noveltoon logo noveltoon
Taming the Beast

Chapter 34

Ch. 35 / 43 May 09, 2025

AN: This is Colt’s POV.

“She’s not answering! Goddammit!” Malakas kong sabi sabay hampas sa lamesang nasa harap ko. Dahilan para mapaigtad si Lovely.

“Relax, nasa loob si Damon at Darth.”

“Who the hell is Adam?! Bakit hindi man lamang niya—.”

“He’s my brother…” sagot ni Top. Mariin ko siyang tinitigan. Wala naman talaga akong pakialam sa kung sino ang lalaking iyon. Ang gusto ko lang linawin ay kung bakit wala man lang itong ginagawa habang nakikipangbuno si Keith kay Grey?!

“Fuck.”

“Wala siyang alam sa pakikipaglaban. Kaya sana maunawaan mo ang ginawa niyang hindi pagtulong kay Violet. Baka nga makasagabal pa siya.” Sagot ulit ni Top.

Marahas akong napabuntong-hininga bago naupo sa upuang nasa gilid. Tahimik na pinagmasdan lamang ako ni Top at ni Lovely.

Nang mawala kasi sa linya si Keith ay kaagad na h-in-ack ni Top ang ilang cctv sa ancestral house ni Luis. May ilang gumagana pa, may ilang hindi na. Iyon nga lang malabo na ang mga camera. Sa katunaya’y halos itim na nga lang ang nasa monitor. Kaya nagkasya na lamang kaming makinig sa pakikipaglaban ni Keith kay Grey mula sa bracelet na suot nito.

“Top…” Kaagad akong napatayo nang marinig ang boses ni Keith. Kumunot ang noo ko. Nahimigan ko kasi ang hirap sa kaniyang boses. “Hey Top…”

“What?! Nariyan na ba si Damon? Si Darth?” Nag-aalalang tanong ni Top. Napatayo na nga ito habang hinihintay ang sagot ni Keith.

“Phoebe’s here…”

“What?!” Sigaw ni Top na ikinatayo ni Lovely. “What the fuck are you talking about, Violet?! She’s in New York right now!”

He’s angry. Kita ko iyon sa mga mata nito. Tila ano mang oras ay bubuga na ng apoy si Top.

“Baka palabas na sila ni Adam. Make sure na hindi siya makikita ni Da—.”

“Naririnig ko kayo, Violet.” Malamig na boses ni Damon ang pumutol kay Keith.

“Oh, kung ganoon, I kinda need a help.” Mahinang sabi ni Keith na ikinakuyom ko ng kamao. Pakiramdam ko’y wala akong kwentang nobyo. Wala akong magawa para sa kaniya. Mayroon man akong alam sa paggamit ng baril, pero wala akong lakas ng loob na pumatay. Hindi nila ako katulad.

“I’m on my way.” Singit ni Darth.

“A-Actually, Grey’s on his way to you guys.” Sabi ni Keith na ikinatigil ng lahat. Katahimikan ang namayani. Tanging ang malalalim na paghinga lamang ni Keith ang naririnig namin.

What the fuck is happening to her?! What is going on?! May tama ba siya?! Anong ginawa ni Grey kay Keith?!

“Fuck, Violet!” Sigaw ni Darth na siyang dahilan kung bakit bigla akong nakaramdam ng lamig. “What the fuck?! Hey, don’t you dare close your eyes, Salvador!”

“W-What?” Tangi kong nasabi bago wala sa sariling lumabas ng van.

Hindi ako nagpapigil kay Top. Bahala na kung anong mangyari sa akin! Ang gusto ko lang ay makita si Keith. Hindi ako papayag na mawala siya sa akin! Hindi ko na kakayanin kung sa ikalawang pagkakataon ay mawalan ako. Kapag nangyari iyon, tiyak na hindi ako mapapatawad ni Zairene. I promised to her na iingatan ko si Keith!

Oh my Kitty.

“Colt, get back here!” Sigaw ni Lovely na humahabol sa akin.

I hate this.

Sa susunod hindi ko na pahihintulutang sumabak sa ganito kadelikadong trabaho si Keith.

“I said stop!” Sigaw ni Lovely habang hinihila ako sa braso. “It’s too dangerous for you! Galit na si Top, kaya kailangan mong bumalik! Natatakot ako sa loob ng van! Kailangan ko ng kasama.”

Mataman kong tinitigan si Lovely. Bakas nga sa kaniyang mga mata ang takot. Katulad ng takot na nakita ko noong kausapin ko siya sa opisina ni Top patungkol sa nangyaring muntikang pagdukot sa kaniya.

“He’s your boyfriend, bakit ka matatakot?” Malamig kong tanong bago muling sinubukang maglakad. Pero mahigpit ang hawak sa akin ni Lovely. Kung hindi nga ako tumigil ay baka mapunit na ang suot kong damit sa sobrang lakas ng kaniyang paghila.

“Hindi ko siya nobyo!” Sigaw niya sa akin. “Natatakot ako dahil parang hindi ko siya kilala! Mahal ko si Top, pero natatakot pa rin ako sa tuwing nakikita ko siyang galit.” Hindi na napigilan ni Lovely ang maiyak. “Kung kasama kita sa van, baka mapanatag ako. You will surely protect me.”

“Kailangan kong puntahan si Keith.”

“Nasa loob si Phoebe! At alam nating pareho na may nangyaring masama kay Keith. Kaya ngayon, galit na galit si Top dahil parehong nasa peligro ang dalawang babaeng iniingatan niya. Alam ko ang kaya niyang gawin, Colt.”

“Lovely…”

“I know, nagiging makasarili ako. Natatakot talaga ako, Colt. Kaya kung hindi ka babalik sa van, sasama na lang ako sayo para puntahan si Keith.”

Isang hingang malalim ang aking pinakawalan. Wala na akong nagawa kundi ang isama na lang siya sa loob. Alam kong magagalit sa akin si Top oras na malaman nitong sinama ko si Lovely. Pero wala naman akong magagawa. Makulit ang nobya nito. Bahala na.

“The fuck! Bumalik ka roon!” Sigaw ni Jared kay Lovely nang makita kami nitong papasok.

“Pero…”

“Papatayin kami ni Top kapag may nangyari sayo! Bumalik ka na roon, Lovely!” Sabi pa ni Jared na ikinatahimik na lang ni Lovely.

“Ohh, look what I found.” Sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. “Girlfriend ka na ba ni Top?”

Bigla akong napalunok nang makita si Grey na naglalakad palapit. Duguan ang kaniyang tagiliran. May hiwa siya sa pisngi at noo. Gawa ba iyon ni Keith?

“Ah, Colt! I’m giving you my deepest condolences. Your precious Kitty—.”

Hindi na natapos ni Grey ang sasabihin nang isang putok ng baril ang umalingawngaw. Kasunod niyon ang bigla niyang pagluhod. Nang tingnan ko ang kaniyang tuhod ay may bahid na iyon ng dugo.

“Fuck you Grey!” Galit na sigaw ni Jared. Maging ako’y nagagalit. Huwag naman sanang magkatotoo ang sinabi ni Grey. Dahil kapag nagkatao’y sisiguraduhin kong hindi lang bilangguan ang kahahantungan niya.

Marahang naglakad si Jared palapit kay Grey. Ngumisi naman si Grey na siyang ikinaigting ng mga panga ko.

Malamig na titig ang binigay ko kay Grey. Pasimple kong kinapa ang baril sa aking tagiliran. Pero awtomatikong nanlaki ang mga mata ko nang may mauna sa aking kunin iyon.

“Stop!”

Napalingon ako kay Lovely. Nagulat na lang ako nang makitang nakatutok sa akin ang baril na kinuha niya sa aking tagiliran.

Oh fuck! What the hell is going on?!

Malakas na halakhak ang ginawa ni Grey. Tila nandilim ang paningin ko sa sobrang galit.

“Lovely.” Malamig na tawag ko sa kaniya. Matiim na tinitigan ko ang kaniyang mga mata. Wala na roon ang takot na nakita ko kanina lamang. Para ngang sanay siya sa ginagawa.

Kung ganoon, niloloko niya lang ba si Top? Niloloko niya lang ba ang grupo?

“Move.” Mariin niyang sabi na ikinatiim-bagang ko.

Muli, halakhak ni Grey ang pumaimbabaw. Kasunod ay ang tunog ng bawat pagdapo ng kamao nito kay Jared. Nang lingunin ko silang dalawa’y nagpapalitan na sila ni Jared ng suntok.

Fuck! Nasaan ang mga tauhan ni Top? Nasaan ang mga kasama ni Jared sa pagbabantay sa palibot ng ancestral house?

Dammit! Parang sasabog ang ulo ko sa sobrang lito. Lovely’s an enemy!

“Move now Colt or I’ll shoot your head!” Mariing wika ulit ni Lovely sabay kasa sa baril na hawak.

Hindi ko napigilan ang mapangisi. “You’ll regret this, Lovely.”

Saglit na nagkatitigan kami. Hindi nakaligtas sa akin ang bahagya niyang paglingon kay Grey. Muli, nakita ko ang takot sa kaniyang mga mata.

“Heaven will forgive. Evil will find its way.” Makahulugang niyang sabi na nagpakunot ng noo ko. Mataman ko siyang tiningnan sa mga mata. “Lovely will live with her deepest secret. People will surely wouldn’t know and see. Many of you will be confuse. Enemy like me—.”

“I got it.” Mahina kong sabi sabay angat ng kilay. What a strange woman. I wonder if Top knew about this.

Napansin ko ang pagngisi ni Lovely. Kasunod niyon ay muli niyang itinutok sa akin ang baril. Tamad na sinunod ko ang utos niyang maglakad palapit sa kotseng nasa gilid.

Nang muli kong nilingon si Jared ay nakahandusay na ito sa lupa. Marahan namang naglalakad si Grey palapit sa amin.

Isang ngisi ang pinakawalan nito. “Get in.”

Tahimik na sumunod ako. Lahat kami’y sumakay sa kotse. Nasa likod na upuan ako at nakatali ang mga kamay. Si Grey naman ay nasa passenger seat at inaasikaso ang sariling sugat. Habang si Lovely naman ang nagmamaneho.

Two genetic mutations, huh?!

“Aren’t you going to ask?” Tanong sa akin ni Grey.

“I already know why.”

Ngumisi si Grey. “Iiwan mo si Keith at sasama sa grupo ko, o papatayin ko siya gaya ng ginawa ko sa best friend niya? Choose carefully, Vierco.”