AN: POV po ni Wynter ang ibang part.
“The one who killed your Dad, Wynter…” Mahinang sabi ni Axen habang nakatitig sa mga mata ko.
Hindi ko na napigilan ang mapaluha. Paano humantong ang lahat sa ganito? All I want was justice for my Dad. I never expected things would turned out like this. Kung alam ko lang, hindi ko na sana ipinagpatuloy pa ito.
“Uuwi na tayo Ace…”
“Yes, baby, uuwi na tayo, gaya ng ipinangako ko sa’yo.” Habol ang paghingang sabi ni Axen bago ako hinalikan sa noo. “But please, give me a chance to tell you everything about your father’s death.”
“No, Ace, uuwi na tayo.”
“Baby, kailangan mo akong pakinggan.”
Muling akong napahagulgol. “Hindi!”
“Wynter…”
“Ayaw kong marinig ang sasabihin mo dahil matagal ko nang alam ang katotohanan! Ginagawa ko lang ito para mawala ang galit sa aking dibdib! Dahil hanggang ngayon, kinukuwestiyon ko pa rin ang sarili ko kung bakit sa taong siyang pumatay kay Dad ako nahulog! Mahal kita Ace!”
“Wynter…” Kasabay ng malalim na paghinga ni Ace ay ang pagtulo rin ng kaniyang mga luha. “…baby.”
Pinilit kong iwaksi ang galit na nararamdaman. Hindi ako makapaniwalang narito kami ngayon sa bingit ng kamatayan. At lahat iyon ay dahil sa kagagawan ko.
Matagal ko nang alam ang katotohanan sa pagkamatay ni Daddy. Axen killed my Dad. My boyfriend killed my Dad. Hindi ko alam kung bakit pinili niyang mapalapit sa akin, gayong alam naman niyang malaki ang galit ko sa taong pumatay kay Daddy. Pero heto, pareho kaming nagdurusa dahil pareho kaming ipinagkanulo ng aming mga puso.
Kung sana’y pinigilan ko na lang siyang makipagkita kay Keith. Sana pala hindi na lang ako pumayag na makipagsabwatan siya kay Grey! Sana pala hindi na lang naging matigas ang ulo ko kay Kuya Top!
I blamed Kuya Top. Pinipilit kong siya ang dahilan ng pagkamatay ni Daddy. He’s my Kuya, pare-pareho kaming ampon. Ako, si Kuya Adam at si Kuya Top ay hindi totoong magkakapatid. Inampon lamang kami ni Dad sa pag-aakalang tuluyan nang namatay ang totoo nitong anak na si Greyson.
Si Kuya ang sinisisi ko kahit na alam kong wala siyang ibang ginawa kundi ang protektahan ako.
Mariin akong napapikit nang makita ang pagdaloy ng dugo sa tagiliran ni Ace.
“Wynter baby, kill me…”
Mabilis akong umiling. Lalo lang akong napaiyak nang ilagay ni Ace ang kaniyang baril sa aking mga kamay. “Axen, no…”
“Mahal kita Wynter, gusto kong matupad ang kagustuhan mong makuha ang hustisya. Please, baby, kill me…”
“Hindi kita papatayin dahil uuwi na tayo! Uuwi tayo sa bahay, kakalimutan ko na ang hustisyang iyon! Babalik tayo sa normal, Axen! Iuuwi mo pa—.” Natigil ako sa pagsasalita nang marahan akong kabigin ni Axen.
I felt his lips on mine. Slowly moving, slowly feeling its softness.
“I love you too, my Wynter…”
Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Tulalang nakatitig lamang ako kay Axen. Mulat ang kaniyang mga mata pero tila wala na iyong kinang.
“Wynter!” Malakas na pagtawag sa akin mula sa kadiliman. Hindi ko pinansin si Kuya Top. Nakatitig lang ako kay Axen.
Nanginginig ang kamay na hinaplos ko ang kaniyang pisngi. “You’re such a liar. Palagi ka na lang nagsisinungaling sa akin. Una, hindi mo hindi mo kusang sinabi sa akin ang totoo. Hinayaan mo akong malaman pa iyon sa iba. Pangalawa, sinabi mong si Keith ang mahal mo at hindi ako. Panghuli, sabi mo uuwi na tayo…”
Ramdam kong parami na nang parami ang tao sa paligid. Lahat ay walang imik. Lahat ay nakatunghay sa amin ni Axen.
“Axen…” mahina kong sabi habang sinusundot ang kaniyang pisngi. “Axen, baby…”
Unti-unti na namang tumulo ang mga luha ko. Muli kong hinaplos ang kaniyang pisngi. Tila nabato ako nang walang buhay na nahulog sa lupa ang kamay ni Ace. Hindi ito pwede!
“Axen, let’s go home. I wanna go home!” Mariin kong sabi kasunod ng aking palahaw.
“Napakasinungaling mo talaga! Palagi mo na lang akong pinapaiyak! Palagi mo lang akong sinasaktan!” Humahagulgol kong sigaw. “Ang sabi mo uuwi na tayo! Kaya gumising ka na riyan! Uuwi na tayo, Axen! Please, gumising ka na!”
“Wynter, enough…” Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Kuya Top.
“Hindi!” Sigaw ko. “Kuya, sabi niya uuwi na kami eh! Hihintayin ko siyang magising! Sabay kaming uuwi!”
Sinong niloloko ko? Paano pa kaming makakauwi? Paano niya pa ako maiuuwi gayong nauna na siya sa akin?
“Wynter, tama na, bitiwan mo na si Axen.” Sabi naman ni Keith.
“Pero…”
“Wynter, let’s go home.” Mula sa likod ni Kuya Top ay sumungaw si Kuya Adam. I saw sadness in his eyes. Anong ginagawa niya rito? He was supposed to be in Japan.
“Mauna na kayo, hihintayin ko pa siyang magising.” Halos walang boses kong sabi bago niyakap nang mahigpit si Axen.
“Wynter…”
“Kung hindi siya magigising, sasama ako sa kaniya.”
“Wynter!” Galit na sigaw ni Kuya Adam.
“Don’t make me angry, Wynter!” Sigaw naman ni Kuya Top.
Mariin akong nakipagtitigan kay Kuya Top. Napaiyak na lamang ako nang ipinautos nitong kunin na ang bangkay ni Axen.
Ilang beses akong nagpumiglas sa pagkakahawak sa akin ni Kuya Adam. Nang muli kong lingunin ang puwesto ni Axen ay nakita kong naroon si Keith at marahang hinawakan ang pisngi ni Axen. Kasunod niyon ay ang pagkuha nito ng kung ano sa bulsa ng coat na suot ni Axen.
Muli akong napahagulgol nang tuluyan na nila akong mailayo kay Axen. Wala akong nagawa kundi ang muling magpumiglas nang makitang isinakay na ng mga tauhan ni Kuya ang bangkay ni Axen sa isang sasakyan.
Pinigilan nila akong sundan ang papalayong sasakyan na siyang kinalulunaran ni Axen. Pero dahil siguro sa bugso ng damdamin, nakawala ako sa mahigpit na pagkakahawak sa akin ni Kuya Adam. Mabilis akong tumakbo, walang pakialam kung hindi ko man makita ang daan dahil sa kadiliman ng gabi. Hangga’t nakikita ko ang ilaw sa likod ng kotse’y hindi ako tumigil sa pagtakbo.
Madilim ang paligid, dahilan para matalisod ako sa malaking bato sa daan. Nawalan ako ng balanse hanggang sa tuluyan na akong magpagulong-gulong. Gusto ko pa sanang ipagpatuloy ang paghabol pero unti-unti nang nilalamon ng kadilim ang aking paningin. Kasunod niyon ay ang tuluyang pagkawala ng aking malay.
—
“Are you sure you’re okay, Kitty?” Hindi ko alam kung ilang beses na iyong naitanong sa akin ni Colt. Kanina bago kami umalis sa H.Q. ay tanong niya na iyon. Hindi raw kasi siya mapalagay. Kinakabahan daw siya dahil sasama ako kay Darth sa pagkuha kay Akame at Tamara.
“Colt naman, ilang beses ko na itong nagawa. Ayos lang ako, isa pa, si Darth ang kasama ko. Magaspang lang ang ugali niyon pero tiwala akong hindi ako niyon pababayaan.” Unless gumanti siya sa hindi ko kaagad pagsabi na may chocolate cake akong binili. Gusto ko sana iyong idugtong kaya lang baka lalong hindi na ako pasamahin ni Colt kay Darth sa loob.
Three hundred meters ang layo ng van namin sa ancestral house ni Luis. Malayo ito sa mansiyong pinasok namin nitong nakaraang mga araw. Humigit kumulang dalawang oras ang biniyahe ng van ni Damon bago kami makarating dito. Hindi na ako nagtanong kung saang bayan ito. Basta ang nasa isip ko lang ay mailigtas si Akame at Tamara.
Kahapon nang tingnan ko ang walang buhay na si Axen, hindi ko napigilan ang makaramdam ng lungkot. Tulad ng sabi niya’y hindi niya nga ako ginalaw kahit na marami siyang pagkakataon para patayin ako. Kung naging alisto lamang ako. Kung nahanap ko kaagad sila ni Wynter baka naisalba pa ang buhay niya.
“Damn it, promise me you’ll be safe.” Sabi pa ni Colt bago ako hinawakan sa magkabilang balikat at halikan nang mabilis sa mga labi. Dahilan para mabalik ako sa huwisyo.
“Kung magiging masunurin si Violet, makakabalik siya ng buo. Pero kung hindi’y huwag ka nang mag-expect na babalik iyang walang galos.” Sabi ni Darth na abala sa pagsuot ng earpiece.
Marahan akong ngumiti. “Babalik ako ng buo, Colt.”
Bumuntong-hininga lamang si Colt bago sinulyapan si Darth.
Napapaangat ang kilay na tumingin si Darth kay Colt. “I won’t promise anything, but I’ll do my best to protect her.”
Napapangiting sinulyapan ko si Colt. “See, maaasahan si Darth.”
Hindi ko napaghandaan ang pagyakap sa akin ni Colt. “Oh God, Kitty. Hindi ko maiwasang makaramdam ng takot. Natatakot akong baka ito na ang huling pagkakataon na mayakap kita. Baka ito na ang—.”
“Ano bang pinagsasasabi mo?”
“Hindi mo ako masisisi na maging paranoid. Delikado ang gagawin mo. Isang beses na akong nawalan, ayaw kong maulit iyon.”
Hindi ko napigilan ang mapayakap nang mahigpit kay Colt. “I’ll be back, ililigtas ko lang si Akame at Tamara. Si Damon ang bahala kay Luis. Kaya wala kang dapat ikatakot.”
Marahang tumango si Colt bago ako muling hinalikan ng mas malalim. Pagkatapos niyo’y kaagad na akong lumapit kay Darth na naghihintay sa gate.