noveltoon logo noveltoon
By the way, his name is Jack Frost

Chapter 13

Ch. 13 / 47 Feb 05, 2022

Hindi ko ma-explain ang reaksyong meron si Jasmine nang makita niya ako. Itinago ko ang kamay kong kumakaway at awkward na ngumiti sa kanya. Inis siyang tumingin sa gangster na ngayon ay nakatalikod na sa kanya at nakaharap na sa akin.

“Until when, Jack? Until when are you going to push me away? Until when are you going to tell everybody that this girl is your girlfriend? I know you very well, Jack. When will you stop?”

Hindi umimik ang gangster sa tanong niya. Umasta itong tila walang narinig at saka lumapit sa akin. Nagulat ako nang bigla niya akong hablutin sa wrist ko.

“Let‟s go.” utos niya at saka ako hinila paalis ng kama pero agad ko naman siyang pinigilan.

“Teka lang! Masakit!” angal ko nang maramdaman ko ang pagkirot sa aking paa.

“You‟ve sprained your ankle?” kunot noong tanong niya habang nakatingin sa paa kong may benda.

Awkward akong tumingin kay Jasmine na masamang nakatingin sa akin. “Ako kasi „yung nakabanggaan niya. Nahulog kami parehas sa hagdan.” naiilang na sagot ko.

Akala ko ay makakatanggap ako ng mura o kahit anong salita mula sa kanya pero laking gulat ko nang bigla na lang niya akong binuhat.

“A-Anong ginagawa mo?” hindi makapaniwalang tanong ko.

Hindi siya umimik at sa halip ay nagsimula nang maglakad palabas ng clinic. Ngunit bago pa man kami makalabas ay biglang nagsalita si Jasmine.

“Until when, Jack? Until when are you going to do this to me? Until when are you going to hurt me?”

Saglit na natigilan ang gangster. Sa palagay ko‟y kahit nakatalikod siya kay Jasmine ay alam niyang umiiyak ito. Tiningnan ko si Cursing Machine, mariin itong nakapikit bago ko naramdamang muli siyang humakbang. I know he‟s trying to hold back.

“Why are you doing this?” tanong ko habang patuloy siya sa paglalakad habang buhat-buhat pa rin ako. Hindi siya sumagot at sa halip ay ipinagpatuloy lang ang paglalakad palabas ng clinic.

“I don‟t understand why you are doing this.” pangungulit ko dahil gulong-gulo na rin ako sa mga nangyayari. Saglit siyang huminto sa paglalakad at tiningnan ako.

“You don‟t have to understand me. I don‟t need you to understand me, so shut up.” sagot niya at saka ipinagpatuloy ang paglalakad. Hindi ko alam kung bakit tila isang matalim na bagay ang mga salitang binitiwan niya at pakiramdam ko, nasugatan ako.

Pagkalabas namin ng clinic ay nagulat ako nang napakaraming tao ang naabutan namin na nag-aabang sa labas. Halos sabay-sabay silang napanganga nang makita akong buhat-buhat ni Jack.

“Huy! Akala ko ba‟y si Jasmine ang pinuntahan niya?”

“„Di ba si Jasmine ang nahulog sa hagdan?”

“Siya ata „yung babaeng kasama ni Jasmine na nahulog rin sa hagdan!”

“E „di ibig sabihin, siya „yung pinuntahan ni Frosty, hindi si Jasmine?”

“So totoong sila ni Summer at hindi lang siya ginagamit ni Jack para tigilan siya ni Cherry at pagselosin si Jasmine?”

“Kung sina Jasmine at Summer ang nasa loob, ibig sabihin, si Summer ang pinili ni Snowman over Jasmine?!”

“Grabe, hindi ako makapaniwala!”

Napairap na lang ako. Ang mga tao talaga, tuwang-tuwang pag-usapan ang buhay ng ibang tao. Nang sulyapan ko ang gangster ay wala pa rin akong mabakas na emosyon sa kanyang mukha. Nang makalayo na kami sa mga tao at wala nang katao-tao sa paligid ay bigla na lang niya akong binitiwan.

Dahil sa sakit na dulot ng napilay kong paa at dahil na rin sa biglaan niyang pagbitaw sa akin ay hindi ko nagawang kontrolin ang balanse ko kaya natumba ako sa sahig. Galit akong tumingin sa kanya dahil sa ginawa niyang iyon pero agad na napakunot ang noo ko nang lagpasan lang niya ako basta-basta na animo‟y hindi niya nakita ang nangyare sa akin.

“Wow! Pagkatapos mo akong gamitin para saktan ang Jasmine na iyon ay itatapon mo na lang ako dito?” hindi makapaniwalang tanong ko.

Saglit siyang natigilan sa pag-alis. Hirap na hirap akong tumayo at nanatiling naiinis na nakatingin sa likuran niya. “Hindi ko inakala na ganyan pala kasahol ang ugali mo. Gosh, gangster! How dare you!” sigaw ko.

Dahan-dahan siyang humarap sa akin at malamig akong tiningnan.

“Hindi ka pa ba nagsasawa sa pagpapahirap na ginagawa mo sa akin? Una pisikal… At ngayon naman ay emosyonal na sakit. Bakit, Jack Frost? Why are you doing these things to me?!”

Naramdaman ko na lang ang mainit na luha sa pisngi ko. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit nagagalit ako o nasasaktan ngayon. Marahil ay hindi ko matanggap na nagawa niya akong itapon na lang ng ganito.

“Because I am Jack Frost, remember? You also said that my middle name is nuisance, Summer. Why are you even asking? You shouldn‟t be surprised at all.”

Natawa ako ng pilit sa naging sagot niya. Wow. Ibang klase.

“Then maybe you should stop pestering me from now on. Ayoko nang magkaroon pa ng kahit anong ugnayan sa isang taong kagaya mo. Consider this as a goodbye.” saad ko na agad na nagpakunot sa noo niya.

“What are you even mad about?” kunot noong tanong niya.

Frustrated akong napasabunot sa sarili ko. “Sa totoo lang? Hindi ko nga alam eh. Hindi ko alam kung bakit nagagalit ako at nasasaktan ngayon. O marahil dahil sa mga bagay na pinakita mo sa akin. I almost believed that you‟re not that bad at all. Na may natitira pang kabutihan dyan sa puso mo. I assumed that you‟re far from what I thought you were. Unfortunately, I was wrong. I‟m always wrong.”

Unti-unting nawala ang kunot sa noo niya. Napabuntong hininga ako bago ipinagpatuloy ang pagsasalita.

“But I had that hope, Jack, a small, glowing hope. I had that hope that you will turn out to be different. Na ako ang mali rito. Na masyado lang kitang hinuhusgahan. I had that hope, Jack, but now I‟ve lost it…and I‟m really disappointed.”

Pinilit kong umalis sa harapan niya kahit na sobrang sakit ng paa ko. Habang siya naman ay nanatili lang nakatingin at pinapanuod ang pag-alis ko. Hindi ko inakala na magkakalakas loob akong sabihin sa kanya ang mga iyon. Ugh! I hate him!

Kinaumagahan ay minabuti kong hindi na lang muna pumasok at manatili na lang na nagkukulong sa loob ng kwarto ko upang iwasan na rin ang mga tanong nina Mama kung saan ko nakuha ang pilay ko. Hindi sila nagsawa sa kakakatok sa kwarto ko hanggang sa matapos na ang tanghalian.

Naramdaman ko ang pagkulo ng tiyan ko bandang alas-dos ng hapon. Doon lang ako lumabas ng kwarto at pagkababa ko sa sala ay nagulat ako nang maabutan ko roon ang hindi ko inaasahang bisita.

“Summer.” tawag niya sa akin. Napatayo siya nang makita ako. Kaagad na bumaba ang tingin niya sa paa kong nababalutan ng benda.

“S-Storm.”

Nagulat ako nang bigla na lang siyang lumapit sa akin at naupo sa harapan ko. Tiningnan niya ang paa ko at animo ay sinusuri kung malala ba ito.

“Anong nangyari sa‟yo?” tanong niya na puno ng pag-aalala. Tumayo siya at pinagmasdan nang maigi ang mukha ko. “Pasensya na kung nagpunta ako dito nang walang pasabi. Nag-alala kasi ako sa‟yo nang hindi ka pumasok. Buong umaga kitang hinintay kaya nung lunch break na, hindi na lang din ako pumasok at pinuntahan na kita rito.” pagpapaliwanag niya.

Napangiti ako dahil sa ipinapakita niya. Naalala ko tuloy „yung mga narinig ko sa clinic. Storm is a good guy. A total opposite of that cursing machine. Hindi ko maramdaman na ang mga ipinapakita niya sa akin ay pawang kasinungalingan o trip lang. He‟s really a good friend. At marahil ay iyon ang ibig niyang sabihin sa „I like you‟ niya. Maybe he only likes me as a friend and nothing beyond that. It‟s a good thing na hindi ako nag-assume kaya hindi ako nakakaramdam ng disappointment. Hindi tulad ng sa Snowman na „yun!

“Iyan nga rin ang kahapon ko pang tinatanong sa kanya, kung napaano ba iyang paa niya. Hindi naman niya sinasabi sa akin.” singit ni Mama.

Tumingin ako kay Storm at kunot noo niya akong tiningnan. Mukhang nahulaan niya kaagad na hindi alam ni Mama ang tunay na nangyayari sa akin sa Tan Siu.

Humarap ako kay Mama at binigyan siya ng weak na ngiti. “Ma? Pwede bang pumunta ulit kami ni Storm sa plaza?”

Kaagad na naglaho ang ngiting meron sa mukha niya. Alam kong medyo kabastusan ang ginagawa ko na instead na sa bahay kami mag-stay ng bisita ko ay mas ginugusto ko pa na sa labas na lang kami nag-uusap. Gusto ko lang maging maingat. Ayoko lang na may marinig sila tungkol sa totoong nangyayare sa akin sa school, na wala naman talaga akong kaibigan doon at ang totoo ay binubully ako ng mga kamag-aral ko.

“Sigurado ka bang ayos ka lang?” tanong sa akin ni Storm habang naglalakad kami papuntang plaza.

Hindi ko ipinapahalata sa kanya na nahihirapan ako at nasasaktang ilakad ang paa ko. “Ayos lang ako.” sagot ko sa kanya. Katulad noong nakaraan ay naupo ulit kami sa may swing.

“Malapit na kitang maging idol, Summer. Bakit ba ang bait mo?”

Tiningnan ko muna siya ng seryoso bago nginitian. “Siguro ay dahil maayos at maganda ang pagpapalaki sa akin ng Mama ko.”

“Nakakainggit. Wala na kasi akong Mama.” saad niya.

Nagulat ako sa aking narinig. “What do you mean?” gulat na tanong ko.

“Dalawang taon na siyang patay.” sagot niya habang nakangiti nang malungkot.

“Ah… Parehas pala tayong namatayan. Ako naman „yung Papa ko.” kwento ko. Kumunot kaagad ang noo niya nang marinig ang sinabi ko. “Step father ko „yung kasama namin sa bahay.” Dagdag ko dahil alam kong iyon ang nasa isip niya. “Anim na taon nang patay ang Papa ko. Simula nung namatay siya, lumipat kami nina Mama rito sa Manila at sa paglipat namin dito, doon nagsimula ang pambubully sa akin.”

Hindi makapaniwalang tiningnan niya ako bago siya nagsalita. “Ibig sabihin anim na taon ka nang nabubully? Grabe! Buti kinakaya mo?”

Nagulat siya nang may mga luhang nag-uunahang tumulo sa pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong naiyak. Sa loob ng anim na taon, ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan. Sa loob ng anim na taon, ngayon lang ako nagkaroon ng taong masasabihan ng mga hinanakit ko. Ganito pala „yung pakiramdam na may nalalabasan ka ng sakit ng loob.

“Hindi ko kinakaya, Storm. Tao rin ako, may damdamin. Pagod na ako sa pananakit nila sa akin. Pagod na „ko sa kakapigil at pagmamakaawa na tigilan na nila ang pananakit sa akin. Hindi ko kinakaya, Storm. Hindi.”

Hindi ako humihikbi pero patuloy lang ang pag-agos ng luha sa magkabilang pisngi ko.

“Sa loob ng anim na taon, walang ibang tao na nagtanong sa akin kung ayos lang ba ako. Walang ibang tao na nag-alala para sa akin. Walang ibang taong nagpakita na they care for me. Then you came, and you have no idea how grateful I am.”

Ngumiti siya at pinunasan ang basang pisngi ko. “Likewise, Summer. I‟m thankful dahil hinayaan mong ipakita at sabihin sa akin ang nararamdaman mo. I‟m thankful dahil hinahayaan mo „kong icomfort ka ngayon. God, Summer. You look perfect even when you‟re crying.”

Mahina ko siyang hinampas sa braso. “Bwisit! Nag-e-emote ako eh,” reklamo ko.

Tumawa siya nang malakas at nagulat ako nang bigla niya „kong yakapin.

“But whatever happens, Summer, nandito lang ako para sa‟yo.”

Ngumiti ako at niyakap din siya. “Thank you, Storm.”

❄ ❄ ❄

Matapos akong i-comfort ni Storm ay aalis na sana kami sa park upang ihatid na niya ako pauwi pero natigilan kami sa paglalakad nang may mga lalaking humarang sa daraanan namin.

“What a coincidence. Look who‟s here.” saad ng lalaking may pulang buhok na sa pagkakatanda ko ay Israel ang pangalan. Of course hindi ko siya makakalimutan. Salamat sa kulay ng buhok niya at madali ko siyang matandaan.

“What are you guys doing here?” tanong ni Storm sa kanila.

Lumapit silang lima sa amin.

“We‟re here because of Snowman.” Sagot ng lalaking kulay ginto ang buhok.

Snowman. Ugh. Kailan ba ako tatantanan ng espiritu ng lalaking iyon? Hanggang dito ba naman?

“We can‟t find him so we called him and he said he‟s here.”

Ano raw? Nandito siya? Sa dami naman ng lugar sa Pilipinas, bakit dito pa?! Bago pa man makasagot si Storm ay isang malamig na aura ang agad na bumalot sa amin dahilan upang marecognize ko na nasa likuran lang namin ang lalaking tinutukoy nila.

“There you are.” saad ng lalaking brown ang buhok habang nakatingin sa likuran namin.

Naramdaman ko ang pagkilos sa likuran ko at paglapit niya lalo. Lumagpas siya sa gilid ko at lumapit sa kanila. Nakatalikod siya sa pwesto namin ni Storm habang nakaharap sa mga kaibigan niyang iba-iba ang kulay ng buhok.

“What do you need?” malamig na tanong niya sa mga ito.

“Let‟s go have fun. Let‟s go to our hideout.” Sagot ng lalaking kulay pink ang buhok.

Hindi umimik ang gangster pero nagsimula na siyang maglakad paalis. Susunod na sana silang magkakaibigan sa kanya pero saglit na tumigil ang lalaking itim ang buhok at lumapit sa amin. Base sa aking judging criteria, siya ang pinakamatino sa kanilang lahat.

“Hindi ka ba sasama, Storm?” tanong niya.

“Can‟t you see? I‟m with Summer.”

Inilipat niya ang tingin sa akin at ibinalik ang tingin kay Storm. “You can bring her with us. Jack?” Lumingon siya sa likuran niya kung saan nauna nang naglakad ang gangster na iyon. Huminto ito pero nanatiling nakatalikod sa amin.

“Can we bring this annoying girl to our hideout?” tanong niya. Wow. Annoying girl?

“What?! Are you crazy, man?” tutol ng lalaking may pulang buhok. I bet he really abhors me. Tch!

“We can‟t, Justine. That‟s our hideout. We can‟t just bring anybody inside.” tutol din ng lalaking may gintong buhok.

“I guess she‟s not just anybody. Am I right, Frost?” tila may gustong ipahiwatig na sagot ng lalaking itim ang buhok.

Natahimik silang lahat at napatingin sa likuran ng gangster na iyon at inabangan ang magiging sagot niya. Matagal na katahimikan ang namayani bago siya tuluyang sumagot.

“Perhaps yes.” matipid na sagot niya at saka tuluyang umalis.

“See?” saad ng lalaking itim ang buhok na akala mo ay nanalo sa isang argument.

Sinimulan na nilang lumakad pasunod sa gangster na iyon at iniwan kami ni Storm. Tiningnan ko si Storm na kasalukuyang nakatingin sa likuran nila.

“Hindi ako sasama. You can go with them, Storm.” saad ko.

Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. “No. Samahan mo „ko, Summer.” Nakangiting saad niya.

Sa kabila ng pagtanggi ko kay Storm na sumama ay namalayan ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa isa sa mga couch ng lugar na sinasabi nilang „hideout‟. Maingay ang lugar dahil sa lakas ng mga kantang pinapatugtog ng lalaking may gintong buhok. Nalaman ko na ang pangalan niya ay Andrew.

Ang lalaking may brown na buhok naman ay si Drake. Iyong lalaki namang may pink na buhok ay nagngangalang Samuel, at si Justine naman iyong may itim na buhok. Napatingin ako sa lalaking may kulay pulang buhok na nakaupo sa tapat ko. Ang pangalan niya ang hinding hindi ko pinakamalilimutan sa kanilang magkakaibigan dahil sa ginawa niya sa akin noon. Israel.

Inikot ko ang tingin sa lugar. Malayo ang itsura nito sa lugar na inaasahan ko. Akala ko‟y isa itong lugar na may mga hostage na duguan at pinapahirapan pero guess what? Isa itong klase ng lugar na may malaking flat screen na t.v, dalawang malaking speaker, dvds and dvd player, and oh, xbox.

May isang mataas na lamesa sa kabilang parte na katulad ng nakikita ko sa mga bar. Nakaupo doon ang gangster habang umiinom ng alak. Pagdating namin kanina ay umiinom na siya at ngayon, nakalimang bote na siya. Hindi ko intensyon na pansinin siya pero nakakaagaw kasi ng atensyon ang malamig na presensya niya.

Kahit na simula pagdating namin ay hindi na siya nagsasalita, nagawa pa rin niyang makuha ang atensyon ko. Hindi niya kinakausap ang miski na sino sa amin at umiinom lang siya mag-isa ng tahimik. Sa palagay ko ay naapektuhan ang mga kaibigan niya sa kilos niyang iyon dahil miski sila ay tahimik lang din.

Tiningnan ko si Storm na nasa tabi ko. Tahimik lang siyang nakatulala at nakatingin sa sahig. I thought they came here for fun?

“Ngayon lang ata ulit tayo nagkaganito. What‟s with the weird atmosphere?” tanong ni Samuel, lalaking kulay pink ang buhok.

Nagkatinginan silang lahat maliban kay Storm at ang gangster na iyon. Tila may sarili silang mundo. Tila may alitan na nagaganap sa pagitan nila.

“Dahil ba „to sa pagkakahulog ni Jasmine sa hagdan?”

Napatingin ako sa lalaking may brown na buhok, si Drake, nang itanong niya iyon.

“How is she, by the way? Nang magpunta ako sa clinic ay wala na siya doon.” tanong naman ni Justine.

Naging tahimik muli ang buong lugar nang walang sumagot. Woah. I can‟t believe that Jasmine can make this kind of atmosphere even when she‟s not here.

“She broke her ankle but she‟s fine.” Napatingin silang lahat kay Storm nang sumagot siya.

“That‟s good to hear. So pinuntahan mo pala siya?” sagot ni Andrew sa kanya.

“Yes. She kept on pushing me away but I will always be there for her. Hindi kagaya ng mga taong nangangako na kapag kailangan ay nandyan lang, pero wala naman talaga.”

Sabay-sabay kaming napatingin sa direksyon ni Cursing Machine nang padabog niyang ibinagsak ang bote sa lamesa. Tumayo siya at kinuha ang jacket niya na nakapatong sa lamesa at saka siya naglakad palabas ng hideout. Wait, is he leaving?

Napatayo silang lahat nang bigla na lang sumugod sa kanya si Storm bago siya tuluyang makaalis. Hinawakan ni Storm ang kwelyo niya at itinulak siya pasandal sa dingding.

“Now what, Jack? Guilty ka? „Di ba totoo naman? Magaling ka lang sa salita pero walang dapat asahan sa‟yo dahil hanggang salita ka lang!”

Kaagad silang nagtakbuhan papalapit sa dalawa at pilit silang pinaghihiwalay at inaawat pero mukhang matindi ang galit na nararamdaman ni Storm kay Jack. Hindi ko alam kung anong dapat i-react dahil sa gulat. Hindi ako makapaniwalang may nakakatakot din palang side si Storm. I forgot that he‟s a gangster too.

“Let me go.” maiksi pero puno ng awtoridad na utos ni Jack.

Imbes na bitiwan siya ni Storm ay mas itinulak pa siya nito sa may dingding. “Why Frost? What the f*ck is wrong with you?! Saktan mo na „ko, pero „wag si Jasmine!”

Napanganga ako sa aking nasasaksihan. Wow. That Jasmine must be celebrating now. These two boys are fighting over her. Just wow.

“Ano pa bang dapat mangyari sa kanya bago mo paluwangin „yang kakitiran ng utak mo ha, Jack? Hindi ka man lang nag-alala matapos mong malaman na nabalian ng buto ang pinakamamahal mo? Anong klaseng pagmamahal ba meron ka?!”

Nanatiling walang pagbabago ang ekspresyon ni Jack. Pinakamamahal?

“Stop wasting your time with me, Storm. Why don‟t you just go and waste your time worshipping Jasmine like she‟s some kind of saint? Stop expecting me to follow her like a dog. Go ahead and comfort her „cause you‟re the best at it. You‟re the best at comforting pathetic people, and I‟m not sick as you are.”

Napanganga ako sa aking narinig. He really has a talent in insulting people!

“Will you stop it, men? Magkakawatak-watak na naman ba tayo dahil sa away niyo?” pigil ni Israel sa kanilang dalawa pero balewala naman ang dalawa.

“She needs you, Jack! Can‟t you see? I gave her up already „cause she needs you!” sigaw ni Storm.

Mukhang tuluyan nang naubusan ng pasensya si Jack at hinablot na rin si Storm sa may kwelyo.

“Don‟t you get it, Storm? I‟m already over her. Hindi ako ang klase ng tao na pumapatol sa babaeng pinagsawaan na ng best friend ko.” gigil na saad niya.

Mas lalo akong napanganga sa aking narinig. Akmang susuntukin na ni Storm si Jack pero agad akong napasigaw.

“Stop!” pagpigil ko na nagpatigil naman sa kanya. “H-He went to see her.” nanginginig na saad ko.

Unti-unting nawala ang kunot sa noo ni Storm. Hindi ko alam kung tama ang ginagawa kong pakikisawsaw sa nangyayari but I think it‟s Storm‟s right to know that Jack isn‟t that terrible. I don‟t know kung bakit hinahayaan ni Jack na isipin ni Storm na wala na siyang pakialam kay Jasmine pero hindi ko kayang panuorin na masira ang friendship nila dahil nakikita mismo ng mga mata ko kung gaano kaganda ang samahan nilang pito.

“Anong sabi mo? Pumunta siya kay Jasmine?” tanong ni Justine.

Dahan-dahan akong tumango at tiningnan si Jack na halatang naiinis at masamang nakatingin sa akin.

“I was there. Ako „yung dahilan kung bakit nabalian ng buto si Jasmine. Kasalanan ko kung bakit nahulog kaming dalawa sa hagdan that‟s why kasama niya ako noon sa clinic. I was there when you came, Storm. And after you left, Jack appeared.” kinakabahang kwento ko.

Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ni Storm sa kwelyo ni Jack. “You visited her?” tila nasasaktan at hindi makapaniwalang tanong ni Storm. Inis na itinulak siya ni Jack at saka galit na tumingin sa akin.

“You nosy b*tch.” saad niya at dali-daling lumapit sa akin at kinaladkad ako palabas ng naturang lugar.

Gusto ko siyang pigilan dahil sa sakit ng napilay kong paa pero hindi ko iyon ginawa dahil I somehow think I deserve it. Nang makalabas na kami ay huminto siya sa tapat ng kotse niya at galit niya akong iniharap sa kanya.

“What the f*ck?” hindi makapaniwalang tanong niya na tila hindi rin siya makapaniwala sa nangyari. “Why do you have to tell him, Summer?! Bakit hindi ka na lang nanahimik?! Bakit kailangan mo pang makisali?!” galit na sigaw niya.

“I was just trying to help.” natatakot na sagot ko.

“Help? Did someone ask for your f*cking help?! Why do you keep meddling with somebody else‟s business?!”

Napalunok ako sa ginawa niyang pagsigaw sa akin. “Then I‟m sorry! I‟m sorry kung nakisali ako! I‟m sorry kung ginusto ko na i-save „yung friendship niyo. „Cause honestly, Jack? I think it‟s pathetic to let a precious friendship end just for a girl.”

Unti-unting nawala ang kunot sa noo niya. Nagpakawala ako ng malalim na paghinga at saka ngumiti ng pilit sa kanya.

“I‟m sorry that I involved myself. It‟s not like I wanted that. Simula nung lumipat ako sa Tan Siu, mas lalong gumulo „yung buhay ko. First day ko pa lang, may larawan na akong kumakalat sa school at isa na akong wanted. Sino ba namang tao ang gusto nun, „di ba? So wag mong isipin na ginusto kong makisawsaw sa inyo, Jack Frost. I just tried to save your friendship. But then, I was called b*tch in return.”

Iniwas niya ang tingin niya at saka huminga ng malalim. Kahit na hindi siya nakatingin sa akin, sinubukan ko pa ring ngumiti sa kanya.

“Is there any way that I can get out of this mess? Ayoko na ring makisawsaw pa sa gulong meron kayo. Gusto ko na ring matahimik. Ayoko rin ang mga nangyayare sa akin. Pakiramdam ko bawat araw na lumilipas na kasama ko kayo, mas lalong gumugulo „yung buhay ko. Is there any way, Jack Frost?”

Hindi siya umimik at nanatili lang na nakatingin sa gilid ko. Napabuntong hininga ako at nagpasya nang umalis.

“Gabi na. Baka hinahanap na ako nina Mama.” paalam ko at saka ko siya tinalikuran.

Hirap na hirap kong inihakbang ang mga paa ko paalis pero nagulat ako nang hablutin niya ang braso ko at muli akong iniharap sa kanya. Gulat kong iniangat ang aking paningin sa kanya.

“I have bad news for you, Summer. There‟s no way.” saad niya.

Napatitig ako sa kanya habang seryoso siyang nakatingin sa mga mata ko.

“I won‟t let you get away. I can‟t let you. You‟re a puzzle I can‟t solve, Summer. There‟s no way I will let you go. I just can‟t, not now.”