noveltoon logo noveltoon
By the way, his name is Jack Frost

Chapter 18

Ch. 18 / 47 Feb 05, 2022

“F*ck, be careful!” sigaw ni Jack matapos kong idampi ang bulak na may betadine sa sugat na natamo niya mula sa saksak.

Natatakot akong tumingin sa kanya habang nanginginig ang mga kamay kong may hawak na bulak. “Sorry, dadahan-dahanin ko na lang.” sagot ko.

“Damn. Sadista ka ata eh.” inis na reklamo niya.

Pinagmasdan kong maigi ang mukha niyang namumutla at pinagpapawisan. “Sigurado ka bang ayaw mong dalhin kita sa hospital?” paninigurado ko.

“Why would I go to a place I loathe the most? Don‟t you know that the hospital is the dirtiest place on Earth?” tila inis na saad niya at saka hirap na hirap na sumandal sa upuan ng sasakyan niya.

Nanatili lang akong nakaupo sa tabi ng driver‟s seat habang pinagmamasdan siyang nahihirapan. So ayun pala ang rason kung bakit ayaw niya sa hospital o sa mga clinic? Dahil sa tingin niya ay marumi ang lugar na iyon?

“You better clean my wound before microorganisms get inside my body.” utos niya.

Napailing na lang ako at ipinagpatuloy ang paglilinis sa sugat niya. Kahit pala nasaksak na siya ay maarte pa rin siya. Mabuti na lang at hindi siya gaanong napuruhan at hindi naman gaanong malalim ang saksak na natamo niya. Totoo pala talaga ang kasabihan na kapag masamang damo, matagal mamatay. O baka naman dahil na rin matigas ang muscles niya sa tiyan kaya hindi siya masyadong napuruhan? Dahil sa abs niya in short.

Mabuti na lang at hindi ako fan ng mga lalaking may abs kaya hindi ako na-distract sa abs niya habang nililinisan ang sugat niya. Mabuti na lang din at hindi ako nakakaramdam ng kahit anong pagkailang sa kanya kaya hindi rin ako nahirapan sa ginagawa ko.

Nang matapos kong linisin ang sugat niya ay ibinalik ko na ang tingin sa kanya at agad kong nasalubong ang seryoso niyang tingin. Please don‟t tell me he watched me the whole time I was cleaning his wound. Sinubukan kong titigan rin siya sa mata but there was something in his eyes that made me stop staring since I couldn‟t stand his gaze.

Tumingin ako sa labas ng sasakyan para iwasan ang titig niya at pinanuod ko ang patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan. Kasalukuyan kaming nasa plaza na ilang kanto lang ang lapit mula sa bahay namin. Pinili kong manatili muna kasama siya at huwag munang umuwi para tulungan siyang gamutin ang sugat niya dahil ayaw naman niyang pumunta sa hospital.

Napatingin ako sa relo ko at nakita kong lagpas alas-siete na pala ng gabi at paniguradong nag-aalala na sa akin sina Mama at Papa. Hindi pa naman ako maaring umuwi dahil sa lakas ng ulan at kahit na subukan akong ihatid ng gangster na ito, hindi maari sapagkat masyadong maliit ang eskenita sa lugar namin para ipasok niya ang kanyang sasakyan.

Napabuntong hininga na lang ako at saka sumandal sa upuan at ibinalik ang tingin sa kanya. Nakapikit siya habang nakatingala at nakasandal sa upuan. Nakasuot na rin nang maayos ang t-shirt niya na kanina ay kailangan pa niyang hubarin para malinisan ko ang kanyang sugat.

Pinagmasdan ko ang mukha niyang mapayapang natutulog. Napangiti ako as I remembered how I first met him. It‟s funny how someone who looks so much like an angel can be a cursing machine. I still can‟t believe I once considered him an angel.

“Watching me sleep is rude.” bulong niya habang nakapikit.

Napangiti ako at napasandal rin ng maayos katulad niya at saka pumikit rin at tumingala.

“Have I already told you that you look so much like an angel when you sleep?”

Naramdaman kong gumalaw siya. “That‟s funny. I‟m not an angel.” sagot niya.

Iminulat ko ang aking mga mata at muling ibinalik ang tingin sa kanya. Nakasandal pa rin siya sa upuan pero nakaharap na ang mukha niya sa akin. Tinitigan kong maigi ang mga mata niya. I know that behind his empty stare, there‟s still a Jack Frost who I can understand.

Bigla na lang siyang nagpakawala ng malalim na paghinga. “I learned about your dad.” tila disappointed na saad niya.

Kaagad akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko. Tinitigan niya akong maigi na tila pinag-aaralan ang reaksyon ko. Iniwas ko ang aking tingin at ibinalik ito sa labas kung saan wala pa ring humpay ang pagbuhos ng malakas na ulan.

“I love the rain.” bulong ko.

Saglit siyang natahimik hanggang sa narinig ko na lang siyang natawa ng sarkastiko dahil sa sinabi ko. “It‟s funny to hear that from someone whose name is Summer.” sagot niya.

Ibinalik ko ang aking tingin sa kanya at binigyan siya ng malawak na ngiti. “I always wish na sana ang Pilipinas ay may isang season lang. Sana rainy season lang. O kaya „yung summer palitan na lang ng winter. Sana ganun na lang.”

Napakunot ang noo niya sa sinabi ko at napaayos siya ng upo nang bigla na lang may luhang pumatak sa pisngi ko.

“Siguro kung walang summer sa Pilipinas, hindi mauuso ang pagsu-swimming sa beach. Kung ganun, buhay pa sana ang Papa ko.”

Napakagat siya sa labi niya at iniwas ang tingin sa akin. “I shouldn‟t have mentioned that. My fault.” saad niya.

“No, Jack. Wala ka namang masamang sinabi and it isn‟t your fault. The mistake was mine. Tulad na lang ngayon. Napahamak ka ng dahil sa akin. Muntik ka pang mamatay.”

Nagpakawala siya ng malalim na paghinga at seryoso akong tiningnan. “You don‟t understand. Since the day I was born, my life has always been in the trails of death. Don‟t blame yourself for things that you are not accountable for.” sagot niya.

Napakagat din ako sa labi ko at saka dahan-dahang tumango. Pupunasan ko na sana ang pisngi ko pero nagulat ako nang hilahin niya „ko papalapit sa kanya at siya mismo ang gumawa noon. Napatitig ako sa mukha niyang sobrang lapit sa akin na halos magdikit na ang dulo ng ilong naming dalawa. Susubukan ko sanang lumayo sa kanya pero agad niya akong pinigilan.

“Have I mentioned how horrible you look when you cry?”

What?!

“So please don‟t cry again.”

Natigilan ako sa sinabi niya at napatitig sa mga mata niya. His eyes…it looks like it‟s speaking to my soul. Nanatili kami sa ganoong posisyon sa loob ng ilang sandali at nang ma-realize ko kung gaano ka-awkward ang itsura naming dalawa, ako na mismo ang lumayo at sumandal pabalik sa upuan ko.

“I thought you love seeing me cry?” tanong ko para mabago na rin ang atmosphere. Nanatili akong nakatingin sa labas at hindi siya nililingon.

“At first, yes. I loved seeing you cry. But who would want to see a horrifying face, right? It‟s disgusting.” sagot niya.

Inis kong ibinalik ang tingin ko sa kanya. Ibang klase, ang kapal niya! Eh bakit sabi ni Storm maganda ako kapag umiiyak? Tch. Napailing na lang ako sa kanya in disbelief at saka ibinalik ang tingin sa labas. Patuloy pa rin ang malakas na pagbuhos ng ulan at tila wala itong balak magpaawat.

“I love summer.”

Napabalik ang tingin ko sa kanya nang marinig kong sabihin niya iyon. Pagharap ko sa kanya ay seryoso lang din siyang nakatingin sa labas habang pinapanuod ang malakas na pagbuhos ng ulan.

Humarap siya sa akin at seryoso akong tiningnan. “Summer is such an amazing season. I don‟t have to go to school for three months and I don‟t have to deal with all the annoying kids at school. Isn‟t that wonderful?”

Natawa na lang ako ng sarkastiko at saka napailing. “I can‟t believe I‟m hearing that from you, Jack. You looked like someone who doesn‟t appreciate the world.” saad ko.

“Were you pertaining to me or to yourself?”

Saglit akong natigilan sa aking narinig at hindi magawang sagutin ang sinabi niya. Napabuntong hininga siya at saka humarap ng maayos sa akin.

“Summer is a beautiful season, and so are you.” bulong niya.

Hindi ako makapaniwala at napatitig na lang sa mga mata niya matapos marinig iyon.

“I know that I suck at comforting people and I have never tried to comfort anyone. But for you, I‟ll try…” saad niya. “I won‟t hug you just like how that pathetic Storm always does. But would you mind if I comfort you in a different way?”

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. “What do you mean?” nagtatakang tanong ko pero imbis na sumagot, nagulat na lang ako nang ilapit niya ang mukha niya sa akin at idinampi niya ang labi niya sa noo ko.

Natulala ako sa ginawa niya at matapos niyang gawin iyon ay ini-level niya ang mukha niya sa mukha ko. Ngumiti siya sa akin ng matamis.

“Things are fine at the moment and things will be better, Summer. Trust me on this.”

I knew at that moment that I was cheered up by a gangster.