Napapalunok na napaupo ako sa sahig. Nakatulala lamang ako sa dalawang pictures na nasa screen ng laptop.
“The fucked…” mahina kong sabi habang unti-unting nanlalaki ang mga mata.
“Bakit?” Tanong ni Grey bago ako inalalayang maupo sa sofa.
“That picture, it was taken the same day when…” hindi ko maituloy ang sasabihin. Hindi ko alam na may nagmamatyag na pala sa akin.
“What, Violet?!”
“Noong araw na iyan may nakabangga akong lalaki sa parking lot. Pagkatapos niyo’y may isang itim na sasakyan na humabol sa akin.” Tulalang sagot ko. Hindi ko alam kung bakit, pero ramdam ko ang takot. Kaya kong pumatay kailan ko man gustuhin. Pero sa pagkakataong ito, hindi ako ang nakatakdang pumatay. Ako mismo ang gustong patayin.
“Anong unit ni Colt?” Biglang nalipat ang tingin ko kay Damon nang magtanong siya. Lahat kami’y kunot ang noong nakatitig sa kaniya.
“Fifteenth floor, room—.” Hindi ko na naituloy ang sasabihin nang mabilis na tumayo si Damon at lumabas ng aking unit.
Mahabang katahimikan ang namayani. Hindi ko lubos maisip na maging ako’y mapapabilang sa ganitong uri ng kaso. May takot akong nararamdaman pero may parte rin sa aking nasasabik. Hindi ako magpapatalo!
Pagtunog ng cellphone ni Jared ang bumasag sa katahimikan. Marahas akong napabuntong-hininga habang pinagmamasdan itong kinakausap ang tao sa kabilang linya.
“Hey, don’t worry, hindi kami papayag na makuha ka ng Monasterio na iyon.” Sabi ni Grey na ikinangiti ko. Alam ko namang ganoon nga ang gagawin nila. Nakakatuwa lang na sambitin nito iyon ngayon habang nakakaramdam ako ng kaba.
“Babalik na si Darth bukas.”
Awtomatikong nagsalubong ang kilay ko. Sinong Darth?
“Darth?” Maang na tanong ko.
“I don’t know him at first dahil pareho lang naman tayong baguhan. Pero nakita ko na siya last year sa isang mission ko sa Paris.” Sabi ni Grey na ikinabuka ng bibig ko. Kaya kaagad kong nilingon si Jared.
“Ang totoo, halos dalawang buwan na siyang narito sa Pilipinas. Nagpapalamig bago bumalik sa grupo. Ilang taon din siyang nawala dahil inako niya ang mga misyon na para kay Serena.”
“Okay, hindi ko pa rin maintindihan.” Malamig kong sabi.
“Darth was originally our leader. Kinailangan niyang i-give up ang posisyon para sa mga misyon na kinuha niya. Mga misyong sa ibang bansa gagawin.” Panimula ni Jared. “Si Serena dapat ang gagawa niyon pero tumutol kami ni Damon. Babae pa rin si Serena at ayaw naming mapahamak siya.”
Napapatango na lamang ako. Kahit na medyo hindi ko pa rin maintindihan. Obviously, hindi ko talaga kilala si Darth. Dumating ako sa grupo na halos kakapasa lang kay Damon ng posisyong mayroon ito ngayon.
“Nasaan siya ngayon?” Tanong ko.
“Uh, I don’t know. Basta huli ko siyang nakasama sa hospital noong isinugod ni Damon si Phoebe roon.”
Hindi na ako nagtanong pa ng tungkol kay Darth. Kung mas magaling ito kay Damon, eh ‘di maganda. Lalong lalakas ang grupo namin. Mapapadali na rin ang mga misyon kung tuluyan nga itong babalik.
“Do you want something to drin—” Hindi ko natapos ang sasabihin nang biglang bumukas ang pinto ng unit ko.
Mula roon ay nakita ko ang seryosong mukha ni Damon. Sa likod nito ay si Colt na nakatitig sa akin.
Hindi ako makapagtanong. Para bang alam ko ang itatanong ko pero hindi ko kayang bigkasin.
“He’ll stay here with you.” Seryosong sabi ni Damon na ikinangisi ni Colt.
Hindi ko napigilan ang mapalunok. Akala ko ba ayaw nilang mapalapit ako kay Colt? Ano itong ginagawa ni Damon?
“Alam ko ang tumatakbo riyan sa isipan mo, Keith.” Mariing wika ni Damon na ikinalunok kong muli. “Pwede kitang pasamahan sa mga tauhan ko, alam mo iyan. Pero sa panahong ito, hindi ko kayang magtiwala sa kanila lalo na’t kapakanan mo ang nakasalalay.”
Kaagad na nalipat ang tingin ko kay Colt na nakasandal lang sa gilid malapit sa pinto. Matiim lamang siyang nakatitig sa akin. Sa mga mata niya’y parang nagbabadya ang galit.
Mabilis kong iniwas ang tingin. “At si Colt?” tanong ko sa tatlong kaharap?
Marahas na nagpakawala ng hininga si Damon. “Siya lang ang alam kong mapagkakatiwalaan.”
Hindi ako nakapagsalita. Kahit na nang makaalis ang tatlo ay wala akong imik. Pinilit kong intindihin ang sinabi ni Damon. Pero sa isang bagay lang talaga ako bumabagsak. Ipinagkakatiwala nila ako kay Colt!
“It’s already late, hindi ka pa ba matutulog?”
Bahagya akong napapitlag nang maramdaman ang presensiya ni Colt sa aking likuran. Wala sa sariling napaiwas ako.
Naalala ko ang mga nangyari kanina. Halos ipagkanulo kami ng mga katawan namin. Kung hindi ko lang pinigilan si Colt at kung wala lang naghihintay sa akin dito sa unit, baka kung saan na napunta iyon. Pero ngayon, alam naming pareho na may tiwala na si Damon kay Colt na hindi ako nito pababayaan. Kinakabahan ako. Paano kung mangyari ulit ang nangyari kanina? Magagawa ko pa ba kayang mapigilan ang init na bumabalot sa puso ko?
“Y-Yeah, matutulog na ako.” Kinakabahan kong sagot bago tumayo. Nakatitig lamang sa akin si Colt. Kaya hindi ko maiwasan ang makaramdam ng pagkailang. “Uh, okay lang bang dito ka sa sala matulog? Isa lang kasi ang kuwarto rito—”
“I’ll sleep in your bed.” Sabi ni Colt. Para akong itinulos sa aking kinatatayuan. Lalo akong kinabahan nang dumantay ang kamay ni Colt sa aking mga balikat. Kasunod niyon ay itinaas niya ang aking baba gamit ang kaliwang kamay. “Don’t be nervous, my Kitty, wala akong gagawin sa’yo.”
Nakahinga lamang ako nang maluwag nang pumasok na si Colt sa kuwarto ko. Para akong tangang nakatunganga lang sa kawalan. Hindi ko tuloy alam kung susunod ba ako sa kuwarto o dito na lang ako matutulog sa sofa.
Akma akong hahakbang na papasok sa kuwarto ko nang bigla akong napahiyaw. Paano ba naman kasi’y walang pasabi akong binuhat ni Colt!
“Ano ba?!”
“Ang tagal mo naman kasi, inaantok na ako.” Salubong ang kilay na sagot niya habang papasok kami sa kuwarto.
Wala sa sariling napatitig na lang ako sa mukha ni Colt. Hindi ko inakalang darating ang panahon na magiging ganito ang pakikitungo niya sa akin. Kung totoo na itong ipinapakita niya sa akin, sobrang saya ko. Pero kung dahil lamang sa deal naming dalawa’y ewan, hindi ko alam kung anong mararamdaman.
“Are you okay?” Tanong niya sabay kabig sa akin. Nailapag niya na pala ako sa kama.
Marahan akong tumango. “May trabaho ako bukas…”
Mahina ang ginawang pagbuntong-hininga ni Colt. Bahagya niya akong niyakap habang nakahiga kaming dalawa. “I know, mag-iingat ka.”
“Hindi mo ako pipigilan?” Gusto kong umasa na kahit papaano’y pipigilan niya ako. Gusto kong sabihin niya na ayaw niya na akong pasuungin sa impyerno.
“Do you want me to stop you?” Balik tanong niya sa akin.
Saglit akong nag-alangan. Nahihiyang ibinaon ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib bago tumango.
“Then stay here, hindi mo kailangang sumama sa kanila bukas. I can protect you. Hindi ko hahayaang may mangyari sa’yo.” Halos walang boses na sabi ni Colt.
Tipid akong napangiti. “Pero kailangan ko pang kausapin si Damon. Kailangan pa rin nila ako sa misyon.”
“Ano bang ginagawa mo tuwing may misyon kayo?” Taas ang kilay na tanong niya.
Saglit akong napalunok. Paano kong sasabihin na ako ang laging ipinapain kapag lalaki ang tatrabahuhin namin? Paano kong sasabihin na kailangan kong akitin lahat ng mga lalaking papatayin ko?
“Kung ayaw mong sagutin ay ayos lang.” Sabi ni Colt bago ako hinalikan sa noo. “God, I want to know you more.”
“Hindi ba’t pinaimbestigahan mo na ako?”
“Silly, why would I do that?”
Bahagya kong inilayo ang sarili kay Colt. Kunot ang noong sinalubong ko ang kaniyang titig. “Then how the hell did you—”
“Kairo and I are friends. He invited me several times to your house. Every party, family dinner pati na rin kapag anniversary ng kompaniya.”
Awtomatikong bumuka ang aking bibig. “Paanong hindi kita kilala?”
“Oh Kitty, of course hindi mo ako makikilala. You were busy with your toys. Mataray ka rin at palaging laman ng away tuwing party. I remember when you punched Mark. That was epic. Isa pa, asawa ko pa noon si Zairene.” Tila may nabanaag akong lungkot sa mga mata ni Colt nang banggitin niya ang pangalan ng dating asawa.
Pinilit kong huwag pansinin ang kaunting kirot na naramdaman ko sa aking dibdib. Wala pa akong karapatan. Saka na kapag sigurado na ako sa nararamdaman.