noveltoon logo noveltoon
Taming the Beast

Chapter 38

Ch. 39 / 43 May 09, 2025

AN: Flashback po ang naka-italic.

“Mr. Fuentabella…” A guy wearing a black suit came into my office.

“Where’s my secretary?” Malamig kong tanong dahil sa pagtataka. Wala akong pinahihintulutan na pumasok sa opisina na kahit na sino. Unless may importante talaga sa aking kailangan.

“I’m Steve Fortalejo.”

“So?”

Isang ngisi ang pumaskil sa mga labi nito. “Alam ko ang tungkol sa paghahanap mo sa tunay na anak ng iyong adopted mother.”

Tumiim ang aking mga bagang. Wala pa akong balak na hanapin ang nag-iisang anak ni Mommy. Marami pa akong trabaho na kailangang tapusin. Kabilang na roon ang paghahanap ko rin kay Flix.

“What do you know? What do you want?” Diretso kong tanong. Wala akong pakialam kung anong isipin nito. I have loads of work to do, wala akong panahon sa kung anong gustong mangyari ng lalaking nasa harap ko. If he only wants money, hindi ko siya mapagbibigyan.

“She’s my sister.”

Natigil ako sa pagpipirma ng mga papeles nang marinig iyon. Malamig ang ekspresiyong tinitigan ko ito. “What did you say?”

“I know what you’re capable of. I know you can kill me right now kapag nalaman mong nagsisinungaling ako. But I am not. She’s in school right now. Bullied by her classmates. Maging sa bahay ay—.”

“What the fuck?!”

“I’m sorry, okay?! I tried to protect her! Pero kinailangan kong magtrabaho sa malayo. Ngayon, hindi ko na—.”

“Sa akin ka na magtatrabaho.” Inis kong sabi na ikinamaang nito. “Now, go home and stay with her. Protect her at all costs! Marami pa akong kailangang gawin kaya matatagalan pa ang pagpunta ko sa inyo.”

“But…”

“Get out.”

“I mean, I can—.”

“Aalis ka o ipapakaladkad kita sa mga tauhan ko?”

Nang makaalis ito’y saka lamang ako nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. I’m still investigating that fucking case. Hindi ko inaasahang kusang lalapit sa akin ang mga kailangan ko.

“Fortalejo…” Mahina kong sabi sabay dial ng numero ng taong siyang inutusan ko para ayusin ang mga kailangan sa paghahanap sa anak ni Mommy.

-

“Colt, let’s go honey.” Mahinang sabi ni Mommy.

Saglit akong bumuntong-hininga habang nakatitig pa rin sa puntod ni Zairene.

Pinagsisisihan kong tumigil ako sa trabaho. Pinagsisisihan kong naging kampante ako! Pinagsisisihan kong wala man lang akong nagawa para protektahan siya. Inuna ko pa ang pagiging gago. Naging pabaya ako kay Zairene.

“God…” Mahina kong sabi bago mariing napapikit. “…if I only listen to you, babe. Sana pala hindi kaagad ako sumuko. I love you, Zairene.”

Unti-unting tumulo ang aking mga luha. Kasunod ay ang mahinang pag-alog ng aking mga balikat. Napakagago ko.

Muli akong napapikit ng mariin. Sana kahit man lang sandali makausap ko si Zairene. Sana pagbigyan ako ni Flix Brio. Kahit hindi ngayon, sana isang araw muli ko siyang makausap at mayakap.

“Mauuna na ako sa kotse, Colt. Hintayin—.”

“It’s okay Mom. Gusto ko pang manatili rito.” Sansala ko kay Mommy. Kaagad naman itong tumango at tahimik na umalis.

Isang malalim na paghinga ang muli kong pinakawalan. Akma kong hahaplusin ang pangalan ni Zairene nang maagaw ang pansin ko ng dalawang taong nagtatalo.

“Ano ba, Keith! Makinig ka nga sa akin! Hindi porke’t narito tayo ay gagawin mo na ang lahat ng gusto mo! Umayos ka nga, nakakahiya sa iba ang ugaling pinapakita mo!”

Kumunot ang aking noo. It was Kairo Salvador.

“Pero Kuya, that asshole touched me!”

“Wala tayong pruweba—.”

“Am I not enough to prove it to you?! He touches my butt! Tama lang na sinapak ko siya bilang ganti sa pangmamanyak niya sa akin! Kulang pa nga iyon! I want to file a case! I want him rot in jail!”

Hindi ko napigilan ang mapangisi. What a strange lady.

“Oh c’mon! May party pa next week, Keith! Kailangang mairaos iyon nang maayos. Pagkatapos niyon, papayag na akong magsampa ng kaso.”

“Damn you Kuya! Obviously, pinapanigan mo ang Mark Lorenzo na iyon!” Nakangusong sabi ng dalagita. “Kapag inulit niya pa ito, hindi ko na masisigurong suntok lang ang aabutin niya sa akin!”

Angat ang labing pinagmasdan ko ang galit na dalaga papalayo. Nang mawala ito sa aking paningin ay saka ko lamang ulit pinagmasdan si Zairene.

“I’m sorry babe.” Mahina kong sabi bago tuluyang hinaplos ang lapida nito.

-

“Colt Vierco…”

Umangat ang tingin ko sa lalaking nakasuot ng damit pang-opisina.

Ipinagpatuloy ko ang paglalakad palabas ng opisina ni Flix. Ngayon na lang ulit ako nakalabas ng bahay. Pero mukhang ito na lang din ang huli. Hangga’t maaari’y ayaw ko na munang magtrabaho.

“I need your help, Mr. Vierco!” Malakas na sabi pa ng lalaki bago humabol sa akin hanggang sa elevator.

Hindi ako sumagot. Wala akong panahon para tumulong sa ibang tao. Saka na, kapag natanggap ko nang wala na talaga si Zairene.

“Please, Mr. Vierco!”

“Get lost…”

“I know who you are! Alam ko rin ang kaya mong gawin. You’re Colt Fuentabella! The beast in—.”

Mabilis na itinulak ko ang lalaki at malakas na isinandal ko ito sa salaming dingding ng elevator. Mariin ding nakahawak ang kamay ko sa leeg nito. “Who are you?”

“I-I’m Top Coles’ secretary. He wants to talk to you.” Kabado nitong sagot.

Top Coles? Who the fuck is he?

“I don’t have time for some bullshits.”

“He needs help! He’ll pay you! Just name your price and—.”

“Hindi mo ba naiintindihan ang sinabi ko?! Wala akong panahon sa kung anong gusto ninyong mangyari! Tapos na akong gumawa ng maruruming trabaho. Now leave and don’t ever show your face in front of me.”

-

“Himala, pupunta ka sa party?” Komento ni Flix nang makita ang suot ko.

“Kairo invited me.”

“Really?”

“Fuck off! You’re ruining my mood.” Inis kong sabi bago nilagpasan si Flix.

Halakhak nito ang narinig ko bago tuluyang makalabas ng bahay. “Well, I’m not going so, send my regards for him and his little sister. Ako nang bahala kay Zain, she likes me anyway.”

“Whatever…” Inis ko pa ring sabi bago tuluyang sumakay sa aking kotse. Hindi ko alam kung bakit pinauunlakan ko si Kairo sa imbitasyon nito. Pero, mabuti na rin siguro ito. Baka ito na ang umpisa ng unti-unti kong paglimot.

“Mr. Vierco!” Malaki ang ngiting sabi sa akin ni Kairo nang matanaw ako nito. Kaagad na iginala ko ang tingin. I’m not sure kung anong hinahanap ko. Pero nakaramdam ako ng dismaya nang hindi makita ang hinahanap.

“Congratulations for the success of—.”

Natigil ako sa pagsasalita nang isang tili ang pumailanlang sa malamyos na musika. Lahat ng mga bisita’y natuon ang pansin sa second floor ng malaking bahay ng mga Salvador.

“Fuck.” Mariing wika ni Kairo bago nagmamadaling umakyat sa second floor.

May ilang bisitang gustong makiusyuso. Pero napigilan kaagad ang mga ito ng ilang guards sa pag-akyat sa ikalawang palapag.

Wala sa sariling inihakbang ko ang aking nga paa. Walang imik na naglakad ako paakyat sa hagdan. Lahat ay nakatingin sa akin. Nagtataka kung bakit walang naglakas-loob na harangan ako.

Tuloy-tuloy akong naglakad palapit sa nakabukas na pinto. Saktong pagpasok ko’y siyang pagsapak ng nakababatang kapatid ni Kairo sa isang lalaki.

“Hayop ka! Ang lakas ng loob mong pagsamantalahan ako! Papatayin kita!” Galit nitong sabi sabay akmang susugod pa nang pigilan na ito ni Kairo.

“That’s enough Keith, ako na ang bahala rito. Sa guest room ka na muna.” Mahinang sabi ni Kairo na siyang ikinasimangot ng kapatid nito.

Hindi ko napigilan ang sariling pagmasdan ito. Itim na itim ang buhok na siyang bumagay sa maputi at makinis nitong kutis. Fierce and…sexy?

What the fucked am I thinking?!

“Ano ba Kuya?! Hindi mo man lang ba ako pakikinggan nang maayos?! He tried to rape me! This fucking asshole tried to—.” Hindi na nito iyon naituloy nang muli nitong sapakin si Mark Lorenzo.

Wala sa sariling napangiwi ako. Hindi man ako ang direktang sinapak nito’y parang ramdam ko ang sakit niyon.

“I will settle things with—.”

“Kuya!”

“Serena, please, help me. Take Keith with you, aayusin ko lang ang mga nangyari dito.”

Tahimik na sumandal ako sa hamba ng pinto. Magkasalikop ang mga braso habang nakatitig kay Keith.

“Damn you, Kairo Salvador.” Mariin nitong sabi sabay irap kay Mark Lorenzo.

Saglit na nagtama ang mga mata namin. Segundo lamang iyon dahil mabilis na inakay ito ng babaeng nagngangalang Serena.

“Your sister’s kinda—.”

“Hindi ko na alam kung anong gagawin sa kaniya. Palagi na lang ganito.”

“Maybe she’s telling the truth.” Malamig kong sabi sabay lingon kay Mark. Kaagad naman itong lumabas at nagmamadaling umalis ng party.

“I know…” mahinang sabi ni Kairo. “Matigas ang ulo ni Keith. She always do things on her own. Minsan lang siya humingi ng pagkakataon na mapakinggan ko ang paliwanag niya. And I think, I ruined her trust.”

“Then, she’s amazing.”

Natigilan si Kairo. Saglit na kumunot ng noo bago ako tinitigan nang mataman. “Can you help me?”

“Help?”

“Alam kong babaliktarin ng Lorenzo na iyon ang nangyari. Can you do me a favor? Help me, protect Keith.”

Ako naman ang natigilan. Sa lahat ng bagay, ito ang ayaw ko. I failed to protect my wife. Ayaw kong maulit iyon.

“No…”

“I’ll pay you—”

“You know I don’t need your money.” Seryoso kong sabi sabay talikod. Mali pa lang pumunta ako rito.

“Help me, and I’ll make sure to help you back! Keith will also help you move on! Name anything you want!”

I was silent for a minute. Isang ngisi ang pinakawalan ko. “Then, I want your sister.”