noveltoon logo noveltoon
Taming the Beast

Chapter 16

Ch. 17 / 43 May 09, 2025

I heaved a sigh while looking at Top. He looks terrible.

“Final decision?” Tanong ko.

“Wala naman akong magagawa. Ikaw lamang ang sinabihan ko ng tungkol riyan.”

Muli, hindi ko napigilan ang mapabuntong-hininga. Kahapon pa sinabi sa akin ni Mr. Coles or should I say, Top; ang tungkol sa pag-alis nito. Hanggang ngayon kasi’y hindi pa nahahanap si Tamara. And the only person who can tell her whereabouts is Lovely; Tamara’s bestfriend.

Balak ni Top na suyuin ang Lovely na iyon para malaman kung nasaan si Tamara. Ilang buwan na itong nawawala at hanggang ngayo’y palaisipan para sa amin kung nasaan ito.

“How about Damon?”

“He’s busy with some personal matters with my sister. Hayaan mong maging maayos ang lahat sa kanila bago mo sabihin ang tungkol sa traydor na siyang dahilan ng paulit-ulit na pagkasira ng mga misyon.”

Isa pa sa pinoproblema ko ang tungkol sa taong iyon. May lead na ako pero hindi ko naman pwedeng ideklarang ito na nga ang tumatraydor sa grupo. Pero isa lang ang sigurado ako. Oras na mapatunayan kong totoo ang mga nakalap kong impormasyon, ako mismo ang papatay sa kaniya, kahit na malakas ang kapit niya kay Top.

“What are you going to do kapag nalaman mong malapit sa iyo ang tumatraydor sa grupo?” Seryoso kong tanong.

I want to know his answer, after all, importante rito ang taong siyang namamatahan ko.

“I’ll kill her with my own hands.”

Isang ngisi ang pinakawalan ko nang marinig ang kaniyang naging sagot. He already know who the traitor is. Ipinapatrabaho niya lang siguro sa akin ito sa kadahilanang hindi pa nito maprocess nang lubusan ang nalalaman.

He loves her…

“You don’t want me to kill her for you?” Seryoso ko pa ring tanong.

“Whatever you want to do, ayos lang sa akin…”

Gusto kong matawa na ewan. Parang hindi nito nobya ang pinag-uusapan namin. “Don’t you love her?”

“Maniniwala ka ba kapag sinabi kong hindi?”

Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko inaasahang iyon ang isasagot sa akin ni Top. “Pero matagal na kayong magkasintahan…”

“We’re just having sexual relationship, nothing more than that.”

Ngayon, tila sumama ang timpla ko. I thought he was different from Jared or any other guy I know. Pero nagkamali ako. Siguro hindi ko lang maintindihan ang mga gusto ng lalaki.

How about Colt? What kind of relationship he wants with me?

Umalis si Top na hindi ko man lang naitatanong ang mga dapat ko pang gawin sa kaniyang opisina. Kung wala lang talagang problemang kinakaharap ngayon si Damon, siya ang gagawa ng mga ito.

Dahil wala rin naman akong ibang gagawin ay pinili ko na lang na abalahin ang sarili sa pagpanood ng kung anu-ano sa youtube. Mostly anime ang pini-play ko. And I was so annoyed hearing the protagonist name.

Oh by the way, I’m watching Akame Ga Kill.

Ito ang unang beses na ipinanalangin kong mamatay ang bida, too bad she didn’t.

“What are you doing here? Where’s Top?”

Speaking of the devil…

I saw Akame walked towards me. Tamad na tinapunan ko siya ng tingin.

“He left…”

“Why? Bakit hindi siya nagpaalam sa akin? Saan siya pupunta?” Sunod-sunod na tanong nito.

“Umalis para hanapin si Tamara…” saglit akong huminto sa pagsasalita nang makita ang saglit na pagbalatay ng inis at selos sa mukha ni Akame. “…ah, I think her name’s Phoebe? No way, it’s Lovely. Yes, he’s going to Lovely’s place.”

Kung hindi ko lamang napigilan ang sarili’y baka humagalpak na ako ng tawa.

“Why? Anong gagawin niya roon?!”

“I don’t know…” painosente kong sagot. “Sandali, bakit ka ba nagagalit? As far as I remember, Top told me you don’t have any romantic relationship.”

“But we…” natigil si Akame nang bahagya kong itinaas ang aking kilay. “Never mind.” Mariin niyang sabi bago ako inirapan.

Oh how I wish Serena’s here para makatikim ang babaeng ito.

Nang makaalis si Akame ay saka lamang ako nagpakawala ng malalim na paghinga. I unconsciously looked at the wall clock. It’s still three forty-seven in the afternoon. Ilang oras na lamang ay papatak na ang oras para sa hapunan.

What should I wear?

Should I put makeup on? Should I curl my hair?

Padabog akong tumayo mula sa pagkakaupo sa swiveling chair ni Top.

The fucked am I thinking?! Bakit mag-aaksaya ako ng oras para sa lintik na imbitasiyon ni Colt?!

Since wala naman akong ginagawa at wala namang iniutos si Top na manatili ako rito sa office niya; nagpasiya akong lumabas na lamang at naghanda sa pag-uwi.

As I was looking for my car keys, I noticed that something’s missing in my bag. What is it? Alam kong may kulang at nawawala pero hindi matumbok ng utak ko ang bagay na iyon.

Hanggang sa makauwi ako’y hindi pa rin mawala sa isip ko ang tungkol sa bagay na iyon. Lalo na ang invitation ni Colt na sa bahay niya ako magdinner.

Abala ako sa pagpipili ng pamalit na damit nang biglang tumunog ang aking cellphone. Unregistered number kaya kaagad ko iyong inignora. Pero ilang sandali lamang ay muli iyong tumunog. Nasundan pa ng isa, ng pangalawa at ng hindi ko na mabilang.

Padaskol na kinuha ko iyon nang muling tumunog. “What?!” sikmat ko.

“Dinner with me?”

“Who are you?”

“Oh c’mon Tigress, nakalimutan mo na kaagad ako?”

Tigress?

Was it Colt? No, he calls me Kitty.

“Wala akong panahon kung sino ka man—” Malutong itong tumawa na ikinatigil ko sa pagsasalita.

“I missed your lips, my Tigress.”

That’s it.

“Damn you Axen.” Mariin kong bulong na siyang ikinahalakhak nito.

Muling bumalik sa aking alaala ang nangyari bago ako umalis sa resort na iyon. Sana pala sinunggaban ko na ang pagkakataong ibinigay nito sa akin noong gabing iyon.

But then, wala na kong panahon para sa kaniya. Si Damon na ang may hawak sa misyong para kay Ace. Samantalang ang misyon ko’y alamin ang traydor sa grupo.

“So, dinner tonight at Casa Moderna?”

“Wala akong panahon sa iyo Ace.”

“I’ll be with Kairo…” Saglit akong natigilan nang sabihin iyon ni Ace. Hindi ako makapaniwala na talagang magkaibigan ito at si Kuya.

“I don’t care.” Mariin ko pa ring tutol. Akma kong ibaba ang tawag nang marinig ko ang huli niyang sinabi.

“…and Colt. So, papaunlakan mo ang dinner invitation ko o isa sa kanila ang isusunod ko kay Serena?”

Ilang minuto na nang matapos ang tawag, hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Ace. Naguguluhan ako sa kung anong dapat na gawin. Hindi ako sumagot o pumayag man sa invitation ni Ace, basta bigla niya na lang pinutol ang tawag.

Ayokong isipin na may gagawin nga siyang masama kay Kuya o di kaya ay kay Colt. I know Colt, he can protect himself sa kung anong gagawin ni Ace. But my brother, hindi ko alam kung anong iisipin oras na malaman kong may nangyaring masama sa kaniya.

Malalalim na buntong-hininga ang ginawa ko bago muling kinuha ang cellphone. I dialed Grey’s number. Sa mga oras na ito siya lang ang mapapakiusapan ko.

“I need help…” bungad ko nang sagutin nito ang tawag.

“You…need my help?” Tila hindi makapaniwalang tanong ni Grey.

“Ace called, kapag hindi raw ako sumipot sa dinner date namin, isusunod niya raw si Kuya o di kaya ay si Colt kay Serena.”

“Huwag kang pumunta…”

“Iyon na nga ang balak ko pero baka kung anong mangyari kay Kuya.” Naiinis kong sabi.

“Then tell Ace to kill Colt instead.”

Marahas akong napabuga ng hangin. Right, I should tell him that. Pero parang hindi sangayon ang kalooban ko.

“No, I can’t do that, I can still use Colt.”

“Talaga ba? O baka naman iba na iyan?”

“Whatever.”

Inis na pinatay ko ang tawag. Wala akong nagawa kundi ang magpalit na lang ulit ng damit at lumabas ng condo. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa pero may parte sa loob kong dapat ay gawin ko ito.

Damn you Colt. Bakit ba nadadamay ka sa buhay ko?