Tila lantang gulay na nahiga ako sa kama nang makauwi ako sa unit. Hanggang ngayo’y hindi ko matanggap ang lahat.
“Grey…” mahina kong sabi bago pumikit nang mariin.
Ilang sandali lamang ay unti-unti nang kumawala ang mga luha ko. Noong gabing pinuntahan ko si Grey sa mansion ay may hint na akong siya nga ang tinutukoy ng mga ebidensiya. Paanong mapupunta sa kaniya ang flash drive ko? Wala naman akong pinagsabihan ng tungkol doon.
Lalo lamang lumakas ang kutob ko nang mabasa ang mga laman niyon. Top already knew it was Grey. Pero hindi niya magawang kumilos dahil sa respeto niya sa ama nito. Malaki ang utang na loob ni Top kay Tito Matt. Anak pa rin nito si Grey kaya hindi niya magawang patayin ang inakala naming tunay na kaibigan.
Paulit-ulit na nagpa-flashback sa akin ang mga masasayang araw na nakasama namin si Grey. Kung paanong naging maalaga ito. Kung paanong naging isang Kuya ito sa akin. Hindi ako makapaniwalang sa likod ng maamo nitong mukha’y nakatago ang isang demoniyo.
Buong gabing wala akong ibang ginawa kundi ang maiyak. Gustuhin ko mang magalit kay Grey ay hindi ko magawa. Ramdam ko ang galit noong una kong malaman na siya ang traydor. Pero natatabunan iyon ng mga alaala at isiping naging mabuti rin naman ito sa akin.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Mabilis akong naligo at nag-ayos ng sarili. May meeting kami mamayang ten, maaga pa naman kaya dadaan muna ako kay Colt. Nagyaya kasi itong mag-almusal.
“Good morning, Kitty.” Nakangiti niyang sabi sabay halik ng mabilis sa aking mga labi.
“Good morning…” mahina kong bati pabalik na ikinasalubong ng mga kilay ni Colt.
“May problema ba?”
Marahan akong umiling. “It’s about the mission.”
“You wanna talk about it?”
“No, it’s fine.” Mabilis kong tanggi bago inabot ang kamay ni Colt. “Saan tayo kakain?”
“Sa Casa Moderna.” Nakangiting sabi ni Colt habang yakap-yakap akong naglalakad palapit sa kotse niyang nakaparada na malapit sa gate.
Saglit akong natigilan. “Casa Moderna?”
Sa pagkakatanda ko’y doon ako gustong dalhin ni Ace noong inimbitahan niya akong magdinner.
“Yes, magugustuhan mo roon.”
Ilang sandali lamang ay nasa biyahe na kami papunta sa Casa. Mahigit limang minuto lang yata ang itinakbo ng sasakyan at nakarating na kaagad kami ni Colt sa aming destinasyon.
Kaagad na naupo ako sa bakanteng table na nasa sulok. Marami-rami na kasing tao. Karamihan ay pami-pamilya.
“Buttered Salmon and salad.” Nakangiti kong sabi kay Colt na ikinatango niya. “Orange juice pa pala.”
“Okay…” Sabi ni Colt sabay tawag sa waiter na kanina pa yatang naiilang dahil nagngingitian kami ni Colt dito.
Nang matapos na sabihin ni Colt ang mga order ay inilibot ko ang tingin. Maganda nga sa Casa, parang nasa sinaunang panahon ako. Kulang na lang ay magpalit ako ng damit. Obvious na hindi bagay ang black leather miniskirt and backless top ko sa ambiance ng restaurant.
Umangat ang tingin ko kay Colt nang marinig ang kaniyang pagtawa nang mahina. Sinamaan ko siya ng tingin. “Problema mo?”
“You’re pretty.”
“Alam ko…” taas-noong sagot ko kay Colt na pareho naming ikinatawa.
“I love you.” Maya-maya’y sabi niya sa akin bago pinisil ang aking pisngi.
Sasagot na sana ako kaya lang ay dumating na ang order ni Colt. Biglang nanlaki ang mga mata ko. He’s having a burger with a massive amount of cheese. Nang binilang ko rin ang patty ay lalo akong natakam.
“Colt…”
“It’s mine.”
“Colt!” Salubong ang kilay na sabi ko pa.
“You ordered salmon, Kitty.”
“Ayaw ko na niyon, I want yours!” Pagpupumilit ko. “You said you don’t like unhealthy food.”
“When did I say that?” Natatawang tanong niya sa akin. Maging ako’y natawa dahil wala naman talaga siyang sinabi. Gusto ko lang siyang linlangin dahil gusto kong kainin iyong in-order niya. “Palit na lang tayo? Masarap yung buttered salmon.”
“Masarap pala, edi iyon ang kainin mo.” Nakangisi niyang sabi na tuluyan kong ikinasimangot.
Nang dumating ang waiter dala ang pagkain ko’y hindi pa rin maalis ang inis ko kay Colt. Nilalantakan niya na ang pagkain niya habang pangisi-ngisi sa akin.
Marahan kong itinulak ang aking pinggan. Pagkatapos ay itinaas ko ang aking kamay para kunin ang pansin ng waiter na galing sa kabilang table.
“Yes Ma’am?”
“Can I order another plate of what this beast’s eating? And also, I want this for take out.” Nakangiti kong sabi sa waiter na kaagad naman nitong sinunod.
Nang lingunin ko si Colt ay napansin ko ang amusement sa kaniyang mga mata. Nakangisi na naman siya sa akin. Bwisit.
“Akala mo ah…” bulong ko sabay irap.
“Kapag ako natapos kumain, iiwanan kita rito.” Natatawa niyang sabi.
“Edi umalis ka na, bwisit ka.”
“Ang sungit mo talaga, Kitty.” Sabi niya pagkatapos na makainom ng tubig. “I was just teasing you.”
“Wala akong pakialam.” Pagtataray ko pa, pero sa loob-loob ko’y natatawa ako. Ewan, gusto ko lang sigurong maisahan si Colt.
Muli kong inirapan si Colt nang dumating ang pagkain ko. Pero ilang sandali lamang ay nagkukulitan na ulit kami. Wala, mabilis maalis ang inis ko sa kaniya, mahal ko eh.
“Oh, Colt?”
Nabaling ang tingin ko sa babaeng lumapit. Pamilyar sa akin ang blonde nitong buhok. Bigla tuloy kumulo ang dugo ko.
“Xyleeh.”
Blangko ang ekspresiyong pinasadahan ko ng tingin ang babaeng nasa gilid ni Colt. Ito pala ang Xyleeh na humalik sa Colt ko. Kung ganoon, patitikimin ko siya ng kaunting sindak mula sa akin.
“Uh, Ke—.”
“Can I ask you for a favor? Kailangan ko kasi ng bodyguard. Maybe you can personally pick one for me. Or pwede ring ikaw na lang.”
Napaismid ako nang marinig ang malanding tono sa huli nitong sinabi. Kapag hindi ako nakapagpigil baka pasabugin ko ang bibig ng babaeng ito.
Tinaasan ko ng kilay si Colt. Pinandilatan niya naman ako ng mga mata. Mukhang alam niya ang posible kong gawin.
“I’m sorry, Xyleeh. I’m busy right now. You can ask my secretary for—.”
“But it’s you that I want.”
“Excuse me—.” Natigil ako sa pagsasalita nang talikuran ako ng babaeng linta na ito. Padabog na binitiwan ko ang hawak na kubyertos bago tumayo.
“C’mon Colt, I’ve been showing some inter—ah!” Malakas niyang sabi nang malakas na haklitin ko ang kaniyang braso.
“Excuse me, you bitch.” Malamig kong sabi bago naupo sa kandungan ni Colt. Hindi pa ako nakuntento’y iniakbay ko pa ang braso sa kaniya. “We’re obviously busy right now. Kaya tigil-tigilan mo ang pamimeste sa amin dahil baka hindi kita matantiya.”
“Who the hell are you?” Taas ang kilay na tanong nito.
Natatawang nilingon ko si Colt. Seryoso lamang siyang nakatitig sa akin. Para bang sinasabi ng ekspresiyong iyon na hinahayaan niya ako sa gusto kong gawin.
“I’m his wife.” Sabi kong ikinaubo ni Colt. Kaagad ko siyang siniko sa dibdib para manahimik. Pinandilatan ko rin siya ng mga mata bago binalingan si Xyleeh.
“You’re lying…” naiiyak nitong sabi na ikinahagalpak ko.
“Nagsisinungaling ba ako, Colt?” Muli kong pinandilatan si Colt.
“Xyleeh, I think you should—.”
“Answer it Colt! Nagsasabi ba siya ng totoo?”
Saglit na tinitigan ako ni Colt kasabay ng bahagya niyang pagpisil sa aking hita. “Yes, Xyleeh.”
Tuluyan nang napaiyak si Xyleeh. Akma niya akong susugurin nang mabilis akong tumayo’t sinipa ang kaniyang balakang. Tuloy-tuloy na natumba siya sa sahig na ikinasinghap ng mga taong kanina pa pala nakatingin sa amin.
“You’ll pay for this, bitch!” Mariin nitong sabi bago tumayo. “You’ll pay for this!”
“Oh, I’m scared.” Taas ang dalawang kilay na sabi ko bago humalakhak nang patakbong umalis si Xyleeh.
Nang lingunin ko si Colt ay madilim na ang ekspresiyon sa mukha niya.
“What?” Tanong ko habang papalapit sa kaniya.
“Sit down, now!” Mariin niyang sabi na ikinasalubong ng mga kilay ko.
“Bakit ba?”
“Damn it, Kitty, umuwi na nga lang tayo.” Inis na sabi ni Colt sabay tawag sa waiter.
Nagtatakang sumunod na lang ako kay Colt palabas nang makapagbayad siya.
Akala ko ba ayos lang sa kaniya ang ginawa ko? Bakit parang galit yata siya kasi sinipa ko si Xyleeh?
“Galit ka ba, Colt?”
“Oo!”
“Bakit ba?”
“Oh fuck!” Mariin niyang sabi bago ako isinandal sa kotse niya. Mabilis na hinampas niya ang suot kong skirt. Kasunod ay pinalo niya ang dalawa kong hita. “You’re wearing a skirt for goodness sake! Alam mo bang titig na titig sa iyo ang mga lalaking naroon sa loob? Kanina ay ayos lang sa akin. But you freaking kicked Xyleeh! Halos sugurin ko na sila nang makita ang mga ngiting aso sa kanilang mga labi! They were obviously hara—.”
Mabilis na hinalikan ko sa mga labi si Colt. “I’m sorry, hindi ko naman inaasahang masisipa ko ang babaeng iyon. Promise, hindi na ako magsusuot ng skirt.”
Marahang buntong-hininga ang pinakawalan ni Colt. “It’s fine, you can wear anything you want.”
“But you doesn’t—.”
“Wala akong sinabing hindi ko gusto. Ang ayaw ko lang ay iyong nakikita ang ibang halos hubaran ka na sa ginagawa nilang pagtitig sayo.”
“Then, hindi na lang ako magsusuot ng ganito sa public.” Nakangiti kong sabi na tinanguhan na lang ni Colt bago ako pinagbuksan ng pinto ng kotse.
Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Kinikilig ako sa mga sinabi niya. Bwisit.
Hindi ko alam kung ganito rin siya kay Zairene. Pero wala na akong pakialam. Basta masaya ako!