noveltoon logo noveltoon
Taming the Beast

Chapter 6

Ch. 7 / 43 May 09, 2025

“We really need you, Keith.” Salubong ang kilay na sabi sa akin ni Jared. Kanina niya pa akong pinipilit na sumama sa misyon nila ngayon. Pero noon ko pa nasabi sa kanilang hindi muna ako babalik dahil nga marami akong pinagtataguan. Hindi ako makakilos nang maayos at malaya dahil sa Lorenzo na iyon.

“Ano ba Jared, alam mo namang hindi pwede diba?” Inis kong sabi. Kahit gusto kong sumama ay hindi ko magawa. Kailangan ko pa kasing puntahan si Flix para kunin ang ilang documents na pipirmahan ni Colt.

And I’m already annoyed by the fact that he can actually give it to Colt personally. Gusto lang talaga niyang masira ang araw ko.

“Keith naman, ngayon lang ito. Si Damon mismo ang nagsabi na sumama ka. Kung nandito lang sana si Serena’y ayos lang na tanggihan mo kami. Pero iba ito, nakasalalay dito ang grupo.”

Marahas akong napahinga bago pasalampak na sumandal sa upuan ng kotse. Mataman kong tinitigan si Jared na nasa passenger seat. “So you want me to kill someone?”

Biglang nagpakawala ng mahinang tawa si Jared. “Nope, Damon will do that after you seduce Ace.”

Biglang uminit ang ulo ko. That name, I will never forget that name. Siya ang pumatay kay Serena! “Hindi madali ang pinagagawa ninyo sa akin.” Walang gana kong sagot.

Kahit kating-kati na ang kamay kong patayin si Ace ay hindi ko magawa. He’s powerful, tuso rin. Baka nga alam na nito kung sinu-sino kami sa grupo. Although we have a nameless group, kilala pa rin naman kami.

“Madali kung ikaw ang gagawa. Hindi ka niya kilala. Remember that you only kill your prey every midnight? Isa pa, kaya lang naman niya nakilala si Serena ay dahil sa nagawa ni Serena noon sa hotel. Na kung napigilan lang sana natin siya, buhay pa sana siya ngayon.” Seryosong sabi ni Jared bago inilipat ang tingin sa labas ng bintana.

I see.

“Alright then…” napapabuntong-hininga kong sabi. “…count me in.”

Napansin ko ang biglang panlalaki ng mga mata ni Jared. “Oh thank God! After a year of hiding, lalabas ka na rin!”

“Huwag ka nang maingay baka magbago pa ang isip ko.” Inis kong sabi bago binuhay ang makina ng kotse. “Kailangan ko munang puntahan si Flix. Alam mo na, may trabaho pa ako sa kaniya.”

“Sure, no problem, basta kasama ako.”

Napapairap na ipinagpatuloy ko na lang ang pagmamaneho.

Ilang sandali lamang ay nasa harap na kami ng building ni Flix. Kaagad kong ipinaskil ang isang ngiti nang makaharap ko ang dalawang guwardiya. Hindi na nila kinuwestiyon kung sino ang lalaking kasama ko. Mabuti na iyon, ayaw kong maubos ang oras ko sa pagpapaliwanag.

Hindi nakaligtas sa akin ang paghagikhikan ng mga babaeng nadaanan namin. Kaya pairap na tiningnan ko si Jared. And as expected, may mapaglarong ngiti sa mga labi niya.

“Hey, bakit hindi ka kaya mag-audition dito? Sa tingin ko papasa kang artista, tutal magaling ka naman sa pagkuha ng loob ng mga babae. Papatok ka sa telebisyon pagnagkataon.”

“Nah, baka habul-habulin mo pa ako kapag naging artista na ako.” Nakangising sabi ni Jared habang papasok kami sa elevator.

Sarkastiko akong tumawa. “In your dreams, playboy. Hindi ako katulad ng mga babae ninyong tatlo. Baka pagtatadyakan ko pa iyang mga mukha ninyo para wala nang makipaglandian pa sa inyo.”

“Isusumbong kita kay Damon. Idadamay mo pa talaga siya ah.” Natatawang sabi sa akin ni Jared.

Kaagad ko siyang binatukan. “Gago! ‘Di pa ako nakakaganti sa pambubuso ninyo sa akin noong isang linggo. Akala niyo nakalimutan ko na iyon?!”

Akmang magsasalita pa si Jared nang mabilis akong lumabas nang bumukas ang pinto ng elevator. Wala tuloy siyang nagawa kundi ang sumunod na lang sa akin.

Tumigil kami sa tapat ng isang pinto. Bago ako pumasok ay saglit kong hinarap si Jared. “Hintayin mo na lang ako rito.”

Marahang pinasadahan ni Jared ang kabuuan ko. Hindi pa nakuntento’y hinawakan niya pa ang mga balikat ko at puwersahang inikot. “Good, hindi madedemonyo ang Flix na iyon sa ayos mo ngayon. But your cleavage…uh, nevermind.” Sabi niya bago ako tinulak palapit sa pinto. Wala na akong nagawa kundi ang pumasok sa loob. Kung hindi ako tinulak ni Jared papasok baka nakatikim na naman siya sa akin ng batok. Pansinin ba naman ang cleavage ko!

Maayos naman ang suot ko ngayon. Fitted white v-neck shirt na naka-tucked in sa black jeans na suot ko. Tinernuhan ko rin ng pulang stiletto. I let my hair in a messy bun. It’s simple but I don’t care, kaysa naman mainis na naman ako sa tingin na ibibigay sa akin ni Flix o ni Colt kapag nagsuot na naman ako ng kagaya noong nakaraan.

“Good morning, Ms. Salvador. You looked pretty today.” Nakangising bati sa akin ni Flix pagkapasok ko pa lang sa opisina niya.

“I’m always pretty, ngayon mo lang napansin dahil hindi naman tayo palaging nagkikita.” Taas ang kilay na pambabara ko kay Flix.

Naupo ako sa upuang nasa harap ng kaniyang desk. Nakataas pa rin ang kilay ko nang iabot sa akin ni Flix ang isang folder.

“Kailangang pirmahan iyan ni Colt. Dalhin mo sa kaniya ngayon o kung kailan mo gusto. Alam ko naman na hindi ka magtatagumpay na mapapirmahan iyan ngayon.” Pang-aasar sa akin ni Flix na ikinatalim ng tingin ko sa kaniya.

“Mr. Vierco, alam kong may mga ginawa ka nang hakbang para lalong hukayin ang pagkatao ko.” Nakangiti kong sabi bago tumayo. Itinukod ko ang dalawa kong kamay sa lamesa niya bago marahang inilapit ang mukha kay Flix. “Ako na mismo ang magpapakilala sa iyo.”

I saw amusement in his eyes. He then smiled at me playfully. “Sure…” sabi niya bago inilagay ang kamay sa labi. Napansin ko ang biglang pagbaba niya ng tingin. Kaya kaagad kong sinundan kung anong tinitingnan niya. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makitang nakalantad sa harap niya ang pisngi ng magkabila kong dibdib.

Gamit ang aking kamay ay itinaas ko ang mukha ni Flix. “Eyes up here, asshole.” Sabi kong pinanlalakihan ng mata si Flix.

Wala naman siyang ibang sinabi. Marahan lang siyang tumawa bago sumandal sa kaniyang swivel chair.

“Kung hindi ka titigil sa ginagawa mo, umpisahan mo nang manalangin.” Malamig kong sabi na lalong ikinangiti ni Flix.

“Dahil papatayin mo ako? You can’t kill me, Violet.”

Hindi ko ipinahalata kay Flix na nagulat ako sa narinig. Hindi ko inaasahang mabilis niyang nalaman kung sino talaga ako. “At bakit?”

“Because, I’m Colt’s twin brother.”

“So?”

“You love my brother, so you can’t kill me.” Nakangisi niyang sabi sa akin.

Halos kilabutan ako sa narinig. Anong utak mayroon ang Flix na ito? “Excuse me, Mr. Vierco, mali yata ang sinabi mo.”

“Oh Keith, saan ba patutungo ang pag-aaway ninyo ni Colt? Pustahan tayo, paglipas lang ng ilang buwan, aamin kang mahal mo na ang kakambal ko.” Sabi pa niyang tila proud na proud sa sarili.

“Wow, ang advance mo namang mag-isip. Ni hindi nga sumagi sa isip ko ang ganiyang bagay. At si Colt? No way, maaatim ko pang maging single habambuhay kaysa makasama ang kakambal mong pinaglihi kay satanas.” Sarkastiko kong sabi bago tumalikod.

“Kaya nga let’s make a bet. I’ll give you six months. If you win, I’ll set you free. Hindi ko ipagsasabi kahit kanino na kasama ka sa isang grupo ng mga hired killer.”

Nalingunan ko ang pilyong ngiti ni Flix. Ngiting tila may pinaplano. “And if you win?” taas ang kilay na tanong ko.

“You’ll marry my brother.”

“Whatever Vierco.” Napapairap kong sabi bago ipinagpatuloy ang paglalakad. Bago ako tuluyang lumabas ng opisina niya’y narinig ko pa ang malakas niyang halakhak.

Sinong tanga ang papayag sa pustahang iyon? Ano kami mga tauhan sa isang e-book? Nah, hindi naman mangyayari ang sinabing iyon ni Flix. Ilang beses na ba akong sinabihan ng ganoon ni Damon? Hindi ko na nga mabilang. Pero hanggang ngayon wala naman akong nakarelasyon.

I love myself. I love being single.

Malaya akong makakagalaw. Sagabal lang naman kasi ang relasyon sa trabaho ko.

“Baka maging isa na iyang mga kilay mo; salubong na salubong eh.” Pang-aasar sa akin ni Jared pagkalabas ko.

“Ewan ko sayo!” inis kong sabi bago nagpatiunang naglakad.

Naiinis ako! Naiinis ako kay Flix! Naiinis ako sa kakambal niya! Bwisit talaga! Sige, tatanggapin ko ang hamon ni Flix. Sisiguraduhin kong ako ang mananalo. At kapag nangyari iyon, pagbubuhulin ko silang dalawa ni Colt!