noveltoon logo noveltoon
Taming the Beast

Chapter 29

Ch. 30 / 43 May 09, 2025

“So, tonight will be—.” Natigil sa pagsasalita si Top nang pumasok si Damon na masama ang timpla.

Padabog itong naupo sa upuang nasa isang tabi. Pumikit nang mariin habang nakatiim ang mga bagang.

“What’s the matter?” Kunot ang noong tanong ni Darth kay Damon.

Marahang umiling ang huli’t umayos ng upo. Seryosong tumitig sa amin pagkatapos bumuntong-hininga.

“Pwede namang hindi ka sumama. We can still save Tamara and Akame.” Marahang sambit ni Jared.

Nanatili akong tahimik. Palipat-lipat lang ang tingin ko kay Colt at Top. Obvious na may nangyaring ikinasama ng loob ni Damon.

“No, it’s fine.”

“Are you sure?” Tanong ko naman.

“Yeah…” halos walang boses nitong sagot bago tumayo’t naupo sa puwesto nitong nasa tabi ni Darth.

Wala si Grey. Mukhang natunugan na nitong alam na namin ang tungkol sa pagtatraydor nito. Baka nga sa mga oras na ito’y may mga plano na itong masama para sa amin.

Hindi ko napigilan ang sariling haklitin ang bote ng tubig at mabilis na inumin ang laman niyon. Pagkatapos ay bigla akong tumayo’t nagmamadaling pumasok sa banyo.

Kaagad kong binuksan ang gripo para pagtakpan ang muli kong pag-iyak. Ayaw kong marinig nila ang mga hikbi ko. Ilang minuto rin akong nasa loob ng banyo. Saglit akong naghilamos bago lumabas.

Sumalubong sa akin ang seryosong titig ng apat na lalaking kasama ko. Napapaiwas ang tinging bumalik ako sa upuan.

“Walang lugar ang emosiyon sa misyong ito Violet.” Malamig na wika ni Darth na ikinalunok ko.

“I’m sorry…”

“Hayaan mo lang siya, Darth. Sa ating lahat na narito, siya ang pinakamalapit kay Grey.” Sabi naman ni Jared.

Nakagat ko na lamang ang aking mga labi nang marahang ibaba-taas ni Jared ang kamay niya sa aking likod.

“And you’re asking her to kill, Grey? Siguro nga malakas si Violet. Magaling pagdating sa pakikipaglaban, pero sa sitwasyon niya ngayon, sa tingin niyo ba magagawa niya nang tama ang misyong ito?” Salubong ang kilay na sabi ni Darth.

“Then I’ll kill Darth.” Seryosong sabi ni Damon. Nang lingunin ko ito’y mataman itong nakatitig kay Top.

Lalo akong kinabahan. Hindi dahil sa magsisimula na kami. Kundi dahil sa namumuong tensiyon sa mga kasamahan ko.

“Guys, you’re scaring Violet! Damon, Top, pwedeng ipagpaliban niyo na muna ang away ninyong dalawa? And you Darth, maghinay-hinay ka naman sa pananalita. Huwag mo siyang ikumpara sa kakayahan mo. Sa ating lima na narito, si Violet ang pinakabata! She has all the reasons to be emotional.”

Muling tumulo ang aking mga luha. Bakit ba kasi nangyari pa ang lahat ng ito? Kanina habang kasama ko si Colt parang nawala ang atensiyon ko sa misyong ito. Pero nang mag-umpisa ang meeting at pag-usapan namin ang tungkol kay Grey ay para akong sinampal ng katotohanan.

Saglit na katahimikan ang namayani. Maging ang pag-iyak ko’y nawalan ng tunog. Ilang sandali lamang ay muli na naming pinag-usapan ang mga dapat gawin.

Darth and I was assigned to enter an abandoned ancestral house to save Tamara and Akame. Jared will secure the whole place with Top’s people. Para sigurado kaming hindi makakaalis kahit isa sa mga tauhan ni Luis.

Si Damon naman ang haharap kay Luis. I am sure he’ll kill him kahit na sinabi ni Top na kailangan pa naming makakuha ng mga ebidensiya para lalong madiin si Grey.

And Top, maiiwan siya sa van. Hindi lang dahil sa siya ang magbibigay sa amin ng instructions. Kundi dahil sa kasama rin si Lovely. She was almost abducted. Mabuti na lang at nakita ng mga tauhan ni Colt.

Oh, I almost forgot. Colt will also help. Siya ang bahala sa lahat. Sisiguraduhin niyang walang makakalabas na balita patungkol sa mangyayari mamayang gabi.

“What’s that?” Tanong ni Darth nang mapasulyap sa paper bag na dala ko.

“Food.”

Saglit siyang tumitig sa akin, pagkatapos ay lumipat ang tingin niya sa paper bag na nasa tabi ko.

“I’m sorry.” Sabi niya habang nauupo sa aking tabi.

Hindi ko napigilan ang matawa. “You’re hungry aren’t you?”

“Well…”

“Here, busog pa naman ako.” Natatawa kong sabi sabay abot ng paper bag sa kaniya.

Saglit na ngumiti si Darth. Pakiramdam ko’y papanawan ako ng ulirat. Marunong naman pala siyang ngumiti!

Huwag sanang malaman ni Colt na nagkakaroon ako ng crush kay Darth. Parang gusto kong humagalpak ng tawa sa isiping iyon. Tiyak na mababatukan ako ni Colt.

“But seriously, sorry sa mga nasabi ko kanina.” Seryoso niyang sabi habang nilalantakan ang salad at buttered salmon.

Marami naman akong dalang pagkain. Dumaan ako sa isang restaurant bago pumunta rito. Alam ko kasing hindi na naman kakain ang mga pugong kasama ko dahil sa kaba.

“Alam ko ang mga kaya mong gawin. Nasabi ko lang iyon para kahit papaano, tumibay iyang loob mo. Ganoon ako pagsalitaan ni Serena dati. I was the leader, pero mas mukhang leader pa siya sa tuwing pagagalitan niya kami.”

Hindi ko alam kung bakit nagkukuwento sa akin si Darth. Ganoon pa man, masaya ako. At least, may isa na namang tao ang matatawag kong kaibigan.

“Guess what?” Sabi ni Jared sabay upo sa tabi ko. Mabilis muna nitong kinuha ang tinidor kay Darth at kumuha ng salad bago nagpatuloy. “Phoebe’s in New York. Tinanan ni Sean kaya mukhang hindi mapatae si Damon sa sobrang galit.”

Nagkatinginan kami ni Darth bago ngumiwi. “Ang tsismoso mo.” Komento ko.

“Nakaringgan ko lang ‘yung pagtatalo nila sa office ni Top.”

“Ganoon na rin iyon, idiot.” Sikmat ni Darth bago inagaw ang tinidor sa kamay ni Jared.

“Isa pa, alam niyo ba kung ano ang lalong nagpagalit kay Damon?”

“Ano?” walang gana at sabay na tanong namin ni Darth.

“Si Sean ay tauhan ni G—.”

“Jared, you dickhead!” Malakas na sabi ni Damon bago dinambahan si Jared. Hindi tuloy namin naintindihan iyong sinasabi ni Jared.

Hindi ko napigilan ang matawa sa nakikitang pambubuno ni Jared at Damon. Parang mga bata ang mga itong nag-aagawan ng laruan.

“That’s enough.” Walang ganang sabi ni Darth bago muling ipinagpatuloy ang pagkain.

Napapailing na inilabas ko na lang ang ibang laman ng paper bag. Napansin ko ang biglang pagsimangot ni Darth nang makita ang box ng chocolate cake na ipinatong ko sa maliit na table.

“You have a cake but you gave me a grass.” Sabi niyang nakatingin sa akin ng blangko.

Umigkas ang kilay ko sa narinig. “Bakit, alam ko bang gusto mo ng sweets? Nasanay akong ako lang ang kumakain nito kapag nagdadala ako rito sa H.Q.”

“Next time, sabihan mo ako.” Sabi pa niya sabay lapag ng hawak na salad.

Wala akong nagawa kundi ang bigyan si Darth ng isang slice. May balak pa naman akong mag-iwan niyon sa office ni Top. Baka kasi gusto rin ni Lovely.

“Ano ‘to?” Tanong sa akin ni Top nang abutin nito ang isang box ng pagkaing galing sa Casa.

“Ah, burger, dumaan ako sa Casa kanina bago pumunta dito.” Sagot ko.

Napapakunot ako ng noo dahil tila dinala ng hangin palayo ang tensiyong bumalot sa amin kanina. Parang ang gaan na ng pakiramdam ko. Para bang unti-unti na akong nakakaramdam ng excitement sa gagawing misyon mamaya.

“Bakit may kagat?” Tanong pa ni Top.

Napapangiwing tiningnan ko ito. “I took a bite.”

“A big bite you mean.” Natatawang sabi nito bago naupo sa couch na kinauupuan ni Darth. Naupo na rin si Damon at Jared, kaya naiwan akong nakatitig sa kanilang apat na abala na sa pagkain.

Isang marahas na paghinga ang pinakawalan ko. Isa-isa kong pinagmasdan ang mga hitsura nila. Parang gusto kong sumigaw, nagbabakasakaling marinig ako ni Serena.

Gusto kong sabihin na: “Ito na si Top, marunong nang magmahal. Ganoon rin si Damon, natuto nang magalit hindi lamang dahil sa misyon. Kundi dahil sa isang babae. Si Jared naman, mukhang unti-unti nang nagseseryoso. Wala na nga akong nababalitaang mga babaeng nauuto nito. Tapos si Darth, kahit hindi ko pa siya gaanong kilala, gusto kong sabihin na parang dalawang tao ang naninirahan sa katawan niya. Isang sweet at mabait na Darth. Habang ang isa nama’y nakakatakot. Ayaw ko na lang sabihin kong ano. Bahala na si ka nang alamin iyon.

At ako, heto, nagiging iyakin. Pero malakas pa rin naman ang loob. Natuto akong maging totoo sa nararamdaman ko.”

Ilan lang iyon sa mga gusto kong sabihin kay Serena. Sana, kahit sa isipan ko lang iyon isinigaw, sana’y marinig niya.