noveltoon logo noveltoon
Taming the Beast

Chapter 35

Ch. 36 / 43 May 09, 2025

“What did you say?” Halos walang boses na tanong ko kay Jared nang marinig ang sinabi nito. Isang linggo akong walang malay tapos iyon ang isasalubong nila sa akin?!

“He’s with Grey right now. Kasalanan ko kung bakit nakuha siya, I’m sorry.” Mahinang sabi ni Jared sabay pikit nang mariin.

Gusto kong magsalita, pero nanatiling nakaawang ang bibig ko. Ramdam ko ang galit sa buo kong katawan. If only I could…

-

“I hate your smile Violet.” Prangkang sabi sa akin ni Grey. Nabura ang ngiti sa aking mga labi nang marinig iyon.

Kanina pa nakaalis si Adam at Phoebe. Wala nang sagabal sa mga pwede kong gawin. “But…”

“Come with me, join my group. Kapag pumayag ka, ligtas na ibabalik ko si Akame at Tamara. Hindi ko rin gagalawin si Colt at ang Kuya mo.”

Tila nagpanting ang mga tainga ko sa narinig. Kuyom ang kamaong pinagmasdan ko ang marahang paglapit sa akin ni Grey. Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko para pigilan ang sariling tuluyang sumabog sa galit. I know what I am capable of. Natatakot akong baka may madamay sa galit ko.

Bigla akong napangisi. Right, it was me. The beast who should be tamed.

Patay ang ekspresiyon sa mga matang tinitigan ko si Grey. Hindi ko inilalayo ang tingin kahit na nang ilagay niya ang mga kamay sa armrest ng kinauupuan ko.

“Join me, Violet. Malay mo, pumayag akong muling tumibok ang puso ni Axen. Oh right, we were actually experimenting about this certain poison that will stop a person’s heart temporarily. Hindi ko inakalang magiging successful iyon.”

Tumiim ang mga bagang ko. “Give me the antidote.”

“What antidote?”

“Fuck you.”

Halakhak ni Grey ang pumuno sa kinaroroonan naming dalawa. Tumiim ang mga bagang ko. Marahan siyang suminghap bago iyon pinakawalan.

“I’ll give you the antidote, but you’ll join me after.”

“You really fuck the whole shit out of me, Grey.” Galit kong sabi na ikinahalakhak niya ulit. “I’ll kill you. I’ll make you beg for your own life. I’ll make sure your soul will rot in hell, you fucking demon!”

Ngumiti lamang siya bago inilapit ang mukha sa akin. “I wonder what kind of taste your lips uphold. Masyado kasing marurumi ang lumalabas riyan.” Sabi niya saba’y lapit pa ng mukha sa akin.

Ramdam ko ang pagdampi ng hininga ni Grey sa aking mga labi. Marahan akong ngumiti habang pasimpleng kinakapa sa aking hita ang patalim na malimit kong dala.

Bago pa man mailapit ni Grey ang kaniyang labi sa aki’y mabilis na tinuhod ko siya sa pagitan ng kaniyang mga hita. Kasunod niyo’y sinipa ko rin siya sa kaniyang mukha na siyang naging dahilan ng kaniyang pagkatumba.

Mabilis na inapakan ko ang kaniyang ulo. Mariin, na halos ikadurog ng kaniyang mukhang nakalapat sa sahig.

I was about to kicked him again when he suddenly grabbed my arm and pulled me. Pareho na kaming nasa sahig.

Isang suntok sa panga ang pinagkaloob ko kay Grey. Sinagot niya naman iyon ng sampal na halos ikawala ng ulirat ko.

“Fuck you!” Sigaw ko sabay pihit ng sarili.

Nang makatayo’y kaagad akong lumayo kay Grey. Nahihilo pa rin ako sa sobrang lakas ng pagkakasampal niya sa akin. Pakiramdam ko nga’y parang naalog ang utak ko.

Mariin akong pumikit at bahagyang umiling para mabalik ang ulirat ko. Hindi ako pwedeng mawalan ng malay dahil papatayin ko pa ang demoniyong nasa harap ko!

“You amazed me, Violet. Hindi ko alam na pulido na ang mga kilos mo. You’re a beast. Ngayon, nauunawaan ko na kung bakit hindi ka nagawang patayin ni Axen. He really did like you.”

Lalo akong nagalit nang marinig ang pangalan ni Axen. Hindi ko alam kung anong pinanghahawakan ni Grey kay Axen para sundin nito ang mga pinag-uutos niya. Gusto kong malaman ang lahat, pero mukhang hindi ako hahayaan ni Grey na malaman ang mga iyon.

Bahagya akong nagulat nang sumugod sa akin si Grey. Masyadong nalayo ang isipan ko kaya nawala ako sa konsentrasyon.

Tuloy-tuloy na tumama ako sa lamesa. Kasabay ko iyong natumba kaya hindi ko napigilan ang mapangiwi nang maramdamang naipit ang isa kong paa.

Isang daing ang kumawala sa akin nang hilahin ni Grey ang aking buhok. Nang tingnan ko siya’y dumudugo na ang kaniyang noo at pisngi.

Malakas ang ginawa niyang paghila sa akin na ikinasigaw ko. Masakit ang aking paa at ang aking ulo. Pero ganoon pa man, nagawa ko pa ring makuha ang patalim sa aking hita nang hindi napapansin ni Grey.

Bago pa man niya ako makubabawan ay kaagad na itinarak ko ang kutsilyo sa kaniyang binti. Malakas siyang dumaing.

Kinuha ko ang pagkakataong napaluhod siya sa sobrang sakit. Kaagad ko siyang sinakyan sa likod at mariing inilagay ang kamay sa kaniyang ulo.

“Hayop ka, pinahihirapan mo pa ako.” Mariin kong sabi.

“You can’t kill me, Violet.”

“How can you say that?” Walang emosyong tanong ko.

“Hindi lamang ako ang traydor.” Nakangising sabi ni Grey sabay tingin sa akin. Mas lalo kong idiniin ang kaniyang ulo sa sahig.

“Anong ibig mong sabihin?!” Sigaw ko sabay hawak nang mahigpit sa patalim.

“Hindi ka ba nag-aalala para kay Colt at Top?”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Putangina!

“Hayop ka! Napakahayop mo Grey!” Galit kong sigaw.

Marahil ay bahagya akong naapektuhan dahil sa narinig. Dahilan para maipagpalit ni Grey ang aming pwesto. Nakahiga na ako habang siya ang nasa aking ibabaw.

Pakiramdam ko’y umaapoy ang aking mga mata dahil sa galit. Lalo na nang ngumisi si Grey at walang pasabi akong sinakal.

Lumuwag ang pagkakahawak ko sa patalim. Pero bago ko iyon tuluyang mabitawan ay iwinasiwas ko na iyon kay Grey. Tumama iyon sa kaniyang tagiliran. Dahilan para lumuwag ang pagkakasakal niya sa akin.

Fuck! Kailangan kong iligtas si Colt at Top! Oh shit! Hindi pa namin naililigtas si Akame at Tamara!

Inipon ko ang lakas sa aking mga kamao. Isang malakas na suntok ang ginawa ko. Tuluyang naalis si Grey sa aking ibabaw.

Akma akong tatakbo paalis para sana puntahan si Top at Colt nang makarinig ako ng putok ng isang baril. Sandali lamang ay napaluhod na ako. Ramdam ko ang init na bumaon sa aking likuran.

“H-Hayop ka…” Mahina kong sabi habang unti-unting nabubuwal.

“Iiwan na kita rito, Violet. Ako na ang bahala kay Colt.” Nakangising sabi ni Grey sabay lakad palayo.

Unti-unting lumabo ang aking paningin. Hindi ako pwedeng mamatay! Hindi ako pwedeng matalo! Nangako akong babalik ako kay Colt! Magagalit siya sa akin kapag hindi ko iyon tinupad!

Pinilit ko ang sariling makatayo. Pero hindi ko pa man naitutukod ang kamay ay muli akong napasubsob. Inilibot ko na lamang ang tingin at hinanap ang earpiece na kinuha sa akin ni Grey.

Nasa tabi iyon ng lamesang natumba. Medyo may kalayuan sa pwesto ko, pero pinilit kong gumapang palapit. Hanggang sa maisuot ko iyon.

“Top…” Mahina kong sabi. Doon, sinabi ko ang lahat kay Top habang pinipigilang mawalan ng ulirat. Kinailangan kong sabihin na narito si Phoebe. Sa ganoong paraan, tiyak na hinding-hindi makakawala si Grey. Sigurado akong mapapatay ito nang tuluyan.

Ilang sandali lamang ay dumating si Darth. Napangisi na lamang ako.

“Don’t you dare close your eyes, Salvador!” Sigaw niya sabay buhat sa akin.

Muli akong ngumisi. “Patay ka kay Colt.”

“Talagang patay ako sa nobyo mo kaya huwag kang pipikit!” Sigaw niya ulit pero tila napakabigat na ng talukap ng mga mata ko. “Violet!”

“I won’t sleep, I promise. Pipikit lang ako, hindi ako matutulog.” Sabi ko pero unti-unti na akong nilamon ng kadiliman.

-

“I’ll find him.” Mariin kong sabi sa mga taong nakapalibot sa akin.

“Keith naman!” Galit na sabi sa akin ni Darth.

“Bakit?! Pipigilan ninyo ako?!” Galit ko ring sigaw. Pinagmasdan ko silang lahat. Lahat sila’y nakaiwas ang tingin. “Sobrang galit ang nararamdaman ko ngayon, kaya hindi ako papayag na manatiling walang ginagawa!”

“Galit din ako Keith! Pero nakita mo bang nagpadalos-dalos ako?! She deceived me! She fucking fooled me! But I stayed calm dahil alam kong walang magandang idudulot kung uunahin ko ang galit ko!”

Napalunok na lamang ako sa mga narinig na sinabi ni Top. Iniwas ko ang tingin at hinayaang tumulo ang masaganang luha.

Hindi ako iyakin. Hindi ako ang tipong iiyak dahil sa isang lalaki. Pero iba ang usapan kung si Colt ang sangkot!

Marahan akong bumuntong-hininga. “Please, I want to see Colt.”

“Alam namin…” malamig na sabi ni Jared. “Pero sa ngayon, kailangan mong magpagaling at magpahinga, baka makasama pa sa kalagayan mo kung magpupumilit ka. Kami na ang bahala kay Akame at Tamara.”

Napatango-tango na lamang ako. Kaya pala hindi namin nahanap si Akame at Tamara sa ancestral house ni Luis ay dahil sa alam na ni Grey ang mga plano namin. Sinabi lahat ni Lovely rito.

“Paano si Luis?” Tanong ko sabay tingin kay Damon na tahimik lamang sa isang tabi. Tulala pa rin ito na parang sobrang lalim ng iniisip.

“This time, we will surely kill them.” Mariing sabi ni Top.

“And Lovely?”

Saglit na natahimik si Top. Maging ang mga nasa paligid namin ay walang imik. Naghihintay sa isasagot ni Top.

“…and Lovely.”