noveltoon logo noveltoon
Taming the Beast

Chapter 31

Ch. 32 / 43 May 09, 2025

I groaned when Colt slapped my butt. Matalim ang ginawa kong pagtitig sa kaniya. “I’ll slap you back after this!”

Ngisi lamang ang ginawa ni Colt bago ako tinulak para tuluyang makalabas ng kotse ni Darth. Hiniram namin ang kotse ni Darth, para hindi malaman ni Ace na kasama ko si Colt. Kotse ko sana ang gagamitin. Kaya lang ay hindi pumayag si Colt. Kaya ayon, naiwan ang kotse ko sa H.Q.

Napakiusapan ko si Colt na huwag na akong samahan sa loob ng restaurant. Pumayag naman siya at pinagpilitang sa kotse na lang maghihintay.

Isang gold silky backless dress ang suot ko. Colt was so mad when he saw my outfit. Ganoon din ang mga kasama ko. Halos isa-isahin nila ang mga damit ko sa closet na nasa H.Q. para papalitin ako ng damit. But they failed to find a conservative one. Wala silang nagawa kundi hayaan ako sa suot ko. It’s either I wear a bikini for a dinner date or a silky backless dress.

Colt insisted on changing my hair color. Ang dating gray na buhok ko’y naging itim na itim. Sabi niya sawa na raw siya sa kulay ng buhok ko kaya dapat nang palitan. Medyo late na nga kami, dahil sa tagal ng proseso. Pero okay lang, si Axen naman ang pupuntahan ko.

Medyo mahaba na rin ang buhok ko kaya hinayaan ko na lang si Colt sa gusto niyang mangyari. He mentioned na gustong-gusto niya ang itim sa akin. And so I realized na itim na itim ang buhok ko noong may party sa bahay at suntukin ko sa mukha si Mark.

“Hi…” Bati sa akin ni Axen nang makalapit ako sa table na nakareserve sa amin.

“Hi…” hilaw ang ngiting bati ko pabalik.

Hindi na ako umimik pagkaupo ko. Marami siyang itinanong ngunit pawang iling at tango lamang ang isinasagot ko. Kapag kailangan talagang magsalita ay nagsasalita ko, katulad na lang nang mag-order na si Axen.

I ordered the same thing I ate with Colt this morning. Wala akong pakialam kung hindi man iyon naaayon sa formal dinner date na nangyayari ngayon sa amin ni Axen.

Pagkatapos kumain ay bahagyang tumikhim si Axen. Naging atentibo ako sa paligid ko. I know Colt’s outside, madali niyang malalaman kung may gawin mang masama si Axen. Isa pa’y may mga tauhan si Top na nakahalo sa mga taong kumakain sa loob ng restaurant. They’re secretly watching us.

“About Grey…” Panimula ni Axen.

Kinakabahan na ako sa mga susunod niyang sasabihin. Hindi ako makapaghintay. Gusto ko nang marinig ang mga iyon. Pero nang akmang magsasalita na si Axen ay dalawang babae ang lumapit sa amin.

“Wynter?” Kunot ang noong sabi ko nang makilala ang kapatid ni Top. Lalong nagsalubong ang kilay ko nang mapagtantong kasama nito si Xyleeh.

“Bitch, hindi ba’t asawa ka ni Colt? What a slut.” Sabi nitong tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

I did the same. Hindi pwedeng ito lang ang tumingin sa akin ng ganoon.

“Wynter, iwan mo muna kami—.”

“Then what? Magpapauto ka sa babaeng iyan? Pare-pareho lang naman sila nila Kuya! They kill people, they are murderers!” Malakas na sabi ni Wynter na ikinasinghap ni Xyleeh.

Wala sa sariling kumunot ang noo ko. She obviously doesn’t know that Axen was her father’s killer!

“Wynter!” Malakas na sabi ni Axen sabay hablot sa braso ni Wynter. Hindi ko tuloy alam kung sinong papanigan.

“Yuck! Isa kang mamamatay-tao? I’m calling the poli—.” Hindi na naituloy ni Xyleeh ang sasabihin nang mabilis ang kilos na naipit ko ang kaniyang kamay sa aking braso. Nabitiwan nito ang cellphone dahil sa sakit na natamo.

Malakas na sampal sa aking pisngi ang ginawa ni Xyleeh na ginantihan ko naman ng malakas ding sampal.

Malakas na sumigaw si Xyleeh. Akala ko’y dahil lang iyon sa sobrang sakit na nararamdaman nito pero nagkamali ako. Isang malakas na sipa ang natamo ko sa aking tagiliran. Kaagad akong hinila ni Axen patayo. Hawak ako nito sa kanan nitong kamay habang yakap naman sa kaliwa si Wynter.

“It’s Grey. He’s trying to kill us right now.”

“The fucked?!” Sigaw ko. “What a gentledog, you dickface!” Sigaw ko pa, nagbabakasakaling marinig ako ni Grey.

“Calm down, Tigress. He’s watching.”

“What?”

“He was the one who asked me to kill Serena. He was the reason why Akame and Tamara’s missing. I want to say everything to you right now but—.” Natigil ito sa pagsasalita nang isang balisong ang dumaplis sa pisngi nito.

Hindi na ako napigilan ni Axen nang isa-isa kong sinugod ang mga bodyguard ni Xyleeh. What is she? A daughter of a President? Bakit marami itong tauhan?

I feel like I was dancing in the air while giving them some hard punches. I kicked their faces. Balak ko pa sanang kunin ang patalim sa aking hita mang may biglang tumulak sa akin. It was Xyleeh.

Mariing pinunasan ko ang labing dumudugo. Hindi ko kasi naiwasan ang pagtama ng mukha sa table.

Matalim ang tinging ipinukol ko kay Xyleeh. Bahagya akong napangisi bago sinulyapan si Axen na nakikipagbuno sa ilan pang kalalakihan.

Kumunot ang noo ko nang mapagtantong mga tauhan ni Top ang kapalitan ng suntok ni Axen. Dumapo rin ang tingin ko kay Wynter. Halata rito ang takot. I noticed that Axen’s trying to fight for his life while protecting Wynter in his arms.

“No…” Mahina kong sabi. I just realized what is happening. They thought I was in danger! Sinusunod nila ang utos ni Top na oras na magkagulo ay papatayin kaagad si Axen.

Muli kong sinulyapan ang mga inupakan kong mga lalaki. Hindi kabilang ang mga ito sa mga tauhan ni Top. Was it Greyson’s?

Walang pasabing hinablot ko ang buhok ni Xyleeh. “Who are you?!”

Natigil ang lahat nang kasabay ng pagsigaw ko ang pag-alingawngaw ng putok ng baril.

Mabilis na hinanap ko si Axen at si Wynter. Hindi ko na sila nakita, tanging bakas ng dugo lamang ang naiwan sa sahig.

“Who are you?!” Muli kong sigaw na nagpatahimik sa mga taong nasa restaurant. Nang ilibot ko ang tingi’y puro takot ang nasa mukha ng mga taong kanina lamang ay masayang naghahapunan.

Nang mapansin ng mga ito ang titig ko’y kaniya-kaniya na ang mga itong kumaripas ng takbo.

“Kitty!” Hinihingal na tawag sa akin ni Colt. May hawak siyang baril sa kanang kamay. Nasa likod nito ang apat na lalaking hindi ko alam na darating! Sabi nila hindi ko na kakailanganin ang tulong nila?!

“I’m asking you, bitch.” Mariin kong sabi na ikinangisi ni Xyleeh.

“I’m his girlfriend.”

Dumilim ang ekspresiyon sa aking mukha. “Who?”

Malaking ngisi ang pinakawalan ni Xyleeh bago sumagot. “Grey…”

Tila nandilim ang paningin ko sa narinig. Ibig sabihin, gusto akong isunod ni Grey kay Serena! Gusto nitong sirain kami ni Colt para madali ako nitong mapatay?! Hayop!

“Where’s Ace—.” Hindi na natapos pa ni Top ang sasabihin nang kagaad na hinugot ko ang patalim sa aking hita at walang pasabing itinarak iyon sa dibdib ni Xyleeh.

“Kitty!” Malakas na sabi ni Colt habang nakaawang ang bibig. Tulala namang nakatitig sila Top sa marahang pagkatumba ni Xyleeh sa sahig.

“She slapped me.” Malamig kong sabi bago sila nilagpasan. Kailangan kong mahanap si Axen at Wynter!

“Violet, where—.”

“Hahanapin ko si Wynter!” Sigaw ko kay Damon bago tumakbo palabas. Sinundan ko ang mga patak ng dugo sa lupa. Ilang minuto akong naglakad hanggang sa mapunta ako sa harap ng masukal at madilim na kakahuyan.

“Violet, we’re going with you.”

Hindi ko na nilingon pa ang apat kong kasama. Basta na lang akong pumasok sa loob habang hawak ang aking patalim at ang baril na inabot sa akin ni Darth.

“Nakapag-usap ba kayo?” Tanong sa akin ni Top habang tinatanggal ko ang heels na suot. Sumasakit na kasi ang aking paa. Ilang beses na akong natapilok.

“Where’s Colt?” Tanong ko pabalik. Naalala ko bigla ang naging reaksiyon nito nang makita ang ginawa ko kay Xyleeh. Bigla tuloy akong nakaramdamn ng pangamba. Paano kung bigla niya akong ayawan? Paano kung matakot siya sa akin?

“Inaayos iyong nangyari sa restaurant.” Sagot sa akin ni Top bago ako tinulungan sa pagtanggal ng isa ko pang sapin sa paa.

Maya-maya’y naramdaman ko ang pagbalot ng kung ano sa aking likuran. Nalingunan ko si Darth na inaayos ang jacket nito sa aking likod.

“Thanks…”

“Siya na raw ang bahala sa gulong nagyari doon. Madali lang naman niya iyong maaayos dahil pag-aari ni Axen ang Casa Moderna.” Sabi naman ni Jared na ikinahinga ko nang maluwag.

“Where’s Lovely?”

“Nasa van, si Colt na raw ang bahala kay Lovely. Isa pa’y may mga tauhan din siyang naroon.”

“Okay…” Sabi kong napapapikit nang mariin.

“Anong sinabi sa iyo ni Axen?”

“He said that it was Gr—." Natigil ako sa pagsasalita nang makarinig ng malakas na pagtangis. Sabay-sabay kaming napatakbo sa pinagmumulan niyon.

Tumambad sa amin si Wynter na umiiyak habang kausap si Axen. Halos kalat na ang dugo sa puwesto ng dalawa.

"The one who killed your Dad, Wynter..." Mahinang sabi ni Axen na ikinatahimik naming lahat.