Tuloy-tuloy na naglakad si Jared palapit sa akin. Blangko ang ekspresiyong hinawakan niya ako sa mga balikat at hinarap sa kaniya. Hindi ko siya tiningnan. Nakatuon pa rin ang mga mata ko kay Darth. Ganoon din ito sa akin. Para bang sinsabi ng mga titig nito na seryoso ito sa binitiwang salita.
“Violet.” Mariing saad ni Jared kaya wala na akong nagawa kundi ang tingnan siya. “Totoo ba?”
Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko sa tanong ni Jared. Wala nga talaga siyang alam na may traydor sa grupo.
“I’m sorry…” mahina kong sabi sabay iwas ng tingin.
Katahimikan ang namayani. Bahagya kong sinulyapan si Darth. Nakapikit na ito’t parang walang balak na makinig sa ano mang sasabihin ko.
“Why? Bakit hindi ko alam?”
“Jared…” panimula ko. Ilang beses akong bumuntong-hininga bago pinakiusapan si Jared na maupo sa tabi ni Darth. Wala namang nagawa ang huli kundi ang umisig para bigyan ng puwesto si Jared.
“Tell him everything. Sa tingin ko naman ay may karapatan siya.” Seryosong sabi ni Darth sabay labas ng cellphone.
“Talagang may karapatan ako, Darth! Kabilang ako sa grupo.”
“Okay, magpapaliwanag ako. Pero sana, huwag ka munang gagawa ng hakbang na ikapapahamak ng lahat.” Napapangiwi kong sabi.
Marahas na nagpakawala ng buntong-hininga si Jared bago isinandal ang likod sa upuan. Marahan siyang tumango.
“Gaya nga ng sinabi ko, lahat ng nangyari ay konektado kay Grey.” Pinilit ko ang sariling lunukin ang pait na nararamdaman. Maging ako’y hindi makapaniwala sa mga nalaman. “Ang huling misyon ni Serena na naging bangungot ng lahat. It was because of him.”
“Bakit? Bakit niya ginawa iyon? Anong dahilan niya?”
“Dahil si Grey ang totoong anak ni Tito Matt. Ang totoong dapat na magmana ng kung anong mayroon ngayon si Kuya Adam, si Top at si Wynter. Gusto niyang gumanti at inumpisahan niya iyon kay Serena! Maybe Serena knew something wasn’t right. Baka may nalaman siyang bagay na naging dahilan kung bakit siya namatay.”
Nakita ko ang pagkuyom ng mga kamao ni Jared. Maging ang pag-igting ng mga panga ni Darth ay hindi nakaligtas sa akin.
“Pati ang pagkakawala ni Darth sa grupo ng ilang taon ay dahil din kay Grey. Gusto niyang alisin ang mga taong alam niyang mahihirapan siyang kalabanin! He fooled us.
Si Damon, may alam din siya pero pinili niyang manahimik dahil alam niyang hindi maganda ang kalalabasan kung paiiralin niya ang galit. He was ready to kill Grey, pero palagi siyang pinipigilan ni Top. I was told to not say anything to you dahil baka masira ang plano.”
“Fuck!” Mariing sabi ni Jared bago hinarap si Darth. “You also knew about this?”
Tinaas lamang ni Darth ang kilay bago tumingin sa akin. Marahan akong tumikhim para kunin ang atensiyon ni Jared.
“He was almost killed by Grey, Jared.” Mahina kong sabi na ikinalaki ng mga mata ni Jared. “Party sa bahay ni Kuya Adam noong mangyari iyon. You weren’t in the mission that time dahil sa napuruhan ka sa last mission ng grupo. Darth was drugged. Iyon ang naging huling trabaho niya bago siya lumipad papuntang ibang bansa.”
“How did you know about that?” Malamig na tanong sa akin ni Darth. Parang gusto ko na lang lamunin ng lupa sa tinging ipinupukol nito sa akin.
“Ipinadala sa akin ni Top ang record ng mga missions noong nasa grupo ka pa. Lahat alam ko, lahat nabasa ko, lahat napanood ko.”
“The fucked? You watche—.”
“Hindi ko pinanood iyon! Wala akong balak. Actually, binura ko kaagad nang makita ko ang pagpasok niyo sa kotse!” Mariin kong sabi sabay kuha ng laptop. Kaagad kong binuhay iyon at hinarap kay Darth. Alam kong naalarma ito sa sinabi ko. Pero totoong hindi ko pinanood ng buo ang mainit nilang pagniniig ng kapatid ni Damon!
Shit. Alright, pinanood ko sa umpisa, pero hindi ko tinapos! Wala naman akong napala sa tape na iyon.
“Should I kill Damon for installing cameras in my car?” Naniningkit ang mga matang tanong ni Darth. Mukhang ayaw talaga nitong malaman ng iba ang pangyayaring iyon.
“Maybe he’s thinking the same thing. You took advantage of his sister, idiot.” Napapairap kong sabi.
“Hindi ko alam na kapatid pala iyon ni Damon! Malay ko bang siya ang mahihila ko? Isa pa, she saw me killed that man.”
“Kay Damon ka magpaliwanag. Mahaba na ang apat na taong pagtakbo mo sa responsibilidad. Matuto kang magpakalalaki.” Wala sa sariling sabi ko.
“Anong ibig mong sabihin?” Malamig na tanong ni Darth. Kaagad na iniwas ko ang tingin. Bakit ba ang daldal ko minsan? Mukhang papatay pa naman si Darth oras na malaman nitong may anak ito sa kapatid ni Damon.
Nang tingnan ko si Jared ay nakatiim ang mga bagang niya. Nakapikit ng mariin, parang sinasanay pa ang sarili sa mga narinig na sinabi ko.
Muli akong tumikhim na ikinatingin ng dalawa sa akin. “I think, kailangan na nating kumilos.”
“Wait, kung si Grey ang traydor, bakit sugatan siya noong nawala si Akame? Hindi naman kaya si Ak—.”
“No Jared! Si Grey ang itinuturo ng mga ebidensiya!” Malakas kong sabi habang nakaturo sa laptop. “Ang natamo niyang sugat ay totoong galing kay Akame. Maarte si Akame at aminado tayong hindi palagay ang loob natin sa kaniya. Pero wala siyang kasalanan. Hindi siya ang kalaban natin dito.”
“What should we do then?”
“We can discuss about it tomorrow at the meeting.” Seryoso kong sabi habang napapabuntong-hininga.
Muling namayani ang katahimikan. Abala ako sa pagtingin ng kung anu-ano sa aking cellphone. Si Darth at Jared naman ay seryosong tinitingnan ang mga files na ipinadala ni Top.
Ilang sandali lamang ay tumunog ang aking cellphone. Unregistered number, pero pamilyar sa akin.
Sandali akong huminga ng malalim bago iyon sinagot. “What?”
Narinig ko ang pagak na tawa ni Ace. “Dinner tomorrow night?”
Hindi ko napigilan ang pag-ikot ng mga mata. Saglit akong nagpaalam kay Darth at Jared bago lumabas ng van.
“Hindi ka talaga napapagod, ano?”
“Oh c’mon Tigress, hindi mo ako sinipot sa dinner date natin. I still like you, kaya hindi ako mapapagod na anyayahan ka.”
Ako naman ang napangisi. “Asshole, kahit ilang beses mo akong imbitahan, hindi kita pagbibigyan.”
“Ouch, you’re hurting me, Tigress.”
Hindi ko alam, pero mas mukhang katiwa-tiwala pa si Ace kaysa kay Grey. Ewan, baka dinadaya na ako ng nararamdaman ko. Napakahirap nang magtiwala. Isa pa, si Ace pa rin ang pumatay kay Serena.
“You look like you’re planning to kill me, Tigress.”
Nawala ang ngisi sa mga labi ko. Mabilis na inilibot ko ang tingin sa paligid. Hatinggabi na, madilim sa paligid at tanging ang ilaw sa poste lamang ang nagbibigay liwanag.
“Oh, I wanted to surprise you pero mukhang nahulaan mo nang malapit lang ako. Don’t worry Tigress, hindi pa rin magbabago ang isip ko. Hindi kita gagalawin, hindi kita papatayin, dahil gusto kita.”
“Damn you Axen!”
“Anyway, pinutol ko na ang ugnayan ko kay Grey. Huwag kang mag-alala, hindi ko sasabihin sa kaniyang may alam na kayo.” Sabi pa ni Axen bago tumawa ng malakas.
“Hindi ako naniniwala.”
“Wala akong magagawa kung iyan ang desisyon mo. Pero totoong wala na akong ugnayan kay Grey.”
“Bakit mo naman iyon—.”
“Wynter told me to stay away from those people na konektado sa trabaho ni Top. She’s kinda bossy, talo ako, kaya wala akong magawa.” Nahimigan ko ang kakaibang tono sa boses ni Ace. Kung ano man iyon, hindi ko na lamang pinagtuunan ng pansin.
“Papatayin ka ni Top, Axen.”
“For being with Wynter or for killing their adopted father? Kung alin man doon, I would gladly accept it.”
Para akong nabingi sa sinabi ni Axen. Naramdaman ko ang pagnginig ng aking mga kamay at tuhod. Hindi ako makapagsalita. Una, sa kaalamang ito ang pumatay kay Tito Matt. Pangalawa ay ang tila handang-handa itong tanggapin ang kapalarang naghihintay.
“Kung papaunlakan mo ako sa dinner date natin, baka matulungan ko pa kayo. I can give you some sort of advice on how to kill Grey.”
Hanggang sa mawala sa linya si Ace ay hindi na ako nakapagsalita. Para akong nabato sa kinatatayuan ko. Kung hindi ko pa naramdaman ang patak ng ulan ay hindi ko mamamalayang kanina pa pala akong tulala.