“Look, I don’t really care kung anong gusto mong gawin sa buhay.” Kakalabas ko lang ng opisina ni Damon ay iyon na kaagad ang narinig ko.
Napapakunot ang noong sinilip ko ang dalawang taong nag-uusap sa tapat ng malaking bintanang salamin. Pinaiwan kasi ako sa loob para kausapin ni Top kaya hindi ko alam kung anong nangyayari.
“Ano ba ako sayo? Sa tingin mo ba mag-aaksaya ako ng oras at ng putanginang panahon ko para lang paglaruan ka?!” Bigla akong napahawak sa dibdib ko. Bumaba yata ang taste ng pagmumura ni Damon? O baka masyado lang talaga akong nawala nang matagal at hindi ko napansing nahawa na si Damon sa mabahong bibig ni Red? Ugh, dapat talaga si Grey lang ang sinasamahan nito eh.
“Damon…” Muling napakunot ang noo ko nang marinig ang garalgal na boses ng isang babae. I honestly don’t know her. Bagong mukha siya para sa akin. Hindi ko masasabing isa siya sa mga babae ni Damon. Pero sa tingin ko, kinakarma na ngayon ang kumag.
Dahil isa akong malaking tsimosa pagdating sa tatlong pugo kong kaibigan. Nanatili akong nakatago sa gilid at tahimik na nakinig. Hello, pagkakataon na ito para mapagtawanan ko si Damon ‘no! Aasarin ko nga mamaya.
“Just get out of my sight, Phoebe.” Mariing sabi ni Damon na ikinahikbi ng tinawag niyang Phoebe. “I don’t want to see you anymore.”
Pinigil ko ang sariling mapasinghap ng malakas nang sampalin ni Phoebe si Damon. Hindi ko alam kung dadamayan ko ba si Damon o ipagche-cheer si Phoebe. Damn, ito pa lang ang nakasampal sa kumag na Damon na iyan. Kahit si Serena ay hindi man lang nasapak si Damon bago namatay.
Mabilis kong iniliko ang mukha nang dumaan sa harap ko si Phoebe. Umiiyak itong tumakbo papasok sa elevator.
Nang tuluyan nang nakapasok si Phoebe sa elevator ay saka ko lang narinig ang malalim na buntong-hininga ni Damon. Halatang hindi naman talaga nito gusto ang mga sinabi kay Phoebe.
“Eh kung habulin mo kaya?” suhestiyon ko bago nagpakita kay Damon. Matalim niya lang akong tinitigan bago naglakad pabalik sa opisina niya. “Bobo ka kung hindi mo siya hahabulin.”
“Hindi ako aso para habulin siya.” Malamig na sabi ni Damon.
Napairap na lang ako habang nakasunod sa kaniya. “Sino ba yun? Saan mo ba nakilala?”
“Umuwi ka na nga lang…”
“Eh kung ipagkalat kong sinampal ka ni Phoebe?”
“Then I’ll marry you to Colt.”
“Gago!” inis kong sabi bago lumabas ng kaniyang opisina.
Malalaki ang hakbang na tinungo ko ang elevator. Naiimbyerna ako sa pagmumukha ni Damon, bwisit!
Nakakainis, kailangan ko nang makaalis sa building ni Damon. Baka kung anong pumasok sa isip ko’t masunog ko pa ito.
Nang makarating sa parking lot ay kaagad kong tinungo ang aking kotse. Akma na akong pasakay sa sasakyan ko nang mahagip ng tingin ko si Phoebe. Nakaupo ito sa gilid habang nakapatong ang ulo sa tuhod.
She’s still crying?
Atubiling lumapit ako kay Phoebe. Marahan akong naupo sa kaniyang harapan bago ko hinawakan ang kaniyang ulo.
“Are you okay?” Ngali-ngaling batukan ko ang sarili nang maitanong ko iyon.
Hindi ako sinagot ni Phoebe. Humihikbing tumingin lang siya sa akin.
“Do you mind if I take you home?” Tanong ko pa. Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Phoebe bago umiwas ng tingin. “No…I’m Damon’s friend. Hindi kita gagawan ng masama.”
“Inutusan ka ba niyang ihatid ako? Kung oo, ayaw kong magpahatid.” Garalgal ang boses na sabi sa akin ni Phoebe.
Mabilis akong umiling. “Uhm, no, hindi niya alam na ihahatid kita. Shall we?”
Ilang beses pang suminghot si Phoebe bago marahang tumayo. Kagat-labing sumakay siya sa passenger seat.
Nagpakawala muna ako ng malalim na paghinga bago sumakay sa kotse. “Saan kita ihahatid?”
“Sa school na lang po. Malapit naman po ang tinitirahan ko doon.”
Biglang tumaas ang dalawa kong kilay. “School? Estudyante ka?!”
“May problema po ba roon?”
“How old are you?”
“Twenty po.”
Napapaawang ang bibig na binuhay ko ang makina ng kotse. Gagong Damon na iyon, siyam na taon ang agwat ng edad nila ni Phoebe?!
Naging tahimik ang buong biyahe. Nang makarating kami sa tapat ng school ni Phoebe ay kaagad na siyang bumaba.
“Thank you Miss…”
“Keith, just call me Keith.” Nakangiti kong sabi.
Akmang aalis na si Phoebe nang kaagad ko siyang tawagin. Hindi ko yata maaatim na matatapos sa ganito ang lahat. I don’t really have the rights para panghimasukan ang relasyong meron sila ni Damon. Pero shit lang! Ayaw ko namang magmukhang tanga yung kulugo na yun! Gwapo yun si Damon pero may pagkabobo yun pagdating sa babae. Tanga yun sa pagmamahal.
Naku kung naririnig lang ni Damon ang isipan ko siguradong pinapatay niya na ako sa isip.
“Wala ka bang gagawin para magkaayos kayo ni Damon?”
Saglit na lumunok si Phoebe bago sumagot. “Ilang beses ko nang sinubukang ayusin. Pero mukhang ayaw niya na talaga.”
“’Wag kang susuko. Mukha lang galit yun pero malambot naman yun. Puntahan mo lang siya araw-araw at ipamukhang gago siya dahil sinamantala niya ang kabataan mo. Bobo yun, wala yun masyadong alam sa pagmamahal eh.”
Tumaas ang kilay ko nang makita ang pagngiwi ni Phoebe. Baka nagtataka ito sa mga pinagsasasabi ko. Nagmumukha kasing sinisiraan ko si Damon sa harap niya. “Actually, Phoebe, he’s not that bad. Badtrip lang iyon ngayon, pero try mo pa ring kausapin. Don’t worry, susuportahan kita.” Nakangiti kong sabi bago itinaas ang kamay para magpaalam.
Mabilis kong pinasibad ang sasakyan. Gusto ko nang umuwi para makapagpahinga. Pakiramdam ko kasi’y naubos ang energy ko sa jowa ni Damon; kung girlfriend niya na nga talaga si Phoebe. Pero duda ako, mahina yun si Damon eh. Tsaka wala naman siyang sinabi na break na sila.
Malaki ang ngising kinuha ko ang aking cellphone. I dialed Grey’s number. Ilang segundo lang ang itinagal bago ko narinig ang boses niya.
“Guess what…”
“Ikakasal na kayo ni Colt?”
“Taena mo abo!” Inis kong sabi na ikinahalakhak lang ni Grey. Gago ba siya? Sa lahat ng ayaw ko eh yung binabanggit ang tungkol sa bagay na iyon! Isinusumpa ko talagang nakilala ko si Flix!
“Ano nga?”
“Yung nobya ni Damon.”
“Si Feb?”
Sarkastiko akong napatawa. Mukhang ako lang yata ang walang alam ah. “Kilala mo yun? Girlfriend niya na talaga?”
“Yeah, isang beses na hinatid ko siya sa school.”
“So alam mo rin na mas bata ang babaeng iyon ng siyam na taon kay Damon?!”
“May mali ba roon? Hindi naman siya makakasuhan ng child abuse, diba?” Parang wala lang na sagot sa akin ni Grey. Mukhang madami ngang alam ang mga kumag tungkol sa nobya ni Damon.
“Ewan ko nga sa iyo!” Malakas kong sabi bago pinatay ang tawag.
Maloloka ako sa mga taong iyon! Puntahan ko na lang kaya si Colt para may mainis naman ako?
Natatawang iniliko ko ang kotse. Trabaho ko pa rin naman ito ah. Kaya guguluhin ko siya.
-
Ilang malalakas na katok ang ginawa ko bago bumukas ang pinto. Tumambad sa akin si Colt na salubong ang kilay. “Get lost-“
Mabilis akong pumasok sa loob ng bahay niya. Halos mapatalon pa ako nang malakas na tumahol ang alaga niyang aso. Kaya nang makabawi’y pinandilatan ko ito ng mga mata. Natigil naman ang aso sa kakatahol. Marahan itong lumapit sa akin at saka ako dinambahan.
Nandidiring inilayo ko ang aso nang maramdaman ang dila nito sa aking mukha.
“Wala ka man lang bang gagawin?” Napapairap na tanong ko kay Colt. Seryoso lang siyang nakamasid sa akin at sa aso. Maya-maya’y pairap siyang naupo sa sofa.
“Ano na namang kailangan mo?”
“Wala lang, gusto ko lang makita kung paano ka mainis sa pagmumukha ko.” Natatawa kong sabi bago pabirong tinampal ang nguso ng asong walang tigil sa pagsiksik sa akin. “Sasakalin ko itong aso mo kapag hindi mo ito inilayo sa akin!”
“She obviously likes you.”
Naningkit ang mga mata ko. Matalim kong tiningnan ang asong nakatunghay sa akin. “Well I don’t like you—ah shit!” Naiinis kong bulalas nang dilaan na naman nito ang aking pisngi. “Ano ba, ipapalechon kita eh!”
Natigil ako sa paglayo ng aso sa akin nang marinig ko ang mahinang pagtawa ni Colt. Nakatuon lang ang mga mata niya sa malaking tv habang nanunood sa Netflix. Ewan ko kung ako ba ang tinatawanan niya o yung pinapanood niya.
Mukhang ako pa yata ang naiinis imbes na si Colt. Letse!