noveltoon logo noveltoon
Taming the Beast

Chapter 12

Ch. 13 / 43 May 09, 2025

Malalaki ang hakbang na pumasok ako sa aking hotel room. Kaagad kong napansing nakaayos na ang mga gamit ko.

Mariin akong napapikit bago huminga nang malalim. Gagong Axen na iyon!

“Hindi naman halatang inis na inis ka…”

Mabilis na gumawi ang atensiyon ko kay Grey na kalalabas lang ng banyo. Hindi ko napigilan ang pagkunot ng aking noo. Sa pagkakaalam ko’y si Jared ang makakasama ko pauwi. Anong ginagawa ni Grey dito?

“Ace is an asshole!” Mariin kong sabi bago padabog na tinungo ang banyo. Hindi ko na inabala pang isarado ang pinto niyon. Wala namang gagawing masama si Grey. Takot lang niya sa pwede kong gawin.

“Alam namin…”

“He kissed me! Putangina!” Sigaw ko pa sabay bukas ng shower.

Saglit na katahimikan ang namayani. Magsasalita na sana ako para tanungin si Grey nang bigla itong sumulpot sa pinto ng banyo. Salubong ang mga kilay nito’t pinaniningkitan ako ng mga mata.

“Should I tell Damon about that? Oh damn, I want to punch him!” Inis na sabi ni Grey bago umalis sa pinto.

Hindi kaagad ako nakapagsalita. Mabuti na lang at hindi ko inalis ang bikini ko. Kung hindi’y baka bigla na lang bumagsak si Grey sa sahig kapag nagkataon. Oh right, si Grey nga pala iyon. Maginoo kumpara sa gagong si Jared at Damon!

“Gusto ko rin siyang gulpihin! Kaya lang…”

Ewan ko ba, hindi ko maisabi kay Grey ang totoong nangyari. Hindi ko kayang sabihin na kilala na ako ni Ace. Hindi lang basta kilala, kundi kilalang-kilala!

Nang matapos sa paliligo’y kaagad kong hinubad ang suot kong bikini. Habang ginagawa iyo’y awtomatikong kumunot ang aking noo. Mariin akong napaungol bago pairap na naglakad palapit sa pinto.

“Grey, pakiabot naman ng roba sa kama.” Sabi kong tanging ulo lang ang nakasungaw sa pinto.

Hindi nakaligtas sa akin ang pag-ikot ng mga mata ni Grey. Sarap talaga hambalusin ng mga kaibigan ko. Ayaw na ayaw mautusan.

“Next time kasi magdala ka kahit tuwalya sa loob.” Pagrereklamo niya sabay abot sa akin ng roba.

Inambahan ko lang siya ng suntok bilang sagot. Ngayon lang naman kasi ako nakisuyo sa kaniya. Dati naman kasi kapag nasa condo ko sila’t naliligo ako’y dala-dala ko na lahat sa banyo. Ngayon kasi inukupa ng kumag na Ace na iyon ng buong sistema ko kaya nawala sa isip ko ang magdala ng towel sa banyo.

Nang matapos kong maisuot ang roba’y kaagad na akong kumuha ng damit sa aking maleta. Mabilis akong nagbihis sa loob ng banyo. Baka mainis na naman kasi si Grey kapag sa harap niya ako nagbihis. Isa pa’y parang kabaliwan naman yatang sa harap ako ng lalaki magsuot ng damit ko. Maghubad pwede pa, dahil nagawa ko na iyon sa harap ni Jared kahapon sa dalampasigan. Gago kasi, binasa ang damit ko.

“Ayos na ba ang mga gamit mo?” Tanong sa akin ni Grey habang isa-isang tinitingnan ang mga gamit ko.

“Oo, mukhang inayos na ni Jared kanina bago ako nilayasan.” Pasupladang sagot ko habang nagpapatuyo ng buhok. “Bakit ka nga pala nandito?”

Mula sa salami’y nakita ko ang pagbuntong-hininga ni Grey. Kasunod niyo’y mataman niya akong tiningnan habang nakapamulsa.

“What?” taas ang kilay na tanong ko nang hindi siya magsalita.

“Top, wants to talk to you.”

Bahagyang umawang ang aking bibig. Sa loob ng isang buwan, dalawang beses akong gustong makausap ni Top. Kailangan ko na bang kabahan? Kailangan ko na bang magbook ng flight papunta sa lugar na hindi mararating ni Top? Oh fuck, there’s nothing impossible for him; lahat magagawa niya. Kahit sa pinakadulo ng mundo pa ako magtago, tiyak na mahahanap niya ako.

Wait, bakit niya ba ako gustong kausapin? May nagawa ba akong masama? May nagawa ba akong kasalanan kay Top? May inutang ba akong hindi nabayaran?

Isang kabadong buntong-hininga ang pinakawalan ko nang matapos ako sa ginagawa. Hindi ko matatakasan si Top. Hindi kasing-tigas ng ulo ni Serena ang ulo ko. Kaya wala akong magagawa kundi ang harapin ang boss ng team. Damn it.

Buong biyaheng hindi ko inimik si Grey. Halos hindi ko na kasi alam kung anong iisipin. Parang sasabog na yata ang ulo ko. Una, gusto akong kausapin ni Top; na hindi naman noon nangyayari. Nag-uusap kami kapag nagkikita, pero iba kapag pinatawag na mismo nito.

Pangalawa, ang hinayupak na si Axen! Sarap balatan nang buhay ng gagong iyon. Kung kaya ko lang gawin iyon kanina, nagawa ko na. Pero gaya ng sabi ko, hindi naman kasi ako katulad ng mga kasama ko sa grupo. Sa aming lahat ako ang pinakamahina. Pinakamahina sa pakikipaglaban at pinakamahina ang loob pagdating sa mga taong nakaaangat sa akin.

Pangatlo, si Colt.

Ugh! Huwag na lang nating pag-usapan ang halimaw na iyon. Tiyak na nagsasaya iyon ngayon dahil halos isang linggo na akong hindi nagpaparamdam sa lungga niya.

Ohh, bisitahin ko nga kapag buhay pa akong nakalabas sa opisina ni Top.

Nang makarating sa headquarter ay kaagad kong tinungo ang pinakamalaking opisina sa fifteenth floor. Hindi ko na kasama si Grey, may trabaho pa raw itong tatapusin. Disenteng trabaho iyon ah, about sa school na pagmamay-ari ng pamilya nito.

Pinanatili ko ang seryosong ekspresiyon hanggang sa pumasok ako sa loob ng opisina ni Top. Unang sumalubong sa akin si Akame. Palabas na ito ng opisina ni Top nang buksan ko ang pinto. Hindi nakalagpas sa akin ang madilim nitong ekspresiyon. Mukhang may pinag-awayan ito at ang nobyong si Top.

“She’s the new recruit? Siya ang papalit kay Serena?” Kaagad na tanong ko kay Top nang makaupo ako sa upuang nasa harap nito.

“Do you have a problem with that?”

Kaagad kong kinagat ang ibabang labi para pigilan ang pagsagot nang pabalang. “Nagtaka lang naman ako. Sa pagkakaalam ko kasi, hindi naman gusto ng girlfriend mo ang sumama sa grupo namin. She hates Damon, remember?”

Parang gusto ko na lang lumubog sa kinauupuan ko nang mataman akong tingnan ni Top. Kulang na lang may maglabas na kung ano sa mga mata nito katulad nu’ng kay Cyclops. Nakakatakot ang lolo niyo.

Marahang huminga nang malalim si Top bago pumikit nang mariin. Bahagya rin nitong hinilot ang sentido. “Tamara’s missing…”

“Tamara?” Kunot ang noong tanong ko dahil ngayon ko lang narinig ang pangalang iyon.

“Tamara Del Valle. Ilang araw na siyang nawawala. Hanggang ngayo’y hindi siya mahanap ng mga tauhan ko. Kaya wala akong magagawa kundi pakiusapan si Akame na punan ang pwesto ni Tamara.”

Marahan akong napatango. Naiintindihan ko na kung bakit parang gusto nang manapak ni Akame kanina. Pinilit naman pala kasi ni Top na sumali sa grupo namin.

“By the way, ano palang pag-uusapan natin?” Tanong ko nang maalala kung bakit nga pala ako nasa opisina ni Top.

Katahimikan ang tila naging sagot sa akin ni Top. Nakatingin lang ito sa akin na parang tinitimbang pa ang damdamin kung sasabihin ba sa akin ang dahilan kung bakit ako nandito o hindi.

Ilang sandali lang ay tumayo si Top sa harap ng malaking bintanang salamin. Napansin ko ang malalim na pagkakahugot nito sa hininga.

“May problema ba?” tanong ko.

“Maraming problema, Keith…” sagot nito sa pinakamalumanay na boses.

Muli kaming nanahimik. Ewan ko, pero bigla akong nakaramdam ng kaba. Mukhang may ipapagawa na naman siya sa akin. Mabuti iyon, para malayo ako kay Axen.

“May ipapagawa ako sa iyo, but, you can’t tell it to anyone. Not even with Damon.”

Kinakabahang lumunok ako. “What is it?”

Naglakad pabalik sa desk nito si Top. Walang imik na binuksan nito ang isang drawer. Mula roon ay kinuha nito ang isang flash drive at kaagad na inabot sa akin. “Here’s the information. You can check it when you get home.”

Pinakatitigan kong maigi ang flash drive na nasa harap ko. Pagkatapos ay inilipat ko naman ang tingin kay Top. “What is this?” mariin kong tanong.

Kinakabahan ako, alam kong malaking bagay ang laman ng flash drive na iyon. Mas lalo pang nakapagpakaba sa akin ang utos ni Top na huwag sasabihin kahit na kanino ang tungkol dito.

“There’s a traitor in our group, Keith.”

Kaagad na nanginig ang mga kamay ko. “No…no way!”

“Everything happened because of that person.”

“Maging ang pagkamatay ni Serena?” Hindi ko na napigilan ang mapaiyak. This is bullshit!

“Yes…”

Oh God.

“…iwan mo na ang misyon mo kay Ace.”

“But…”

“That…” sabi ni Top habang nakaturo sa flash drive. “…is your new mission. Kill that person…kill the person who ruined everything.”

Mariin akong pumikit bago kinuha ang flash drive. Hindi ko pa man nakikilala ang traydor sa grupo’y labis na akong nasasaktan. Ang tagal na naming magkakasama. Sa loob ng ilang taong iyon, wala man lang akong nalaman o napansing kakaiba sa mga kasama ko.

Si Damon ba? No, I doubt that. Sa aming lahat nauna si Damon sa grupo. Kaya hindi ito ang kahina-hinala.

Si Jared? Masayahin si Jared, maalalahanin din. Wala sa personalidad nito ang maging isang traydor.

O si Grey? Si Grey na sobrang bait at palaging nariyan kapag oras na nagipit ka.

Damn it! Alam ko at ramdam kong wala sa kanila ang traydor!

Si Tamara ba? Kaya ba siya nawawala? She’s also part of the group. Nawawala nga lang sa ‘di maipaliwanag na kadahilanan.

Si Akame? She’s now also one of us. Imposible, dahil kung ito ang traydor malalaman kaagad ni Top.

Fuck! Hindi ko na alam ang iisipin.