“Hanggang ngayon pala ay makasarili ka pa rin, Snowman.”
Napalingon ako sa likuran ko at napakunot ang noo nang makita ang lalaking kumausap sa akin kanina sa may puno. Naglalakad siya papalapit sa amin habang nakapamulsa. Ang panuorin lang siyang maglakad papalapit ay agad nang nagbigay ng takot sa akin. There is something in him that terrifies me kahit na wala naman siyang ginagawang kahit ano.
Napatingin ako sa mga lalaking nakasunod sa kanya at kaagad kong napansin ang lalaking may dala-dalang baseball bat. Ang iba naman ay katulad lang din niyang nakapamulsa habang nakakatakot na naglalakad papalapit sa amin. Kinakabahan kong ibinalik ang aking tingin kay cursing machine at wala akong nakitang pagbabago sa ekspresyon ng mukha niya. Tila balewala lang sa kanya ang presensya ng mga paparating samantalang ako, halos mahimatay na sa takot.
Nagulat na lang ako nang biglang may umakbay sa akin. Balak ko sanang tingnan kung sino iyon pero siya na mismo ang naglapit ng mukha niya sa mukha ko. Napalunok ako nang halos dumikit na ang labi niya sa pisngi ko. Tila nanghina ang mga tuhod ko nang mapatingin ako sa mga mata niya. Katulad kanina, para nitong hinihigop ang lakas ko dahilan para manghina ako at manginig sa isang titig lang niya.
“Take. Your. Goddamn. Hands. Off. Her. Thunder.” mabagal na utos ni Jack Frost.
Akala ko ay susundin siya ng lalaking nakaakbay sa akin na tinawag niyang Thunder pero mas lalo akong nakaramdam ng takot nang ilapit pa nito lalo ang mukha niya sa akin na tila balak niya akong halikan. Iiiwas ko na sana ang mukha ko mula sa kanya pero laking gulat ko nang may isang bagay ang tumama sa mukha niya dahilan upang mapatigil siya sa kanyang ginagawa.
Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla at napatingin sa sahig kung saan nalaglag ang bagay na tumama sa lalaking naka-akbay sa akin. Nakita ko roon ang isang kulay gray na iPhone 6 plus na ngayon ay basag na dahil sa pagkakabagsak nito sa sahig.
Marahang inalis ni Thunder ang pagkakaakbay sa akin at seryosong tiningnan ang cursing machine. “Alam mo ba kung anong ginawa mo?” mahinahong tanong niya kay Jack.
“I just wasted my phone worth sixty thousand pesos to someone who is similar to sh*t.” sagot niya habang nakangiti ng nakakainsulto.
Napanganga ako in disbelief. This gangster! Ugh! Nababaliw na ba siya? Hindi niya ba nakikitang napapalibutan na siya ng mga kasamahan ng lalaking ito at sa ginagawa niyang pang-iinsulto, mas lalo lang niyang pinapahirapan ang sarili niya?!
“Ang lakas naman ng loob mong kalabanin ako sa loob pa mismo ng Avellino High.” ika ni Thunder.
“Will there be any difference if I beat you up inside or outside?”
Sinuklian siya ni Thunder ng nakakainsultong ngiti sa naging sagot niya. “Wala ka pa rin pala talagang pinagbago.”
“You haven‟t changed either.” seryosong sagot naman sa kanya ni Jack.
Bigla na lang akong nakaramdam ng takot habang pinapanuod silang magkatitigan. Laking gulat ko na lang nang bigla na lang may lalaking nagtangkang hatawin si Jack ng baseball bat mula sa likuran. Mabuti na lang at malakas ang pakiramdam niya at nakaiwas kaagad siya. Sinipa at sinuntok niya sa mukha ang lalaki at agad naman itong nakatulog.
Inayos niya ang uniporme niyang bahagyang nagusot at saka malamig na tumingin sa mga lalaking nakapalibot sa kanya.
“Kailan pa kayo natutong lumaban ng talikuran?” tanong niya at saka ngumiti ng pilit habang ipinapakita ang pagkadismaya sa mukha niya.
“Natutunan namin „yan sa mga katulad mong traydor.” sagot ng lalaking nakatayo sa gilid niya. Traydor? What do they mean?
Ibinalik ko ang tingin kay Jack at nakita kong tila nainsulto siya sa sinabi ng lalaki. Pero sa kabila ng pagkainsulto niya, may isa pang bagay akong nakita sa mga mata niya. Why am I seeing pain in those eyes again?
Nagulat na lang ako nang sabay-sabay silang sumugod sa kanya. Tila napako ako sa aking kinatatayuan habang pinapanuod siyang nakikipagsabayan ng suntok sa mga lalaking sumugod sa kanya. Hindi ko lubos maisip kung paano niya nagagawang patumbahin ang mga lalaking iyon. Basta may lalapit na lang sa kanya at bigla na lang itong mapapaupo o kaya ay mapapahiga.
Napatingin ako sa lalaking tinawag ni Jack na Thunder kanina. Seryoso lang itong nakatayo sa tabi ko habang pinapanuod ang mga naglalaban sa harapan namin. Ang iba niyang mga kasamang dumating ay nasa may likuran lang din namin at pinapanuod si Jack habang malapit na niyang mapatulog ang lahat ng lalaking nakapalibot sa kanya.
Ibinalik ko ang tingin kay Jack at nakita kong tatlo na lang ang natitirang nakatayo mula sa mahigit sampung lalaki kanina.
“Thunder.”
Napatingin ulit ako sa tabi ko at nakita ko ang isa sa mga kasama ng lalaking nagngangalang Thunder na lumapit sa kanya at tila sa pagtawag lamang nito sa pangalan niya ay may mensahe na agad siyang naiparating.
“Huwag muna. Nag-eenjoy pa ako.” sagot niya sa lalaki at saka niya inilipat ang tingin sa akin.
Ngumiti siya sa akin na mas lalong nagdulot ng takot sa akin. Unti-unti akong napaatras mula sa kanya nang dahan-dahan siyang humarap sa akin.
“Don‟t touch her.”
Sabay kaming napatingin kay Jack na nakatayo sa harapan namin at napapalibutan na lang ng mga lalaking nakahiga sa sahig. Napatumba niya silang lahat ng ganun kabilis?
Humarap sa kanya ang lalaking nasa tabi ko at binigyan siya ng nakakalokong ngiti. “Hindi ko alam na naka-move on ka na pala kay Jasmine. Hindi na pala ako masyadong updated.” wika nito.
Tumawa ng mahina si Jack. Isang tawa na tila nang-iinsulto. “Stop wasting my time. I just want my girl.” sagot niya.
Lumapit sa akin si Thunder habang makahulugang nakangiti. Dahan-dahan niya akong inakbayan at saka sinuklian ng nakakainsultong ngiti si Jack.
“Hindi ko akalain na dahil lang sa babaeng ito ay magkakaroon ka pa ng lakas ng loob pumasok muli rito, Snowman.” wika nito.
Jack rolled his eyes at saka inis na napakagat sa labi niya. “I said, Don‟t. Touch. Her.” mabagal na sagot niya.
Tinapik ng lalaking nakaakbay sa akin ang balikat ko at saka dahan-dahang inilayo ang sarili niya. Itinaas niya ang magkabilang kamay niya na tila sinasabing sumusuko na siya.
“Alright, I won‟t touch your property.” saad niya. “Pero siguro naman ay alam mo ang consequences ng pagbalik mo rito, Snowman. Hindi ka maaring pumasok ng Avellino kung kailan mo lang gusto at mas lalong hindi ka pwedeng makalabas na lang nang basta-basta.”
Tuluyan nang nabalot ang pagkatao ko ng takot habang pinagmamasdan silang magkatitigan.
“I didn‟t come here unaware, Thunder.” sagot ni Jack sa kanya.
“I suppose you already know that you‟re going to die in here, Jack Frost.”
Hindi ako makapaniwala sa aking narinig at gulat na inilipat ang tingin kay Jack. Hindi ko siya kinakitaan ng kahit anong reaksyon at mukhang inaasahan na niya at alam na niya ang tungkol sa bagay na iyon.
Anong ibig sabihin nito? Papatayin nila si Jack? Kahit na mukhang isang kalokohan lang ang bagay na iyon, base sa nasaksihan ko kung gaano kaseryoso ang mga nangyayari, masasabi kong hindi iyon imposibleng mangyari. Ang hampasin nga lang siya ng baseball bat mula sa likuran ay isa nang napakaseryosong halimbawa na nais siyang patayin ng mga ito.
Nagulat na lang ako nang ang anim na natitirang lalaki kanina na kasama ng lalaking tinatawag nilang Thunder ay sabay-sabay na sumugod kay Jack. Katulad kanina, nakipagsabayan muli ang cursing machine sa pakikipaglaban sa kanila pero hindi tulad kanina, halatang nahihirapan na siya ngayon.
Isang tama sa mukha ang saglit na nagpatigil sa kanya at nasundan iyon ng sipa sa kanyang sikmura. Saglit siyang napayuko pero ipinagpatuloy niya ang paglaban sa kanilang anim. Natamaan niya ang isa sa mga ito pero mukhang balewala ito at binawian rin siya ng suntok. Matagal na nagpatuloy ang pagpapalitan nila ng suntok hanggang sa may isang tuluyan nang natumba sa kanila at bumaba sa lima ang kalaban niya.
Tila ang mga lalaking nakalaban niya kanina ay balewala sa klase ng paglaban ng mga lalaking kalaban niya ngayon. Sa palagay ko, kaya sila ang pinakahuling lumaban kay Jack ay dahil sila ang pinakapinuno ng mga gangster sa Avellino High.
Napatakip ako sa bibig ko nang sipain nila ng sabay-sabay sa sikmura si Jack dahilan upang may dugong lumabas sa bibig niya. Kahit na halatang hirap na siya at pagod na, nagpatuloy pa rin siya sa paglaban hanggang sa maging tatlo na lang ang kalaban niya. Nagulat na lang ako nang may isa sa tatlo ang naglabas ng patalim.
Nagtangka ang lalaking may hawak ng patalim na saksakin siya pero naiwasan niya ito. Hinawakan niya ang kamay ng lalaking may hawak ng kutsilyo at pinilipit niya ito hanggang sa mabitiwan ng lalaki ang naturang patalim. Nang tuluyan nang malaglag ang kutsilyo, sinikmuraan niya ito at pinaulanan ng suntok hanggang sa tuluyan na itong mawalan ng malay. Nakahinga ako nang maluwag pero tila huminto sa pag-ikot ang mundo ko nang pinulot ng isa sa mga lalaking natira ang nahulog na patalim at sinaksak si Jack sa may tiyan.
“J-Jack!” hindi makapaniwalang sigaw ko. Tatakbo sana ako papunta sa kanya pero humarang sa daraanan ko si Thunder.
“Jack wouldn‟t want you to do that, believe me.” saad niya.
“N-No. Jack was stabbed. H-He‟s bleeding. H-He‟s gonna die.” nanginginig na saad ko habang patuloy ang pag-agos ng luha sa aking pisngi.
Umiling siya at saka lumingon sa likuran niya kung nasaan si Jack. Hindi ko siya makita dahil hinaharangan siya ni Thunder.
“Your girl is worried. Say something.” ika nito at saka ibinalik ang tingin sa akin.
“I-I‟m fine.” narinig kong sagot niya.
Napapikit ako at nanginginig na napatakip sa mukha ko. “Hindi siya okay. Nanginginig ang boses niya. Please.” umiiyak na saad ko.
Hindi ko maintindihan kung anong ginagawa ko. Hindi na ata gumagana ng maayos ang pag-iisip ko. Pakiramdam ko ay nanunuod ako ng krimen at hinahayaan ko lang itong maganap. I feel so weak dahil wala man lang akong magawa.
Unti-unti ay umalis si Thunder sa pagkakaharang niya sa harapan ko pero hinawakan niya ako sa braso ko na tila pinipigilan niya akong lumapit kay Jack.
“You can watch him on his last day on Earth but I‟m not going to let you get yourself involved. At least, kahit papaano ay may mabuti pang dadalhing alaala si Jack sa impyerno kapag namatay na siya.” saad niya.
Napakagat ako sa labi ko habang patuloy sa pagtulo ang mainit na luha sa magkabilang pisngi ko. Tila isa akong taong walang kwenta habang pinapanuod si Jack na namumutla at duguang patuloy na nakikipaglaban para lang mabawi ako sa paaralang ito. Kasalanan ko ang lahat.
“You‟re still pretty strong. It‟s surprising how you‟re still capable of standing at this moment,” saad ni Thunder. “Too bad, you‟re dying. I can see the blood trickle. Such a shame.” dagdag pa niya.
Tumawa ng mahina si Jack at saka dumura ng dugo. “I‟m insulted. Do you think I‟m that frail?” saad niya at laking gulat ko nang buhatin niya ang isa sa mga kalaban niya na parang isang teddy bear lang sa gaan at inihagis sa may pader dahilan para bumagsak ito sa sahig na wala nang malay.
Halos hindi ko maisara ang bibig ko dahil sa aking nasaksihan.
“How about that?” tanong niya habang nakangiti ng nakakainsulto kay Thunder. “Am I still that weak in your eyes?”
Hindi umimik si Thunder at nanatiling nakatingin sa kanya.
“How about this?” biglang tanong ng lalaking nasa likuran ni Jack sabay tutok ng baril sa ulo niya.
Napatakip ako sa bibig ko. God, please don‟t. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. It sucks to know that I am a coward and a useless person. I just don‟t know how I will live my life witnessing someone die because of my actions, again. Una si papa, at ngayon… Ang gangster na kinamumuhian ko. I just don‟t know how I will survive this. God, please… not again.
“I hope you know the consequences of pointing a gun to my head.” saad ni Jack.
“I don‟t care. Mamamatay ka rin naman ngayon, ano pa bang katatakutan ko?”
“Go and fire then.” hamon ni Jack.
Susubukan ko sanang tumakbo papunta sa kanya pero humigpit ang hawak sa akin ni Thunder. Patuloy sa pagtulo ang luha ko habang pinapanuod siyang nakatayo habang may nakatutok sa kanyang baril.
“As you wish.” nakangiting wika ng lalaki and I watched him slowly pull the trigger.
“J-Jack! No!” sigaw ko at saka napapikit. Kasabay nang pagpikit ko ang pagbuhos ng luha mula sa aking mga mata. Napahikbi ako at hindi malaman ang gagawin.
Isang napakahabang katahimikan ang namayani sa paligid at tanging ang mahinang paghikbi ko lang ang aking naririnig. Unti-unti ay naramdaman ko ang pagluwang ng pagkakahawak ni Thunder sa braso ko.
“The show is over.” bulong niya.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at nakita ko si Jack na nakatayo sa harapan ko habang nakabulagta na sa sahig ang lalaking nagtangkang barilin siya. Napatingin ako sa kamay niya at nakitang hawak-hawak na niya ang baril. Tumingin siya kay Thunder at inihagis niya rito ang baril na sinalo naman nito.
“Next time, turuan mo munang magkasa ng baril ang mga tauhan mo bago ako tutukan.” wika niya.
Ngumiti ng nakakaloko si Thunder. “This must be your lucky day.” saad nito at saka nagsimulang lumakad paalis.
Ibinalik ko ang aking tingin kay Jack at saka pinanuod siya habang mabagal na lumalakad papalapit sa akin. Patuloy sa pagtulo ang luha ko at sa palagay ko ay hindi ko na ito mapipigilan. Nang makalapit na siya nang tuluyan sa akin ay itinaas niya ang duguan niyang kamay at hinaplos ang basa kong pisngi. Patuloy ako sa paghikbi habang nakatingin sa mga mata niyang seryosong nakatingin sa akin.
“Bakit ba kasi ang tanga mo? Pwede mo naman akong hintayin sa labas kung nami-miss mo na „ko, hindi „yung papasok ka pa rito.” umiiyak na saad ko.
“Next time, don‟t run away so I don‟t have to come after you.” mahinang sagot niya.
Napakagat ako sa labi ko at saka tumango. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hilain at yakapin. Dahan-dahan kong iniangat ang kamay ko at sinuklian ang pagyakap na ginawa niya. Napayuko ako sa balikat niya at doon ipinagpatuloy ang aking pag-iyak.
“I hope you know that I hate you.” umiiyak na saad ko.
Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin at saka niya isinandal ang ulo niya sa balikat ko.
“The feeling is mutual.” bulong niya.