Malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan habang pinagmamasdan si Damon at Colt na naka upo sa sofa.
“I’ll go…” mahina kong sabi na ikinakunot ng kanilang mga noo. “I can’t just stay here and wait for them to—”
“I will protect you…”
“Colt—”
Marahas na nagpakawala ng hininga si Damon bago tumayo. “I’ll wait you guys outside, kapag nakapagdesisyon na kayo.”
Kanina pang narito si Damon. Kanina pa rin akong nakikipagtalo sa kanilang dalawa ni Colt. Gusto kong sumama sa misyon. Gusto kong magtrabaho, dahil lalong hindi ako mapapalagay kung nandito lang ako sa condo habang ang mga kasama ko’y nasa panganib.
Colt wants me to stay, ganoon din naman si Damon. Pero isipin ko pa lang na ginagawa nila ito para sa akin ay hindi ko maiwasang makaramdam ng panliliit. Sa aming lahat, kahit noong buhay pa si Serena ay palaging ako na lang ang iniintindi nila. Kesyo ako ang pinakabata sa grupo; na kailangan nila akong protektahan. Masaya akong ganoon sila sa akin. Pero minsan, hindi ko na nagugustuhan. Ilang beses na bang nalagay sa panganib ang buhay nila dahil sa akin? Hindi ko na mabilang.
“Kitty…”
“Please, Colt.” Mahina kong sabi. “Gusto kong tumulong, promise, hindi ko hahayaang may mangyari sa aking masama.”
He clenched his jaw. “Kitty naman!”
“Kilala mo naman ako diba? I can protect myself.”
“Iyon na nga, kilala nga kita! Alam ko kung gaano katigas iyang ulo mo! Alam kong gugustuhin mong mailagay ang buhay mo sa panganib para sa mga kasamahan mo sa trabaho!” Galit na sabi ni Colt na ikinakagat ko sa labi.
Minsan napapaisip ako, totoo ba ang mga pag-aalalang nasa mga mata niya? Was he really worried about me?
“Please, ngayon lang, hindi ako aalis sa van. Kahit pabantayan mo pa ako kay Damon o kay Jared, o kaya kay Grey. Kapag may ginawa akong hindi mo nagustuhan, you can punish me.” Sabi kong biglang napangiwi dahil sa kablangkuhan sa mukha ni Colt. “I promise, babalik ako sayo. Babalik akong walang galos at buo.”
Pinilit kong abutin ang kamay ni Colt. Alam ko at ramdam kong galit siya sa pagpipilit kong sumama sa trabaho. Pero wala akong magagawa. Papatayin ako ng konsensiya kapag may nangyari sa mga kaibigan ko.
Mariing pumikit si Colt bago ako hinila para yakapin. “You pretty little beast, sakit ka talaga sa ulo.”
Hindi ko alam kung matatawa ako sa mga sinabi niya. “Please Colt…”
“It’s really hard to tame you.” Mahina niyang sabi habang nakayakap pa rin sa akin.
Bahagya akong natigilan. Was he trying to—holy shit?! What the hell was he talking about?
“Hey, wait, what?”
Marahang kumalas sa pagkakayakap sa akin si Colt. Nakangiting pinagmasdan niya ako bago hinaplos ang aking pisngi. “Damon’s waiting outside.”
“But you need to—”
“You can ask Kairo, he’ll tell you everything.”
Hindi na ako nakapagsalita. Hindi ko maintindihan. Anong nangyayari? Should I go back home and ask my brother?
“Kitty, you should go, kanina pa naghihintay si Damon sa labas.” Muli akong napatitig kay Colt. He was smiling, pero may nababanaag akong lungkot sa kaniyang mga mata. He sure doesn’t want me to go.
Mabilis ko siyang dinambahan. Tuloy-tuloy na natumba kami sa sofa. “I’ll be back, I promise.”
Mahigpit na yakap ang ibinigay sa akin ni Colt bago ako tuluyang umalis sa pagkakaupo sa kandungan niya. Bago ako makalayo ay mabilis niya akong hinila. I expected him to hug me again, but he kissed me instead.
“I’ll wait for you…”
-
“Second floor, left door.” Seryoso kong sabi habang nakatingin sa mga monitor na narito sa loob ng van. Si Grey at Akame ang nasa loob ng lumang mansiyon na pag-aari ni Luis Monasterio. “Grey be careful…”
“Yes sweetie…”
“How about me Violet? Wala man lang bang good luck diyan?” Singit ni Akame sa linya. Bigla akong napangisi. Buhay pa pala ang babaeng ito?
“Goodluck, Akame…” I hope you die; gusto ko sanang idugtong pero baka marinig ng mga kasama namin. They will surely ask questions. Baka mawala pa kami sa konsentrasyon.
Inis na tinanggal ko ang earpiece nang marinig ang malokong tawa ni Akame. Damon tried to calm me down pero hindi ako nagpapigil sa pagsuntok sa bintana ng van.
“Violet!” Mariing wika ni Damon.
“I’ll kill her one day, at sa araw na iyon sisiguraduhin kong pasasalamatan niyo ako.” Mariin ko ring bulong sa sarili habang matalim na nakatitig sa monitor kung saan kitang-kita ko ang pagngisi ni Akame.
Hindi na ako nakialam pa kay Damon. Hinayaan ko nang siya ang magbigay ng instruction sa dalawang nasa loob ng mansiyon. Kung pwede lang tumakas kanina ko pa ginawa. Kaya lang ay nasa labas si Jared. Tiyak na tatamaan ako kapag nakita ako nitong lumabas ng van.
Ilang minutong nanahimik ako sa loob. Pinapanood ko kung paanong paghahalughog sa loob ng mansiyon ang ginawa ni Grey at Akame. Titig na titig ako sa mga kilos nila, partikular kay Akame.
“Ano nang nangyayari?”
Bigla akong napasinghap nang bumukas ang pinto ng van at pumasok si Top. Akala ko ba nasa Bicol ito?!
“They’re inside, may ilan na silang nakuhang ebidensiya.”
Kumunot ang noo ko. “Ebidensiya? Wait, hindi tayo pulis o kung ano pa mang nagtatrabaho sa gobyerno. We are killers, bakit kailangan ng ebidensiya? Why can’t we just kill Luis?”
“You don’t understand Violet.” Seryosong sabi ni Damon bago ngumisi.
“What is she doing here?” Tanong ni Top habang nakaturo sa akin. “Hindi ba’t sinabi kong iwan niyo siya kay Colt?”
Mariin akong napapikit. Sumasakit ang ulo ko! “Pwede bang magpaliwanag kayo? Bakit parang close yata kayo kay Colt?”
“Ah, she doesn’t know? Hindi niyo sinabi sa kaniya?” Salubong ang kilay na tanong ni Top kay Damon.
“She’s busy with him. Wala kaming time para sabihin sa kaniya.”
Napapairap na lumapit ako kay Top at kay Damon. Hindi ko napigilan ang hampasin silang dalawa sa balikat.
“Alright, that’s enough, Violet.” Natatawang sabi ni Top habang hawak-hawak ang aking kamay. “Colt’s working with us.”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko iyon alam. Akala ko ba hindi pumayag si Colt noong makiusap si Top? Iyon ang sabi sa akin ni Jared noong nasa sementeryo kami.
“Actually, Kairo hired him.”
Ngayon naman nasali na ang Kuya ko! “Anong kinalaman ni Kuya rito?”
Saglit na nagkatinginan si Top at Damon. Alam kong may mga alam sila. Bakit ba ayaw nila akong sagutin?
“Ihahatid kita mamaya kay Kairo. Mag-usap kayo para malinawan ka. Dahil wala kami sa posisyon para sabihin sayo ang totoo.”
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko sa sinabi ni Top. Napapapikit ng mariing naupo ako.
“Grey!” Malakas na sabi ni Damon na ikinatingala ko. Mabilis na nalipat ang tingin ko sa monitor. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakahandusay si Grey sa sahig. May dugong dumadaloy mula sa tagiliran nito. Patakbong lumapit ako kay Damon at inagaw ang earpiece.
“Grey can you hear me?!” Sigaw ko.
“A-Ak—.”
Naputol ang linya. Pabalibag na itinapon ko ang earpiece sa monitor. Walang pasabing binuksan ko ang pinto ng van at lumabas doon.
“Violet where are you going?!” Galit na sabi ni Top habang mahigpit na nakahawak sa aking braso.
“Tatapusin ko ang misyon ko, ngayong gabing ito, Top.” Galit kong sabi. Para akong nilalamon ng galit. Balot na balot ang aking puso. Parang ano mang oras papatayin ko na ang sino mang pipigil sa aking iligtas si Grey.
“Anong misyon?” Nagtatakang tanong ni Jared na kalalapit lang sa amin.
Hindi ako sumagot. Nakatitig lang ako kay Top, ganoon rin ito sa akin. Alam nito ang ibig kong sabihin. Alam nito ang gagawin ko.
“I’ll kill the traitor for you.” Mahina kong sabi bago malakas na hinila ang braso mula sa pagkakahawak nito.
Saglit na natahimik si Top. Ilang sandali’y marahan siyang nagpakawala ng buntong-hininga. “Yeah, susunod ako after five minutes.”
“The fuck guys! Anong pinag-uusapan ninyong dalawa?!” Inis na tanong ni Jared.
Hindi ko ulit ito pinansin. Hindi ko ito masasagot. “Top, do you love Akame?”
Mabilis na iniwas ni Top ang mga mata. Maya-maya ay sinalubong nito ang titig ko. “I don’t know.”
“Si Lovely?”
“Let’s not talk about her.”
“Yeah…” Mahina kong sabi bago nilingon si Jared at si Damon na matamang nakatitig sa akin. “I’ll be back…”
Patakbong pumasok ako sa loob ng mansiyon. Kung maabutan ko man ang traydor sa loob o hindi’y bahala na. Basta isa lang ang masisiguro ko. Mahaharap ko man siya ngayon o hindi’y kamatayan pa rin ang bagsak niya.