noveltoon logo noveltoon
Taming the Beast

Chapter 11

Ch. 12 / 43 May 09, 2025

Isang floral dress na malalim ang pagkakatabas sa unahan ang isinuot ko. Bagay naman sa ambiance ng restaurant na pinagdalhan sa akin ni Ace. Of course, babagay talaga dahil nandito pa rin kami sa resort.

Gaya nang sinabi niya kanina ay sinundo niya nga ako sa aking hotel room. Hindi na ako nagtaka dahil siya na mismo ang nagsabing may paraan siya para malaman ang room number ko.

Maybe he owns the hotel? O baka talagang mapamaraan lang siya?

“You’re pretty…”

“I know…” taas ang kilay na tugon ko bago sumimsim sa red wine na nasa harap ko.

“…and a snob.” Dagdag ni Ace sa kaniyang sinabi.

I rolled my eyes. Mukhang mahirap malaman ang baho ni Ace. He’s powerful, kita iyon sa presensiya niya. Hindi na ako magugulat kung isang araw ay malaman niya kung sino talaga ako. Pero siyempre, hindi ko hahayaang dumating ang araw na iyon.

“What do you want to eat?”

“Would you still want to ask me if I answer that question?” taas ang kilay na tanong ko pabalik kay Ace.

I saw him clenched his jaw. Marahan siyang tumikhim bago tumingin sa waiter na pilit inilalayo sa akin ang tingin. Mukhang naiilang siya sa suot kong kulang na lang ay lumuwa ang aking hinaharap.

Dang, who cares? I’ll wear whatever I want!

Nang matapos sa pag-order si Ace ay kaagad niya akong tiningnan. Kulang na lang ay tunawin niya ako.

Uso ang kumurap, gago!

“I like your dress…” sabi niyang may pilyong ngiti sa mga labi.

“You like my boobs not my dress.” Nakangisi kong sabi bago sumandal sa aking upuan.

An amusement smile curves on his lips. “I’ve seen a lot of them. But seriously, I really like your dress, Miss Salvador.”

Palihim akong napalunok nang banggitin ni Ace ang last name ko. Wala akong natatandaang ibinigay ko sa kaniya ang pangalan ko. Damn it, I should be careful next time.

“So, you already know my name. That’s unfair, Mr…” taas ang kilay na sinadya kong hindi ituloy ang sinasabi.

“Axen. My name’s Axen.”

“Axen…” Marahan kong sabi bago pinaglandas ang hintuturo sa aking mga labi.

Fuck, is that his real name?

“I think your hungry, tigress.”

“Tigress?”

“Your name’s Keith, sounds like kitten. Pero hindi katulad ng maliit na pusa ang babaeng nasa harap ko ngayon. I want to call you Tigress.” Sabi ni Ace habang may pilyong ngiting naglalaro sa kaniyang mga labi.

Bigla akong napaseryoso. Mukhang may iba pang alam si Axen tungkol sa akin. Siguro nga kailangan kong sumunod kay Damon. Hindi basta-basta si Ace. Dahil kung talagang Axen ang totoo niyang pangalan. Bakit Ace ang alam ng mga nakakakilala sa kaniya sa linya ng trabaho namin? Ibig sabihin lang niyo’y malakas ang loob niyang ipangalandakan ang sarili. He knows how to play.

Hindi na ako nakapagsalita hanggang sa dumating ang pagkain sa aming table. Pinilit kong kainin ang lahat ng inilagay ni Axen sa aking pinggan. Kahit na ba pakiramdam ko’y busog na ako matapos ang isang subo.

Pagkatapos naming kumain ay kaagad na akong nagyaya na umalis sa restaurant. Gusto kong sulitin ang mga nalalabi kong oras sa resort na ito. Baka pagbalik ko sa Manila’y magsisi akong hindi man lang natikman ng katawan ko ang tubig-dagat. Isa pa’y kailangang mag-iwan ako ng isang pangyayaring tatatak sa isip ni Axen. Para habulin niya ako’t siya na mismo ang magpumilit ng sarili sa akin. Sa ganoong paraan hindi ako mahihirapang gawin ang misyon ko.

“Talaga bang gusto mong maligo? Napakalamig ng tubig, tapos malakas pa ang hangin.” Pagrereklamo ni Axen habang inaabot ang mga buhok kong sumaboy sa aking mukha.

I forgot to tie my hair.

“Uuwi na ako bukas ng madaling araw. Kailangan kong sulitin.”

Isang ngisi ang pinakawalan ni Axen bago ako tinitigan nang mataman. Nasabi ko na bang gwapo si Ace? Nasabi ko na bang may maganda siyang pangangatawan? Kung hindi lang talaga madilim ang trabahong meron kami’y baka isipin kong modelo siya o di kaya’y artista. Baka isa pa ako sa mga pipila para magpapicture sa kaniya.

Pasimple kong kinurot ang sarili. Hindi dapat ako humahanga sa katulad ni Axen. Dapat kong alalahanin na siya ang pumatay sa matalik kong kaibigan.

“You know what, pamilyar sa akin ang mukha mo.”

Parang tinambol ang puso ko sa narinig na sinabi ni Ace. Natigil ako sa akmang paghubad ng suot kong damit. “Huh?”

“I think I’ve seen you before. Hindi ko lang matandaan kung saan.” Sabi pa ni Ace habang napapahawak sa kaniyang baba.

Patay-malisyang ipinagpatuloy ko na lang ang paghubad ng aking damit. Bahala siya sa mga pinagsasasabi niya. Sabihin ko na lang na hindi ako iyon. Na may kamukha ako. O di kaya’y sabihin kong may kakambal ako.

“Oh right! Sa party ni Kairo! Oh damn, isa ka nga palang Salvador. Bakit nga ba hindi ko naisip na ikaw ang nag-iisang kapatid ni Kairo?” Nakangising sabi ni Axen bago pinulot ang aking damit.

Hindi ko napigilan ang mapairap. As if naman maniniwala akong hindi talaga niya alam. Malamang alam na talaga niya kanina pa na kapatid ako ni Kuya. Gusto lang talaga niyang makita ang reaksiyon ko.

“So?” mataray kong tanong bago marahang naglakad pasalubong sa banayad na hampas ng tubig-dagat.

“Ang suplada mo talaga, ano?”

“…and so?”

“You know what, let’s hangout when we get back to Manila.” Nakangiting sabi ni Axen bago marahang hinubad ang damit pang-itaas. Kaagad kong iniwas ang tingin. Babae pa rin naman ako.

“I don’t think that’s—”

“Bakit? May boyfriend ka ba?”

Hindi ako nakasagot. Pinagmasdan ko lang ang marahang paglapit ni Axen sa puwesto ko. Hanggang sa tuluyan nang dumikit ang balat niya sa akin. “Excuse—”

“I’m asking you, Tigress. Do you have a lover out there?”

Akmang lalayo ako kay Axen nang hawakan niya ang magkabila kong balikat. Para akong itinulos sa kinatatayuan ko nang maramdaman ang paglapat ng kaniyang palad sa aking balikat.

“I know what you’re doing, Keith Salvador, or should I say, Violet.”

Bigla akong nanigas. I knew it! Alam niya kung sino ako.

Mabilis ang naging pagkilos ko. Kahit na nasa ilalim ng tubig ang kalahati ng aking katawan ay kaagad kong pinatamaan ng suntok ang mukha ni Ace. Awtomatikong kumunot ang aking noo nang makitang hindi man lang siya umilag.

Akmang lalangoy ako palayo nang mabilis na nahawakan ni Axen ang aking baywang. Balak kong sumigaw pero nang ilibot ko ang aking tingi’y wala man lang akong makitang ibang tao maliban sa aming dalawa.

“Damn it, Violet!” Mariing sabi ni Ace bago mahigpit na hinawakan ang aking mga braso. “You’re so aggressive, Tigress.”

“Damn you!” Malakas akong pumiglas para makaalpas sa gabakal niyang mga kamay. Pero bigla na lang nanlaki ang mga mata ko nang walang pasabing sinakop ni Ace ang aking mga labi.

Mariin ang ginawa niyang paghalik sa akin. Tila pinaparusahan niya ako dahil sa ginawa kong pagsuntok sa kaniya.

Nang matapos ang halik ay kaagad akong lumayo kay Axen. Kaagad naman niya akong binitiwan at hinayaang makaahon sa dagat. Pero habang isinusuot ko ang aking damit ay muli niya akong hinapit at siniil ng halik.

“You seduced me at the pool, you should take responsibility cause I’m starting to like you, Violet.”

“Just kill me…”

Isang pagak na tawa ang pinakawalan ni Ace bago hinaplos ang aking mukha. “Hindi ko iyon gagawin.”

Biglang tumigas ang ekspresiyon sa aking mukha. “You killed my best friend, asshole.” Malamig kong sabi saka ko siya itinulak nang malakas.

“There’s a big difference between you and Serena.” Nakangising sabi ni Axen habang sumasabay sa paglakad ko. “I don’t like her—”

“You don’t have the rights to like me.”

“You’re single…”

“I’ll kill you…” mariin kong sabi.

“Go on, hindi kita pipigilan.”

Natigil ako sa paglalakad nang mapansing seryoso ang ekspresiyong nasa mukha ni Ace. Maniniwala na sana akong seryoso siya sa sinabi nang maalala ko ang mga sinabi sa akin ni Jared. Tuso si Ace.

“One day, Ace.” Nakangisi kong sabi. “Darating ang araw na mapapatay kita.”

“Bakit hindi pa ngayon? I’m already giving you the chance to kill me. Malapit na ang midnight.”

“Fuck you, Axen!” Mariin kong sabi.

Pinaglalaruan niya ako! Marami siyang alam tungkol sa akin, pero bakit hindi niya pa ako pinapatay? Lalo na’t malinaw sa kaniya kung bakit kami magkasama ngayon. Alam niya ang misyon ko. Alam niyang papatayin ko siya.