noveltoon logo noveltoon
Taming the Beast

Chapter 25

Ch. 26 / 43 May 09, 2025

Nagising ako sa malakas na tunog ng aking cellphone. Marahan kong iminulat ang aking mga mata. Katahimikan ang sumalubong sa akin. Wala na si Colt sa tabi ko.

Saglit akong pumikit nang mariin bago inabot ang aking cellphone. Nang tingnan ko iyo’y biglang nanlaki ang aking mga mata. It’s already five in the afternoon! Lalo pang nagpagulat sa akin ay ang napakaraming missed calls ni Damon at Top.

Muling tumunog ang aking cellphone. Kaagad kong sinagot ang tawag ni Jared.

“Oh God! Mabuti naman at sumagot ka na! Kanina pa kaming nag-aalala sa’yo!” Mabuti na lang at nailayo ko kaagad sa aking tainga ang cellphone. Kung hindi’y baka basag na ngayon ang aking eardrum dahil sa lakas ng boses ni Jared.

“I was sleeping, stupid!”

“Sleeping?! Baka nakalimutan mo Keith na may meeting kanina!”

Awtomatikong nanlaki ang aking mga mata nang maalala ang tungkol doon. Tiyak na mapapagalitan na naman ako ni Top.

“I’m sorry, napagod kasi ako kagabi.” Sabi kong hindi man lang iniisip kung anong magiging dating niyon kay Jared.

“Napagod?! What the fuck did you do last night?!”

“H-Huh?” Gulat na sabi ko. Kaagad na tumayo ako sa kama. Pero kaagad ring napabalik nang maramdaman ang kirot sa aking pagkababae. “I-I…uh, hindi ba’t may misyon kagabi? Sobra akong napagod sa kakaisip kung bakit nawawala si Akame! Late na akong nakatulog.”

Kung nasa harap ko lang siguro si Jared baka nabatukan na ako nito. Hindi ako magaling magsinungaling sa kanila kaya paniguradong mahuhuli kaagad nila kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi.

“Whatever.” Napapabuntong-hiningang sabi ni Jared. “Siyanga pala, alas-onse ang oras na napag-usapan. This time, magmamanman tayo sa bahay ni Luis Monasterio.”

“Magmamanman lang?”

“Oo, delikadong kumilos sa ngayon. Lalo pa’t nakatanggap kami ng message about Akame.”

Nang matapos ang tawag ay hindi mawala sa isipan ko ang mga sinabi ni Jared. Totoo ngang dinukot si Akame. Ngayon, lalong mahirap para sa amin ang kumilos. Wala si Top, pinuntahan nito si Lovely. Malakas daw ang kutob nitong isa sa amin ni Lovely ang susunod.

Marahas akong napabuga ng hangin. Bumaba ang tingin ko sa kumot na bumabalot sa aking kahubaran. Hindi ko napigilan ang mapangiti.

“Now where-.” Natigil ako sa pagsasalita nang makita ang isang sticky note sa side table. “Emergency meeting, I’ll be back.”

So, talagang nagdesisyon na si Colt na bumalik sa opisina?

Lalo akong napangiti. Para akong nakalutang sa alapaap habang naglalakad papasok sa banyo.

Wala naman sigurong masama kung susorpresahin ko si Colt, ‘di ba? Hindi naman siguro siya magagalit. Isa pa’y gusto kong malaman iyong huli niyang sinabi bago ako tuluyang nakatulog.

“What should I wear?” Kunot ang noong tanong ko habang isa-isang inilalabas ang mga damit mula sa aking closet. I was planning to wear a conservative dress pero wala akong mahanap sa aking damitan. Kaya nauwi ako sa pagsuot ng simpleng itim na pantalon at blouse.

Nang masigurong maayos na ang sarili’y kaagad akong bumaba sa ground-floor. Kahit masakit pa rin ang pagitan ng aking mga hita’y hindi ako tumigil sa paglakad palapit sa aking sasakyan.

“Well, mawawala rin naman siguro ang sakit mamaya.” Bulong ko habang marahang iminamaniobra ang sasakyan.

Unang beses na pupunta ako sa opisina ni Colt. Kaya kaagad kong tinanong si Flix kung paano pumunta roon. Akala ko nga’y aasarin niya muna ako bago ibigay ang hiling ko. Pero hindi, wala nga akong narinig na ano man mula sa kaniya. Nakakapanibago, pero ayos lang, sana nga ay makalimutan na nito ang tungkol sa deal naming dalawa.

Kaagad akong sinalubong ng guard nang akmang papasok ako sa loob ng building.

“Ah right, I’m Keith Salvador. I’m Colt’s girlfriend.” Pagpapakilala ko na ikinakunot ng noo ng guard.

“Ano pong kailangan niyo kay Sir?”

“Excuse me?” Taas ang kilay na sabi ko. Hindi ba nito narinig ang sinabi ko? Girlfriend ako ni Colt!

“Pasensiya na Ma’am, kasi, marami nang babae ang gumamit ng titulo na iyan.”

Napapatangong pinagmasdan ko ang guwardiya. “I’m Kairo Salvador’s sister. Kailangang kong kausapin si Colt tungkol sa trabaho niya sa Kuya ko.”

Tila ngayon lamang naintindihan ng guwardiya kung sino ako. Kaagad niya akong sinamahan sa pagpasok hanggang sa tapat ng elevator.

“Top floor Ma’am.” Nakangiting sabi nito bago ako iniwan.

Napapailing na pumasok na lamang ako sa elevator. Mabuti na lang at good mood ako ngayon. Kung hindi’y nakatikim sa akin ng nakamamatay na irap ang guwardiyang iyon.

“Top floor…” Kunot ang noong sabi ko. I used to hate those business men na ginagamit ang top floor para maging opisina. Ngayon, gusto ko na, lalo at si Colt naman ang may pasya na top floor ang gamitin niya.

Ilang minuto lamang akong sumakay sa elevator. Pagkabukas niyo’y kaagad na akong naglakad palabas.

Malaki ang ngiting tinitigan ko ang glass wall ng opisina ni Colt. Pero biglang napalis ang ngiti ko nang makita kung anong nangyayari sa loob ng opisina niya.

Unti-unting kumuyom ang aking kamao nang malinaw na makita ko ang magkalapat na mga labi ni Colt at ang mga labi ng babaeng may blonde na buhok.

“Fuck…” Mariing kong sabi sabay sipa sa vase na nasa gilid. Gumawa iyon ng ingay na siyang dahilan ng paghihiwalay ng dalawa. Nang lingunin ko si Colt ay puno ng pagkabigla ang kaniyang mga mata. Bago pa man siya makalabas ng kaniyang opisina ay kaagad na akong sumakay sa elevator.

Ah…I almost forgot. Nagpapanggap nga lang pala kami. Kaya bakit ako nasasaktan?

“Keith!” Sigaw ni Colt bago tuluyang magsara ang pinto ng elevator.

He called me by my name. Hindi-ayaw kong tinatawag niya ako sa pangalang iyon! It should be, my Kitty! I’m his Kitty!

Tuloy-tuloy na dumaloy ang aking mga luha. Then, what about last night? Anong halaga niyon sa kaniya? Was it just a plain sex o totoong ginawa namin iyon dahil sa nag-aalab naming puso?

What Colt? Tell me, what am I to you? Am I really your Kitty or just a substitute to fix your broken heart?

I turned off my phone. Wala kasing tigil iyon sa pagtunog. Hindi ako tinitigilang tawagan ni Colt. Bahala siya, saka na lang kami mag-usap kapag ayos na ako.

“And you’re here…” Nakangising sabi ni Jared pagkapasok ko sa van. Dire-diretsong nahiga ako patalikod sa mahabang upuan.

“Hey, Violet, ayos ka lang ba?” Tanong sa akin ni Damon. Gusto ko silang sigawan para malaman nilang hindi ako okay. Pero wala akong lakas na gawin iyon.

“Violet…” pagtawag sa akin ni Grey.

“Don’t talk to me, gisingin niyo na lang ako kung papatayin niyo na si Luis.” Malamig kong sabi sabay pikit nang mariin.

“What the fuck? Nag-away ba sila ni Colt?” Mas lalong ipinikit ko nang mariin ang aking mga mata. Sana man lang kahit sandali’y makatulog ako’t makalimutan pansamantala ang nangyari kanina. Bahala na kung anong maramdaman ko paggising ko mamaya.

-

(Kung nabasa niyo na ang DIHW2 (chap26) alam niyo na po kung anong nangyari dito.)

Mahigpit na yakap ang nagpagising sa akin. Sunod ay ang pagtulo ng kung ano sa aking balikat. Mabilis na inilayo ko ang sarili sa taong yumayakap sa akin.

“K-Kitty…”

Awtomatikong kumunot ang aking noo. What the fucked am I doing here?! Bakit narito ako sa bahay ni Colt? Hindi ba’t nasa van ako kasama nila Damon? Paano akong napunta rito?

“Kitty…” pagtawag ulit sa akin ni Colt.

Natuon ang mga mata ko sa kaniya. Bigla akong napanganga. “W-Why are you crying? What’s happening?!”

Muli’y mahigpit akong niyakap ni Colt. “I’m crying because I’m happy.”

Mabilis ang ginawa kong paglayo kay Colt. Bigla kong naalala ang nangyari kanina sa opisina niya. “Uuwi na-.”

“No! You’re not leaving me!” Mariing sabi ni Colt bago ako hinila’t muling niyakap. “I won’t let you leave me and ignore me again.”

“Pero…”

“I’m sorry. Hindi ako gumanti ng halik kay Xyleeh. She surprised me, kaya iyon ang naabutan mo. I swear, Kitty, magpapabaril ako ngayon sa’yo kung ayaw mong maniwala sa akin.”

Sa sinabing iyon ni Colt ay hindi ko napigilan ang matawa ng mahina. Saglit niya akong tinitigan. May luha pa ring nasa mga mata niya. “You’re still crying. Hindi bagay sayo, babe.”

Malaki ang ngiting niyakap ako ni Colt. “I told you I was crying because I’m happy.”

“Why?”

Bigla akong kinabahan nang mataman akong titigan ni Colt. Marahan niya akong pinitik sa noo bago ngumiti nang pilyo. “Tinulugan mo ako kanina, hindi mo tuloy narinig ang sinabi ko.”

“Ano ba kasi iyon?” Kunwa’y napapairap kong tanong pero ang totoo’y excited akong marinig ang mga salitang sinabi niya sa akin.

“Let’s make real, my Kitty.”

“Why? What is it?!” Naiirita ko nang tanong. Bakit hindi niya na lang ako diretsahin?

“I don’t want to pretend anymore.”

“Were we pretending?” Takang tanong ko na ikinangisi ni Colt. Mukhang alam na niya ang ibig kong sabihin. “Now tell me, bakit ka umiiyak? Bakit ka masaya?”

“Because, I love you, my Kitty.”