Bigla akong napamulagat. Totoo ba ang narinig ko? Gusto niya akong halikan?
Yes! Yes please, kiss me! Sigaw ng utak ko.
Marahan kong ipinikit ang aking mga mata bilang sagot kay Colt. Ramdam kong napakalapit na ng mga labi namin. Tumatama ang hininga niya sa aking mga labi. Kinakabahan ako, pero hindi ko rin maipagkakailang nasasabik ako sa halik na igagawad niya sa akin.
Kaunting galaw na lamang ay maglalapat na ang aming mga labi. Napahawak ako sa braso ni Colt. Mahigpit, na para bang doon ako kumukuha ng lakas para manatiling nakatayo, kahit na ba nakaalalay naman ang isa niyang braso sa aking baywang.
Malapit na, sobrang lapit. Pero nadismaya lamang ako nang biglang bumukas ang pinto. Kaagad na humiwalay sa akin si Colt. Blangko ang ekspresiyon sa mukha habang nakatitig sa kapapasok lang na tatlong pugo.
Hindi ko napigilan ang paulanan sila ng masasamang titig. Akala ko ba busy ang mga ito? Bakit nandito sila ngayon sa unit ko?! Nakakabwisit! Kaunti na lang eh!
“Oh, s-sorry…” nanlalaki ang mga matang sabi ni Jared. Ito kasi ang nagbukas sa pinto. Kaya sa tatlo si Jared ang gustong-gusto kong patayin.
Hindi ako makapagsalita. Like damn it! Nahuli nila ako! Nakita nila kaming muntik nang maghalikan!
Malamig na nakatitig si Damon kay Colt. Si Grey naman ay tahimik na palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. Habang si Jared, halos hindi na makatingin sa akin. Kulang na lang ay kumaripas ito ng takbo.
Marahang tumikhim si Colt kaya nalipat ang tingin ko sa kaniya. “Mauuna na ako…”
Tumango na lamang ako bilang sagot at naghahanda na sanang ihatid siya sa elevator nang humarang si Damon sa harap namin. Matalim ang titig na akala mo’y may ginawang masama si Colt. Dapat nga ako ang magalit dahil pinutol nila ang pagkakataong mahalikan ako ni Colt! Nakakaimbyerna talaga!
“Hey Vierco, beer?” Sabi ni Damon. Alam kong may balak itong gisahin si Colt. Hindi ko naman ito masisisi dahil silang tatlo na ang parang naging mga Kuya ko.
“I don’t drink beer, Mr. Anderson.” Malamig na sagot ni Colt habang nilalabanan ang titig ni Damon.
Pareho silang matangkad at malaki ang katawan. Hindi ko lang alam kung anong mangyayari kung magyaya ng suntukan ang isa sa kanila.
“Ang cheap naman kasi ng beer, Damon.” Pangangantiyaw ko bago hinila si Colt palabas ng unit. “Babalik kaagad ako, maghintay lang kayong tatlo riyan.”
Bwisit talaga ang tatlong pugo na iyon! Sinisira nila ang araw ko!
“Hindi mo naman ako kailangang ihatid. Kaya ko na ang sarili ko, bumalik ka na roon.” Seryosong sabi ni Colt. Magkasalubong pa rin ang mga kilay niya habang naghihintay kaming bumukas ang pinto ng elevator.
“Ano ka ba, ayos lang.” Napapangiwi kong sagot.
Isang ngisi ang pinakawalan ni Colt. Maya-maya lang ay hinila niya na ako papasok sa loob ng elevator nang bumukas ang pinto niyon. Kaagad akong nagtaka nang makitang paakyat ang elevator. Akma kong titingnan ang numero nang bigla akong isinandal ni Colt sa salaming dingding.
“I can feel your disappointment, my Kitty.” Pilyong sabi ni Colt na ikinalaki ng mga mata ko.
Sasagot na sana ako nang bigla niya akong kabigin. Naramdaman ko ang isang kamay niyang nasa likod ng aking ulo. Habang ang isa nama’y nasa baywang ko. Ilang sandali lamang ay naramdaman ko na ang paglapat ng aming mga labi.
Nabigla ako. Hindi kaagad ako nakatugon sa halik ni Colt. Kung hindi pa niya pinalalim ang halik ay baka tuluyan na akong maging tuod.
Hindi ko napigilan ang pag-alpas ng mahinang ungol nang maramdaman ko ang dila ni Colt sa loob ng aking bibig. Saglit siyang tumigil, bahagyang inilayo ang mukha sa akin bago ako pinagmasdan. Pagkatapos ay muli niyang inangkin ang aking mga labi.
“Damn it!” Mariing sabi ni Colt sa pagitan ng paghahalikan namin. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ako nakakaramdam ng takot na baka bumukas ang pinto ng elevator at biglang may pumasok. Basta nasa isang bagay lang ang isip ko. Ayaw kong matapos ang halik na pinagsasaluhan namin.
“I want you Kitty…” paos niyang sabi nang saglit na humiwalay sa akin.
“C-Colt…” May nginig sa boses na sabi ko. Ewan ko ba, mukhang ako yata ang sinasapian ng kalandian dahil walang kagatul-gatol na ipinaglapat ko ang aming mga labi.
Nakakalasing, nakakaadik. Parang gugustuhin kong pumatay kapag may pumigil sa amin.
Tumugon naman si Colt. He kissed me hungrily. Like, he also doesn’t want to end it.
Bigla akong napasinghap nang maramdaman ko ang paglakbay ng kamay ni Colt sa aking likuran. Napahalinghing ako nang walang pasabi niyang hinalikan ang aking leeg pababa sa nakahantad kong balikat. Hindi ko napansing naibaba niya na pala ang strap ng suot kong damit.
“Colt, baka bumukas ang pinto…” Mahina kong sabi nang maramdaman ang mga labi niya malapit sa aking dibdib.
Bahagyang tumigil si Colt. Ramdam ko ang pagtama ng kaniyang hininga sa aking leeg. “Right…”
Hindi na ako nakapagtanong nang muli akong hinila ni Colt nang bumukas ang pinto ng elevator. Bigla akong nagtaka nang isang unit ang pinasukan namin.
“Sa iyo ang unit na ito?” Tanong kong inaayos ang suot.
Inilibot ko ang tingin. Malaki ang unit. Mas malaki kumpara sa unit ko. Maganda rin ang interior design.
“Yeah…” Sagot ni Colt habang papalapit sa akin.
Nagulat man sa biglang pagyakap sa akin ni Colt mula sa likuran ay hindi ko na lamang pinahalata. Abala ako sa pagsipat ng unit niya habang siya’y abala sa muling paghalik sa aking balikat.
“Matagal ka na rito?” Tanong kong ikinaungol ni Colt. Para bang ayaw niyang magtanong ako dahil ayaw niyang maabala sa ginagawa.
“Five years? Six years? I don’t know.” Tamad na sagot niya sabay muling dampi ng labi sa aking balikat. Bigla akong napaigik nang maramdamn ang pagsipsip niya sa parteng iyon. Mariin akong napapikit. He continued marking me and I fucking liked it!
“Colt, enough…” nanghihina kong sabi habang pilit na humaharap sa kaniya. “May naghihintay sa akin sa unit ko.”
Marahas na bumuntong-hininga si Colt. Kasunod niyon ay ang marahan niyang pagyakap sa akin.
“Dito ako matutulog, sabay tayong magbreakfast bukas.” Seryosong sabi ni Colt sabay halik nang mabilis sa aking labi at noo.
Napatango na lamang ako. Pakiramdam ko kasi’y wala akong karapatang tumanggi.
Napatitig ako kay Colt nang maramdaman ko ang paghaplos niya sa aking balikat. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga marka roon. “Oh fucked.”
“Wait here, I’ll get my jacket for you.” Mabilis na kinuha ni Colt ang kaniyang jacket sa isa sa mga kuwarto. Nang maisuot ko iyo’y kaagad na akong nagpaalam. Tiyak na umuusok na ang ilong ni Damon dahil natagalan ako.
Habang nasa elevator ay hindi mawala sa isip ko ang mga nangyari. Para akong nakalutang sa ulap. Hindi naman ako ganito dati. Hindi ako basta-basta tinatablan pagdating sa lalaki. Pero ngayon, napagtanto kong tao pa rin pala ako. Na hindi lang dapat umikot ang mundo sa grupo at sa organisasyon. Wala sa hinagap kong kailangan ko rin palang makibagay sa mga normal na tao. Kailangan ko rin palang makaramdam ng ganito.
Wala sa sariling napahawak ako sa aking dibdib. Malakas ang tibok niyon. Parang sasabog ano mang oras.
“Akala ko ba ihahatid mo lang?” Malamig na tanong sa akin ni Damon pagkapasok ko sa unit.
Mabilis na iniwas ko ang aking tingin. Napakagat ako sa aking labi na ikinalaki ng kanilang mga mata.
“He really kissed you, huh!” Kunwa’y maangas na sabi ni Jared sabay akmang lalabas pero mabilis kong tiningnan ng matalim kaya napabalik ito sa kinauupuan.
“So what? Hindi na rin naman ako bata.” Sagot ko habang nauupo sa pang-isahang sofa.
“Pero magkaiba kayo ni Colt, Keith. Baka nakakalimutan mo ang trabaho natin. We have missions to accomplish. At hindi siya kabilang doon.” Makahulugang sabi ni Grey.
Tila parang bulang nawala ang pantasya ko. Para akong nabalik sa reyalidad. Oo nga pala, may mga bagay na dapat kong unahin. Hindi kasama roon si Colt.
Naikuyom ko ang aking kamao. “I can multitask—.”
“Kausapin mo si Top. You know him for being ruthless. He can kill your Colt, anytime he wants para lang hindi makasagabal sa mga misyon natin.” Sabi naman ni Jared.
Tuluyan na akong nagalit. “Kill him then. Basta huwag lang magpapakita sa akin si Phoebe dahil papatayin ko rin siya.”
Nakita ko kung paanong umigting ang mga panga ni Damon. Tila nag-aapoy din ang kaniyang mga mata. Lakas-loob na nilabanan ko ang titig niyang iyon. Hindi ako natatakot, dahil tototohanin ko ang mga sinabi ko oras na may gawin silang masama kay Colt.