noveltoon logo noveltoon
Taming the Beast

Chapter 41

Ch. 42 / 43 May 09, 2025

“Where is he?!” Malakas kong tanong nang makarating ako sa hospital. Akay-akay ko pa rin si Akame. Pero hindi katulad kanina, ngayon ay may maayos na itong damit. Iyon nga lang, tulala pa rin at hindi ko makausap.

“I’ll take care of Akame.” Mabilis na sabi ni Jared bago kinuha sa akin si Akame. Naiwan akong nakatitig kay Damon at Darth.

Wala si Top. Hindi ko alam kung kasama ba nito si Lovely. Hindi ko alam kung nakapag-usap ba sila. Maging si Tamara ay wala, hindi ito pwedeng magpakita sa publiko dahil patay na ito sa tingin ng kinauukulan.

“Ano nang nangyayari?” Tanong ko nang makaupo sa upuang nasa gilid.

“Tinatanggal pa ang balang dumaplis sa kaniyang puso—.”

Marahas akong nagpakawala ng buntong-hininga. Nanginginig ang mga labing pinagmasdan ko si Damon. “Dumaplis ang bala sa puso ni Colt? Are you fucking kidding me?”

“Keith, please calm down. Hindi ito ang oras para magpalamon ka sa galit. Isipin mong hindi lang ikaw ang mapapahamak. May dinadala ka! Paano kung maisalba nga si Colt, pero iyang nariyan sa sinapupunan mo ay hindi?!”

Natameme ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Napaiyak na lamang ako. Kinimkim ang galit. Sino pa nga bang sisisihin ko? Si Lovely pa rin ba? Gayong alam na naming lahat kung bakit nito iyon nagawa. O si Grey pa rin kahit na patay na ito?

Mariin akong napapikit. “I’m sorry.”

Marahas na nagpakawala rin ng buntong-hininga si Damon at Darth. “Kailangan mo rin sigurong magpacheck up.”

Napatango na lamang ako sa sinabi ni Darth. Kaagad na kinuha ko ang kamay nitong nakalahad.

Akmang aalis na kami nang biglang dumating si Flix at ang adopted mother nito. Si Merida Fuentabella; ang ina ng dating asawa ni Colt na si Zairene.

“Where is my son? Where’s Colt? What happened to him?” Umiiyak na tanong ng ina ng mga ito.

Sabay-sabay na lumingon sa akin si Darth, Damon at Flix. Kaya hindi ko na natakasan ang mga mata ng ginang.

“Are you Keith Salvador?” Mariin nitong tanong.

Marahan akong tumango. “Y-Yes Ma’am.”

Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Natatakot akong baka magalit ito sa akin. Baka ayawan ako nito. Baka hadlangan kami nito ni Colt. Hindi lingid sa akin na naging anak nito si Colt sa papel bago naging son-in-law. Mahirap na lakaran ang nangyari bago napawalang bisa ang adoption papers ni Colt.

“I’m sorry, Ma’am. Hindi ko po sinasadyang—.” Natigil ako sa pagsasalita nang lumapit ito sa akin.

“Can I talk to you?” Napalunok ako nang bahagya. Sinulyapan ko si Flix para sana humingi ng tulong. Pero umiwas lamang ito ng tingin.

“S-Sure Ma’am…”

Marahang naglakad ang ina ni Flix at Colt palayo. Saglit akong huminga nang malalim bago naglakad pasunod dito.

Nakakasampung hakbang pa lamang ako nang bigla akong mapahinto. Ipinilig ko ang aking ulo bago pumikit nang mariin.

“Shit.” Mariin kong sabi habang pinipilit na mapahakbang. Sumasakit ang sugat ko sa likod. Sumabay pa ang nararamdaman kong pagkahilo.

Muli’y pinilit ko ang sariling humakbang. Napahugot na lang ako ng malalim na paghinga nang humarap sa akin si Merida Fuentabella. Akmang ngingiti ako rito nang unti-unti akong mabuwal.

“Keith!” Sabay-sabay na sigaw ng tatlong lalaki bago ako tuluyang nabuwal. Mabilis akong nasalo ni Flix.

Hindi ko na alam kung anong nangyari. Basta naramdaman ko na lang na buhat-buhat ako ni Flix papasok sa isang kuwarto.

Isang doktor ang nakita kong pumasok bago ako tuluyang nawalan ng ulirat.

-

Putting kisame ang bumungad sa akin nang magising ako. Humugot ako ng malalim na paghinga bago marahang bumangon.

“You’re awake…”

“Colt—.” Natigil ako sa pagsasalita nang si Flix ang malingunan ko. Mapait akong ngumiti bago umiwas ng tingin.

“You’re pregnant.”

Napakagat ako sa labi. Yumuko ako nang maupo si Flix sa kamang inuukopa ko.

“Ilang oras akong walang malay?”

Tumaas ang dalawang kilay nito. “Thirty minutes…”

Napapatangong inilibot ko ang tingin sa buong kuwarto. “Ang Mommy mo?”

Ngumisi si Flix. “Are you afraid of my Mom?”

Kumunot ang aking noo. “Sinong hindi? Kasalanan ko kung bakit narito si Colt ngayon.”

Saglit na tumikhim si Flix. Masuyo nitong inabot sa akin ang prutas na nakuha sa side table. “Alam ni Mommy ang lahat sa buhay ni Colt. Expected nitong ano mang oras ay masasapanganib ang buhay niya. Hindi nga lang maiwasan ni Mom na maiyak dahil mahal niya si Colt. Mas matagal nitong nakasama ang kakambal ko kaysa sa totoo nitong anak.”

“I’m sorry…”

“You’re already forgiven, Keith. “

“Paano ang Mommy—.”

“When the doctor announced that you’re pregnant, she burst in tears. She’s happy, Keith.”

“Paano niyang nakukuha na maging masaya gayong nasa—.”

“Si Colt? Ayos lang si Colt. Ilang beses nang nalagay sa panganib ang buhay niya noon habang nasa kasagsagan pa siya ng maruming trabaho. Huwag kang mag-alala, magigising siya.”

“You mean…”

“Yeah, he’s in comatose right now. Temporary comatose? I don’t know, basta sabi ng doctor hindi lalagpas ng isang buwan ay magigising si Colt.”

Unti-unti akong napangiti. Masaya ako sa narinig na balita. “Gusto ko siyang makita, Flix.”

“Sure…”

Ang kuwarto sa kabila ang inukopa ni Colt. Nang makapasok kami ni Flix ay tumambad sa amin ang Mommy nila.

Masuyo itong ngumiti. Inilahad sa akin ang kamay na wari’y masaya itong makita ako.

Bahagya kong nilingon si Flix. Marahan itong tumango sa akin bilang paghikayat na abutin ko ang kamay ng Mommy nila.

“Iwan mo muna kami, Flix hijo.” Nakangiting sabi nito na kaagad sinunod ni Flix.

Mahinang tikhim ang ginawa ko. Kinakabahang naupo ako sa kamang kinahihigaan ni Colt.

“How are you, hija?”

Natigilan ako. Mabilis na sinulyapan ko ang walang malay na si Colt. Para bang gusto kong magpatulong. Pero nagkasya na lang ako sa paghawak sa kamay ni Colt. “Ayos lang po ako.”

Muling ngumiti ang Mommy nila. Napakagat tuloy ako sa labi. Hindi ko maiwasang kabahan dahil sa kaalamang ina ito ng dating asawa ni Colt.

“Kumusta kayo ni Colt?”

Kita ko sa mga mata nito ang tunay na nararamdaman. Siguro’y malalaman kaagad nito kapag nagsinungaling ako. “Ayos naman po. Pero noong unang beses na magkakilala kami, medyo hindi okay. Napakasungit, palaging galit na akala mo’y babaeng may buwanang dalaw. Palagi pa akong pinapagalitan. Para bang lahat ng gawin ko kinaiinisan niya. Lahat ng sinusuot ko bawal para sa kaniya. Turing niya sa akin parang bata. Napakasama po ng ugali ni Colt. Parang pinaglihi sa sama ng—.”

Natigil ako sa pananalita nang makita kong matamang nakatitig sa akin ang Mommy ni Colt At Flix habang may malaking ngiti sa mga labi.

“P-Pasensiya na po, medyo nadala po ako.” Napapangiwi kong sabi.

Nakangiting nagpakawala ng buntong-hininga ang Mommy nila. Kasunod niyon ay marahan ako nitong hinila at ipinaloob sa mga braso.

“I like you…” Mahina nitong sabi na ikinalaki ng mga mata ko. “Ni minsan hindi ko narinig ang mga iyan sa sarili kong anak. Siguro nga’y hindi sila ang para sa isa’t isa. Ngayon, naiintindihan ko na ang lahat.”

“Pero…”

“Colt likes you bago mo pa man siya makilala. Sa nakalipas na mga taon pagkatapos pumanaw ni Zairene ay napansin kong naging abala si Colt. Hindi ako nagtaka noong una dahil sa pag-aakalang dala lamang iyon ng pangungulila. Akala ko’y ibinuburo niya ang sarili sa trabaho. Pero nalaman ko mula kay Flix na ikaw pala ang pinagkakaabalahan ni Colt. Dalawang taong sinusubaybayan ka niya. Binabantayan dahil sa pabor na hiningi ng kapatid mo.”

Napalunok ako. Alam ko na ang tungkol roon. Minsan nang nasabi sa akin ni Colt ang tungkol sa pabor na hiningi ni Kuya.

“Pagkagising ni Colt, sigurado akong marami siyang dapat na sabihin sa iyo. Lalo na kapag nalaman niyang, sa wakas, magkakaanak na siya.”

Napansin ko ang lungkot sa mga mata nito. “Hindi po ba sila nagkaanak ni Zairene?”

Marahang umiling ang Mommy nila. “Muntik na silang magkaanak. Kung hindi lamang namatay si Zairene, siguro’y mag-aapat na taon na ang una kong apo.”

“Ano pong ibig ninyong sabihin.”

“She was a month pregnant nang mamatay siya. Walang alam si Colt at Zairene. Sinabi lang sa akin ng doktor na siyang nag-asikaso sa katawan ng anak ko. Hindi ko na iyon ipinaalam pa kay Colt dahil alam kong lalo lang niyang sisisihin ang sarili. Kaya sana, mag-iingat ka. Para kay Colt at para sa future ninyong dalawa.”

“Ma’am—.”

“I want you to call me Mommy or Mama.” Natatawang sabi nito na ikinaiyak ko. “Tinatanggap kita, Keith. Gusto kita para kay Colt. Gaano man kadelikado ang buhay ninyong dalawa, susuportahan ko kayo.”

Tulalang nakatitig lamang ako kay Colt. Mahigit sampung minuto nang nakakaalis ang Mommy niya at ni Flix. Pero heto’t hindi ko pa rin alam kung anong dapat na maging reaksiyon.

Ilang sandali lamang ay napangiti ako. Marahan kong hinawakan ang kamay ni Colt. Maingat ko iyong inangat at masuyong dinampian ng halik.

“Hey babe…” mahina kong sabi. Nasa pisngi ko pa rin ang kaniyang kamay. “Kailangan mo nang magising. Naghihintay kami ni baby sa’yo.”

Wakas

May pagmamadaling inilagay ko ang nabiling bulaklak sa passenger seat ng aking kotse. Ngayon ang inaasahang araw na gigising si Colt.

Last week ay gumalaw na ang kamay ni Colt. Akala ko nga’y magigising na siya. Pero nadismaya lang ako nang hindi niya idilat ang kaniyang mga mata.

Habang nagmamaneho ay hindi ako mapakali. Kinakabahan ako, kaya saglit akong tumigil para uminom ng tubig. Marahan ko ring hinaplos ang aking tiyan bago ngumiti.

“Malapit nang magising si Daddy, Cloud.” Nakangiti kong sabi.

Alam kong maaga pa para bigyan ng pangalan ang anak namin ni Colt. Pero hindi ako makapaghintay. Sana nga lang ay akma ang pangalang gusto ko sa kasarian nito.

Ilang sandali lamang ay nakarating na ako sa hospital. Malakas ang kutob kong nahuli ako dahil sa walang tigil na pagtawag sa akin ng mga kaibigan namin. Maging si Kuya Kairo ay hindi ako tinantanan. Hindi ko alam kung sinong sasagutin kaya pinatay ko na lamang ang aking cellphone.

Malakas pa rin ang kabog ng aking dibdib. Hindi nawawala ang kabang nararamdaman ko. Medyo nakakaramdam din ako ng takot. Pumikit na lamang ako nang mariin at huminga nang malalim para kahit paano’y kumalma ako.

“K-Keith!” Nanlalaki ang mga matang tawag sa akin ni Jared nang bunukas ang pinto ng elevator.

Ngumiti ako habang naglalakad palapit. “Gising na ba si Colt?!” Excited kong tanong.

Sandaling natigilan si Jared. Napatingin tuloy ako sa aking wrist watch. Alas-singko na ng hapon. Late na nga ako dahil alas-tres ang tantiya nilang oras para sa paggising ni Colt.

“Keith…”

“What?” Nakangiti ko pa ring tanong nang si Darth naman ang sumambit ng pangalan ko.

“He’s still unconscious.” Mahinang sabi ni Tamara.

Unti-unting nawala ang aking ngiti. Isa-isa kong pinasadahan ang kanilang mga mukha. Pinilit kong ibalik ang ngiti ko habang nagmamadaling naglakad palapit sa kuwarto ni Colt.

“Wala akong oras para sa isang prank.” Malamig kong sabi bago tuluyang pumasok sa loob.

Nasa loob si Mama Merida nakaupo sa upuang nasa tabi ni Colt. Si Kuya Kairo naman ay kausap si Top at si Flix.

Nabaling sa akin ang kanilang atensiyon. Saglit lamang ay umiwas sila ng tingin. Nang marahan kong tingnan si Colt ay bumagsak ang aking mga luha. Totoo ngang wala pa rin siyang malay.

“M-Mama…”

“Hanggang bukas na lang ang ibinigay ng doktor. Kapag hindi pa siya nagising mamaya o bukas, tatanggalin na ang nakasuporta sa katawan niya.”

“Ano?” Gimbal kong tanong. Muli kong pinagmasdan si Colt. Wala nga siyang malay. Marahan akong lumapit sa kaniya bago pumikit nang mariin. “Gago ka talaga, Colt Vierco! Iiwan mo na lang ba ako? Iiwan mo na lang ba kami ni Cloud?! Papayag ka bang mag-isa lang akong magtataguyod sa anak mong hayop ka?!”

“K-Keith…” nanlalaki ang mga matang sabi ni Mama Merida.

“May wish pa akong dapat mong tuparin! Ngayon gagamitin ko na iyon! Hinihiling kong gumising ka ngayon kung hindi’y papatayin ko si Zain! Ipagigiba ko ang buong bahay mo, ibibenta ko rin ang unit mong gago ka!” Umiiyak kong pagpapatuloy.

“Keith, hija…”

“Putang ina naman Colt!” Galit at umiiyak kong sigaw. “Pagkatapos mo akong buntisin, aalis ka na lang bigla?! Gago ka ba?!”

Napansin ko ang pagngiwi ni Mama. “Hija, ang doktor—.”

“Nasaan ang assigned Doctor niya Mama?”

“Keith…” Babala sa akin ni Kuya.

“Gusto ko lang siyang makaus—.” Natigil ako sa pagsasalita nang pumasok ang doktor. Seryoso itong naglakad palapit sa amin.

“Madam, kailangan niyo pong pirmahan ito bilang katunayan na pumapayag—.”

Mabilis na kinuha ko ang iniaabot ng doktor kay Mama Merida. Galit na pinunit ko iyon na siyang ikinasinghap nito.

“Keith!” Sigaw ni Kuya Kairo. Dahilan para pumasok sina Jared sa kuwartong kinaroroonan namin.

“Ms. Salva—.”

“Papatayin ninyo si Colt?” Malamig kong sabi na ikinaiwas nito ng tingin. “Papatayin mo ang ama ng anak ko?! Sino ka para magdesisyon sa buhay niya?! Diyos ka ba?! Wala kang karapatang magpasya sa kung anong dapat na mangyari kay Colt! Puta! Naturingan kang doktor pero pagpatay ang naiisip mong solusiyon sa kalagayan ng boyfriend ko?! Wala kang kwenta?!”

Unti-unting tumulo ang aking mga luha. Kasunod niyon ay ang pagkawala ko ng panimbang. Kaagad akong dinaluhan ni Kuya at ni Top.

“Damn it, I told you, magagalit si Keith!” Inis na sabi ni Kuya sa taong nasa likuran ko.

Mabilis na lumingon ako sa aking likuran. Tulalang nakatitig sa kawalan si Colt. Tumutulo ang mga luha na para bang may narinig itong kung ano sa mga sinabi ko.

Parang umakyat sa ulo ang dugo ko. Tiim ang bagang na tinulak ko si Kuya at si Top. Malalaki ang hakbang na nilapitan ko si Colt at walang pasabing hinila ang kaniyang damit.

“Keith!” sigaw nilang lahat nang makita ang ginawa ko.

“What the fuck is wrong with you?! Gusto mo ba akong patayin sa sobrang sama ng loob?!” Galit kong sigaw sabay yugyog sa kaniya. Tulala pa rin si Colt na nakatitig sa aking mukha.

“Keith, stop! Hindi pa masyadong okay—.”

“Hindi pa pala okay ang gagong ito, pero nakuha niya nang magbiro ng ganoon?! Do you think that’s funny?!” Natahimik ang lahat nang muli akong umiyak. Naihampas ko tuloy kay Colt ang bulaklak na nakapatong sa kaniyang kama. “Paano kung may mangyari sa akin?! Paano kung makunan ako? Nag-iisip ka bang hayop ka?!”

“You’re pregnant?”

“Hell yes, you stupid beast! Akala mo ba—.” Hindi ko na naituloy ang sasabihin nang bigla akong kabigin ni Colt. Napapikit na lamang ako nang maramdaman ko ang kaniyang mga labi sa akin.

Nalasahan ko ang luhang tumulo mula sa kaniyang mga mata. Ilang sandali lamang ay naghiwalay kami. Pero kaagad niya ulit akong kinabig para yakapin ng mahigpit.

“I didn’t know, my Kitty. Walang nagsabi sa akin. Hindi ko alam na buntis ka. Oh God, I’m sorry.”

Ako naman ang natigilan. Walang nagsabi sa kaniyang buntis ako? “Stupid…”

“I think, we need to get out for you to have some privacy. Mukhang marami ang dapat ninyong pag-usapan.” Seryosong sabi ni Mama. Kaagad itong lumabas ng kuwarto. Nagsisunuran naman ang iba kaya naiwan kami ni Colt na nakatitig lamang sa isa’t isa.

“You’re pregnant!” Pag-uulit niya.

“I am!”

“Ilang buwan na?” Excited na tanong ni Colt na ikinangiti ko. Tila nawala na lang bigla ang inis ko sa ginawa niyang prank. Nagi-guilty tuloy ako sa mga sinabi ko sa doktor na tumitingin sa kaniya.

“Almost two months…”

“Boy or girl?”

Natawa ako sa nakikitang kainosentehan sa kaniyang mga mata. “Almost two months pa lang, baliw ka ba? Kapag five months na ang tiyan ko saka natin malalaman ang gender.”

“But I heard you called him Cloud.”

“Well, gusto kong lalaki ang una, kaya Cloud ang gusto kong pangalan niya.”

“Oh Kitty…”

Napapangiting binatukan ko si Colt. Kinurot ko rin ang kaniyang pisngi bago ko siya hinalikan sa mga labi.

“Hindi ka man lang ba pinigilan ng mga tarantado kong kaibigan?” Tanong ko nang matigil ang halik.

“They tried to stop me. Siguro’y hindi nila masabi na buntis ka kaya hindi nila ako napigilan talaga. I’m really sorry, my Kitty. Kung alam ko lang hindi ako magpupumilit na magbiro ng ganoon.” Napapangiwing sabi ni Colt sabay haplos sa aking tiyan. “I’m sorry too, Cloud.”

“Baka iniisip nilang mas mabuting sa akin manggaling ang lahat. Baka nga naman madismaya ako kapag inunahan nila akong magsabi sa iyo. Pero unacceptable pa rin iyong ginawa mo! Paano nga kung dinugo ako dahil sa sobrang emosiyon na naramdaman?!”

“Kaya nga sorry na…” nakalabing sabi ni Colt bago ako niyakap. “Isa pa, tinadtad mo na ako ng mura kanina. Pinagbantaan mo pa si Zain. May balak ka pang ipagiba ang bahay ko at ibenta ang condo? Napakasadista mo talaga.”

Napahalakhak ako sa narinig. Nasabi ko lang naman iyon dahil sa nag-uumapaw na emosiyong nararamdaman ko kanina.

“Talagang gagawin ko iyon kung hindi ka magigising.”

“Natupad na ang wish mo, gising na ako.” Nakangiting wika ni Colt.

“Gago ka talaga! Iniisahan mo ako! Kanina ka pang gising eh! Hindi dapat counted iyon!” Inis kong sikmat.

“Alright, alright! What do you want my Kitty.”

Huminga ako ng malalim bago ngumiti. “Tell me, saan ninyo pinadala si Axen? Buhay siya hindi ba?”

“Iyon ba ang gusto mong malaman? Akala ko pa naman may iba kang gusto.” Nakasimangot na sabi ni Colt.

“Okay…gusto kong magpagaling ka na dahil uuwi na tayo. Natatakot akong mag-isa sa unit.”

Humalakhak na naman si Colt. Marahan niyang hinaplos ang aking pisngi. “Yes Ma’am, magpapagaling ako kaagad.”

Saglit na nagkatitigan kami. Muling naglapat ang aming mga labi. Kasunod niyon ay napasiksik ako sa kaniyang dibdib. “I love you Colt.”

“I love you too, my Kitty and my Cloud.”

Wakas.