noveltoon logo noveltoon
Taming the Beast

Chapter 30

Ch. 31 / 43 May 09, 2025

“Hey Violet, buhay pa kami. Kung umiyak ka riyan parang nakahiga na kami sa kabaong.” Komento ni Jared.

Nabalik ako sa katinuan nang marinig ang sinabi ni Jared. Muli’y isa-isa ko silang tiningnan sa mukha. Lahat sila’y nakatitig sa akin habang nakakunot ang noo. Hindi ko napigilan ang matawa. Kahit na ramdam ko ang mga luha ko’y patuloy akong tumawa habang papalapit sa apat na pugong nasa couch.

“Baliw ka ba?” Tanong sa akin ni Damon habang inaabot ang kamay ko. Sabay-sabay na natawa ang lahat maliban kay Darth. Tahimik lamang siya habang nakangiti.

Hindi na ako umangal nang tuluyan akong hilahin ni Damon. Natatawang naupo ako sa gitna nilang apat. Sa kanan ko sa Darth at Top habang sa kaliwa naman ay si Damon at Jared.

Right, siguro kaya bumalik si Darth ay dahil sa katotohanang puwesto niya talaga ang isang lugar sa puso ko. Hindi si Grey na inakala kong totoong kaibigan.

Marahang napayakap ako kay Damon. “After ng mission na ito, tutulungan kitang makuha si Phoebe. Promise, hindi kita ilalaglag. Hindi ko sasabihin na nagmukha kang tanga noong iwan ka—.”

“Oo na manahimik ka na lang. Isa pa, tigil-tigilan mo ang pagyakap sa akin. Pakiramdam ko’y pinapatay na ako ng titig ni Colt.” Sabi pa ni Damon habang tinutulak ang noo ko palayo sa kaniya.

Mabilis ang ginawa kong pagkalas sa kaniya. “Si Colt?!”

Bigla akong kinabahan. Mabilis na tiningnan ko ang sarili. Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtantong iba na nga pala ang suot kong damit. Nagpalit nga pala ako kanina ng black ripped jeans at white shirt.

Napapahawak sa dibdib na nilingon ko silang apat. “Where is he?”

“Nasa office ni Top, kausap si Lovely.”

“Ah, okay…” Sabi ko sabay upo sa harap ng maliit na lamesa. Kaagad kong nilantakan ang slice ng cake na hindi naubos ni Darth.

Ilang sandali lamang ay biglang bumukas ang pinto ng kuwartong kinaroroonan naming lima. Unang pumasok si Lovely, sunod ay si Colt.

Bigla akong napanganga nang makita sa personal ang girlfriend ni Top. Ah, alam kong hindi pa naman niya girlfriend si Lovely, pero doon din naman ang tungo niyon.

Kaagad akong tumayo at lumapit kay Lovely. Titig na titig ako sa kaniya. Nakita ko kung paanong iniwas nito ang tingin. Hindi nakaligtas sa akin ang paglamlam ng titig nito sa aking likuran. Tiyak na si Top ang tinitingnan nito. Marahil ay nagpapatulong na ilayo niya ako sa harap nito.

“You’re lovely…” sabi kong titig na titig sa mga mata ni Lovely.

“Y-Yes, I’m Love—.”

“No—I mean, yes, both! I know your name’s Lovely and it’s suits you well. You’re beautiful.” Napapangiti kong sabi habang nag-aalangan kung hahaplusin ko ba ang putting-puti niyang buhok.

She have two genetic mutations. Albinism and Heterochromia. She’s white like a snow and too fragile like a glass. I couldn’t help myself but to look at her with adoration. And her eyes, it’s blue and green. How amazing!

“Baka naman matunaw na si Lovely sa ginagawa mo, Violet.” Pang-aalaska sa akin ni Jared. “Hindi mo man lang tinapunan ng tingin ang boyfriend mo.”

Noon ko lang napansin ang sinabi ni Jared. Kaagad nabaling ang tingin ko sa pinto. Pero wala na roon si Colt. Kaya mabilis na gumala ang tingin ko. Nakaupo na ito sa pang-isahang upuan habang kausap si Top.

Sinimangutan ko lang ang tatlong pugong nakangisi sa akin bago ko hinila si Lovely palapit sa isang box ng chocolate.

Biglang napuno ng saya ang puso ko. Masaya akong lumalaki ang grupo. Dagdag pa si Phoebe na kakaunin namin sa New York. Humanda sa akin ang Sean na iyon. Hindi ako papayag na maging hadlang ito sa tambalang Damon at Phoebe! Ako ang number one fan ng dalawa. Natutuwa akong masaksihan ang pagiging tanga ni Damon.

Sino naman kaya ang susunod? Si Darth o si Jared?

Ilang sandaling nakipagkuwentuhan ako kay Lovely. Marami kaming napag-usapan. Marami siyang naikuwento sa akin na mga bagay patungkol kay Top.

Nasa kasarapan kami ng pag-uusap nang biglang tumunog ang cellphone ko. Lahat ng mga kasama ko’y sa akin nakatuon ang tingin. Naghihintay kung sasagutin ko ba ang tawag.

Saglit akong tumikhim bago sinagot ang tawag ni Ace. “Bakit?”

“I just want to remind you about—.”

“I’m not going.”

“Oh, sayang, marami pa naman akong sasabihin na siguradong makakatulong para madaling matapos ang misyon niyo.” Seryoso nitong sabi na ikinatingin ko kay Top.

“Loud speaker.” Top mouthed. Saglit kong tiningnan si Colt bago sinunod ang sinabi ni Top.

“You think maniniwala kaagad ako sa’yo?”

“Why not?” Sabi ni Ace sabay tawa ng pagak na ikinakuyom ng kamao ni Damon. “My Tigress…”

Ewan ko ba kung matatawa ako sa naging reaksiyon ng mga kasama ko. Lahat sila’y sabay-sabay na tumingin kay Colt. Habang si Colt naman ay masama ang tingin sa cellphone. Wala sa sariling napalunok tuloy ako.

“Stop calling me—.”

“Why? Magagalit si Colt?” Napasinghap ako sa naging sagot ni Ace. Mabilis na naiwas ko ang cellphone sa akmang pag-abot niyon ni Colt.

“Calm down!” Mariin pero walang boses kong sabi.

Marahan akong lumapit kay Colt at tinapik ang kaniyang pisngi. Baka sakaling mawala ang pagtalim ng tingin niya sa akin. Pinandilatan ko naman si Jared na muntik nang bumunghalit ng tawa.

“Ano bang kailangan mo?” Inis kong tanong kay Ace.

“You already know the answer. C’mon Tigress, a dinner won’t hurt Colt. I promise, I won’t lay a finger on you.”

“Promises meant to be broken, dumbass.” Mariing bulong ni Colt kaya nailayo ko nang wala sa oras ang aking cellphone.

“Are you with him?”

“No, I’m with my friend, Lovely.” Sagot kong nakangiwi.

“Anyway, I’ll wait for you in Casa Moderna.”

“Axen—.”

“Look, Keith, I’m trying to help you and your friends. I’ll tell you everything in details on our dinner date. See you later.”

Nang matapos ang tawag ay isang marahas na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Kasunod niyon ay marahan akong naupo sa tabi ni Colt.

“What do you think, guys?” Tanong kong napapangiwi.

“Eh kung kunin na lang natin ng sapilitan si Ace at pahirapan? Sa ganoong paraan baka sabihin niya na lahat ng gusto niyang sabihin sa’yo.” Suhestiyon ni Jared na ikinairap ko.

“Let’s not forget that he’s Axen. He killed Serena, Jared. Hindi natin kailangang magpadalus-dalos. Lalo pa’t may importante rin tayong gagawin mamaya.” Sagot naman ni Damon bago pumikit ng mariin.

“Well, you can decide it yourself. Basta kapag nagipit ka, nandito lang kami. Of course, alam naman namin na kaya mo ang sarili mo, but you can still count on us.” Sabi naman ni Top habang naglalakad bitbit ang bote ng tubig. Napangisi na lang ako nang makitang inabot nito iyon kay Lovely.

“Right, but the main question here is; payag ba ang boyfriend mo?” Seryosong sabi ni Darth na ikinalingon ko kay Colt.

Iniwas lang ni Colt ang tingin. Marahan siyang sumandal sa upuan at pumikit.

“Colt…”

“He obviously doesn’t want you to go.” Komento pa ni Darth.

“Colt, baka nga makakatulong—.”

“No.”

“Colt naman eh!”

“Kitty, you know it’s dangerous! Kayo na rin ang nakasaksi niyon. What if gawin niya sa’yo ang ginawa niya sa dati niyong kasama?”

“He won’t kill me. C’mon, paano natin mapapatunayang nagsasabi nga siya ng totoo kung hindi ako pupunta?” Naiinis ko nang tanong. Gusto ko lang naman malaman ang mga sasabihin ni Axen. Baka nga makatulong iyon para mailigtas namin si Akame at Tamara.

“How can you be so sure, babe? He killed your best friend.”

“Axen likes her.” Singit ni Jared na ikinatalim ng tingin ko rito. Kaagad na nabatukan ni Damon si Jared kaya ang loko’y napapangiwing umiwas ng tingin.

“He likes you? I’ll go with you then. I may not be skilled like you guys, but I can still throw punches. Nangangati na ang kamao ko, Kitty. Let’s go.” Mariing wika ni Colt bago naunang lumabas ng kuwarto.

“I guess you won’t be needing our help. Good luck to your date, Tigress, I mean, Kitty.” Nakangising wika ni Top.

Malakas na pinaghahampas ko muna sila ng throw pillow bago sumunod kay Colt sa labas.

It’s already four in the afternoon. May ilang oras pa para pakiusapan ko si Colt na huwag na lang sumama.