Kadiliman ang sumalubong sa akin. Tahimik at maingat na naglakad ako sa tila hunted house na kinaroroonan ko. Kung duwag lang ako’y baka nagtatatakbo na ako palabas.
“Grey, where are you?” bulong ko sa bracelet na suot. “Can you hear me?”
Nasa ikalawang palapag na ako’y wala pa rin akong naririnig na ingay mula kay Akame at Grey. Nasaan sila?!
Ramdam ko na ang paglakas ng kabog ng aking dibdib. Kinakabahan ako, natatakot sa mga posibleng mangyari. Halos napasok ko na ang lahat ng kuwarto sa second floor pero walang bakas ni Grey at Akame.
Marahan akong tumingala nang makarinig ako ng yabag. Mula iyon sa third floor. Patakbong inakyat ko ang hagdan nang makita ko ang isang anino.
“Grey?!” Malakas kong sabi nang sumalubong sa akin ang nakahandusay na si Grey. May dugo pa rin ito sa tagiliran. Tila nga wala iyong ampat sa pagdaloy. Kaagad na inilibot ko ang tingin. Nasaan na ang nagmamay-ari ng aninong iyon?
“Oh God…” sabi ko pa nang makita ang isang bagay na nahulog mula sa bulsa ni Grey. Pinakatitigan kong mabuti si Grey bago ako pumikit nang mariin. Hindi ko na napigilan ang mapaluha. “No…”
Kahit mabigat si Grey ay pinilit ko pa rin siyang itayo. Hirap na hirap ako habang bumababa kami sa hagdan.
“Let me…” Salubong sa amin ni Top pagkalabas namin sa mansiyon. “Jared!”
Kagaad na lumapit sa amin si Jared. Nang makuha nila sa akin si Grey ay kaagad akong bumalik sa loob. Ramdam ko ang pagsunod sa akin ni Top. Mabilis na tinanggal ko ang maliit earpiece sa aking tainga at ang bracelet na suot. I turned it off and put them inside my pocket.
“What do you think?” Bigla’y tanong ko kay Top.
“What?” tanong niya habang tinatanggal rin ang mga maliliit na equipment sa katawan.
Muling tumulo ang aking luha. “Here…” sabi ko sabay hagis ng bagay na napulot ko. “…I lost it weeks ago. Hindi ko pa nakikita ang laman niyan.”
“Keith…”
“Alam mo diba, Top?”
Tahimik na tumango si Top. “Yeah…”
“I really want to kill Akame!”
Marahas na napabuntong-hininga si Top bago hinawakan ang aking kamay. “Not now Keith, we still need evidences. Isa pa’y si Tamara ang kailangan nating pagtuonan-.”
“Kung hindi natin papatayin ang traydor, hindi natin mahahanap si Tamara! Kapag pinigilan mo ako ngayon, baka maging dahilan pa iyon ng pagkawala ko at ni Lovely!”
Napansin ko ang pagtiim ng mga bagang ni Top. “I know, pero ebidensiya ang kailangan natin. Para sigurado tayo sa mga hakbang na gagawin!”
Natigilan ako. Hindi ko alam kung anong iisipin. Gulong-gulo ang isipan ko sa araw na ito.
“Let’s find Akame first. Wala pa namang nakakaalam ng mga pinag-usapan natin. Hindi pa nila alam na ito ang misyon mo. Pwede mo pa silang obserbahan. Sa ganoong paraan makakasiguro ka na sa gagawin.”
Wala sa sariling napatango ako. Huminga ako ng malalim bago nagpatiunang maglakad. Gaya ng sinabi ni Top ay hinanap nga namin si Akame. Sinuyod na namin ang buong mansiyon ay hindi namin ito nakita. Walang ano mang bakas na makakapagturo sa amin kung nasaan si Akame.
“It’s either she was abducted or she planned to escape. Baka alam niya na ang pinag-usapan natin.” Inis kong sabi.
“Siya ba ang napipisil mo?” Seryosong tanong sa akin ni Top.
“Yeah, pero siguro naisip ko lang iyon dahil sa malaking inis ko sa kaniya.” Pagtatapat ko.
“No need to report everything to Damon. Sa meeting na lang tayo mag-uusap.” Sabi ni Top bago ako niyayang lumabas ng mansiyon.
Pagkarating sa van ay kaagad na hinarap ko ang laptop. Naging abala ako sa pagtingin ng laman ng flashdrive na ibinalik sa akin ni Top bago ito naunang umalis.
“What is she doing?” Naulinigan kong tanong ni Jared kay Damon.
“I don’t know, huwag mo na lang istorbohin.”
Bawat pag-click ko sa mga folders na laman ng flash drive ay may kaakibat na malakas na tambol sa aking dibdib. Karamihan sa folders ay dahil sa kasong ipinakita sa akin ni Damon kahapon. Ang kaibahan nga lang, kitang-kita ko sa video ang mga panghahalay at walang awang pagpatay sa mga dalagang iyon.
I gulped when I saw Tamara. She’s beautiful.
Pero nanlaki ang mga mata ko sa isa pang bagay na nakita. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o magagalit o ano pa man. Basta isa lang ang alam ko, tatapusin ko ang misyong ibinigay sa akin ni Top. Kahit na, labag sa loob ko ang gagawin.
“We failed…” komento ni Jared habang pauwi na kami. “Sugatan si Grey at nawawala naman si Akame. What the hell is happening? Bakit unti-unti tayong nalalagasan?!”
“Hindi tayo nabigo, Jared.” Malamig kong sabi habang nakatitig sa labas ng bintana. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap ang mga napanood ko. Nasusuka ako sa tuwing bumabalik sa aking isipan kung paanong ibinigti ang isa sa mga babaeng nawawala. Nandidiri pa rin ako.
“Ayos ka lang ba, Keith? Namumutla ka, may sakit ka ba?” Tanong ni Jared na ikinabuntong-hininga ko.
“Ayos lang ako, pagod lang.”
Kaagad akong lumabas ng van nang tumigil iyon sa labas ng condominium. Bagsak ang balikat na hinarap ko sila para magpaalam. “May meeting bukas, huwag niyo na akong sunduin. Dadaan pa ako kay Kuya bago pumunta sa headquarter.”
“Are you sure you’re okay?”
Tipid akong ngumiti. “Yeah, sige na, inaantok na ako. Mag-iingat kayo.”
Mabagal na naglakad ako papasok sa loob. Kahit na noong nasa elevator ako’y parang ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko na nagugustuhan ang nangyayari.
Pagbukas ko pa lang ng pinto ng aking unit ay tumambad na kaagad sa akin si Colt. Seryoso ang mukha habang nakatitig sa akin.
I smiled. “Hi…”
Gumanti siya ng ngiti bago ako hinila para yakapin. “God, I missed you!”
Bigla akong natawa. “Ang oa mo naman, ilang oras lang akong nawala.”
“Pero halos mabaliw naman ako sa ilang oras na iyon. Damon told me you’re not feeling well. What happened?”
I heaved a sigh. “Tinatamad ako pumasok sa kuwarto.” Sabi kong nakakagat sa labi.
I heard him groaned. “Gusto mo lang magpabuhat.”
“I’m not that heavy.” Nakangusong sabi ko.
“What’s wrong? What is your problem?”
“I need a kiss…”
I just want to tease him! Pero tinotoo nga ang sinabi ko. He kissed me passionately. Hanggang sa tila maubusan kami ng hininga. “Now tell me, what’s bothering you?”
“Alam mo kung anong bumabagabag sa akin, Colt. I need explanation.” Seryoso kong sabi.
Saglit niya akong tinitigan bago walang pasabing binuhat papasok sa kuwarto. Walang imik na nahiga ako sa kama. Tumabi naman siya sa akin pero bahagya akong dumistansiya.
“Oh Kitty, fine, nagtatrabaho ako ng lihim kasama niyo.” Hindi na ako nagulat dahil nasabi na nga ni Top kanina na nagtatrabaho si Colt kasama namin.
“Kaya wala ka sa opisina mo? Kaya ayaw mong bumalik?”
“Hindi sa ganoon…” sabi niya habang unti-unti akong hinihila palapit sa kaniya. “May plano na akong bumalik sa opisina kung hindi lamang ako pinakiusapan ni Kairo na pabantayan ka.”
Kumunot ang noo ko. “I don’t understand…”
“Your friend Jane? She was my assistant. Pinalipat ko lang siya kay Flix dahil delikado sa buntis ang trabaho namin. Alam niya ang hiniling ni Kairo na bantayan ka kaya gumawa rin siya ng paraan para maging malapit ka sa akin. I can eliminate Lorenzo if I want to, pero binalaan ako ni Top na huwag makikialam. That’s why I decided to work with him. Walang mawawala sa akin, mababantayan pa kita.”
“Alam ito ni Flix?”
“Hindi…hindi ko sinabi sa kaniya.”
Napapabuntong-hiningang tinitigan ko si Colt. “But you were a snob, a beast-.”
“Sa ating dalawa? Sino kaya ang halimaw? Your brother expected me to tamed you. Para maging maayos na ang buhay mo’t hindi na kung sinu-sino ang inuupakan.”
Bigla akong napasinghap. All this time I thought I was the one taming the beast.
“Pero mukhang hindi alam ng kapatid mong hindi lang pakikipagbasag-ulo ang kaya mong gawin.” Nakangising sabi ni Colt bago ako ipinaloob sa kaniyang mga braso. “You little beast, sinu-sino pa bang malalaking tao ang masasangkot sa buhay mo?”
“I’m sorry…”
“First si Lorenzo, sunod si Axen ngayon naman ang demonyong Luis na iyon. Kung pwede lang na manatili ka rito at huwag nang-.”
“Nawawala si Akame, kailangan-.”
“Alam ko…” Sabi niyang ikinalaki ng aking mga mata. “Your mission about finding the traitor; I think I can help you with that.”
“Oh Colt…”
“Pero siyempre, hindi iyon libre.”
Bigla akong natigilan. Akala ko naman bukal sa loob niyang tulungan ako. “What?”
“You said, I can punish you kapag bumalik kang may galos, hindi ba?” May pilyong ngiti sa mga labing sabi ni Colt. Bigla akong kinabahan.
“Sinabi ko nga iyon, pero wala naman akong-.”
“Sinuntok mo raw iyong bintana ng van ni Damon.” Sabi niyang ikinatahimik ko. Napapasinghap na tinitigan ko sa mga mata si Colt nang mabilis niya akong kinubabawan. “And you broke your promise.”
“What promise?”
“Ah huh, makakalimutin ka na…” Nakangising sabi niya bago ako hinalikan sa labi. “Lumabas ka ng van hindi ba?”
“C-Colt…”
“Now, what punishment do you want, my Kitty?”