“So…” taas ang kilay na sabi ni Colt habang nakatingin sa akin. Kakasubo ko lang ng steak na siya mismo ang naghati.
Kung palagi niya itong gagawin, hindi ko na alam kung anong iisipin. Baka makalimutan ko na ang mga misyon ko.
“Masarap…” tipid ang ngiting sagot ko. “Hindi halata sa hitsura mong masarap kang magluto.”
As usual, he smirked. “Hilig ko ang magluto.”
Ibig sabihin kung buhay si Zairene, malamang na ito ang ipinagluluto niya at kasama niya sa pagkain. Sweet ba siya kay Zairene? Well maybe he was, she’s his wife anyway.
Sinusubuan niya ba kaya kapag kumakain sila? Hinahalikan niya ba habang naghihintay na matapos sila sa pagluluto? Niyayakap kaya sa likod?
The thought of him making out with his ex-wife while waiting for the foods to be cooked makes me feel irritated. Parang nawawalan na ako ng gana. I know I shouldn’t be, but…
“Earth to Kitty…” seryosong sabi ni Colt na ikinabalik ng huwestiyo ko. “…you’re spacing out again.”
Marahan akong uminom ng tubig. Sinusubukang alisin ang bara sa lalamunan.
I could slap him with my words and save my feelings pero baka magtaka siya kung bakit biglang maging ganoon ang ugali ko.
“May iniisip lang ako…”
“Who?” Malamig na tanong ni Colt habang madilim ang ekspresiyon sa mukha.
Who? Bakit parang alam niya na yata kaagad na tao ang iniisip ko, hindi kung ano mang bagay?
“I was thinking if I could go out for dinner with Axen.” Yes, sa ganoong paraan baka mapigilan ko ito sa mga kademonyohang binabalak.
“I don’t want you to mention that name whenever you’re with me.”
“Why?”
“Sinong lalaki ang gugustuhing may binabanggit na ibang pangalan ang nobya niya habang magkasama sila?” Madilim pa rin ang ekspresiyong sabi ni Colt.
Hindi ko napigilan ang mapanganga sa narinig. Nobya? As in, girlfriend? Kasintahan?
“You’ve gotta be kidding me.”
“We already talked-.”
“Alam ko, pero bakit bigla-bigla naman yata?” Gulat na tanong ko.
“Oh, you want some briefing first. Okay, let’s take it slow then.” Nakangisi nang sabi ni Colt.
“O-Okay-.”
“I’ll court you…”
Naantala ang akma kong pagsubo nang marinig ang huling sinabi ni Colt. Bakit parang ilang beses na akong binibigla ng lalaking ito?
“Hey, you said we’re just going to pretend-I mean, I’ll help you move on. Bakit kailangan mo pa akong ligawan?” Nabibigla kong tanong na ikinangisi niyang muli.
Kulang na lang talaga sabihin niyang pag-aari niya ako. Ano bang nangyayari sa kaniya?
Hindi sumagot si Colt. Tahimik na ipinagpatuloy niya lamang ang pagkain habang may nakapaskil na pilyong ngiti sa mga labi.
Sumusukong napabuntong-hin8nga na lamang ako. Wala na akong magagawa. Lahat ng sabihin niya’y pinal at hindi na pwedeng kontrahin.
Pagkatapos kumain ay kaagad na akong tumungo sa sala. Gusto ko sanang tumulong sa paghuhugas, kaya lamang ay ang sama na ng tingin sa akin ni Colt. Wala tuloy akong nagawa kundi ang sundin ang utos niyang magpahinga ako sa sala.
Habang nasa kusina si Colt ay pinagsawa ko ang tingin sa buong living room. Saglit na kumunot ang noo ko nang mapansing wala na ang picture ni Zairene sa maliit na table na nasa gilid. Baka inilipat lang ni Colt ng lagayan.
Akma akong tatayo para sipatin ang ilan pang pictures na nasa gilid nang tumunog ang cellphone ko. Unregistered number ulit. Malamang na si Ace na naman ito.
Inis na sinagot ko ang tawag habang naglalakad palabas sa veranda.
“Where are you?” Tanong mula sa kabilang linya. Hindi nga ako nagkamali, si Ace nga ang may-ari ng numero.
“Wala kang pakialam kung nasaan man ako.” Malamig kong sagot.
Pagak na tumawa si Ace na ikinakunot ng aking noo. “I’m sorry, nagbibiro lang naman ako sa mga sinabi ko kanina. Wala akong maisip na paraan para paunlakan mo ang imbitasiyon ko.”
“Damn you…”
Muling tumawa si Ace. “I like you too.”
“Ano bang gusto mo?” Inis kong sikmat. Pinipilit kong hinaan ang aking boses. Baka kasi marinig ni Colt. Tiyak na magagalit iyon.
“Makasama ka…” Walang kagatul-gatol na sagot ni Ace. “I want to have dinner with you, Tigress. Wala naman sigurong masama roon, ‘di ba? You’re single, I’m single.”
“Anong walang masama roon? You know how much I wanted to kill you. Sigurado ka bang gusto mo akong makasama magdinner?”
This time, malakas na ang naging pagtawa ni Ace. Para bang may nakakatawa sa sinabi ko gayong totoo namang iyon ang misyon ko dati. Kung hindi lang ako sinabihan ni Top na bitiwan iyon, baka matagal nang pinaglalamayan si Ace.
“Binigyan na kita ng pagkakataong magawa iyon, Violet. Pero hindi mo ginawa. Baka naman crush mo na ako.” Sabi ni Ace bago muling tumawa ng malakas.
“Baliw!” Inis kong sabi sabay patay ng tawag.
Nakakabwisit. Ang kapal ng mukha ng gagong iyon. Sobrang bilib sa sarili! Oo gwapo siya, pero mas gusto ko si Colt!
The fucked!
Isang marahas na buntong-hininga ang narinig ko mula sa aking likuran. Akma akong lilingon sa likod nang mabilis na pinigilan ako ni Colt. Muli akong nabalik sa puwesto ko paharap sa malawak na bakuran.
Hindi ko alam kung ilang beses akong napalunok nang mapagtanto ang aming posisyon. Nasa pagitan ako ng mga braso ni Colt. Nakatukod ang nga kamay niya sa barandilya. Nakadantay ang baba niya sa aking balikat. Hindi ko tuloy napigilan ang mapasinghap lalo na nang maramdaman ang init ng kaniyang hininga sa aking leeg.
“C-Colt…”
“Si Axen ba iyon?”
“Colt…”
“Nagtatanong lang akong, huwag kang kabahan. “
Ngali-ngaling batukan ko siya dahil sa sinabi niya. Hindi naman ako kinakabahan dahil sa tanong niya. Kinakabahan ako sa isiping napakalapit ng mukha niya sa akin! Para akong tangang teenager na sobrang lapit sa crush ko!
“Kailangan ko na sigurong umuwi…” Halos walang boses na sabi ko habang marahang kumakawala sa mga braso niya.
Malakas akong napasinghap nang maramdaman ang paghalik ni Colt sa aking leeg. “Ihahatid na kita.”
“M-May kotse naman ako.”
“Ihahatid kita, Kitty.” Pinal niyang sabi. Saglit niyang hinawakan ang aking pisngi bago pumasok sa loob.
Naiwan akong hindi makagalaw sa aking puwesto. Nadedemonyo ba si Colt? Sinasapian na ba siya ng mabubuting espiritu?!
Sa isiping iyon hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sarili ko o hindi.
Marahan kong hinaplos ang aking leeg. Pakiramdam ko’y naroon pa rin ang mga labi ni Colt.
Ano kayang pakiramdam ang mahalikan niya sa mga labi?
Nang makasakay sa kotse ni Colt ay hindi pa rin maalis ang abnormal na pintig ng puso ko. Pakiramdam ko’y puputok na iyon sa sobrang lakas.
“Tiyak na kakantiyawan ako ng gagong kakambal mo.” Mahina kong sabi na ikinangisi ni Colt.
Tiyak na patay ka rin sa mga kagrupo ko kapag nalaman nila ang ginawa mo sa leeg ko Colt! Gago ka.
“Sa tingin mo, sasapakin ba ako ni Damon o ni Top kapag nalaman nilang hinalikan kita?”
Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko. Puta-paano niyang nakilala ang mga kasama ko?!
“Hindi tayo nalalayo ng trabaho, Kitty. Ang kaibahan nga lang, inilalagay ninyo ang batas sa mga kamay ninyo.” Seryosong sabi ni Colt na ikinatahimik ko.
Pasimple akong mapalunok habang iniiwas ang tingin. Kahit na nagmamaneho si Colt at ang kaniyang buong atensiyon ay nasa unahan ng kotse’y pakiramdam ko’y hindi nakakaligtas sa kaniyang tingin ang buo kong pagkatao. Marami pa nga akong hindi alam tungkol sa kaniya. Marami pa akong kailangang gawin para maging patas kami. Dahil hindi ako papayag na alam niya ang lahat sa akin.
Kaagad kaming nakarating sa condo. Inihatid niya pa ako hanggang sa mismong unit ko. Hindi ko na sana siya iimbitahan sa loob kaya lang ay nakakahiya naman. Ilang beses na akong pumasok sa bahay niya nang walang paalam.
Binuksan ko ang pinto. “Pasok ka…”
Mabilis na iniwas ni Colt ang kaniyang tingin habang nagpapakawala ng mararahas na paghinga. “Hindi, Kitty, uuwi na ako.”
“Huh?” Narinig ko naman ang sinabi niya. Pero hindi lang talaga maprocess ng buo ng utak ko.
“Dalawa lang tayo rito sa unit mo.”
Kumunot ang aking noo. “So? Dalawa lang din naman tayo kanina sa bahay mo. Anong pinagkaiba-.”
Natigil ako sa pagsasalita nang bigla niya akong pinasok sa loob ng aking unit. Kasabay ng malakas na pagsara ng pinto ang pagsandal niya sa aking sa dingding.
“C-Colt…” Kinakabahan ako.
Nahigit ko ang aking paghinga nang ilapit niya ang mukha sa akin. Napakalakas ng tibok ng puso ko. Bago ang lahat sa akin. Hindi ako nakakaramdam ng kaba sa mga misyon ko, ngayon pa lang.
Halos maduling ako sa sobrang lapit ng mukha ni Colt sa akin. Hindi ko magawang ipikit ang aking mga mata dahil pakiramdam ko’y pinipigilan ako ng mga titig ni Colt.
“Can I?” Tanong niyang ikinalunok ko.
“What?”
Naramdaman ko ang paglapat ng mga tungki ng ilong namin. Doon na ako napapikit.
“Can I kiss you, my Kitty?”