“Seatbelt…”
Napapairap na sinunod ko ang utos ni Colt. Hindi ko alam kung anong problema ng taong ito at parang ako yata ang napagdiskitahan.
Didn’t he just told me to leave him alone a week ago? So, anong drama ito?
“What are you up to?” Tanong kong ang buong atensiyon ay nasa mga street lights na nadadaanan namin.
Hindi ako sinagot ni Colt. Hanggang sa makarating kami sa tapat ng condominium ay wala akong narinig mula sa kaniya.
“How did you know where I live? Stalker kita ano? May gusto ka sa akin? O baka naman ikaw si Flix at pinagtitripan lang ako?!” Bigla akong nainis sa isiping iyon.
Kapag talaga nalaman kong pinagtitripan ako ni Flix masasakal ko talaga siya kapag nagkita kami!
“Just get inside!” Mariin niyang sabi bago muling pinaandar ang sasakyan.
Tingnan mo ang taong iyon. Hindi ko maintindihan ang takbo ng utak. Mas gugustuhin ko pang kausap si Red kaysa sa Colt na iyon eh!
Muling akong napairap bago tumalikod. “Mabunggo ka sana, Vierco!” pahabol kong sigaw bago tuluyang naglakad.
Ilang minuto akong naghintay sa tapat ng elevator. I was about to take the lift when someone pulled me inside. I frowned when I saw his face. “What are you still doing here?”
“What floor?”
Taas ang kilay na tinitigan ko si Colt. “Isa pang pambabalewala sa tanong ko masasapak na kita!”
Marahas na napahinga si Colt bago ako tinitigan. “Just press the goddamned floor number!” inis niyang sabi bago ako inilapit sa mga buttons.
Pinigilan ko ang sariling suntukin si Colt sa mukha. Napipika na ako sa inaasta niya. Hindi ba’t ayaw na ayaw niya sa akin?! Eh ano itong ginagawa niya ngayon?!
“Pakana ba ito ni Flix?” Malamig kong tanong matapos kong mapindot ang floor kung saan naroon ang condo unit ko.
“No…”
“Anong kailangan mo sa akin?”
“Nothing…”
Hindi makapaniwalang nasabunutan ko ang sarili. Kung ganoon naman pala bakit niya ako iniistorbo?!
“What are you doing in the club?” Tanong ni Colt na ikinatigil ko sa ginagawa.
Bigla akong napangisi. “None of your business, Vierco.”
Tumiim lang ang mga bagang ni Colt. Wala na akong narinig pa mula sa kaniya. Kaya nang bumukas ang pinto’y walang pasabing lumabas na ako.
“Lock your doors at huwag na huwag mong bubuksan kapag may kumatok.”
“Oh, so you’re concerned about me now. How touching.” Sabi kong napapahawak sa dibdib.
Muling umigting ang mga panga ni Colt bago ako marahas na isinandal sa pader. Napansin ko ang galit sa kaniyang mga mata. “I saw you went to the VIP rooms in the club. My people just texted me na may nangyari pagkatapos mong bumaba. What did you do?”
Malamig kong tinitigan si Colt bago ngumisi. “That’s why you gave me milk. How long did you know about my job? Sinabi ba sa iyo ni Flix o pinaimbestigahan mo ako?”
“So you kill people for money. Am I one of your missions?” Salubong ang kilay na tanong ni Colt.
“Mas maganda sana kung ganoon. But no, my only mission for you is to get your ass out of your den.”
Saglit na nagsukatan kami ni Colt ng tingin bago niya binitiwan ang kamay ko.
Mukhang kailangan ko na ulit lumipat at magtago. Dumarami na ang nakakaalam ng pagkatao ko. Wala naman nang magagawa si Flix oras na magtago ako. And besides nariyan si Damon. He’ll probably help me.
Marahan akong naglakad palapit sa pinto ng unit ko. Kaagad kong inilagay ang password para mabuksan ang pinto. Bago ako tuluyang pumasok ay muli kong sinulyapan si Colt. Nakatitig pa rin siya sa akin habang nakatiim ang mga bagang. “Good night Vierco.” Nakangisi kong sabi bago pumasok sa loob.
Inis na hinubad ko ang aking boots. Pagkatapos ay tamad na naglakad palapit sa malambot na sofa. Napapapikit ang mga matang huminga ako nang malalim.
Ilang sandali lang ay tumunog ang cellphone ko. Damon’s calling. Malamang na pagagalitan niya na ako.
“Hey…” tamad kong sagot.
“He knew.”
Saglit na kumunot ang noo ko bago napangisi. “Don’t worry, papatayin ko na lang sila ng kambal niya kapag ipinagkalat nila ang tungkol sa akin.” Sagot ko.
Siguro ay narinig ni Damon ang lahat ng pinag-usapan namin ni Colt. Ngayon ko lang kasi naalalang suot ko pa pala ang bracelet.
“Just be careful.” Napapabuntong-hiningang sabi ni Damon.
“Alright boss…” sabi ko bago humikab. Pasado alas-dos na rin pala ng madaling araw. Kaya pala nakakaramdam na ako ng antok.
“Report to my office tomorrow after lunch. Darating si Top.”
Hindi na ako nakasagot kay Damon nang unti-unti na akong lamunin ng antok.
Kinaumagahan ay nagising akong nasa kama. Napabalikwas ako ng bangon nang maalalang sa sofa ako inabot ng antok.
“What the…”
Mabilis akong naglakad papasok sa banyo para tingnan ang sarili. Wala namang mali o nawala o ewan! I’m still wearing my clothes from the last night. Magulo nga lang ang buhok ko.
Baka nagsleep walked ako kagabi? O kaya naman ay lumipat talaga ako pero ‘di ko lang matandaan.
Mabilis na iwinaksi ko ang isipin tungkol doon. Wala namang masamang nangyari sa akin kaya hindi ko na dapat iyon pagtuunan ng pansin.
Kaagad akong naligo. Isang maiksing shorts at maluwang na t-shirt ang sinuot ko. T-shirt na kinulimbat ko pa kay Damon noon sa van niya. Wala eh, nabighani ako sa maliit na design na nasa gilid. Pinag-awayan pa namin ito dahil ibabalik niya raw doon sa babaeng nagbigay sa kaniya. Tinakot ko pa ngang ibubuko ko siya kay Serena, ayun, bumigay rin. Natakot ang kumag.
Malakas akong napasinghap nang makita ang isang paper bag ng pagkain sa dining table. Kaya dali-dali ko iyong inabot. Napataas ang kilay ko nang makita ang isang sticky note.
“You didn’t locked the door, you stupid cat.”
Napabuga ako sa hangin. Hindi makapaniwalang muli kong binasa ang sulat mula kay Colt. Kung ganoon, siya ang nagdala sa akin sa kuwarto?!
Inis na tinapunan ko ng matalim na tingin ang paper bag. “For sure may lason ‘to.” Sabi ko sa sarili habang kinukuha sa loob ang pagkain. Pero hindi ko pa man nailalabas ang mga iyon nang makapa ko ang isa pang sticky note.
“Eat them, I won’t poison you.”
Napapalatak na pinunit ko ang paper bag para tuluyang lumabas ang lahat ng pagkain. Too bad, wala na akong nakitang sticky note.
“Stupid Vierco!”
Ilang sandali ko pang tinitigan ang pagkain sa aking harapan. Napilitan na lang akong kumain nang maramdaman ko na ang pagkalam ng sikmura ko. Kagabi pa palang walang laman ang tiyan ko.
Maya-maya’y biglang tumunog ang aking cellphone. Si Damon ang inaasahan kong tumawag pero hindi. Mabilis muna akong uminom ng tubig bago sinagot ang tawag ni Top. Sa loob ng mahabang panahong pagtatago ko ngayon na lang ulit ako nakatanggap ng tawag mula sa kaniya.
“Yes?”
“Where the fuck are you?!” Bungad na sagot sa akin ni Top.
Mabilis na tiningnan ko ang oras sa aking cellphone. Bigla akong napasinghap. Thirty minutes na akong late! Shit!
“I’ll be there in five minutes!” Natataranta kong sabi bago nagmamadaling nagpalit ng damit.
Ilang beses pa akong napamura nang maipit ako sa traffic. Patay talaga ako nito kay Top! Sa lahat ng ayaw ko iyong magalit siya sa akin! Nakakatakot magalit ang taong iyon!
Dahil nga traffic, ayun, mangiyak-ngiyak na nakarating ako sa opisina ni Damon pagkatapos ng isang oras sa kalsada.
All eyes on me. Kaya bilang ayaw ko namang tuluyang mapahiya. Taas ang noong naglakad ako para maupo sa tabi ni Red. Kung tulad lang sana ako ni Serena. Buti pa ang isang iyon, wala talagang pakialam kung magalit man si Top. Minsan nga nagmeeting kami noon. Ang usapan ten a.m, dumating ang loka mag-aalas kuwatro na. At imbes na magsorry, inirapan lang kaming lahat. Sana ganoon kalakas ang confidence ko sa katawan.
“You’re late…” bulong sa akin ni Red.
“Alam ko, bobo.” Inis kong sabi bago tumikhim nang makita ang pagsulyap ni Top.
“Alright, since you’re already here, sasabihin ko na ang dahilan kung bakit nagpameeting ako.” Seryosong sabi ni Top bago tumingin ulit sa akin. “Kailangan mo nang bumalik sa team, Keith. Mahaba na ang panahong binigay ko sayo para magtago.”
“But…”
“Babalik ka o ako mismo ang aayos ng problema mo?”
Marahan akong napalunok. Kapag sinabi kasi niyang siya ang kikilos, damay lahat ng mga kaibigan ko sa labas ng team. Lalo na ang kambal na iyon. Pero hindi ko naman sinasabing kaibigan ko sila ah! Ibig ko lang sabihin, madadamay sila pati na rin si Kuya kapag si Top ang umayos ng gulo ko.
Huminga ako nang malalim. “Okay…”
Saka ko na lang siguro pag-iisipan kung anong gagawin ko sa trabaho ko kay Flix. Wala namang binanggit si Top na umalis ako sa trabahong iyon eh. Kaya sa tingin ko’y ayos pang puntahan ko si Colt at Flix para sirain ang mga araw nila.