noveltoon logo noveltoon
Taming the Beast

Chapter 10

Ch. 11 / 43 May 09, 2025

“You think that’s funny?!” Inis na tanong ko kay Red nang maramdaman ko ang pagbuhos niya ng malamig na tubig sa akin. Basang-basa na tuloy ang suot ko.

“It’s not, but you need to go to the pool now!”

Napapairap na tiningnan ko lang siya bago inayos ang suot ko. “Humanda ka sa akin mamaya.” Inis kong sabi bago hinubad ang crop top at maong shorts na suot. Natira na lang ang red two piece swimsuit ko.

Nasa isang resort kami ngayon. Hindi para magrelax, kundi para manmanan at ituloy ang misyon kay Ace. Hindi na sana ako ang gagawa nitong misyon dahil sa nangyari noon sa club. Kaya lang ay nagpumilit ako. Wala rin naman akong gagawin. Magmumukmok lang ako sa bahay. Ayaw ko namang pumunta kay Flix dahil paniguradong masisira ang araw ko. Lalo namang ayaw kong puntahan si Colt. Walang kwentang kausap ang isang iyon.

Isang matinis na sipol ang narinig ko mula sa umpukan ng mga kalalakihan. Nakatumpok sila sa isang cottage at lahat ay pawang nakatingin sa akin.

I smiled seductively.

Bitch, hanggang ngiti lang kayo.

Hindi na ako nagulat nang may lumapit na isa sa mga ito. Mukhang napilit lang dahil halata sa pagkamot nito sa batok na nahihiya itong lumapit sa akin.

“Uh Miss…”

Taas ang kilay na tiningnan ko ito. Hindi nakalagpas sa akin ang marahan nitong paglunok. Muntik pa akong matawa nang makita ang biglang pagnginig ng labi nito.

“Do you need something?”

“I uh…actually, my friends asked me to get your number…”

“Sorry, I already have a boyfriend.” Nakangiti kong sabi bago ito iniwan.

Malalaki ang hakbang na tinungo ko ang pool side ng resort. Galing ako sa dagat kaya kinailangan kong maglakad pa nang medyo malayo makarating lang sa kinaroroonan ni Ace.

“Who’s your boyfriend?”

Biglang nabaling ang tingin ko sa lalaking sumabay sa akin sa paglalakad. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang pamilyar nitong mukha.

Taas ang kilay na hinagod ko nang tingin ang kabuohan nito bago muling naglakad palayo. He reminded of Colt. Mas bata nga lang ang mukha nito.

“Hey Miss…” sabi pa nito bago humarang sa daraanan ko.

Marahas akong napabuga ng hangin. Naiinis na ako sa kakulitan ng lalaking ito!

“What do you want?!”

“I just want to get your name…” Nakangiti nitong sabi bago namulsa.

Muki akong napairap. Mukhang hindi ako tatantanan ng lalaking ito.

“I’m sorry, I don’t give my name to someone I don’t know.” Mataray kong sabi bago muling naglakad. This time hindi ko na pinansin ang pangungulit sa akin ng lalaking iyon.

Bago ako tuluyang makapasok sa lobby ng hotel ay narinig ko pa ang sigaw ng lalaki. Hindi ko na sana iyon papansinin pa nang marinig ang sinabi niya. “Miss, I’m Tyler! Tyler Vierco!”

Vierco? No wonder familiar siya sa akin. Malaki ang pagkakahawig nito sa kambal.

Dire-diretso akong pumasok sa hotel. Saglit akong nagtanong sa isang staff ng resort kung nasaan ang pool area. Kaagad naman niyang sinabi sa akin, kaya heto’t naglalakad na naman ako papunta kay Ace.

Mula sa gilid ng mga mata ko’y napansin ko ang isang lalaking nakahoodie na itim. May sombrero rin siya sa ilalim ng hood. Bigla akong napangisi nang mapagsino ang lalaki. Hindi ko makakalimutan ang pagmumukha niyang iyon. Marahan akong naglakad palapit sa kaniya.

“So…” mahina kong sabi nang makalapit ako. “…are you having fun, Mr. Lorenzo?”

Salubong ang kilay na tumingin siya sa akin. “You!”

Mabilis akong tumakbo nang akmang hahablutin niya ang aking braso. Mabilis kong tinungo ang pool area. Nakahabol pa rin sa akin si Mark. Para bang ano mang oras ay sasakalin niya ako. Hanggang ngayon siguro hindi pa rin niya nakakalimutan ang ginawa ko sa kaniya noon. Duh?! He deserved that.

“Keith!” malakas na sabi ni Mark.

Napapangising binilisan ko ang lakad habang hinahanap ang taong pakay ko. Marami-rami ang tao sa swimming pool. Karamihan ay puro magkasintahan; ang sakit sa mata.

Biglang lumaki ang ngiti ko nang makita si Ace na naglalakad. May dala itong wine sa isang kamay habang nakapulupot naman ang isa sa baywang ng babaeng kasama. Kaagad tumaas ang kilay ko bago sinimulan ang misyon.

Thank you Lorenzo, pinapadali mo ang trabaho ko.

Kunwari’y takot na takot na tumakbo ako palapit kay Ace. Umarte akong hindi ko ito nakita bago ibinangga ang sarili rito. Isang malakas na tili ang pinakawalan ng babaeng kasama ni Ace bago kami tuloy-tuloy na natumba. Sinadya ko talagang mapunta sa ibabaw ni Ace para mas lalo niya akong mapansin.

Yikes! Kung hindi lang ito misyon hindi ko ididikit ang sarili sa demonyong ito.

“Uh get off me!” Padaing na sabi ni Ace bago ako itinulak palayo.

Aray ha! Makatulak naman parang akala mo’y gagahasain!

“I’m sorry, hindi ko sinasadya.” Paghingi ko ng paumanhin. Pinilit kong umarteng parang mahina. Kapag talaga hindi kami nagtagumpay sa misyon na ito, uunahin kong sasapakin si Red!

“Ano ba miss? Wala ka bang balak umalis sa pagkakadaghan sa boyfriend ko?”

Palihim akong napairap bago tumayo. “I’m really sorry. Hindi ko talaga sinasadya. May humahabol—”

Isang malakas na tili ang pinakawalan ko nang malakas na hinila ni Mark ang aking kamay. Pagalit na hinila niya ako palayo. Pero nagpumilit akong pumiglas.

Fuck! Should I punch him?

“No! Let me go!” Sigaw ko.

Mula sa di kalayuan ay nakita ko si Red. Nakangising pinagmamasdan lang ako nito. Malamang na kakantiyawan ako nito pagkatapos. Napansin ko ang pagsenyas ni Red. Marahan nitong ipinaraan ang hinlalaki sa leeg.

Matalim kong tiningnan si Red bago muling pumiglas sa pagkakahila sa akin ni Mark.

Gagong Red yun. Nang-aasar porke’t hindi ako makakilos dahil sa rami ng taong nakatingin sa akin.

“Excuse me…” Halos mapatalon ako nang marinig ang boses ni Ace sa aking likuran. Nagpapaawang nilingon ko si Ace. Nagbabakasakaling tulungan niya ako.

“Pare, hindi naman yatang tama na makisawsaw ka sa away namin ng girlfri—”

“Boyfriend mo ba siya?” Tanong sa akin ni Ace. Halatang wala itong interes sa presensiya ni Mark.

Marahan akong umiling bilang sagot. Maya-maya’y napansin ko ang pagtingin ni Ace nang matalim kay Mark. Hindi na ako nagulat nang hilahin niya ako palayo kay Mark.

“She’s with me, dude. Get the hell out of here.” Malamig na sabi ni Ace.

Parang gusto ko nang magdiwang dahil parang unti-unti ko nang nagagawa ang misyon.

“Hey you doesn’t—”

“Fucked off!” Mariing putol ni Ace kay Mark. Walang nagawa si Mark kundi ang umalis.

Mataman kong tiningnan si Ace na titig na titig sa akin ngayon. Hindi naman halatang gusto niya akong tunawin.

“Thank you…” mahina kong sabi.

“Yeah…” maiksing sabi ni Ace bago naglakad palayo.

Ganoon lang iyon?

“Uh, excuse me…” kunwa’y nahihiyang tawag ko bago pinigilan si Ace sa paglalakad. “…uhm, I should pay you back.”

“It’s fine…” mahinang sabi ni Ace bago tumalikod.

“Pero—”

“Miss, I already have a girl. Kung may balak—”

“Really? Sigurado ka bang girlfriend mo ang babaeng iyon?” Tanong ko sabay turo sa babaeng kasama niya kanina. Nakakandong na ito ngayon sa isang foreigner. Mukhang enjoy na enjoy pa ito sa ginagawa.

Napansin ko ang pagsalubong ng kilay ni Ace. Pagkatapos niyo’y marahas siyang huminga nang malalim. “Let’s have dinner later, susunduin kita sa room mo.”

“Alam mo ang room number ko?”

Muling kumunot ang noo ni Ace bago ngumisi. “I don’t, but I have ways.” Nakangisi niyang sabi. Bago siya umalis ay mabilis niya akong kinindatan.

Playboy.

Nang makaalis si Ace ay saka lang ako lumapit kay Red na abala sa pakikipaglandian sa isang babaeng nahila lang nito sa kung saan-saan.

Kaagad kong pinandilatan ng tingin ang babae. Mabilis naman itong umalis kaya hindi na ako nabigla nang matalim akong titigan ni Red.

“So…”

“May dinner date ako mamaya.” Irita kong sabi bago kinuha ang damit kong inabot ni Red. Kaagad ko iyong sinuot. Pagkatapos ay tinalian ko ang aking buhok.

“Magpagupit ka na kaya…” komento ni Red.

“Yeah right…”

Akmang tatayo na ako para bumalik sa hotel nang hawakan ni Jared ang aking braso. Taas ang kilay na tiningnan ko siya.

“Mag-iingat ka, hindi mo pa nakikita ang totoong kulay ni Ace.”

Napangisi ako sa narinig na sinabi ni Jared. “Nakahanda ako Jared. Subukan lang niyang gawan ako ng masama, sisiguraduhin kong wala ni isa man sa mga tauhan niya ang makakaalam ng pagkamatay niya.” Mariin kong sabi bago taas-noong naglakad palayo.

Humanda ka Ace, dahil unti-unti kitang sisirain.