“Yow.” Kunwa’y siga kong sabi nang makapasok ako sa opisina ni Flix.
He smirked at me.
“So, what happened?” tanong niyang nakahawak sa baba.
Kung hindi nga lang sa mga nalalaman ni Flix baka kanina ko pa siya inupakan. I’d love to see his face ruined. Ako na siguro ang pinakamasayang tao kapag nangyari iyon.
“Well, I was planning to kill your twin brother.” Sarkastiko kong sabi, pilit na iniiwasang sagutin ang tanong niya.
Marahan akong naupo sa sofa na nakaharap kay Flix. Taas ang kilay na pinagkrus ko ang aking mga binti. I’m wearing a black bandage skirt and a silky white long sleeve.
I saw his jaw clenched.
Right.
Having a hard time breathing?
Oh, oo nga pala, lalaki ka nga pala, Flix Vierco.
“If you keep on staring at my legs, baka mauna ka pa kay Colt na bumulagta.” Sabi kong binibigyan ng matalim na tingin si Flix.
Mahinang napatawa si Flix, bago bumuga ng hangin. “Napakasadista mo naman.”
Napapairap na tumayo na lang ako para sana umalis na. Pero bigla kong naalala kung bakit naroon ako ngayon sa opisina ni Flix. “Hey, Vierco, wala naman sigurong masama kung dadaanin ko sa dahas si Colt, hindi ba?”
“What do you mean?”
“Well, in order to take your jerk brother into his office, gagawin ko ang lahat, para tuluyan na akong makaalis sa impyernong mundo ninyo.” Mariin kong sabi bago tumalikod.
Wala na akong narinig mula kay Flix. Kaya mabilis na nilisan ko ang kaniyang opisina.
Sisiguraduhin kong magagawa ko ang iniuutos niya. Pero sisiguraduhin ko ring habang ginagawa ko iyon, wala silang malalaman tungkol sa akin.
Hindi ko napigilan ang muling mapangisi nang makalabas si Keith ng opisina ko. What a sexy ass. Too bad, ayaw ko sa amazona.
That woman.
Mukhang nakahanap ng katapat si Colt. Dapat na makita ko ang lahat ng kayang gawin ni Keith sa kakambal ko.
Napapangiting inilabas ko ang isang folder sa drawer ng aking desk. Taas ang kilay na binasa ko nang buo ang pangalan ng taong naroon. “Keith Salvador, also known as Violet.”
Ano kayang magiging reaksiyon niya kapag nalaman niyang alam ko ang buo niyang pagkatao?
And Colt?
Nah, that beast know everything about her. Para saan pa’t naging isa sa pinakamakapangyarihang kompaniya ang pinapatakbo ng kakambal ko.
Let’s see, Miss Violet.
“Anong nangyari sa lakad ninyo kagabi?” taas ang kilay kong tanong kay Jared. Narito kaming tatlo sa isang coffe shop malapit sa pinagtatrabahuhan ng dalawang kulugong ito. Ayaw ko sanang sumama dahil kailangan kong bisitahin ang halimaw sa kulungan niya pero pinilit ako ni Damon.
Saglit na sumipsip sa iced coffee niya si Jared bago tumingin sa akin. “They’re pretty, hindi maipagkakailang mga kapatid nga sila ni Damon.”
Muling tumaas ang kilay ko. “Prettier than me?”
Napansin ko ang pagngiwi ni Jared at ang mahinang pag-ubo ni Grey. “Keith, iba ka, iba rin yung mga kapatid ni bossing. Kapag sinabi kong mas maganda yung dalawang iyon, tiyak na papatayin mo ako. Kapag sinabi ko naman mas maganda ka, oh God, impyerno ang bagsak ko sa mga kamay ni Damon.”
“Loser…” matalim ang tinging sabi ko bago pairap na sumimsim sa aking kape.
Tinawagan ko naman sila kagabi para makibalita. Pero itong ugok na Jared na ito, narinig kong nakikipaglampungan. Kaya ayon, nawalan ako ng ganang maki-intriga sa lakad nila. Saka na siguro ako makikipagkilala sa mga kapatid ni Damon. O mas mabuti ngang huwag na lang.
“Bakit ba ang tagal ng boss ninyo? Kanina pa ang break time ninyo di ba?!” naiinis kong sabi bago padabog na kinuha ang tinidor.
“Chill ka lang Keith, may mga inasikaso pa si Damon. Tungkol iyon sa mga kapatid niya. Saglit lang naman—.” Natigil sa pagsasalita si Grey nang matuon ang buong atensiyon namin sa bagong pasok na lalaki. Medyo magulo ang buhok nito at parang sasapak ng tao.
“Damn it! Grey, pumunta ka sa headquarter mamaya at alamin mo kung anong nangyari doon sa bagong pasok ni Top.” Madilim ang ekspresiyong sabi ni Damon habang tinatanggal sa pagkakaayos ang necktie na suot.
“What’s wrong?” tanong ko.
Isang marahas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Damon bago pumikit nang mariin. “That Akame’s making me insane! Pinapakialaman niya ang mga plano ko!”
Hindi ko napigilan ang mapatawa sa narinig. “Akame? You mean Akame Ushijima? Yung hilaw na haponesang kalaban mo dati sa posisyon mo ngayon?”
Natigil ako sa pagtawa nang makita ang lalong pagdilim ng ekspresiyon ni Damon. Mabilis kong kinagat ang ibabang labi bago sumimsim ng kape.
“Oh, Top messaged me.” Pagsabat ni Grey habang nakatingin sa kaniyang cellphone. “Kailangan ko nang pumunta sa headquarter.” Sabi pa nito bago nagmamadaling umalis.
“That idiot…” Napatingin na lang ako kay Jared nang sabihin niya iyon. “Teka sino ba iyong papalit kay Serena?”
Muki kong narinig ang pagbuntong-hininga ni Damon. “I don’t know.”
Napapaikot ang matang tumayo na lang ako. “Kailangan ko na ring umalis. May trabaho pa akong dapat tapusin.”
“Tatapusin mo na si Colt?”
“Kung pwede nga lang.” pagsagot ko kay Jared. Kaagad kong kinuha ang aking bag bago naglakad. Hindi pa man ako nakakalayo ay narinig ko na ang pagdaing ni Jared. Kaya kaagad ko silang nilingon.
“Ano ba Damon?!” Inis na sabi nito bago tumingin sa direksyon ko. Kaagad naman nanlaki ang kaniyang mga mata nang magkasalubong kami ng tingin. “Nariyan ka pa pala Keith.” Napapangiwing sabi nito.
Malalaki ang hakbang na bumalik ako sa pwesto nila bago malakas na binatukan si Jared. “Gago ka, pinagnanasaan mo pa ako!”
“Ano ba, nabatukan na nga ako ni Damon eh!” pagrereklamo nito. Isa pang pagbatok kay Jared ay kaagad na akong tumalikod. Pero bigla kong nahuli ang pagtingin ni Damon kaya mabilis ko rin siyang nabatukan.
“Hey, hindi ikaw ang tinitingnan ko.” Pangangatwiran ni Damon na iningusan ko lang.
“Ako pa lolokohin ninyong dalawa. Umayos kayo kung ayaw ninyong magsumbong ako kay Top!” pananakot ko sa kanila.
“Then wear something decent! Masyadong hakab ang pang-upo mo. Baka mademonyo ang Colt na iyon at gawan ka ng masama!” paninita sa akin ni Damon.
Magsasalita na sana ako para mangatwiran nang biglang ihagis sa akin ni Jared ang jacket na nasa tabi nito. Napapangusong isinuot ko na lang iyon bago tuluyang umalis.
“Akala mo naman kung mga sino?! ‘Pag ako bawal magsuot ng ganito pero yung mga babae nila halos maghubad na ay ayos lang?!” naiinis na bulong ko habang naglalakad palapit sa kotse.
Pinilit kong kumalma hanggang sa makaalis ako sa coffee shop. Ilang minuto lang ang layo niyon sa bahay ni Colt kaya hindi na ako nahirapan na makarating roon.
Muli akong pinapasok ng guard. Maybe Flix already reminded them na nagtatrabaho ako sa kaniya. Kaya ganoon na lang ang tiwala ng mga guwardiyang papasukin ako.
Alright then.
Maybe I can use this chance para paulit-ulit na guluhin si Colt.
Damn that man. Masyadong matigas!
Hindi na ako nag-abalang magdoorbell pagdating ko sa bahay ni Colt. Tuloy-tuloy akong pumasok hanggang sa matapat ako sa pinto.
And obviously it’s locked. Masyadong sigurista ang damuho.
Ilang beses akong kumatok. Maya-maya lang ay bumukas ang pinto. Kunot ang noong pinakatitigan ako ni Colt.
I smirked before inviting myself to come in. Mukhang wala kasing balak si Colt na papasukin ako.
“I brought some groceries. Sabi kasi ni Flix ay puro delivery foods lang ang kinakain mo. That’s not good for your health, you know.” Sabi kong may pekeng ngiti habang naglalakad papasok ng kusina. Kung hindi lang dahil sa trabahong ito, nuncang ipamimili ko siya ng groceries.
Like hello? Me, myself, doesn’t cook that much. Masarap naman ako magluto, pero dahil tamad ako, duh, jollibee is always one call away, magpapakahirap pa ba ako?
“I don’t need that.” Sabi ni Colt habang matalim na nakatitig sa akin.
Mabilis akong umiling. “Kung iniisip mong sinusuhulan kita para pumayag na pumunta sa opisina mo, nagkakamali ka.”
“So, mapagkawang-gawa ka na pala ngayon, Miss Salvador?” taas ang kilay na sabi ni Colt bago kinuha ang isang kahon ng snacks para sa aso.
“Ewan ko nga sa iyo.” Naiinis kong sabi bago naglakad palabas ng kusina.
“Ohh, wearing something revealing doesn’t suits you, Miss Salvador. I prefer the modest one.” Nakangising sabi ni Colt na mas lalong ikinainis ko.
“I don’t care, Mr. Vierco. Hindi ko naman ibinibenta ang sarili ko sa iyo.” Mariin kong sabi.
“Alright, whatever you say. Pakisara na lang ang pinto pagkalabas mo, Miss Salvador.”
“Damn you!” Malakas kong sabi bago padabog na lumabas ng kaniyang bahay. Nakakapika ang pagtawag niya sa akin! Naiinis ako, gusto kong gumanti! Gusto kong sapakin kahit isang beses ang mukha niya!