Malakas na isinara ko ang pinto ng aking kotse. Hindi na ako nag-abalang magdoorbell. He’s expecting me to come anyway. Napaaga nga lang sa dapat ay oras ng dinner.
“Oh, so you’ve come. I thought you ignored my invitation yesterday.” Nakangising sabi ni Colt pagkapasok ko pa lang sa loob ng kaniyang bahay.
He’s still here. Posibleng hindi niya kilala si Ace o di kaya’y hindi siya sasama kay Ace kasi nga niyaya niya ako ng dinner kahapon. Mapapahiya nga naman siya kung pupunta ako rito’t mararatnan ko siyang wala.
Kaagad akong naupo sa sofa. Napansin kong bukas ang tv. Maaga pa naman kaya siguro naglilibang muna si Colt bago magluto.
Hindi ko alam kung paano ako magtatanong. Ayaw kong biglain dahil baka makahalata siya. Isipin niya pa’y interesado ako kay Ace.
“Maaga ka yata? Missed me already?”
“In your dreams, Vierco.” Pairap kong sabi bago itinuon ang pansin sa palabas na hindi ko naman maintindihan.
May ilang bagay na sinabi pa si Colt na hindi ko na pinansin. Muling naglakbay ang isipan ko sa mga sinabi ni Ace.
Maybe they’re not friends. Nakilala lang siguro siya ni Ace dahil nalaman niya ang ilang beses na pagpunta ko rito. I remembered he told me na marami siyang paraan para malaman ang isang bagay. Patunay na roon ang pagkakaroon niya ng number ko kahit na ba hindi ko naman iyon ibinibigay sa kaniya.
Umangat ang tingin ko kay Colt nang mapansin ang pagpatay niya sa tv. Hindi ako nakapagsalita nang maupo siya sa aking tabi. Magkatitigan lamang kami hanggang sa ako na mismo ang kusang umiwas.
“What’s wrong?” Seryoso niyang tanong.
“Nothing…”
“You’re spacing out, Kitty. Kanina pa kita tinatanong kung anong gusto mong kainin for dinner.” Seryoso niya pa ring sabi bago hinawakan ang aking mga balikat para iharap ako sa kaniya.
Kahit ganoon ang ginawa ni Colt ay nanatiling nakaiwas ang aking tingin.
“Where’s Zain?” Tanong ko upang itago ang kabang nararamdaman. Hindi ganito ang Colt na kilala ko.
Bakit ganiyan siya kung makatitig? Sa pagkakaalam ko’y puno ng disgusto at pagkainis ang mga mata niya tuwing narito ako sa kaniyang pamamahay. He even tossed me out of his house noong unang pumunta ako rito.
“Tell me what’s wrong?”
“Concerned ka na niyan?” I don’t want to sounds sarcastic, but I couldn’t help it.
Saglit na nagtiim-bagang si Colt bago muling tumitig sa aking mga mata. “I am, now tell me what’s bothering you?”
I heaved a sigh. Siguro nga wala na akong choice kundi ang magtanong.
“Do you know Axen?”
“Axen?”
“Axen Crawford.”
Awtomatikong kumunot ang noo ni Colt bago bumitiw sa pagkakahawak sa aking mga balikat. “How did you know him?”
“He’s my b-brother’s f-friend.”
“Are you sure? Siya ba ang nagsabi niyan sa’yo? Paano mo siya nakilala? Nanliligaw ba sa’yo? Boyfriend mo?” Kunot pa rin ang noong tanong ni Colt.
“I’ll help you cook dinner.” Mabilis kong sabi nang marinig ang maraming tanong ni Colt. Wala naman sigurong masama kung hindi ako sumagot ‘di ba? Hindi ko rin naman kasi alam kung nanliligaw ba sa akin si Ace. He said he likes me, pero hindi naman siguro dapat na maging basehan iyon, hindi ba?
“Kitty…”
Kaagad akong umalis sa pagkakaupo sa malambot na couch. Malalaki ang hakbang na tinungo ko ang kusina at inabala ang sarili sa pagtingin ng kung anu-ano sa refrigerator.
“Kitty!” Hindi ko pa rin pinansin si Colt. Ano bang gusto niyang marinig?
“Do you want some pasta?” Tanong ko para sana ibaling ang usapan sa iba.
“I want steak.” Sagot naman ni Colt na halos ikahinga ko na ng maluwag nang bigla na naman siyang magtanong. “Nililigawan ka ba ni Axen?”
“Nope…”
“But you were in a resort with him, right?”
I froze.
Tila nabingi yata ako. How did he know about that?
Hindi ulit ako sumagot. Ayaw kong magsalita dahil hindi ko naman alam ang sasabihin.
“Babe!” Malakas na tawag ni Colt na ikinatigil ko sa paglabas ng steak mula sa freezer.
Pakiramdam ko’y sasabog ang puso ko sa sobrang bilis ng kabog niyon. Lalo lamang akong hindi napakali nang lumapit siya sa akin at muli akong hawakan sa magkabilang balikat.
He lowered down his face para magpantay kami. “He kissed you, right?”
Wala sa sariling nabitiwan ko ang hawak. Nakatitig lamang ako sa mga mata ni Colt. Nagbabaga ang mga iyon na tila ano mang oras ay tutupukin ako.
“He did…” he said nodding.
Malakas akong napasinghap nang hilahin niya ako paakyat sa kaniyang kuwarto. Nagtataka man ay hindi ko nagawang magsalita.
Paano niyang nalaman iyon? Naroon ba siya? Pinapasundan niya ba ako? Pinapamanmanan?
Bumalik lang ang diwa ko nang maramdaman ang malamig na tubig sa aking mga labi. Gulat na napatingin ako kay Colt nang makita ang ginagawa niya.
“H-Hey…”
“I hate you.” Mariin niyang sabi bago pinunasan ng wipes ang aking mga labi.
“Ano ba!” Ilang araw na ang lumipas sa tingin niya ba may magagawa ang paghuhugas niya sa mga labi ko? Hindi pa rin niyon maaalis ang katotohanang hinalikan nga ako ni Axen!
“At least clean it before letting me kiss you.”
Muli akong natigilan. This brute!
“The fucked are you saying?” Salubong ang kilay na sabi ko.
Muling hinugasan ni Colt ang aking bibig. “Nahalikan ka lang ng gagong iyon, napakarumi na ng lumalabas sa bibig mo.”
“Oh so, kapag ikaw ang humalik sa akin mababangong salita ang lalabas?”
Gusto kong kilabutan sa itinatakbo ng usaping ito. Hindi ko inaasahang ganitong bagay ang pinag-uusapan namin ngayon.
“Hindi lang mababango, baka nga may tono pa.” Nakangising sabi niya bago naunang lumabas ng banyo.
Sandali akong tumigil sa loob ng banyo bago sumunod sa labas. Naabutan ko siyang hinuhubad ang suot na t-shirt. Napansin kong may basa iyon sa parteng dibdib. Marahil ay nabasa habang hinuhugasan niya ang marumi kong bibig, kuno.
“It’s already six, I’ll cook for dinner. Stay here, tatawagin na lang kita pagkatapos kong magluto.” Sabi ni Colt bago lumabas ng kaniyang kuwarto.
Naiwan akong hindi makaimik. Inilibot ko na lamang ang aking tingin sa buong kuwarto. Everything’s black and grey. Hindi ko alam kung paborito niya ang mga kulay na iyon o sadyang natipuhan niya lang na iyon ang maging kulay ng kuwarto? Ganoon pa man, maganda ang kabuohan ng silid.
Marahan akong naupo sa malambot na kama. Maya-maya lamang ay mariin akong pumikit bago nahiga. Nanuot sa aking ilong ang mabangong amoy ni Colt. Tila naiwan sa kama ang amoy niyang nagpapagulo sa isipan ko.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nahiga’t nakapikit. Basta napamulagat na lamang ako nang marinig ang pagtikhim ni Colt.
Kaagad akong bumangon. Sinalubong ko ang kaniyang titig. Naglalaro sa kaniyang mga mata ang mga emosiyong hindi ko mapangalanan.
“Tapos ka nang magluto?” Mahina kong tanong.
Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko’y nahihiya ako gayong hindi ako ganito noon sa kaniya.
Baka nga naninibago lang ako. Ganoon rin naman sa akin si Colt. Nagiging mabait na ito at halos minu-minuto na kung ngumiti.
I like him when he’s cold. Pero mukhang nagugustuhan ko ang ngayon. May kung ano tuloy sa akin na ayaw ipaalam sa iba ang nakikitang ngiti ni Colt.
I want to be selfish.
Gusto kong angkinin na lang si Colt, tutal wala naman nang nagmamay-ari sa kaniya. Pero bigla kong naalala, paano ko haharapin ang trabaho ko at ang nararamdaman kong ito?
Wait…did I say something about my feelings? Am I falling?
“Hindi pa, binalikan lang kita rito para tanungin kung gusto mong manuod sa pagluluto ko.” Nakangisi niyang sagot.
Those eyes, his playful smirk and the way he looks at me. God, I want to take him home with me. I want to keep him for myself.
Only for me.
“May mali ba sa sinabi ko, Kitty?”
Napapakurap na iniwas ko ang tingin. Bakit ba natutulala ako? Marami naman na akong nakitang magandang lalaki. Isang malaking halimbawa na si Kuya, si Damon, si Top, pati na rin si Axen. Pero iba ang dating ni Colt. There’s something about him na gusto kong ako lang ang nakakakita at nakakaalam.
Marahan akong umiling bilang sagot. Pagkatapos niyo’y naglakad na ako palapit sa pinto. “Papanuorin na lang kitang magluto, baka makatulog ako rito nang wala sa oras.”
“Ayos lang naman kung gusto mo munang magpahinga…”
“Hindi na, isa pa’y nagugutom na rin naman ako.” Mabilis kong sagot bago naunang tumungo sa kusina.
Mula sa gilid ng aking mga mata’y nakita ko ang bahagyang pagtaas ng dibdib ni Colt habang pinapakawalan ang malalim na paghinga.
Mukhang mahihirapan ako simula ngayon dahil sa pesteng damdamin na ito. Ayaw ko man pero mukhang nakikini-kinita ko nang kinakantiyawan ako ni Flix.