AN: Flashback pa rin po ito.
“You’ve gotta be kidding me.” Hindi makapaniwalang sabi ni Kairo.
Marahan akong nagpakawala ng malalim na paghinga. “Madali akong kausap.”
“What do you want from her?”
Ako naman ang natigilan. Ano nga ba? Bakit nga ba iyon ang nasabi ko?
“Answer me Colt, what do you want from my sister?” Tanong pa ni Kairo na siyang ikinadilim ng ekspresiyon ko.
“I just…want her.”
“Para maging kapalit ni Zairene?” Napapangisi nitong sabi sabay titig sa akin nang mataman. “I’ll give my sister to you, pero ipangako mong poprotektahan mo siya ng higit pa sa buhay mo.”
Tahimik na nakatitig lang ako kay Kairo. What is wrong with me? Bakit hindi ko kayang kontrahin ang mga sinabi ni Kairo?
Isang taon at mahigit pa lang nang mawala si Zairene. Hindi naman siguro masama kung maghanap ako ng makakatulong sa akin para makalimot.
“Alright, I’ll help you. But—.”
Ngumisi si Kairo. “I won’t say anything about you to Keith. Hindi ko sasabihin ang mga gagawin mo. But, you need to promise me that you’ll do anything for her.”
“I was just kidding when I said I want her—.”
“Defensive much?” Sabi ni Kairo bago ako inakay pababa. “Anyway, I saw Flix. Sumaglit siya rito kaninang umaga para personal na magpaalam na hindi siya makakadalo. He asked me if I could take you to your office.”
“Wala na akong balak na bumalik sa opisina. Wala na akong karapatan pang pamahalaan iyon. I failed to save my wife. I failed to—.”
“There’s always a second chance. Mauunawan naman nila kung anong dahilan mo.” Seryosong sabi ni Kairo habang tinatapik ang aking balikat. “Sinong namamahala ngayon sa—.”
“Axen…” Seryoso ko ring sagot bago ngumiwi. Hindi sa wala akong tiwala kay Axen. Talagang kilala ko lang ang pagkatao nito. He’s a demon. “We’re partners, wala akong ibang naiisip na pwedeng pumalit sa puwesto ko.”
-
“C’mon Colt, makakaangal ka pa ba kaya kung sabihin kong sumama na sa grupo si Keith?” Nakangising tanong sa akin ni Top.
Sa loob ng mahigit isang taong pamimilit nito sa aking tulungan ito’y personal nang lumapit sa akin si Top. At ngayon, naisip nitong gamitin sa akin ang naging pasya ni Keith.
Sa tingin ba nito hindi ko alam ang tungkol roon. I’ve been tailing Keith for the past two damned years. Sa mga panahong iyon, alam ko na kung ano ang mga kaya at hindi nito kayang gawin. Maging ang pagtago nito mula kay Mark Lorenzo.
“I already know about that.” Mariin kong sabi bago naglakad papunta sa sala.
Kung maaari ko nga lang sanang pairalin ang pagiging makasarili ko’y ginawa ko na. Pero sa tuwing magpapasya akong kunin si Keith at ilayo sa grupo ni Top ay palaging sumusulpot sa balintataw ko si Zairene! Para bang ipinamumukha ng mga alaala nitong wala akong karapatang prumotekta ng isang tao. Dahil hindi ko iyon nagawa noong bago ito mawala sa akin.
Tahimik na hinaplos ko ang baba ni Zain. Para bang may isip na tumitig din ito sa akin.
“What if sabihin ko sa iyong may taong gustong pumatay sa kaniya?”
Natigil ako sa ginagawa. Marahan ang ginawa kong paglingon kay Top. Tinitigan ko ito nang mariin na para bang sinisiguro kung totoo ba ang mga narinig ko.
“Hindi ko pa alam sa ngayon kung sino ang traydor sa grupo. Pero malakas ang kutob kong isa sa malapit kay Keith ang taong iyon.” Pagpapatuloy ni Top.
“I’ll kill you kapag nalaman kong ginagamit mo lang ang mga salitang iyan para mapa-oo ako.” Malamig kong sabi.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Top bago naupo sa pang-isahang upuan na nasa harap ko. Tahimik na kinuha nito ang cellphone. Saglit na kinalikot iyon bago iniharap sa akin.
“What?” Tanong kong napapatiim-bagang.
“Someone messed with our plan, last night. At kanina, dumating sa akin ang balitang patay na si Serena.” Seryosong sabi ni Top na ikinakunot ng noo ko.
The fucked?
“Then?”
“Si Keith ang sunod.” Sabi pa nitong nakatitig sa mga mata ko. “Here, someone sent me this file. List ng mga taong papatayin ng kung sino mang demoniyong ito. Isa si Serena sa mga iyan. And guess what, here’s another list; panibagong lista ng mga taong sunod kay Serena.”
Marahang inabot ko ang cellphone ni Top. May lista nga roon ng mga pangalan. Una ay ang adopted father ni Top, sunod ay si Serena. Pangatlo naman si Keith. Ang ibang pangalan ay pawang hindi ko na kilala.
Kumuyom ang aking kamao. Mariin akong napapikit habang napapatiim-bagang.
“Sino-sino ang mga nasa grupo ninyo?” Seryoso kong tanong.
Napapangising sinabi lahat sa akin ni Top ang mga pangalan ng mga ito. Ipinakita rin nito ang mga litrato ng kasama.
Damon Anderson; anak ng namayapang business tycoon na si Devin Anderson. Isa ang angkan nila sa mayamang pamilya sa Pilipinas.
Darth Haze; the Prince. Not literally, pero isa rin ito sa may kilalang pamilya sa bansa. Isa sa Haze triplets; si Darth, Logan at Andriux.
Jared De Silva; the happy go lucky son of Gov. Samson De Silva. A certified playboy.
Greyson Monreal; the nerd. The quiet guy. Adopted son ng isang negosyanteng nakabase ngayon sa Australia. May-ari ng isang school.
Tamara Del Valle; a snob. Anak ng mag-asawang artista. Don’t mess with her kung gusto mo pang mabuhay.
Akame; everyone hates her. She’s a brat. She grew up in Japan, pero bumalik sa Pilipinas dahil kay Top.
“Wait, pwede ko bang makita ulit ang lista?” Tanong ko nang mapansin ang isang bagay. Kaagad na inabot sa akin ni Top ang listahan. “Sinong nagpadala nito sa iyo?”
“Anonymous ang nasa email. We tried to track—.”
“I’ll do it.” Mabilis kong sabi bago tinawagan ang aking sekretarya.
“Anyway, what did you find?”
Saglit akong tumigil. Kinuha ko ang isang litrato at pinitik iyon. “He’s the one doing all of these bullshits.”
“Greyson?” Salubong ang kilay na sabi ni Top.
“Wala siya sa listahan. I’ll investigate him. Ako na rin ang bahala para malaman kung sino ang nagpadala ng listahang ito.” Seryoso kong sabi na ikinatango ni Top.
“Then, what should I do?”
Tiningnan ko siya nang mataman. “Send Keith to me.”
“Huh? I thought you don’t want—.”
“Gawan mo ng paraan. Iyong tipong wala siyang malalaman na ako din ang dahilan kung bakit siya mapapalapit sa akin. Kapag nagawa mo iyon, hindi mo na ako kailangang pilitin. Kung kinakailangang bumalik ako sa dati, gagawin ko. I promised Kairo to protect Keith with my own life.”
-
“Why are you acting like you doesn’t like her? You planned all of these.” Napapangising sabi ni Top nang malaman nito ang naging pakikitungo ko kay Keith.
“She’s not that dumb. Mahahalata niya ang plano natin kapag tinanggap ko siya ng buong puso.” Malamig kong sabi sabay lagok sa alak na nasa baso. “Siyanga pala, nasabihan ko na rin ang iba kong tauhan, especially Axen. Siya na raw ang bahalang manmanan si Grey.”
“That asshole, he killed my father. Mapagkakatiwalaan naman ba ang isang iyon?!” Galit na tanong ni Top.
Hindi ko siya masisisi. Naging pabaya si Axen. Hindi nito alam na ama pala ni Top si Matt Coles.
“Si Axen ang nagpadala ng lista. Trust me Top.” Sabi ko na lamang sabay muling lagok sa alak.
-
The fucked?!
Nanlaki ang mga mata ko nang dumating ang isang kotse. Lulan niyon si Axen na walang malay. Mas mabuti ngang sabihin na wala na itong buhay.
Abala ako sa pag-aayos ng nangyaring gulo sa Casa Moderna nang dumating ang mga ito.
“What happened?!” Tanong ko sa mga tauhan ni Top.
“He’s still alive, may nakita kaming note sa side pocket ng kaniyang coat. It was written by Grey…” Sabi ng isa sa mga may buhat kay Axen. Iniabot nito sa akin ang isang papel.
“I told you, no one can kill me.” Pagbabasa ko sa sulat. Nakasaad din doon na isang lason ang siyang nakalagay sa bala ng baril na tumama kay Axen.
A poison that will stop a person’s heart temporarily.
“Fuck!” Sigaw ko na ikinagulat ng lahat. “Where’s Keith?!”
“She’s with Darth, Sir.”
-
“It’s our new baby. Take care of it Colt.” Sabi ng secretary ko habang ikinakabit sa akin ang maliit na camera. Hindi iyon pansinin dahil halos kapareho lamang ng butones ng suot ko. May inilagay din itong recorder sa aking coat.
“Hindi ba ito mamamatayan ng baterya?”
Saglit na ngumiti ang secretary ko. “Sa tagal mong nawala, maiintindihan kong kulang pa ang kaalaman mo sa mga nangyari nitong mga nakaraang taon.”
“Just answer me…”
“No, it was designed to have a longer life of battery. Tatagal iyan ng mahigit isang buwan. Pero hindi ibig sabihin niyo’y papakampante ka na.”
“I know…”
“Magagamit mo lang ang recorder ng higit isang linggo. We can eliminate some useless record na siyang makakapuno ng capacity niyan.”
“How?” Napapakunot ang noong tanong ko.
Umikot ang mga mata ng secretary ko. “Technologies…c’mon Colt, stop asking stupid questions. Trust me, trust your team. Parang dati lang, ang kibahan nga lang ay upgraded na ngayon.”
“Then, hindi iyon katulad ng dati.” Walang gana kong sabi sabay sipat sa suot ko. “Ayos na ako, I’m ready to meet Grey.”
“Are you sure? Hindi ba nakakabigla ang mabilis mong pagpayag?”
“Kumagat siya sa patibong ni Top.” Seryoso kong sabi. “He wants to kill my Kitty. Uunahan ko lang siya.”
“You can’t kill people, you know that!”
“Of course alam ko ang tungkol doon. Pero wala naman akong sinabing ako ang papatay sa kaniya. I always have someone who will do the job for me.” Nakangisi kong sabi bago tumungo sa sarili kong kotse.