AN: Hindi na po ito flashback.
“Fuck you!” Mariing wika ni Grey sabay tutok ng baril kay Lovely. Wala pang isang segundo’y ipinutok na nito iyon.
Mabilis ang naging kilos ni Tamara. Kaagad nitong nahila si Lovely para dumapa. Habang inaalalayan nito si Lovely ay kaagad na sinugod ko si Grey. Muli ko itong sinuntok sa mukha. Ilang beses na ginawa ko iyon. Nang hindi ako makuntento’y sinuntok ko rin ang tagiliran nitong may sugat.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin maayos ang sugat nito. Isang linggo ang lumipas pero parang walang nangyayari sa mga natamo nitong sugat.
“I’ll kill you!” Sigaw pa ni Grey habang nakikipagpalitan ng suntok sa akin.
Pareho kaming nagpambuno. Hanggang sa masakal ko siya gamit ang aking kaliwang braso habang ang kanan ay hawak ang baril na nakatutok sa sentido ni Grey.
Akma ko na iyong kakalibitin nang sikuhin ako nito sa sikmura. Tuloy-tuloy na napaluhod ako dahil sa sakit. Bago ko mabitiwan ang baril ay mabilis ko iyong nakalabit. Tumama ang bala niyon sa tuhod ni Grey.
Hindi na ako nagulat nang makuha ni Grey ang baril na nabitiwan ko. Nang iangat ko ang tingi’y nakatutok na iyon sa noo ko.
Wala sa sariling napangisi ako sa nakita. “Go on, shoot me.”
Tumiim ang mga bagang ni Grey. Kasunod niyon ang paglunok nito nang maramdaman ang pagtutok ni Tamara ng baril sa likod ng ulo nito.
Ngumisi saglit si Grey. Mabilis na kinasa ang baril. Kasabay ng pagkalabit nito sa gatilyo ang pag-alingawngaw din ng baril na hawak ni Tamara.
Napapikit ako nang mariin nang tumama sa aking mukha ang dugong kumawala sa bibig ni Grey. Mariin ko itong pinagmasdan. Napapangising pinagmasdan ko ang unti-unti nitong pagbuwal.
Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko. Mariin akong napapikit habang napapahawak sa dibdib. Napangisi na lamang ako nang makita ang dugong dumadaloy mula roon.
“Fuck…” mahina kong sabi na ikinalingon sa akin ni Tamara.
“Fuck!” Sigaw naman nito na ikinatawa ko. Mukhang maliban sa dugo’y nauubusan na rin kami ng sasabihin.
“Oh my God! Colt!” Sigaw naman ni Lovely. Magkapanabay sila ni Tamara na lumapit sa akin.
Malalalim na ang paghingang pinapakawalan ko. Pakiramdam ko ri’y unti-unti nang nawawalan ng lakas ang aking katawan. Marahang hinanap ko ang camera. Nang makita iyo’y saka ko lang narinig ang sigaw ni Keith.
-
KEITH’S POV.
“No! Colt!” Sigaw ko bago mabilis na lumabas ng van.
“Fuck, Keith no!” Malakas na sigaw din ni Jared bago ako pinigilan sa pagtakbo papasok sa loob. “Nasa loob na si Darth at Damon!”
“Putang ina naman Jared! Pipigilan mo pa ba ako?! Kailangan kong puntahan si Colt! Mas lalong hindi ko kakayanin kong nandito lang ako!” Galit kong sigaw habang umiiyak.
Kanina, lahat kami’y natahimik habang nagpapalitan ng suntok si Colt at Grey. Pero lalo akong hindi nakaimik nang marinig namin ang magkasabay na putok ng baril. Nang tingnan ko ang monitor ay nakita kong unti-unting natumba si Grey dahil sa pagbaril ni Tamara sa ulo nito.
Pero walang sabing tumulo ang aking mga luha nang makita ang dugo sa dibdib ni Colt. Ilang segundo akong tila nawala sa sarili. Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko alam ang iisipin. Saka lamang ako napasigaw nang tumingin sa direksiyon ng camera si Colt.
“Pero Keith, masama sa kalagayan mo kung—.”
Mabilis na kinuha ko ang patalim sa aking hita. Idiniin ko iyon sa leeg ni Jared. “Hindi ako mangingiming patayin ka oras na pigilan mo ulit ako, Jared.”
“Violet…”
“Hindi ako nagbibiro. Tutuluyan talaga kita.” Mariin ko pang sabi na ikinalunok ni Jared. Marahil ay naramdaman na nito ang hapdi sa leeg. Nang mapansin ko ang pagpatak ng dugo nito ay saka ko lamang inilayo ang hawak na patalim. Saglit ko itong tiningnan bago walang pasabing tinungo ang malaking bahay ni Grey.
Tila wala sa sariling pumasok ako sa loob. Pakiramdam ko’y nakalutang ako. Isipin ko pa lang na may tama siya ng baril ay halos ikawala na ng ulirat ko. Paano pa kaya kung may mas malala pang mangyari sa kaniya? Ano na lang ang gagawin ko? Hindi ako papayag na humantong sa mas masakit na pangyayari ang lahat. Ayaw kong maiwan. Ayaw kong iwan kami ni Colt!
“Keith, you need—.”
“Fuck off Darth!” Sigaw ko nang makapasok ako sa kuwartong kinaroroonan ni Colt.
Matalim na titig ang ibinigay ko kay Lovely bago lumapit kay Colt na sinusubukang pasanin ni Damon.
“Oh my…” naiiyak kong sabi na ikinatiim ng bagang ni Damon.
Nanginginig ang kamay na hinawakan ko ang pisngi ni Colt. Hindi ko na napigilan ang mapahagulgol.
“No…” iyak ko nang hindi magmulat si Colt.
Naramdaman ko ang paghila sa akin ni Darth patayo. “Calm down Violet! Kailangang dalhin kaagad si Colt sa hospital!”
Galit na nilingon ko si Darth. “Calm down?! Nasa bingit ng kamatayan si Colt! Paano akong kakalma kung kitang-kita ng mga mata ko ang pangyayari?!”
“Keith…” Sabi pa ni Darth pero hindi ko na siya pinansin. Nabaling ang tingin ko kay Lovely. Kaagad ko itong nilapitan at malakas na sinampal.
Napapasinghap na sinapo nito ang pisngi. Bakas sa mukha nito ang takot.
“What the fuck?!” Sigaw ni Damon. “Damn it, Darth, ikaw na muna ang bahala kay Keith.” Sabi pa nito bago umalis habang pasan si Colt sa likod. Nakasunod naman dito si Tamara na nakaalalay sa dalawa.
“Keith, let’s go—.”
Isa pang sampal ang ipinagkaloob ko kay Lovely. Tiim ang mga bagang na hinila ko ang kwelyo nito.
“Ikaw…” mariin kong sabi habang nanlilisik ang mga mata. “Ikaw ang dahilan kung bakit nangyari iyon kay Colt! Kasalanan mo ito! Kung hindi ka dumating sa grupo, hindi sana ito mangyayari!”
“Keith, enough…” pagsasaway sa akin ni Darth.
Matalim ko itong tinitigan. “Huwag na huwag ninyong idadahilan sa akin ang kalagayan ko, Darth. Galit ako, galit na galit sa puntong gusto kong pasabugin ang bungo ng babaeng ito!” Sigaw ko.
Muli akong napaluha. Walang tigil ang pagdaloy ng mga luha ko. “Pero wala akong magawa! Dahil alam kong biktima ka rin ni Grey! Gustong-gusto kitang patayin Lovely.” Sabi ko pa.
Tumulo ang mga luha ni Lovely. Iniwas nito ang tingin na siyang ikinatiim pang lalo ng mga bagang ko.
“Huwag ka nang magpapakita pa sa grupo. Umalis ka na habang napipigilan ko pa ang galit.”
“Si Top lang ang makakapagdesisyon ng—.”
“Wala akong pakialam!” Sansala ko kay Darth.
“K-Keith, I’m s-sorry…”
“Aalis ka o papatayin kita ngayon din?!” Sigaw ko pa na ikinatihimik nito at ni Darth.
“A-Alam kong kasalan ko ang nangyari. Pero may dahilan ako kung bakit ko iyon nagawa. Pakinggan mo naman ako Keith. “ Umiiyak na pakiusap ni Lovely. Iniwas ko ang tingin.
“You deceived us. Akala ko mabuti kang tao, pero ipinagkanulo mo kami!” Sabi ko pang napapahawak sa tiyan. Bigla ko kasing naramdaman ang pananakit roon.
Mabilis na nahawak ako ni Darth. Maging si Lovely ay inalalayan ako nang muntikan na akong mabuwal.
“Bitiwan mo ako.” Mariin kong sabi rito bago ako naglakad palabas ng kuwartong iyon.
Nang makalabas ay saglit akong tumigil at huminga nang malalim. Akmang maglalakad na ulit ako nang may kumalabog sa katabing silid. Salubong ang kilay na hinarap ko ang pinto.
“Did you hear that?” Tanong ni Darth nang makalabas ito kasunod si Lovely.
Hindi ko ito inimik. Kaagad na binuksan ko ang pinto. Napatakip kaagad ako sa aking bibig nang manuot sa akin ang amoy ng masangsang na dugo. Tuloy-tuloy akong napatakbo palayo at nagduduwal sa gilid. Kaagad naman akong nilapitan ni Darth. Marahan nitong hinihimas ang aking likuran.
Ilang sandaling nasa ganoon kaming posisyon nang malakas na tumili si Lovely. Mabilis na bumalik si Darth sa kinaroroonan nito. Maging ako’y napabalik sa kuwartong iyon.
Tumambad sa amin si Lovely na nakaluhod habang tulalang nakatitig sa katawan ng isang lalaking may edad. Sa tabi nito ay ang isa pang babaeng maputi at walang buhay.
Nang ilibot ko ang tingin ay nakita ko si Akame. Tulalang nakasiksik sa gilid habang yakap ang mga tuhod. Wala itong saplot sa katawan.
“What the fuck?” Halos walang boses kong sabi. Hindi ko na namalayang unti-unti na namang tumutulo ang mga luha ko.
Marahan akong naglakad palapit sa bangkay na nasa harap ni Lovely. “W-Who—.”
“P-Papa…” paos na sabi ni Lovely habang titig na titig pa rin sa may edad na lalaking wala nang buhay. “Papa, Mama!” Sigaw pa ni Lovely habang nanginginig ang mga kamay.
“What?” Awang ang bibig na sabi ko. Ito ba ang dahilan niya? Kaya ba nagawa niyang lokohin si Top ay dahil iyon sa hawak ni Grey ang Papa at Mama niya?
“M-Mama, P-Papa…” Hagulgol nito.
Napatingin na lang ako kay Darth. Maging ito’y hindi alam kung anong gagawin.
Tila nawala ang galit na bumalot sa dibdib ko kanina lamang. Di hamak na mas masakit kay Lovely ang nangyari.
“Lovely, I think we—.”
“Hindi! Hindi ako aalis dito!” Umiiyak nitong sabi sabay yakap sa mga bangkay ng mga magulang. “Mama, bakit nandito ka? Nangako ka sa akin na mag-iingat ka sa Bicol! Bakit nandito ka?!” Palahaw ni Lovely.
“Take Akame with you. Pagkatapos ay, papuntahin mo rito si Top.” Utos sa akin ni Darth habang isinusuot kay Akame ang jacket nito.
Wala sa sariling napasunod na lamang ako. Bago ako umalis akay-akay si Akame ay nakita ko pa kung paanong magwala si Lovely habang yakap-yakap ang mga magulang.