noveltoon logo noveltoon
Halik ni Kamatayan

Chapter 15

Ch. 16 / 98 Feb 05, 2022

“Saan ka na naman galing! Sa babae mo na naman! Bakit ba umuuwi ka pa ditong hayop ka!?”

Sa may bakuran pa lamang ng bahay ay naririnig na ni Mel ang malakas na sigaw ni Aling Sonia, ang mommy niya. Kaya tiim-bagang nagpatuloy siya sa paglalakad papasok ng bahay.

“H’wag ka nang maingay d’yan, pagod ako!” pabulyaw din namang sagot ni Mang Lester.

“Pagod!? Pagod!? Pagod saan!?” Hinampas-hampas na ni Aling Sonia sa may likod ang kausap na asawa habang nagsisimula nang umiyal. “Pagod ka dahil ginalaw mo na naman ang babae mo!? Pagod ka dahil may nangyari na naman sa inyo!? Pagod ka dahil ikinama mo na naman ang puta mo?! Sumagot ka! Sumagot ka!” mas malakas na hampas pa ang ginawa ni Aling Sonia sa likuran ni Mang Lester.

“Oo! Ginalaw ko ang babae ko, ikinama ko siya kaya ako napagod. Nagpakasarap ako sa kama niya. Masaya ka na!? Pwede mo na bang itikom yang bunganga mo!?”

“Putang ina mo talagang lalaki ka! Hayop! Hayop ka!!!” Humahagulhol na si Aling Sonia habang pinagsasasampal ang asawa.

Malakas na isinarado ni Mel ang pinto ng kwarto niya pero hindi pa rin huminto ang mga magulang niya sa pagsisigawan at pag-aaway ng mga ito. Para bang hindi man lang narinig ang pagdadabog niya. Parang mga walang pakialam sa kapitbahay nila. Walang pakialam sa kanya.

Normal na sa kanya ang ganoong away ng mga magulang niya. Noong una ay sinusubukan pa niyang awatin alinman sa mga ito pero siya lamang din ang mas nasisigawan o mas nasasaktan sa tuwing makikialam siya. Kaya sinanay na lamang niya ang sariling h’wag nang makialam pa upang hindi na mas lumaki o tumagal ang pag-aaway ng mga ito. Inilagay niya sa sulok ng kwarto ang lamparang may sindi bago napakuyom ang kamao ng muling marinig ang sigawan ng mga magulang. Nasaktan siya sa mga sinabi ni Adolph kanina at nainis siya nang hindi man lang siya ipagtanggol ni Jin, para tuloy nagsisinungaling lang siya at gumagawa ng kwento tungkol sa mga pagsama-sama niya kay Rose. Muli siyang nanggigil nang maalala ang mga ginawa ni Adolph. Kung ilan beses nitong sinadyang pormahan ang mga babaeng nililigawan niya. Kung ilan beses nitong nasulot ang mga babaeng iyon mula sa kanya. Kung ilang beses nitong ginalaw ang mga babae kahit girlfriend na niya.

“Tang-ina!!!” sigaw niya bago ibinalibag ang lamesa na lalagyan ng mga komiks niya. Siya naman ngayon ang nagsimulang umiya sa galit at inis na nararamdaman niya. Saglit niyang narinig ang katahimikan sa labas ng kwarto niya bago muling nagsigawan ang dalawang bumuo sa kanya na tila walang kahit na anong narinig mula sa loob ng kwarto niya. Natatawang napailing na lang siya bago nabaling ang mga tingin sa maaliit na botelyang gumulong sa may paanan niya.

‘Pampa-relax lang. Iniinom ko ‘to kapag nai-stress ako sa deadline o sa boss ko. Baka makatulong din sa iyo para ma-relax ka. Basta, tandaan mo… Kapag nai-stress ka, nalulungkot o kapag nararamdaman mo na hindi mo na kaya. Nandito lang ako para sa iyo, Mel.’

Nangangatal ang mga kamay na pinulot niya ang bote at kaagad na binuksan. Kumuha siya ng dalawa… Tatlo… Lima… Mga tabletang hindi niya na halos mabilang bago inilagay sa bibig niya. Inabot niya ang bote ng tubig na nakalat at kaagad na uminom. Sa dami ng tableta ay medyo nahirapan siya lunukin kaagad lahat. Ang sabi ni Rose ay mare-relax daw siya kaya ipinikit niya muna ang mga mata habang pinapakiramdaman ang sarili. Mukhang epektib nga nang tila unti-unti ay maramdaman niyang lumulutang siya.

“Putang-ina mo, Lester! Bakit ba ikaw pa ang pinakasalan ko!”

“Putang-ina mo rin Sonia! Kung hindi ka nabuntis, hindi magkakandaletse-letse ang buhay ko! Putang inang buhay ito!”

Muling nagtiim ang kanyang mga panga. Kasabay nang paglutang na nararamdaman niya ay ang tila paglakas naman ng mga ingay sa kanyang paligid. Para bang sa may tainga na niya mismo nagsisigawan ang mga magulang niya. Naglakad na siya patungo sa kama. Inabot ang pinakamalaking unan at patiklop na itinakip sa magkabila niyang tainga bago ipinikit ang mga mata. Mula sa madilim na paligid ay lumabas ang maganda at nakangiting mukha ni Rose. Ang paghawak ng malambot nitong mga kamay sa braso niya. Ang pagbulong at halos pagdikit ng mapupula nitong mga labi sa tainga niya.

Si Rose… Si Rose lamang ang tanging babae na nakapagpapagaan ng pakiramdam niya sa isang pitik lamang. Si Rose na ngumiti lamang ay nawawala na ang lahat ng bigat at sakit na nararamdaman niya. Si Rose na hindi siya makakapayag na maagaw ng iba lalo na ni Adolph. Si Rose na alam niya at nararamdaman niyang may pagtingin din sa kanya. Kaya gagawin niya lahat para makuha ito. Gagawin niya lahat para mapasakanya ang dalaga. At sa oras na mangyari iyon, hinding-hindi na siya papayag na mawala ito sa kanya. Gagawin niya ang lahat para kay Rose. Gagawin niya lahat ng gusto nitong gawin niya.

‘Bakit hindi mo subukang gumanti sa kanila?’

Napamulat siya ng mga mata at napabangon bago inilibot ang mga tingin sa kwarto na tanging lampara lamang sa sulok ang nagbibigay liwanag. “R-Rose…” napalunok siya at bahagyang napaatras nang malingunan bigla si Rose sa tabi niya. Nakasuot ito ng manipis na pantulog kung saan halos lumuwa na ang malusog nitong dibdob at makita na ang suot nitong panloob sa baba.

Kumilos si Rose palapit kay Mel at hinaplos ang mukha ng binata. “Mel, alam ko gusto mo naman talagang gumanti sa kanila matagal na. Gustung-gusto mo nang gantihan ang mga magulang mo pero natatakot ka lang.”

Muling napalunok si Mel. Unti-unti nang lumalabo ang paningin niya na tila halos ang kaharap na lamang na si Rose ang tanging malinaw sa kanya.

“Oras na Mel… Oras na para iparamdam mo sa kanila na isa kang malaking kawalan sa buhay nila. Ipa-realize mo sa kanila na dapat ay hindi ka nila binabalewa. Hindi ka nila dapat ini-itsapwera. Na ikaw ang nag-iisang anak nila ang dapat na pagtuunan nila ng pnasin. Mel…”

Bumaba ang tingin ni Mel sa mga kamay niyang hawak ni Rose. Iniipit ng dalaga sa palad niya ang isang balisong… Balisong na regalo sa kanya ng daddy niya noong isang taon para sa birthday niya.

“Oras na Mel… Oras na para ikaw naman ang pansinin nila. Hawakan mo itong balisong… Isaksak mo sa daddy mo na niloloko ang mommy mo… Isaksak mo sa mommy mo na walang pakialam sa iyo. Oras na Mel. Oras na para ikaw naman ang mapansin nila. Oras na para ikaw naman ang bigyan nila ng atensyon.”

Nagsimulang mangatal ang mga labi ni Mel. Ang mga kamay niya. Ang buong katawan niya. Tama ba ito? Tamaba itong pinapagawa ni Rose sa kanya?

“At sa oras na magawa mo ‘yon Mel. Pangako.” Mas inilapit pa ni Rose ang sarili sa binata. Idinikit ang mga labi sa tainga nito, ang palad sa hita nito at ang malusog na dibdib sa braso ng binata bago bumulong. “Matitikman mo ang katawan ko at magiging sa iyo na ako…. Habambuhay.”

Naramdaman pa ni Mel ang pagpisil ni Rose sa hita niya at ang pagdikit ng dila nito sa tainga niya. Ngunit sa isang kisapmata lamang na ginawa niya ay biglang naglaho ang babae sa tabi niya. Nagpalinga-linga pa siya pero tuluyan nang naglaho si Rose na hindi niya alam kung totoo bang nakatabi niya kanina. Isang lang ang sigurado siya ngayon, gagawin niya ang lahat para mapasakanya ang turista.

Hinawakan ng mahigpit ni Mel ang balisong bago naglakad palabas ng kwarto. Nanlalabo pa rin ang paningin niya na tila ba lahat ng bagay sa paligid niya ay lumulutang. Na parang pati siya at lumulutang. Pero dahil sa ingay ng sigawan ng mommy at daddy niya ay kaagad niyang nahanap ang dalawang ito.

“Ahhhhh!!!” sigaw niya bago itinarak ang kumikislap na talim ng hawak na balisong sa dibdib ng daddy niya. Madiin na saksak ang ginawa niya bago iniikot pa iyon habang nakasaksak doon na tila nais durugin ang puso nito. Kaagad na bumulwak ang malapot na dugo sa bibig ng daddy niya. At sa paghugot niya ng balisong ay kaagad na bumagsak ang duguang katawan ni Mang Lester sa kawayan na sahig.

“Lester!!!!” sigaw ni Aling Sonia bago sumugod ng yakap sa asawa. “Mel… Rommel. Anong ginawa mo sa daddy mo!? Bakit mo siya –“ Hindi na naituloy pa ni Aling Sonia angs sinasabi nang maramdaman ang malamig na bagay na biglang bumaon sa may likuran niya. Napahigpit ang yakap niya sa bangkay ng kanyang asawa. Halos sumama naman ang katawan niya ng marahas na hugutin ang talim ng balisong mula sa kanyang likuran at wala pang limang segundo ay kaagad na muling bumaon sa ibang parte ng kanyang likuran. Hanggang sa may tagiliran niya na iyon sumunod na naramdamang bumaon. Nanlamig ang buong katawan niya, nagsimulang manikip ang dibdib niya, nangangatog na rinang mga binti niya pero pinilit niya pa ring tumayo at humarap sa lalaking may hawak ng duguang balisong. “M-Mel…” At sa paghawak niya sa magkabilang balikat ng anak na namumula ang nanlalaking mga mata ay kaagad na buaon ang talim ng balisong sa may bandang bahagi ng dibdib niya. Kinakapos na siya ng hangin pero nagawa pa niyang hawakan ang pisngi ng anak na kaagad nabahiran ng dugo mula sa mga kamay niya. “A-anak…” Hindi niya alam kung may lumabas pa bang boses mula sa mga labi niya. Pinilit niyang higpitan ang kapit sa mukha ng anak niya pero tila tuluyan nang naubos ang lakas ng mga kamay niya. Ang natitirang lakas ng buong katawan niya.

“R-Rommel…” kinakapos ang hiningang sambit ni Mang Lester bago gumapang palapit sa anak.

‘Hindi ka mahal ng daddy mo Mel… Wala siyang pakialam sa iyo. Wala siyang kwentang daddy para sa iyo…’

Nagpalinga-linga si Mel sa apat na sulok ng sala ng bahay nila. Wala siyang kahit na sinomang nakita pero alam niyang boses iyon ni Rose. Gusto ni Rose na patayin niya ang daddy niya. Bahagya siyang umupo sa harapan ni Mang Lester at marahas itong sinabunutan. “Walang kang kwentang tatay,” aniya bago tatlong beses na magkakasunod na isinaksak ang balisong sa leeg nito. Kaagad na sumambulat ang dugo sa mukha at sa may bandang bibig niya, nalasahan niya kung gaano kalansa ang dugo ng daddy niya.

Tumayo na si Mel at napangisi nang makitang magkatabi na ang bangkay ng mga magulang na parehong may butas ang mga katawan at leeg kung saan walang tigil ang pag-agos ng dugo at dilat ang mga mata. Nagawa na niyang gumanti. Nagawa na niya ang gusto ni Rose.

Muli niyang inilibot ang paningin sa sala ng bahay. “Rose!!! Rose nasaan ka na!? Nagawa ko na ang gusto mo… Magpakita ka na!” Mabilis siyang bumalik sa sariling kwarto, tumakbo papunta sa kwarto ng mga magulang bago kaagad na tinungo ang kusina habang patuloy na sumisigaw at hinahanap ang babaeng nangako sa kanya ng habambuhay. Ito lang naman ang gustong mangyari ni Rose, ang gumanti siya at pagkatapos nito ay makukuha na niya ang dalaga. Mapapatunayan niya sa mga kaibigan niya na pwede rin siyang magustuhan ng isang kagaya ni Rose. At hindi lang ng mga babaeng tira-tira ni Adolph. “Rose… Rose, nasaan ka na ba!? Rose, magpakita ka -” bigla siyang naphinto sa pagsigaw nang matumba sa sahig dahil sa duguang kamay ng mommy niya na naapakan niya.

Bumilis ang tibok ng puso niya kasunod ang pag-atras niya habang nakasalampak ng upo ang pwet niya sa duguang sahig. Biglang niyang naramdaman ang panlalagkit ng mga kamay niya, ang panunuyo ng lalamunan niya at ang kakaibang kilabot sa buong katawan niya nang makita ang mukha ng mommy niyang dilat na dilat ang mga matang nakatingin sa kanya.

“A-anong n-nangyari!? M-mommy?! D-daddy!?”” Niyugyog niya ang katawan ng mga magulang niyang batid niyang wala ng buhay. “Mommy! Mommy gumising ka, sino ang may gawa nito sa inyo. Mommy!!!”

Pawisan ang noo ni Mel. Malakas ang kabog ng dibdib niya. Bigla siyang napahinto sa ginagawang pagyugyog sa katawan ni Aling Sonia. At nanlalaki ang mga matang napatingin sa bagay na hawak niya.

“Aling Sonia! Mang Lester! Mel! Anong nangyayari dyan! Okay lang ba kayo!?”

Napalingon si Mel sa may kawayan na pinto ng bahay nila kung saan nanggagaling ang mga sigaw. Mga boses ng kapitbahay nilang kumakalampag sa pinto na tila nais na iyong wasakin.

‘Bakit mo sila pinatay Mel!? Bakit mo pinatay ang mommy at daddy mo?’

Napalingon siya sa may likuran niya nang marinig ang boses ni Rose pero walang siyang kahit na sinong nakita.

‘Mel, bakit mo sila pinatay!? Bakit mo sila pinatay!? Mamamatay tao ka Mel! Mamamatay tao ka!’

Muli siyang napalingon sa kung saan-saan pang sulok ng bahay pero wala pa rin siyang nakita na kahit sino. Sigurado siyang may naririnig siyang boses. At boses iyon ni Rose. Ito ang nag-utos na patayin niya ang mga magulang. Pero nasaan ito? Sinunod niya lang ang gusto nitong gawin niya. Sinunod niya lang si Rose dahil sa pangako nitong mapapasakanya ang turista.

‘Dapat sa iyo mamatay, Mel. Dapat samahan mo na ang mommy at daddy mo dahil pinatay mo sila. Pinatay mo sila Mel!’

Sinabunutan ni Mel ang sarili. Nagsisimula na siyang maguluhan. Paano niya nagawa ito!? Bakit niya pinatay ang sarili niyang mga maagulang. Pero hindi! Hindi siya ang pumatay. Wala siyang kinalaman dito. “Wala akong pinatay! Hindi ko sila pinatay!”

“Mel! Ano bang nangyayari dyan sa loob? Bakit sumisigaw ang mommy mo kanina? Buksan mo na itong pinto!” muling sigaw ng isang kapitbahay mula sa labas.

Nanlalaki ang mga mata na napatingin si Mel sa may pintuan na alam niyang anumang oras ay masisira na.

‘H’wag mo silang pagbubuksan Mel. Papatayin ka nila. Papatayin ka rin nila!’ muling sigaw ng boses ni Rose mula sa kung saan. ‘Unahan mo na sila Mel. Unahan mo na sila bago ka pa nila patayin.’

“Mel, buksan mo na itong pinto! Sonia? Lester? Ayos lang ba kayo dyan! Sumagot kayo dyan!” sigaw ni Mang Mario, pauwi na siya nang mpansing nagkakagulo sa may labas ng bahay nina Mel kaya lumapit na rin siya. Ilang minuto na nilang kinakatok ang pinto pero hindi pa rin sila pinagbubuksan alinman sa mga nakatira doon. “Mel, buksan mo na itong pinto kung hindi, sisirain ko na talaga ito!” muling sigaw ni Mang Mario . At nang wala pa ring maayos na sagot na nakuha mula sa loob ay malakas na niyang ilang ulit na binunggo ng balikat ang kawayan na pinto. At sa ikaanim at pinakamalakas na pagbunggo niya ay bumukas na rin iyon sa wakas

Halos lahat ng mga kapitbahay ay nasindak sa nakita nila sa loob ng bahay. Nakahandusay sa sahig na kawayan ang duguan g bangkay nina Mang Lester at Aling Sonia. Samantalang si Mel ay nakaluhod at nakaharap sa kanila. Duguan rin ang mukha at buong katawan, may malaking ngiti sa mga labi habang hawak ang isang balisong na ang talim ay nakatutok sa sariling lalamunan.

“M-Mel… Mel, ibaba mo ‘yan. H’wag mong itutuloy kung anuman ‘yang binabalak mo…” nauutal na sabi ni Mang Mario.

Nagsimulang umiyak si Mel. Umiling siya… Tumawa… “H-hindi… Hindi ninyo ako mapapatay. Hahaha… Hindi ninyo ako mapapatay. Hahahaha. Uunahan ko na kayong mga hayop kayo. Hinding-hindi ninyo ako mapapatay!!!”

“Mel!!!” Halos sabay-sabay na sigaw ng mga taong pumasok sa loob ng bahay. Pero wala ring nagawa sinoman sa kanila nang tuluyan ng laslasin ni Mel ang sariling lalamunan.

Ngumisi pa si Mel bago padapang bumagsak sa sahig sa pagitan ng mommy at daddy niya. Nagsimulang mangisay-ngisay ang katawan niya habang ang tingin ay nakatuon sa isang madilim na sulok ng bahay kung saan may malabong pigura. Pigura ng babae na unti-unti na ring naglalaho na parang usok. Pinilit niyang igalaw ang nanghihina at nanginginig niyang kanang kamay. Iniunat niya iyon na para bang nais abutin ang babaeng malapit nang maglaho sa paningin niya. Hindi siya maaaring magkamali. Nakangiti ang mukha ng babae. Nakangiti nitong pinagmamasdan ang kamatayan niya. Ang kamatayan nila ng mga magulang niya. “R-Rose…”