“Good morning, Ms. Salvador.”
Umangat ang tingin ko sa babaeng pumasok. Awtomatikong bumukas ang aking bibig nang makilala ang bagong pasok.
“Manang Lena…”
Nakangiting tumango si Manang Lena bago sumulyap sa kaniyang likuran. Tuloy-tuloy na tumulo ang mga luha ko nang makita si Kuya Kairo.
“Keith…”
“Kuya, anong ginagawa mo rito?” Tanong ko sabay yakap sa kaniya nang makalapit siya sa akin.
“Top called me, may nangyari daw sa iyo sa last mission ninyo. Nag-aalala ako kaya narito ako ngayon.” Sabi ni Kuya Kairo habang pinapahid ang aking mga luha.
“Alam mong kasama ako sa grupo?”
Ngumisi si Kuya. “Walang maitatago sa akin si Top. Isa pa’y nadulas si Jated sa akin noong tawagan nila ako. I was so mad at first, pero ngayon, pakiramdam ko ang dami kong pagkukulang bilang Kuya mo, Keith.”
“Kuya…”
“Ang dami kong hindi alam tungkol sa iyo. And I’m sorry for being a jerk brother. Hindi ko man naipakitang ikaw ang pinapanigan ko noong sapakin mo si Mark, alam naman ng mga kaibigan mong pinapahalagahan kita. Hindi lang talaga ako magaling sa salita lalong hindi marunong ipakita ang nararamdaman sa mga kilos ko. I love you Keith. I’m sorry dahil nalayo ang loob mo sa akin.”
Isang masuyong ngiti ang kumawala sa aking mga labi. Muling tumulo ang aking luha habang pinagmamasdan si Kuya. “How’s grandma?”
“She’s doing great. Marami siyang pinagkakaabalahan si Hongkong. Lagi siyang tumatawag at kinukumusta ka. She even asked kung pareho na ba tayong may pamilya.” Bigla akong natawa sa huling sinabi ni Kuya Kairo.
“Wala ka ngang girlfriend.” Nakangisi kong sabi na ikinatawa ni Kuya.
Marahan niyang inilagay ang kamay sa aking ulo. “Sinong nagsabing wala?”
Nawala ang ngisi ko, napalitan ng pagkamangha. “Seryoso?!”
Huminga ng malalim si Kuya Kairo. Saglit na ngumiti pero ang ngiting iyon ay hindi umabot sa kaniyang mga mata. “Hindi ko alam kung anong itatawag ko sa kaniya. Girlfriend ba o ex-girlfriend?”
“Why? What happened?”
Muling ngumiti ng malungkot si Kuya. Marahan niyang pinisil ang aking pisngi bago nagpakawala ng buntong-hininga. “Let’s not talk abouy her. Tell me about you and Colt.”
Ako naman ang tila nalungkot. Iniwas ko ang tingin at ngumiti nang mapait. “Dinukot siya ni Grey. Kaya ngayon, nagpaplano ulit ang mga kasama ko sa muling pagligtas sa kanila. Hanggang ngayo’y hindi pa rin namin naililigtas si Akame at Tamara-.”
“Tamara?”
Dumako ang mga mata ko kay Kuya Kairo. Bahagya akong tumango. “Oo, si Tamara iyong-.”
“Wait…may best friend ba siyang Lovely ang pangalan?”
Napanganga ako sa sinabi ni Kuya. “Yeah, si Lovely na may two genetic mutations.”
“Two genetic mutations?” Kunot ang noong sabi ni Kuya na ikinalito ko. Saan ba patungo ang pinag-uusapan nami?
“Oo, albinism and hete-.”
“No! Normal si Lovely. Maputing-maputi lang siya pero wala siyang ano mang kaabnormalan sa katawan.”
“The fucked?”
Mabilis na kinuha ko ang cellphone sa maliit na lamesang nasa gilid. Kaagad na tinawagan ko si Top. Hindi ito sumasagot. Marahil ay nagsisimula na ang mga ito sa misyon.
“Kailangan ko silang puntahan.” Mariin kong sabi sabay hila sa dextrose na nakakabit sa akin.
“W-Wait! Kailangan mong magpahinga Keith!” Malakas na sabi ni Kuya habang pinipigilan ako sa pagbaba ng kama.
Kailangan ko nga ng pahinga dahil masakit pa ang likod ko. Medyo mabigat din ang aking pakiramdam. Pero hindi iyon hadlang para manatili ako ritong walang ginagawa.
“Kailangan nila ako! Kailangan ako ni Colt!”
“Lalong magagalit si Colt kung magpupumilit kang pumunta roon lalo na ngayong ganiyan ang kalagayan mo!”
Hindi ako nagpapigil. Kaagad na kinuha ko ang cardigan na nasa gilid at isinuot iyon. Mabilis ang lakad na lumabas ako ng kuwartong inuukopa ko. Nakasunod lamang sa akin si Kuya at si Manang Lena.
“Keith listen to me! You can’t-.”
“I’m fine! Kaya ko na ang sarili ko! Ayaw kong-.” Natigil ako sa pagsasalita nang makaramdam ng pagkahilo. Mabilis akong inalalayan ni Kuya.
“See, I told you to rest. You’re pregnant for fucking two weeks now! Baka kung anong mangyari sa iyo kung ipipilit mo ang kagustuhang puntahan si Colt!”
Sa lahat ng sinabi ni Kuya, isa lamang ang tumatak sa aking isipan. I am pregnant. I’m two weeks pregnant.
“Oh my God…” mahina kong sabi habang napapahaplos sa impis kong tiyan.
Marahan kong tiningala si Kuya Kairo. “Kaya ba ayaw akong payagan ng mga kaibigan ko? Alam nilang lahat na buntis ako at masama sa akin ang sumama sa misyon?”
Tumango si Kuya Kairo. “Please Keith, we don’t want you feel-.”
“No, kailangan ko si Colt, Kuya.”
“Keith…”
“I promise hindi ako aalis sa van. This time, tutuparin ko iyon. Hindi ako gagawa ng ano mang kilos na ikapapahamak ko-namin ng magiging anak namin ni Colt. Please, Kuya, gusto kong makita si Colt.”
Tuluyan na akong napahagulgol. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong uri ng takot. Isipin ko pa lang na lumilipas ang mga oras na hawak siya ni Grey ay para na akong mamamatay. Paano pa kung may gawin itong masama sa kaniya? Hindi ko kakayanin. Baka hindi ko matupad ang pangakong mananatili sa van kapag nagkataon.
-
COLT’S POV.
“Look, you think you already won just because you have us tied in this bullshit room?!” Narinig kong sikmat ng isang babaeng nakatali sa isang upuan.
Bahagya ko itong pinagmasdan. She’s unfamiliar.
“Oh c’mon Tamara, napakagaspang talaga ng pakikitungo mo sa akin.” Nakangising wika ni Grey sabay titig sa akin. “By the way, this is Colt, boyfriend ni Keith na kapatid ng boyfriend mo.”
Bigla akong napatitig sa babaeng nasa harap. Mataman ako nitong pinagmasdan. Malamig na titig na para bang sinisigurado kung kalaban ba ako o kakampi.
“So?” Sabi niyang ikinangiwi ni Grey.
“This is why I hate you. You remind me of Serena. Cold, rude, but…” saglit na tumigil si Grey bago pinasadahan ng tingin si Tamara. “You’re hot as hell.”
Hindi ko napigilan ang mapatiim-bagang. How bold he was to say those words.
“Lovely, tie him up. I’ll just go upstairs. Tawagin mo lang ako kapag may nangyari.” Nakangising sabi ni Grey sabay isa-isa kaming tiningnan.
Ilang minuto nang nakaalis si Grey bago ako nagsalita. “You should have told me you needed help.”
“Malalaman ni Grey kung sasabihin ko nang direkta sa iyo. Isa pa, nakasalalay ang buhay ng Papa ko. Gagawin ko ang lahat para mailigtas si Papa.” Mahinang sabi ni Lovely habang kinukuha ang lubid sa isang tabi.
Bigla akong napangisi. I almost forgot that she’s a famous author. Mas mabuti nga namang idaan nito ang paghingi ng tulong gamit ang isang tula kaysa sabihin ng diretso na siyang ikapapahamak ng lahat.
HELP ME; iyon ang gustong ipabatid ni Lovely sa akin habang binibigkas nito ang mga salitang iyon. Hindi ko alam kung may alam ba si Top. Pero sa hitsura ni Lovely, malamang na inilihim nito iyon.
“Alright, I’ll help you.” Mabilis kong sabi sabay lapit kay Tamara.
Akmang kakalagin ko ang kaniyang tali nang kusa na iyong nahulog. Ngumisi siya sa akin bago tumayo. “I don’t need your help.”
“Kung ganoon, bakit narito ka pa rin?” Sarkastiko kong tanong. Sumasakit na naman ang ulo ko sa mga babaeng ito. Ano pa bang klase ng tao mayroon ang grupo ni Top?
“I was trying to help Lovely! Pero ang gagong Grey na iyon, naisahan ako! He blackmailed me. Pinalabas niyang patay na ako. Kaya heto, hindi rin ako makalabas dahil oras na malaman ng mga kinauukulan na buhay pa ako, kulungan ang bagsak ko.”
“How about Kairo?”
Bahagyang natigilan si Tamara. Umiwas ng tingin bago ngumisi. “I’ll deal with him pagkatapos kong patayin si Grey.”
Lahat na yata sa grupong ito gustong patayin si Grey. Hindi na ako magtataka kung pagkatapos ng lahat ng ito’y halos hindi na makilala ang mukha ni Grey.
“Where’s Akame?” Tanong ko nang maalalang may isa pang babae na siyang dapat ililigtas ni Keith at Darth.
Napaawang ang bibig ni Tamara. “Akame? She’s here?”
“What are you talking about? Hindi mo ba siya nakita?” Takang tanong ko.
Napatuptop sa bibig si Tamara. Kasunod niyon ay ang tila pag-apoy ng kaniyang mga mata dahil sa galit. “Fuck! It was her! Siya iyong narinig kong sumisigaw sa kabilang kuwarto!”
“What do you mean?” This time si Lovely naman ang nagtanong.
“What the-.”
“I knew it.” Sabat ng boses ni Grey. Nakatayo ito sa hamba ng pinto habang magkasalikop ang mga braso. “Ano pa nga bang aasahan ko sa isang Tamara. Kaya nga ikaw ang napiling kapalit ni Serena ay dahil sa halos pareho niyong kakayahan.
And Lovely, napakatalino mo nga. Hindi ko napansing paghingi pala ng tulong ang mga sinabi mo kay Colt.”
Tumiim ang mga bagang ko. Mabilis na kinuha ko sa kamay ni Lovely ang baril. Hinila ko sila ni Tamara para mapunta sa aking likuran.
Malutong na tawa ang pinakawalan ni Grey. “What can you do? Shoot me hanggang sa mamatay ako? Kaya mo naman ba kaya?”
Ako naman ang ngumisi. “Walang imposible, Greyson. Sa tingin mo, magiging CEO ako ng isang kompaniyang kinabibilangan ng mga magagaling na agents and assassins kung wala akong alam sa ganitong bagay? I may not be skilled, hindi man kita mapatay, pero sinisiguro kong gagawin ko ang lahat para protektahan sila.”