis si Serena sa lalaking ito.

"Pissed off, Grey."

"We're not on a mission." Natatawang sabi ni Jared. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa pagiging mababaw mag-isip ni Jared minsan.

"His name's Greyson, idiot." Malamig namang sabi ni Damon bago ako sinabayan sa paglalakad.

Tahimik na nilisan namin ang sementeryo. Mabuti nang makaalis na kami kaagad. I don't want to see him looking at me like I was stalking him. Duh! Sino siya para sundan-sundan ko?

"Keith..." Pagtawag sa akin ni Damon bago ako makasakay sa kotse ko. "You need to report in my office tomorrow. Masyado nang matagal ang pagtatago mo."

"Damon, alam mo kung anong kinasangkutan ko. You know Lorenzo, kahit na malakas ang libog nu'n sa katawan matino pa rin ang pag-iisip niyon at mataas ang pride. Kaya oras na makita niya ako, baka hindi lang ako makulong."

"We're here. Kaya kang tulungan ng grupo. At alam iyon ng kuya mo." Salubong ang kilay na sabi niya sa akin.

Napahawak na lang ako sa aking sentido. "Pero mas naniwala pa rin siya kay Lorenzo."

"Then I will kill that bastard for you. Basta bumalik ka na sa opisina at sa grupo. Wala na nga si Serena mawawala ka pa." May lungkot sa mga matang sabi ni Damon na ikinabuntong-hininga ko.

"May trabaho na ako, Damon."

"Hindi matatawag na trabaho ang pagguguhit ng kung anu-anong comics. Hindi sapat ang nakukuha mo roon. Come back, Keith. We'll help you."

"Nagtatrabaho ako kay Flix." Seryoso kong sabi na ikinasalubong ng mga kilay ni Damon.

"Flix who?"

"Flix Vierco."

"Colt's twin brother? Are you out of your mind?! Bakit pumasok ka sa buhay nila?"

Pilit kong hinawakan sa magkabilang balikat si Damon. Naiintindihan ko kung bakit ganiyan ang pag-aalala niya para sa akin. Siya ang kuya sa grupo. Samantalang ako ay ang bunso. Kaya hindi ko siya masisisi kung mag-alala man siya para sa akin.

"Ayos lang ako, pansamantala lang naman. Magagawa ko rin kaagad ang pinapagawa ni Flix. At kapag natapos na iyo'y babalik na ako sa inyo." Paliwanag kong ikinahinga niya ng maluwag.

Akma na akong papasok sa kotse nang muling magtanong si Damon. "Anong pinapagawa niya sa iyo?"

Damn.

Kung maaari'y ayaw ko sanang sabihin sa kanila lalo na kay Damon.

But I have no choice. Marami siyang paraan para malaman kung anong trabahong pinasok ko.

"I need to bring Colt to his office."

"Damn it, Keith! Alam mong mainit sa mga mata nila ang mga tulad natin."

"Hindi ako makatanggi! Kilala ako ni Flix, kilala niya si Kuya pati na rin si Lorenzo! He blackmailed me, kaya mapipilitan akong pakiusapan ang halimaw na Colt na iyon na lumabas sa kulungan niya." Mahaba kong sabi. Kaagad akong huminga ng malalim bago nagpatuloy. "Natatakot akong baka mas malalim pa ang kaalaman niya patungkol sa akin. Ayaw kong idamay kayo. Ayaw kong isang araw magigising akong unti-unting nabubuwag ang grupo dahil sa akin. Tama nang si Serena ang nawala. Hindi na ako papayag na may sumunod!"

Mabilis akong niyakap ni Damon. Naagaw na rin namin ang atensiyon ni Jared at Grey. Pati na rin ang lalaking kalalabas lang ng sementeryo. "Hey, sweetie, don't cry. Hindi mangyayari ang iniisip mo."

"Tinanggap ko ang trabaho dahil ayaw kong mabawasan na naman tayo." Umiiyak kong sabi.

"Hush now, sweetheart." Pagpapatahan sa akin ni Damon bago inutusan si Grey na ibigay sa akin ang hawak nitong tubig. "Nandito kami, tutulungan ka naming makalaya kay Lorenzo. Tutulungan ka rin naming matapos kaagad ang trabaho mo kay Flix."

Wala na akong nagawa kundi ang mapatango. Siguro nga kailangan ko rin ang tulong nila. Pero hindi ibig sabihin niyo'y iaasa ko sa kanila ang trabahong ito. Hangga't maaari'y ayaw kong madamay sila.