“Take it slowly, there’s no need to rush.” Mariing sabi ni Top na narinig namin mula sa earpiece na suot.
Halos kalahating oras na simula nang makapasok kami ni Darth sa loob. I’m pretty sure na kumikilos na rin si Red kasama ang ilang tauhan ni Top.
“Where’s Black?” Tanong ko. Dapat kasi ay kasama namin si Damon sa pagpasok sa loob ng ancestral house. Kaya lamang ay pinauna na kami nito.
“Papasok na, may inasikaso lang sandali.” Malamig na boses ni Damon ang sumagot imbes na si Top.
Hindi ko napigilan ang mapangisi. “Let me guess, your spy informed you about Phoebe and Sean. Did they kiss already?”
“Oh shut up!” Mariing sabi ni Damon bago nagmura.
“Nagkiss nga sila?” Nanlalaki ang matang napatingin ako kay Darth na masama na ang tingin sa akin.
“This is why I hate girls kapag nasa misyon. You’re distracting me, Violet!” Pagrereklamo ni Darth. Abala kasi ito sa pag-a-unlock ng unang pintong tinapatan namin.
“Distracting you? Ano namang ginawa ko para—.”
Marahas na nagpakawala ng buntong-hininga si Darth. Kasunod niyo’y nauna na itong pumasok sa loob ng nakabukas na kuwarto.
“You’re just pretty, and your face’s distracting me so shut up, dahil baka kapag bumalik ka kay Colt, hindi ka na niya makilala.” Sagot sa akin ni Darth habang pinandidilatan ako ng mga mata. Para ngang gusto niya pa akong batukan. Kung hindi lang dahil sa pagsulpot ng boses ni Red ay baka nagsumbong na ako ngayon kay Colt.
“I saw some silhouette in the left wing.”
Napatingin ako kay Darth. I guess, this is it.
“You go at the door over there, baka passage iyan papunta sa underground nitong bahay.” Utos sa akin ni Darth. Magrereklamo pa sana ako kaya lang ay napansin kong papasok na siya sa kabilang pinto.
Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko. Kasunod niyon ay hinarap ko ang pintong itinuro ni Darth.
Marahan kong kinuha ang baril sa aking likuran habang naglalakad palapit sa pinto. Nang buksan ko iyo’y kadilim ang sumalubong sa akin. I tried to look for the switch. Nakapa ko naman iyon sa gilid, pero mukhang pundido na ang ilaw.
Wala akong nagawa kundi ang maglakad na lamang ng marahan papasok.
“V-Violet, where…..are….y-you?” It was Top.
Kunot ang noong hinawakan ko ang earpiece. Interrupted ang sound. Paulit-ulit na nasisira ang mga salitang binibigkas ni Top. Hanggang sa tuluyan na ngang mawala ang boses nito. Napapakibit ang balikat na nagpatuloy na lamang ako sa paglakad.
Ilang sandali lamang ay ramdam kong tila pababa na ang daang tinatahak ko. Darth was right, passage nga patungong underground ang pintong pinasukan ko.
Hindi ko napigilan ang mapangisi. Pagbabayarin ko si Grey sa ginawa niya.
“Stop!” Sigaw na siyang naging dahilan para maging alerto ako.
“Please, stop…” umiiyak na pakiusap ng isang babae.
Kumunot ang noo ko. Bigla akong nakaramdam ng takot. Takot, hindi dahil sa isiping baka may mangyari ding masama sa akin. Kundi dahil sa kung anong maaaring gawin ni Damon.
“Oh fuck…” Mariin akong napapikit. Ramdam ko ang panginginig ng aking mga kamay.
Saksi ako sa kung anong kayang gawin ni Damon. Noong nawala si Serena halos hilingin ko na lamang na mamatay kaysa saluhin ang galit ni Damon. Kahit na alam kong para naman talaga kay Ace ang galit nito, natakot pa rin ako.
“No! Stop, please…” Iyak pa rin ni Phoebe.
“Violet…” Napapitlag ako nang biglang may magsalita sa earpiece. Hindi ko napansing maayos na ang signal.
“T-Top…” Mahina at kabado kong sabi.
Mariing hinawakan ko ang aking kamay para pigilan iyon sa panginginig. Bakit nga ba nakalimutan ko si Top. He’s a monster, a demon! Hindi ko alam kung anong gagawin nito oras na malaman na hawak ni Luis si Phoebe.
“Who was that?” Malamig pero mapanganib ang boses na tanong ni Top.
Hindi kaagad ako nakasagot dahil sa kaba. No—hindi talaga ako sumagot. Tinanggal ko ang earpiece at marahang naglakad pa palapit sa pinanggagalingan ng boses ni Phoebe.
Wala sa information na nakuha namin na narito din si Phoebe. Si Akame at Tamara lang ang alam kong kukunin namin.
“G-Grey…please, let me go.” Pakiusap ni Phoebe.
Tila nagpanting ang mga tainga ko. Narito si Grey?
Isang pagak na tawa ang nagpaangat sa aking ulo. Mahigpit na hinawakan ko ang baril.
“Let you go? Hindi mo ba alam na maraming utang sa akin ang Kuya mo? Ninakaw nila sa akin ang lahat! Everything was supposed to be mine!” Sigaw ni Grey.
Bahagya akong sumilip mula sa madilim na hallway na kinaroroonan ko. Tumalim ang titig ko kay Grey. Nakalagay ang kanan niyang kamay sa leeg ni Phoebe habang ang isa nama’y may hawak na baril at nakatutok sa sentido nito.
Napansin ko ring may dugong umaagos sa noo ni Phoebe. Maging sa gilid ng kaniyang mga labi.
“Hindi ko alam ang ibig mong sabihin! Please, we’re friends, right.” Umiiyak na sambit pa ni Phoebe na tinawanan lang ni Grey.
Hindi ko napigilan ang makaramdam ng habag para kay Phoebe. Pareho lamang kaming nalinlang ni Grey.
Napayuko ako sandali at pinigilan ang sariling lamunin ng emosiyon. Nang mag-angat ako ng tingin ay awtomatiko akong napanganga. Nagtama ang mga mata namin ni Phoebe. Mabilis na inilagay ko ang hintuturo sa aking mga labi. Ngumiti din ako para iparating na magiging maayos ang lahat.
Huwag lang sanang makarating kay Damon na narito si Phoebe. Oh wait—hindi ba’t galit si Damon kanina? Hindi kaya, alam na nitong narito si Phoebe?
Oh damn!
“Look who’s here…”
Tila nanigas ako sa aking kinatatayuan. Nakita na ba ako ni Grey?
“Fuck you.” Malamig na sagot ng isang lalaki.
Palihim na sumilip ulit ako. And there, I saw Adam. What is he doing here? Hindi ba’t kasama niya si Wynter sa kanila?
“Grey is here!” Mahina kong sabi kay Top pagkatapos kong maisuot ulit ang earpiece. “Pati na rin si Adam!”
“Damn it Violet! Huwag mong basta-basta na lang aalisin ang earpiece mo!” Galit na sigaw ni Darth mula sa kabilang linya.
“Sorry.” Inis kong sabi.
“Alright, Damon’s on his—.”
Biglang naputol ang sinasabi ni Top. Hindi dahil sa muling nawala ang signal. Kundi dahil sa may kumuha ng earpiece sa aking tainga. Maging ang baril sa aking kamay ay mabilis niyang nakuha.
“Violet…” Nakangising sabi ni Grey.
Tumiim ang mga bagang ko. He found me, dang it.
Pinigilan ko ang sariling mapaigik nang hawakan niya ang aking braso. Pakaladkad na dinala niya ako malapit kay Phoebe.
Blangko ang ekspresiyong tiningnan ko si Grey. “Stop this bullshit, Grey.”
Ngisi ang isinagot sa akin ni Grey. “Why are you here, Violet?”
Pinatigas kong muli ang ekspresiyon. “To kill you…”
Humalakhak si Grey. Kasunod niyon ay ang malakas na sampal na ipinagkaloob niya sa akin. Nalasan ko ang dugo mula sa aking bibig.
Isa pang sampal ang aking natamo. Nandilim ang paningin ko. Kaya ang dugong naipon sa aking bibig ay mabilis na idinura ko sa kaniyang mukha.
“You…” Galit na sabi ni Grey at akma ulit akong sasampalin nang mabilis na naipihit ko ang katawan.
I ducked when he tried to punch my face. Kasunod niyon ay ang pagsipa ko sa kaniyang sikmura; he stumbled and fell on the floor.
Mabilis na sinulyapan ko si Adam na nasa gilid. He’s useless, hindi man lang—wait! Bakit nga ba hindi niya sinugod si Grey kanina?
“Ad—.”
“I’m not an enemy. I just came here to ask for the antidote.”
“Antidote?” Tanong ko habang pinupulot ang baril kong nabitiwan ni Grey.
“Axen was—watch out!”
Hindi ko na narinig ang sinabi ni Adam nang maramdaman ang sakit sa aking ulo. Mula kong nabitiwan ang baril nang tuloy-tuloy akong natumba sa sahig.
Impit na daing ang pinakawalan ko nang sipain ni Grey ang aking sikmura. Para na akong papanawan ng ulirat. Pero kailangan kong tatagan ang sarili dahil baka hindi na ako magising kung hahayaan kong lamunin ako ng kawalan.
“No, stop!” Sigaw ni Phoebe. But Grey didn’t stop. Isang malutong na mura ang pinakawalan ko nang hawakan ni Grey ang aking buhok at hilahin ako patayo.
Saglit akong huminga nang malalim bago mabilis na iginiya ang sarili pasampa sa balikat ni Grey. I saw how shocked he was when I strangled his neck with my legs and arms.
Sinubukan niyang abutin ang mukha ko pero mas hinigpitan ko pa ang pagkakasakal sa kaniya.
Nanlaki ang mga mata ko nang mabilis siyang umatras at ibinangga ang sarili sa dingding. Dahilan para tumama rin ang likod ko. Isang daing ang kumawala sa akin.
Tuloy-tuloy akong nahulog sa sahig. Pero mabilis ang kilos na lumayo ako kay Grey.
“Nice…” nakangisi niyang sabi sabay kuha sa baril na nasa sahig. Pasimple kong nilingon si Phoebe na nakatali sa gilid at si Adam na sinusubukan itong kalagan.
Akmang itututok ni Grey ang hawak na baril sa dalawa nang patakbo ko siyang sinugod. Umalingawngaw ang tunog ng baril. Tumama ang bala niyon sa kisame.
Akmang bibigyan ko siya ng suntok nang bigla niya akong sipain sa dibdib.
Oh fuck!
“Save Phoebe and get out of here.” Utos ko kay Adam na kaagad niyang sinunod.
Napapangising nilingon ko si Grey. “How dare you kicked me.”
“How dare you too.” Mariin niyang sabi sabay tutok sa akin ng baril. “You killed Xyleeh.”
Saglit akong napaisip. “Ah, well, that’s what people get if they mess with me.”
“Fuck you! I should’ve killed you at the club! Kung hindi lang dahil sa putang-inang Colt na iyon matagal ka na sanang patay!”
Natigilan ako, kung ganoon, sinadya nga ni Colt na pumunta sa club noong araw na aakitin ko sana si Axen. At kaya natagalan si Grey na puntahan ako ay dahil iyon kay Colt.
“Nasolo mo naman ako sa hotel hindi ba? Bakit hindi mo rin ako pinatay? Was it because you like me? Or you were scared to do it, because you know Colt will hunt you down.” Pang-aasar ko.
Marahan akong naglakad palapit sa upuang naroon. Lalo akong napangiti nang makaalis na nang tuluyan si Adam at Phoebe.