noveltoon logo noveltoon
Taming the Beast

Special chapter 1

Ch. 43 / 43 May 09, 2025
Prev Next

“Okay, one more push, my Kitty.” Bulong sa akin ni Colt.

Mahigpit na hinawakan ko ang kaniyang kamay bago muling huminga nang malalim. I did what he told me. Isang malakas na pag-ire ay pumailanlang na ang boses ng aming anak.

“Oh God!” Malakas kong sabi sabay iyak.

Nang lingunin ko si Colt ay nakita ko ang bahagya niyang pagpahid sa kaniyang mga luha.

“One more, baby…” bulong ulit ni Colt.

Muli ko siyang sinunod. Ilang segundo lamang ay pumailanlang na rin ang malakas na iyak ng pangalawa naming anak.

Yes, kambal ang anak namin ni Colt. Hindi naman iyon imposible dahil si Colt mismo ay may kakambal.

Unti-unti na namang tumulo ang aking mga luha. Nakasunod lamang ang tingin ko sa mga Doktor na siyang nag-aayos sa aming mga anak.

Nang mapunasan ang mga ito’y kaagad na iniabot sa akin ng Doktor si Cloud. Hindi ko na naman napigilan ang mapaiyak. Lalo na nang isunod naman nilang iabot sa akin si Claide.

Mariing halik sa noo ang pinagkaloob sa akin ni Colt. “Good job, Kitty. I love you.”

Napangiti na lamang ako habang nakatitig sa mga sanggol na nasa mga braso ko.

-

“Cloud Kio Vierco! Claide Zaia Vierco! Hindi ba talaga kayo titigil?!” Malakas kong sigaw sa dalawang nagbabangayan ng dahil lamang sa paglalaro ng online games.

“But Mommy, Clio was the one—.”

“Enough!” Galit kong sabi sabay kuha sa kanilang mga cellphone. “Kung nagagawa ninyo ito sa Daddy ninyo, sa akin ay hindi! Ilang beses ko na ba kayong pinagbawalan na gumamit ng cellphone kapag nasa hapag-kainan?!”

“Mom, Claiz was—.”

“I said enough…” mababa ang tonong sabi ko na ikinatahimik nilang dalawa.

Oh God. Walong taon ang lumipas simula nang ipanganak ko ang dalawang ito. Alam ko namang natural sa mga bata ang maging makulit. Pero hindi iyong ganito!

O baka hindi lang talaga ako sanay?

“Hey, what’s happening here?” Tanong ng kararating lang na Si Colt.

Nakasuot ito ng damit pang-opisina. Nasa braso ang coat habang hawak naman sa kamay ang isang paper bag na may laman na kung ano na namang para sa mga bata.

“Clio killed me in the game.” Nakalabing sumbong ni Claiz. Naiiyak na yumakap ito sa hita ni Colt.

Naku talaga! Napakagaling talagang umarte ng batang ito. Kanina nama’y hindi ito naiiyak. Ngayong dumating na ang ama nito’y akala mo naman ay sobrang inapi.

“She said, she’s stronger than me. So I asked her if we can play. But when we were playing and I accidentally killed her, she punched me, Dad.” Sabi naman ni Cloud. Lumapit din ito kay Colt na ikinabuntong-hininga ko.

“Claiz…” Mahinang sabi ni Colt na ikinanguso ni Claiz. “What did I tell you last time?”

“Eh kasi Daddy—.”

Huminga ng malalim si Colt bago sinulyapan ng seryoso si Claiz. Napayuko naman ito. “I’m sorry Clio, I won’t do it again, I promise.”

“It’s okay, hindi naman masakit eh.” Nakangiti namang sabi ni Cloud.

Umangat ang dalawa kong kilay nang magyakap ang dalawang bata. Masamang tingin ang ibinigay ko kay Colt. Ngumisi lang ito na para bang nakapuntos na naman at nakalamang sa akin.

“Ayan, kapag ang Daddy niyo ang sumasaway sa inyo sumusunod kayo. Pero kapag ako, hindi.” Pagpaparinig ko na ikinahagikhik ng dalawa. Habang si Colt naman ay marahang lumapit sa akin at ginawaran ako ng halik sa noo.

“Because Mom, you’re not scary like Daddy.” Sagot ni Claide sabay subo sa naiwan nitong pagkain.

“Really?” Walang ekspresiyon kong tanong.

“Yes Mom. Si Dad kasi, lagi kaming tinitingnan na para bang kapag nagkamali kami ng sinabi ay papalayasin niya kami sa bahay.” Sagot naman ni Cloud.

Humalakhak ako sa mga narinig na sagot mula sa dalawa. Nang tingnan ko si Colt ay nakangisi pa rin siya.

“You know what kids, kahit anong gawin ninyo, hinding-hindi kayo papalayasin ng ama ninyo sa bahay na ito. Matakot kayo kapag ako ang tuluyang napuno. Dahil lahat kayo, sa bahay ni Zain matutulog!” Mariin kong sabi sabay lapit sa lababo para maghugas ng kamay.

“Mommy…”

“I’m serious!” Sagot ko pa.

“She’s serious kids, don’t make your Mom angry. You won’t like it.” Narinig kong sabi ni Colt.

Unti-unti akong napangiti. Nagbibiro lang naman ako. Isa pa’y hindi naman kaya ng puso kong patulugin sila sa bahay ni Zain. Although alam kong gusto iyon ni Claide dahil malapit ito sa asong iyon.

Habang abala sa pagkain ay biglang tumunog ang aking Vector. Mabilis na napasulyap ako kay Colt. Ganoon din siya sa akin. Marahan akong naglakad palapit sa kinalalagyan ng aking Vector. Kaagad ko iyong sinagot.

“Violet?” Seryosong tawag sa akin ni Top.

“What is it?” Tanong ko.

“We found her.” Awtomatikong umawang ang aking bibig. Ilang taon na simula nang mawala si Tamara. Ngayon ay may balita na rito.

“Where are you?”

“At Sierra.” Mabilis nitong sagot. “I’ll send Jared over. Susunduin niya kayo. Si Phoebe na muna ang magbabantay sa kambal. We’re having an emergency meeting at Sierra.”

“Emergency meeting? Lahat ba kailangan diyan? Hindi naman—.”

“Yes, Violet. Kasama sa pag-uusapan ang nangyari sa Red Stone University four years ago.”

Napabuntong-hininga na lamang ako. Maraming nagbago sa grupo simula nang muli kaming mapabilang sa Sierra. Naging mas mapanganib ang bawat mission. Nakakatakot nang sumabak sa mga ganoong bagay pero wala naman akong magagawa. Kasama ko rin naman si Colt. Isa siya sa mga VIP ng Sierra. Meaning, kasama siya sa mga importanteng taong nasa likod ng grupo. Kasama niya rin ang kapatid ni Darth na si Andriux. Ang lalaking nalulong sa lungkot sa pag-aakalang patay na si Tamara. Pero sino nga ba naman ang hindi makakaramdam ng ganoon eh kahit kami’y nabigla sa nabalitaan. Pero mukhang masamang damo nga si Tamara. Heto at pag-uusapan na namin ang pagkuha sa kaniya.

“Nagpapatawag ng meeting sa Sierra. Mauna ka na at hihintayin ko pa si Phoebe.” Sabi ko kay Colt na abala sa pakikipaglaro sa dalawang bata.

“Bakit daw?”

“It’s about Tamara and Red Poison.”

Napansin ko ang bahagyang pagtigil ni Colt. Maya-maya lang ay nagmamadali na siyang nagpalit ng damit. Saglit na nagpaalam sa kambal bago tuluyang umalis.

Ang Red Poison ang siyang dahilan kung bakit nangyari ang controversial issue sa Red Stone University. Naging laman iyon ng balita four years ago at hanggang ngayon ay dala pa rin ng mga estudyante ang takot.

Sila rin ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin makita ni Wynter si Axen. Maging si Tamara ay nabiktima ng mga ito.

Kaya ngayon, ito na siguro ang pinakamalaking mission na gagawin ng bawat grupo sa Sierra. Sana nga lang ay maging matagumpay na ang lahat.