Malakas na pagtikhim ni Grey ang nagpatigil sa amin ni Damon na magtitigan. Alam kong nag-aalala sila para sa akin. Pero hindi naman tama na panghimasukan nila ang buhay ko.
“Alright, that’s enough.” Maawtoridad na sabi ni Grey bago ako nilapitan.
Pinilit kong pakalmahin ang sarili. Matigas ang ulo ko, alam nilang hindi ko susundin ang gusto nilang mangyari. Kaya heto, si Grey na mismo ang humarap sa akin para kahit papaano’y matulungan akong kumalma.
“Hey, sweetie, alam namin ang nararamdaman mo. Pero hindi mo naman kami masisisi, lalo na si Damon. Ikaw na lang ang natitirang babae sa grupo natin. Kahit na ba puro kami babaero. Kahit na alam mo ang reputasyon namin sa babae, pagdating sa’yo iba na ang usapan. Gagawin namin ang lahat para sa kaligtasan mo.” Mahabang sabi ni Grey bago ako niyakap. Hindi ko na kasi napigilan ang mapaiyak. Alam ko naman kasi iyon. Ramdam ko naman na nag-aalala sila sa akin. Hindi ko lang maintindihan ang sarili dahil parang pagdating kay Colt, ayaw kong pinapakialam nila ako.
“I’m sorry…” halos walang boses na sabi ko. Mahigpit akong niyakap ni Grey. Sumunod naman si Jared na bahagya pang ginulo ang buhok ko.
Naiilang na tiningnan ko si Damon. Natatakot akong lumapit. Alam ko kung paano siyang magalit. Ayaw kong dumating sa puntong hindi niya na ako kausapin buong buhay ko. Siguro nga kailangan ko silang sundin dahil lalaki sila at alam nila ang mga bagay-bagay pagdating sa sitwasyon ko. I’ve never been in love. Kaya siguro, iintindihin ko na lang ang saloobin nila. Pero sana, huwag naman dumating sa puntong sasaktan nila si Colt.
“Ikaw kasi eh, bakit kasi binanggit mo pa si Phoebe? Alam mo namang lahat gagawin niyan kapag nasangkot ang kapatid ni Top.” Bulong sa akin ni Jared.
Awtomatikong lumaki ang mga mata ko. Hindi ko yata alam ang tungkol doon. “Si P-Phoebe, kapatid ni Top?”
The fucked?! Ibig sabihin si Phoebe iyong kapatid ni Top na pinapabantayan niya sa tatlong pugong ito?!
Saglit na nagtinginan si Jared at Grey bago tumango. Natuptop ko ang aking noo sabay mabilis na naupo sa tabi ni Damon. Kaagad kong iniangkla ang aking mga kamay sa kaliwa niyang braso.
“Sorry na, hindi ko naman alam na kapatid pala ni Top ‘yung girlfriend mo.” Napapangiwi kong sabi. Tahimik lang si Damon na nakatingin sa akin. Salubong ang mga kilay na para bang naiinis sa pagpapaawang ginagawa ko. “Sorry na kasi…”
I heard him clicked his tongue. Mukhang naiinis nga.
Walang pasabing niyakap ko si Damon. “Promise, hindi na muulit. Hindi ko na pagbabantaan ang buhay ni Phoebe.” Takot ko lang, baka pa si Top makalaban ko.
“Oo na, manahimik ka na—what the fuck?!” Malakas na sabi ni Damon sabay hila sa kwelyo ng jacket na suot ko. Halos mawalan ako ng hininga nang makita ang pagtitig niya sa aking balikat. Hindi ko napansing tumalilis na pala ang suot kong jacket at humantad ang aking balikat.
Bigla akong napalunok nang makita ang pagdilim ng ekspresiyon sa mukha ni Damon. Tumiim din ang kaniyang mga bagang.
“Violet…” mariin niyang sabi na ikinangiwi ko.
Mabilis akong humiwalay kay Damon. Akma akong tatakbo papasok sa aking kuwarto, pero mabilis na nahila ni Damon ang hood ng jacket ni Colt na suot ko. “Saan ka pupunta? Ginagalit mo talaga akong babae ka!” Mariing sabi ni Damon sabay hila sa akin pabalik sa sofa.
Napapikit na lamang ako nang tumayo silang tatlo sa aking harapan. Pare-parehong madidilim ang ekspresiyon. Para bang gusto nang katayin si Colt.
“Ilang taon ka na ulit?” Mariing tanong ni Grey na ikinalunok ko.
“B-Bakit niyo ba tinatanong, eh alam niyo naman!” Kunwa’y mataray kong sagot para pagtakpan ang takot na nararamdaman. Marahan kong inayos ang ang aking pagkakaupo habang pilit na ibinabalik sa dati ang pagkakasuot ko ng jacket.
Mariing napapikit si Damon bago ako tinuro. “Sasakit talaga ang ulo ko sa’yo! Kapag ako hindi nakapagtimpi, ibabalik kita kay Kairo!”
Tuluyan na akong napasimangot. Alam nilang ayaw kong bumalik kay Kuya. Iyon palagi ang sinasabi nilang tatlo sa akin kapag galit sila o ‘di kaya’y naiinis sa mga pinaggagagawa ko.
“It’s just a hickey!”
Napapasabunot sa buhok na umupo si Jared. “Gago bro, isusumbong ko na ba ito kay Top?”
Nanlaki ang mga mata ko. “Subukan mo, papaduguin ko iyang nguso mo Jared!”
Marahas na nagpakawala ng buntong-hininga si Damon. “Alright, do whatever you want. Pero kapag talaga hindi ako nakapagtimpi, Keith, tatamaan ka sa akin. Tingnan lang natin kung may magawa iyang Colt mo!”
Tila sumusukong naupo si Damon at Grey sa aking tabi. Hindi ko napigilan ang mapangiti. Nakakatuwang isipin na may mga kaibigan akong katulad nila.
“Bakit nga pala kayo nandito? Hindi ba’t busy kayo?” Tanong ko habang nilalaro ng daliri ni Grey.
“Ah! Aray naman Keith, babaliin mo ba ang mga daliri ko?” Nakangiwing sabi ni Grey nang sinubukan kong patunugin ang kaniyang hintuturo.
“Alam naming umalis si Top. May iniwan siyang misyon para sa atin.” Seryosong sabi ni Jared.
“Misyon?” Kunot ang noong tanong ko. Wala naman kasing naisabi sa akin si Top kanina.
“Yeah, isang Mayor…” sabi ni Damon habang binubuksan ang laptop na dala. Mula doon ay nakita namin ang personal information ni Mayor Luis Monasterio. Sangkot ito sa mga aligasyong nangyayari sa nasasakupan nito.
“Wait, bakit hindi mga pulis ang may hawak nito?” Takang tanong ko.
Sa pagkakaalam ko ang mga ganitong bagay ay iniiwan namin sa mga pulis. Hinahayaan naming sila ang kumilos. Pero bakit ngayon parang iba yata?
“Luis Monasterio, kilala bilang mabait at mapagbigay na Mayor. Tiwala sa kaniya ang mga taong nasa ilalim niya.” Sabi ni Grey, habang nakatitig sa laptop.
“And…?”
“Sa tingin mo, ganoon na lang ba iyon?” Seryosong sabi naman ni Jared.
“Sa nakalipas na dalawang taon simula nang maupo siya’y nagmistulang bulang nawawala ang mga babaeng edad desi-siete hanggang trenta. Lahat ng mga babaeng iyo’y nasa missing list sa bayan ng Sto. Domingo. Lahat sila may pagkakapareho. Gorgeous and sexy.” Panimula ni Damon habang ipinapakita sa amin ang ilang larawan ng mga babaeng nawawala.
Saglit kong natuptop ang bibig nang makita ang isang karumal-dumal na litrato. It was a naked girl, wounded and hanged. Marami itong saksak sa katawan. Halos maligo na sa sariling dugo.
“She was the daughter of a farmer. A beauty queen. She was the recent victim.” Paliwanag ni Grey nang makita ang pagkabigla sa aking mukha.
“You mean…”
“Yes, it was Luis Monasterio. Siya ang nasa likod ng mga pangyayaring ito.”
Naihilamos ko ang aking mga kamay sa aking mukha. Iba ito sa mga trinabaho namin noon. Hindi ganito!
“Paanong nakuha ni Top ang kasong ito? Bakit hindi na lang natin hayaan ang mga pulis na magresolba sa kasong iyan?” Nanlalaki ang mga matang tanong ko. May takot akong nararamdaman.
Marahas na nagpakawala ng buntong-hininga si Damon bago ako tinitigan. “Siya ang nasa wanted list ni Top. Luis Monasterio kidnapped Tamara.”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang sinabi ni Damon. “Kung ganoon, bakit pa kailangan ni Top na puntahan si Lovely kung alam na rin naman niya kung nasaan si Tamara?”
“You don’t understand Keith…” mahinang sabi ni Damon na ikinakunot pang lalo ng aking noo.
“Dalawang babae pa ang susunod.” Seryosong sabi ni Jared na ikinalunok ko.
“Si Lovely ang isa sa dalawang iyon?” Tanong kong tinanguhan naman nilang tatlo.
Muli kong tiningnan ang screen ng laptop. Maraming folders doon na gusto kong buksan pero mabilis akong pinigilan ni Damon. Kita ko ang samu’t saring emosiyon na nasa mga mata niya. Maging si Jared at Grey ay ganoon din ang pagkakatitig sa akin.
“Bakit?”
Mabilis na iniwas nila ang tingin. “Kikilos tayo bukas ng gabi. Sa van ka lang Keith, hindi ka lalabas. Hindi ka pupunta sa kung saan.”
“Bakit naman? Kasama ako sa grupo, kaya dapat lang na kumilos ako. And besides, si Tamara ang ililigtas natin.”
“Hindi ka aalis ng unit mo bukas hangga’t hindi kami dumadating para sunduin ka. Hindi ka lalabas hangga’t hindi kami ang kakatok sa pinto mo.” Tila walang naririnig na sabi pa ni Damon.
Inis na tumayo ako. “Bakit nga?!”
“Dahil ikaw ang isa pa sa mga babaeng gustong makuha ni Luis!” Malakas na sabi ni Damon na ikinatulala ko.
Teka sandali? Paano akong nasama roon? “Hindi ko kilala si Luis! Paanong pati ako gusto niyang kunin?!”
“Hindi rin namin alam, pero ikaw mismo ang nasa folder na ito!” Galit na sabi ni Jared bago binuksan ang isang folder sa laptop. Doon tumambad sa akin ang mga litrato ng mga susunod na bibiktimahin ni Luis.
Totoo nga ang sinabi nilang tatlo. Maliban sa litrato ng babaeng may two genetic mutations, naroon ang litrato ko habang nakasuot ng bikini. Kung hindi ako nagkakamali’y kuha iyon noong pumunta ako sa Batangas para sa misyon namin kay Ace. Habang ang isa nama’y kuha sa parking lot nitong condominium; ang araw bago ako pumunta sa mall. Kung hindi ako nagkakamali iyon ang araw na may nakabangga ako sa parking lot at ang araw din na may humahabol sa aking kotse.