“Anong itsura ng kapatid mo?” tanong ni Storm habang hawak-hawak ako sa magkabilang balikat ko dahil marahil kung hindi niya gagawin iyon ay matutumba ako.
“H-He‟s—” Hindi ko magawang i-describe ang itsura kapatid ko dahil hindi ko magawang makapag-isip ng tama dahil sa takot at pag-aalala na nararamdaman ko.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at iniharap ng maigi ang mukha ko sa kanya. “Summer, you need to breathe. You need to calm down.” Utos niya.
Ipinikit ko ang mga mata ko habang pauli-ulit na humihinga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Nang bahagyang kalmado na ako ay saka lang ulit ako tinanong ni Storm.
“Now tell me, anong itsura ng kapatid mo?”
“He‟s... He‟s white. He has a fair white complexion. Yung buhok niya... Medyo mahaba. Lagpas pa sa tainga niya. Kamukha ko siya. He‟s.... God, he‟s innocent.” Hysterical na saad ko habang may umaagos na mainit na luha sa magkabilang pisngi ko.
“Dito ka lang. Wag kang mag-alala, hahanapin ko siya.” Utos ni Storm at hindi na niya ako hinintay pang sumagot at tumakbo na siya kaagad palayo.
Frustrated akong napahawak sa ulo ko at muling inikot ang tingin sa paligid. Kahit na hirap na hirap akong kontrolin ang sarili kong mga paa dahil sa panginginig ng mga ito ay lumakad pa rin ako at lumapit sa mga batang naglalaro hindi kalayuan sa akin.
Tiningnan ko sila isa-isa at nagbakasakaling isa sa kanila ang kapatid ko pero nabigo ako. Mas lalo akong naiyak pero agad akong natigil nang makita ko na si Storm na tumatakbo papalapit sa akin.
“W-What, Storm? Did you see him? Where is he? Is he okay?” sunod-sunod na tanong ko pagkalapit niya.
Hinawakan niya „ko sa magkabilang balikat ko at saka napayuko. “I‟m sorry, Summer, but I can‟t find him.” Malungkot na balita niya.
Napakagat ako sa labi ko at kaagad na napahikbi. Napatakip ako sa mukha ko at doon tuluyang napahagulgol. God, please. Ako na lang huwag na si Sam. He‟s too young for this. Hindi ko alam kung anong magagawa ko sa sarili ko kapag may nangyareng masama sa kanya dahil sa kagagawan ko.
“Mas makakabuti siguro kung irereport natin „to sa police.” Desperadang suhesyon ko.
“Summer...” tawag niya sa akin na tila sinasabi na rin niya sa aking hindi iyon magandang idea. “Kapag ginawa mo iyon, you‟ll make things worse. Mas lalong mapapahamak ang kapatid mo.”
“Then tell me what do I need to do?! I need to keep Sam safe, Storm. He‟s the only one I have!”
Napapikit ako ng mariin at kasabay ng pagpikit ko ay ang pagtulo ng mga luha ko. How can...How can someone do this horrible thing?
“Ate!”
Agad nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses ng kapatid ko. Inikot ko ang tingin sa paligid at hinanap kung saan nanggaling ang boses niya. Hindi ako makapaniwalang napatakip sa bibig ko nang makita ko siya na masayang tumatakbo papalapit sa akin habang may hawak-hawak na ice cream. Mabilis akong tumakbo papunta sa kanya at sinalubong siya ng yakap na napakahigpit.
“God, Sam!” saad ko at saka isinubsob ang mukha ko sa pisngi niya. “Saan ka ba nagpunta?! Hindi mo alam kung gaano ako nag-aalala sa‟yo.” Umiiyak na tanong ko.
“Ate, ang corny mo naman! May nanlibre lang sa akin ng ice cream.” Naiinis na sagot niya.
Bago ko pa man siya matanong kung sino ang sinasabi niyang nanlibre sa kanya ng ice cream ay natigilan na ako nang makitang may isang tao ang tahimik na nakatayo sa likuran niya. Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko at bumilis ng husto ang tibok ng puso ko nang makita kung sino ang taong nasa likod ng kapatid ko.
“J-Jack.” Tawag ko sa pangalan niya. Dahan-dahan akong umayos ng tayo habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Siya ba ang nanlibre ng ice cream kay Sam?
Seryoso niya akong tiningnan at saka inilipat ang tingin kay Storm na nakatayo sa likuran ko. Ibinulsa niya ang magkabila niyang kamay at saka muling ibinalik ang tingin sa kapatid kong nakatayo sa harapan niya.
“It‟s already late. You two should go home.” Malamig na utos niya bago ibinalik ang tingin sa akin.
Tiningnan ko ang kapatid ko na nakatingala sa akin habang dinidilaan ang ice cream niya. Napabuntong hininga ako habang tinitingnan siya na ligtas at walang galos na nakatayo sa harapan ko.
“Tara na, Sam. Baka kanina pa tayo hinahanap nila Mama.” Saad ko at saka siya hinawakan sa kamay at siniguradong hindi ko siya mabibitawan.
Muli kong ibinalik ang tingin kay Jack. “Salamat.” pagpapasalamat ko kahit na wala pa namang kumpirmasyon na siya nga ang kasama ng kapatid ko.
Nagsimula na akong humakbang upang umuwi na kasama si Sam. Kumilos rin si Storm na balak sanang ihatid kaming dalawa pero natigilan siya nang tawagin ni Jack ang pangalan niya.
“Storm.” ika nito. Hindi ko gusto ang tono ng boses niya. Kanina ko pa ito napapansin. Masyadong malamig ang pagsasalita niya.
Miski na si Storm lang naman ang tinawag niya ay huminto rin ako sa pag-alis at tinignan siya.
“You and I need to talk.” Seryosong saad niya kay Storm.
Agad kong nilingon si Storm nang marinig ang sinabi ni Jack. Halata sa itsura niya na bahagya siyang nagulat sa sinabi ni Jack.
Saglit na inilipat ni Storm ang tingin sa akin at napakamot sa ulo niya. “Uhmmm mauna ka na, Summer. Susunod na lang ako sa bahay nyo mamaya.” Tila nahihiyang paalam niya.
Dahan-dahan akong tumango bago nagtatakang inilipat ang tingin kay Jack. Ano naman kaya ang dapat nilang pag-usapan?
“Oh, sige, mauuna na kami.” Paalam ko at saka sinimulang lumakad paalis kasama si Sam.
“Anong dapat nating pag-usapan?” mabilis na tanong ni Storm kay Jack pagkalayo namin ni Sam.
“Stop seeing Summer from now on.”
Saglit akong natigilan sa pag-alis dahil sa narinig.
“What?” halatang gulat na tanong ni Storm.
“I hate seeing you with her.” Sagot ni Jack.
Hindi ako makapaniwalang napanganga sa naging sagot ni Jack.
“Are you out of your mind? Kaibigan ako ni Summer. Wala kang karapatang pigilan ako.” Mabilis na pagprotesta ni Storm.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Jack bago siya sumagot.
“As her boyfriend, I have the license to forbid you.”
Hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko paalis. Alam kong hindi tama ang makinig sa usapan nila pero gusto kong marinig ang mga susunod na sasabihin nila.
“As her boyfriend? Until when are you going to use that? Seriously, Jack, ano bang problema mo?!”
Isa muling mahabang katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa bago sumagot sa kanya si Jack. Gusto kong lumingon sa kanilang dalawa pero hindi ko magawa. Para akong napako sa kinatatayuan ko.
“Look at yourself, Storm. You‟re already falling for her, and I‟m just making precautions.”
F-Falling?
Hindi ko alam kung hindi ba nila napapansin na hindi pa ako nakakaalis at naririnig ko ang usapan nila, o sadyang hinahayaan lang talaga nila akong marinig s
“How sure are you that I‟m falling for her?” tanong ni Storm na tila maging siya ay hindi sigurado sa sarili niya.
“If you‟re not, then stay away from Summer. I don‟t wanna fight with you over the same thing again.”
Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong hindi sila lingunin. Nauunawaan ko kung ano ang pinaguusapan nila pero hindi ko maintindihan kung bakit ako naguguluhan. Kunot noong nakatingin si Storm kay Jack habang si Jack naman ay kalmado lang na nakatitig sa kanya.
“Fight over the same thing again? Are you serious? You never fought for your love with Jasmine. So anong sinasabi mong fight over the same thing again, ha? You never fought, Jack. So wala kang karapatang sabihin ang katagang fight over the same thing again.”
Jasmine. So it‟s all about Jasmine again. Hanggang kailan ba ako makukumpara sa kanya? Napa-iling na lang ako at saka sinimulang maglakad paalis kasama ang kapatid ko.
Habang naglalakad ay pinapanuod ko lang ang kapatid kong ubusin ang ice cream niya. Malapit-lapit na rin kami sa bahay nang bigla akong huminto sa paglalakad kaya napahinto rin siya. Nagtataka siyang tumingala sa akin at nagulat na lang siya nang bigla ko siyang niyakap.
“I‟m sorry, Sam. I‟ll be a better ate, I promise.” Bulong ko.
“Ugh! Ate, ano ba! Nakakadiri ka.” reklamo niya at pilit akong tinutulak palayo. Napangiti ako at humiwalay sa kanya. Ginulo ko ang buhok niya at kinurot siya sa pisngi.
“Huwag mo na akong pag-aalalahanin ng ganoon ha?”
Ngumuso siya at masamang tumingin sa akin. “Alam mo, ang weird nyo parehas ng lalaking iyon. Sinabi niya rin sa akin na nag-aalala ka. Ano bang nangyayare sa‟yo?” naiinis na saad niya.
“Sinabi niya „yun?” tanong ko.
“Oo. Saka sinabi pa niya na girlfriend ka niya at nilibre niya ako ng ice cream para huwag daw kitang isumbong kela Mama.” Nakangusong saad niya.
“S-Sinabi niyang girlfriend niya „ko?” gulat na tanong ko.
“Oo sinabi niya pero huwag kang mag-alala dahil hindi ko naman pinaniwalaan. Sino namang tao ang papatol sa katulad mo, „di ba? Kahit siguro hindi mo ako kapatid ay hindi ako magkakagusto sa‟yo.” saad niya at saka agad na tumakbo palayo.
“Hoy! Anong sinabi mo?! Ikaw bata ka!” sigaw ko at saka hinabol siya.
Ilang kanto na lang ang layo sa bahay namin nang takbuhan niya ako kaya nang makarating ako sa tapat ng bahay ay nauna na siyang nakapasok sa loob. Namalayan ko na lang ang sarili ko na nakangiti dahil sa paghahabulang ginawa namin ng kapatid ko. Papasok na rin sana ako sa loob pero nagulat ako nang biglang may humablot sa braso ko at iniharap ako sa direksyon niya.
Sa pagharap ko ay isang malalamig na tingin ang sumalubong sa akin. Si Jack. Hindi ko malaman ang dapat ireact ko habang hawak-hawak niya ang braso ko at seryoso siyang nakatitig sa akin.
“A-Ano ba? Anong kailangan mo?” naiilang na tanong ko. Iniwas ko ang tingin ko nang hindi ko makayanan ang makipagtitigan sa kanya.
Dahan-dahang lumuwang ang pagkakakapit niya sa akin at unti-unti ay binitiwan niya rin ako.
“I...” panimula niya at saka napabuntong hininga. “I‟m just making sure you‟re home… safe.” Saad niya.
Napatitig ako sa mga mata niyang seryosong nakatingin sa akin. Nakipagtitigan ako nang matagal sa kanya hanggang sa siya na rin mismo ang unang nagbawi ng tingin.
“It‟s already dark. Get inside.” Utos niya habang nakatingin sa gilid ko.
Mabagal akong tumango at saka dahan-dahan siyang tinalikuran pero agad ko rin naman siyang hinarap ulit. Nagtataka niya akong tiningnan dahil sa ginawa ko pero binigyan ko lang siya ng isang pilit na ngiti.
“I...” Saad ko at saka nagpakawala ng malalim na hininga. “Don‟t want to be a part of your life anymore.”
Unti-unting nagbago ang ekspresyon niya dahil sa sinabi ko at saka kunot noo akong tiningnan.
“I...” Napayuko ako at napangiti ng pilit. “Don‟t want to be your proclaimed girlfriend anymore.”
Iniwas niya ang tingin niya at inis na napakagat sa labi niya.
“I...”
“Summer..” Pigil niya sa akin.
“Don‟t want to be your Jasmine the second anymore.”
Nagpakawala siya ng malalim na paghinga at saka dahan-dahan akong tiningnan.
“I want to be Summer Pascua.”
Seryoso niya akong tinitigan at nanatiling walang imik. Tinitigan niya ako sa mga mata na tila binabasa niya kung ano ang nasa isip ko. Napabuntong hininga na lang siya makalipas ang ilang sandali at saka dahan-dahang tumango. “Okay.” Malamig na sagot niya at saka dahan-dahan akong tinalikuran.
Pinanuod ko siyang mabagal na inihakbang ang mga paa niya palayo sa akin. Namalayan ko na lang na may kung anong tumulo sa magkabilang pisngi ko habang pinapanuod siyang naglalakad paalis. Natawa ako ng pilit nang tuluyan na siyang makaalis at hindi ko na makita pa. Bakit ganito? Bakit parang ako pa „tong nasasaktan gayong ako naman ang gustong lumayo?