noveltoon logo noveltoon
Taming the Beast

Chapter 13

Ch. 14 / 43 May 09, 2025

Pagkarating sa condo ay pabagsak na nahiga ako sa kama. Pakiramdam ko’y pagod na pagod ako sa mga nangyari, gayong ilang oras pa lamang ang nakakalipas nang dumating ako rito sa Manila.

Mariin akong pumikit bago itinaas ang kamay. Hawak ko pa rin ang flash drive na naglalaman ng information ng taong tinutukoy ni Top.

Hindi ko alam kung alam na ni Top kung sino ang traydor. Kung alam naman nito kung sino ang dahilan sa pagkamatay ni Serena, bakit hindi na lang ito ang gumawa ng hakbang para matapos na ang lahat? O baka katulad ko’y hindi rin nito matanggap na isa sa amin ang traydor. Malalapit ang lahat sa isa’t isa. Kailanman walang nakaisip na mangyayari ito. Pero sana, wala sa mga kinilala kong kaibigan ang siyang dahilan ng pagkamatay ni Serena.

Malalim na paghinga ang aking pinakawalan. Ilang minuto akong nanatiling nakahiga bago nagpasyang bumangon para maghanda ng sarili.

Ayaw kong maburo sa loob ng condo. Baka mabaliw ako kakaisip ng tungkol sa misyong ipinapagawa sa akin ni Top.

Isang maroon cropped-top shirt at black miniskirt ang isinuot ko. Black boots and black pouch. Ready na akong pumunta sa mall. Hindi na kasi ako pwedeng magtago dahil nakita na rin naman ako ni Mark. Kaya kung lalabas ako’y lulubos-lubusin ko na.

Nang matapos kong maitali ang aking buhok ay kaagad na akong lumabas. Hindi na ako nag-abalang maglagay ng make up, tinatamad ako.

Pagod ako, pero ayaw ko namang matulog. Alam kong hindi ako makakatulog dahil sa dami ng mga bagay na tumatakbo sa aking isipan. Baka mabaliw lang ako, mabuti na iyong ganitong idinadaan ko sa paglabas-labas ang lahat. Kahit papaano’y nalilimutan ko sandali ang problema.

Tamad na pumasok ako sa elevator habang pinaglalaruan ang susi sa aking kamay. Malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan bago pinindot ang ground floor. Habang nasa loob ay napakunot ang noo ko nang makita ang hitsura sa salaming dingding ng elevator.

“Ugh, I need a haircut…” mahina kong sabi nang mapansing mahaba na ang aking buhok. “…and a new hair color.”

Ilang sandali lamang ay bumukas na ang pinto ng elevator. Tahimik na lumabas ako’t naglakad papunta sa parking lot. Pero bago pa man ako makalapit sa aking kotse’y isang lalaki ang dumaan at malakas akong natabig. Mabuti na lamang at hindi ako nawalan ng balanse.

Kaagad na nilingon ko ang lalaki, pero malayo na ito. May pagmamadali rin sa mga kilos nito kaya siguro hindi ako nakita bago ako nito nabundol.

“Gusto kong ipanalangin na sana’y madapa ka, pero mukhang ‘di mo talaga sinasadya.” Taas ang kilay na sabi ko habang matalim na nakatitig sa likod ng papalayong lalaki.

Muli akong nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating sa tapat ng aking kotse’y saglit na sinipat ko ang gulong at mga salamin. Nauuso na naman kasi ang mga nanggo-good time. Baka mamaya’y nabiktima na pala ng mga walang magawa sa buhay ang kotse ko.

Pagkasakay ko pa lang sa loob ay kaagad na tumunog ang aking cellphone. It was Top.

“Where are you?”

Saglit na kumunot ang noo ko bago sumagot. “Uh, car? Why?”

Kahit na nasa kabilang linya si Top ay ramdam kong may panibago na naman itong problemang kinakaharap. Sana nama’y hindi na iyon connected sa misyon na ipinapagawa nito sa akin.

“I’m going to Bicol…”

“Why?”

“I need to help someone—”

“Help?” Pag-ulit ko sa narinig. Ever since we met Top, ngayon lang nito binanggit ang salitang iyon. Well, he used to help us noong nag-uumpisa pa lang kami sa grupo. Pero itong ngayon, mukhang hindi naman kabilang sa grupo o individual man ang taong tutulungan ni Top.

“You know Tamara’s missing, kailangan ko siyang hanapin. Isa iyon sa misyong iniatang ko mismo sa sarili ko.” Seryosong sagot sa akin ni Top.

“Pwede mo namang sabihin na gusto mong tulungan si Tamara. Pero duda akong si Tamara talaga.” Sabi kong nilakipan ng malisyosang tono ang boses.

Minsan lang maging ganito kabait si Top. He’s very strict and very cold. Parang si Damon lang, mas batang version nga lang si Top. Pero kahit mas bata si Top kay Damon, alam naming lahat ang malaking respeto ng mga kabilang sa grupo kay Top.

We respect him like how we respected his dad. Tito Matt was the one who built this organization. Naipasa lang kay Top, dahil wala naman na itong mapag-iiwanang iba. Top was an adopted son. May dalawa pa itong kapatid. Ang Kuya nitong si Adam at ang bunsong si Wynter. Si Top lang ang interesado sa organisasyon kaya sa kaniya ibinigay ni Tito Matt ang grupo. Si Adam ay abala sa ibang negosyo habang si Wynter ay itinatago ni Top. Ayaw kasi ni Top na madamay ito, lalo pa’t nasaksihan ni Wynter ang pagkamatay ng Daddy nila.

“I’m helping her best friend…”

“Uh huh…” napapangisi kong sabi habang unti-unting inilalabas ang kotse sa parking lot. “…so bakit ka nagpapaalam sa akin?”

Isang buntong-hininga ang narinig kong pinakawalan ni Top. “Hindi ko macontact si Damon. Hindi ko alam kung nasaan siya. Si Jared, busy sa bago niyang negosyo sa Makati. Si Grey naman, mukhang itinu-tour na ng kaniyang ama sa mamanahing eskwelahan.”

I laughed. The fuck is wrong with these people? Ngayon pa talaga sila naging busy? Ang dami ko nang iniisip tapos ngayon mukhang madadagdagan na naman ang gagawin ko. And to think na halos wala pa akong pahinga magmula nang umalis ako sa Batangas.

“Tell them I’m gonna break their porn CD’s collections kapag hindi sila kaagad bumalik sa headquarter. Pinapainit nila ang ulo ko.” Inis kong sabi bago pinatay ang tawag. Ayaw kong maging bastos kay Top. Pero mukhang iyon na nga ang nangyari.

I expected him to call me back. Pero sa halip, text message ang natanggap ko, saying that he understands me.

Hindi ko tuloy napigilan ang muling pagkunot ng aking noo. Mukhang may nangyayari talaga kay Top na hindi ko alam. I mean, sa kanilang lahat! Damon’s unreachable, Jared’s busy with his new business na wala akong kaalam-alam kung ano. And then Grey, alam kong may school siyang mamanahin, pero bakit parang halos araw-araw naman yatang naroon siya? Nabanggit pa nga nito minsan sa akin ang tungkol sa paghahatid sa jowa ni Damon.

Ewan! Lahat sila maaaring maging candidate sa tinutukoy ni Top. Kaya hindi ko maiwasang malungkot eh. I wished Serena’s here. Mas gamay nito ang mga ganitong misyon.

Naging maayos ang buong biyahe ko papunta sa mall. Pero ang pakiramdam ko’y hindi na talaga bumalik sa normal. Naiinis pa rin ako. Dumagdag pa ang traffic kanina. Tapos may isang kotseng humalik ang bumper sa likod ng kotse ko. Bwisit talaga!

Kung hindi lang talaga ako nakapagtimpi’y baka hindi lang unahan ng kotse nito ang may gasgas.

Kahit inis na inis ay pinilit kong kalmahin ang sarili. Ayaw ko namang mas lalong masira ang araw kong sinira na ng kaalamang may traydor sa grupo.

Nagdadalawang-isip na bumaba ako ng sasakyan. Biglang parang gusto ko na lang ikulong ang sarili sa kotse. Pero baka kung ano pang maisipan kong gawin kaya ipinagpatuloy ko na lang ang balak na pagpapaayos ng buhok ko.

Tinungo ko ang salon na siyang regular kong pinupuntahan. Malalaki ang ngiting binati ako ng mga staff ng salon.

Minsan kapag nakakakita ako ng nakangiti, ‘yung talagang totoong ngiti, walang halong kaplastikan; hindi ko maiwasan ang mainggit. Nagagawa nilang ngumiti nang walang iniisip na mabigat na problema. Naiinggit rin ako sa iba dahil nakakakilos sila ng normal. Hindi katulad ko na kailangang itago ang totoong pagkatao para siguradong buhay pa ako sa araw ng kinabukasan.

“Hi Ms. Keith, magpapatrim ka po?” Tanong sa akin ni Lana.

Marahan akong umiling bilang sagot. “I want it short.” Seryoso kong sabi habang nakalagay ang kamay sa aking buhok.

Ang balak ko sana’y pabawasan lang nang kaunti ang aking buhok. Biglang nagbago ang isip ko. Paiiksian ko na lang, para kahit papaano’y gumaan ang pakiramdam ko.

“Hair color Ms. Keith?”

Biglang umigkas ang aking kilay. Bakit nga ba nakalimutan ko iyon? “Bagay ba sa akin ang grey?”

“Kahit ano naman po sigurong kulay bagay sa inyo.”

Alam kong may halong pambobola iyon. Pero hindi ko na lang pinansin.

Nang matapos ang pag-aayos sa aking buhok ay kaagad kong pinagmasdan ang sarili sa salamin. Medyo gumaan ang pakiramdam ko. Umaliwalas ng bahagya ang awra ko. Kaya sa tingin ko’y ready na akong bulabugin si Colt. Nakakamiss ring pagtripan ang isang iyon.

Tingnan ko kung anong magiging reaction niya sa pagbabago ng hitsura ko. Kapag hindi siya nagandahan, babangasan ko siya. Pero kapag natulala siya sa akin kahit ilang segundo, promise, magiging mabait na ako sa kaniya.