“Summer, ayos ka lang ba?” Tanong ni Mama nang mapansin na tila wala na akong ganang kumain pagkatapos kong lumabas at makipag-usap sa kaklase kong sinabi kong hiniraman lang ako ng notebook.
Tiningnan ko si Mama at binigyan ko siya ng pekeng ngiti. “Masama lang po siguro ang pakiramdam ko. Mauna na po muna ako sa kwarto ko.” Paalam ko at saka tumayo.
Ramdam ko na lahat sila ay nakatingin sa akin habang naglalakad ako papalabas ng kusina at bitbit-bitbit ang isang basong tubig. Inis akong napakagat sa labi ko nang hindi ko magawang itago sa kanila ang pagkatamlay ko matapos makipag-usap kay Storm. Pakiramdam ko tuloy ay binigyan ko na naman sila ng panibagong aalalahanin.
Nang makarating ako sa kwarto ko ay kaagad kong nabitiwan ang basong dala-dala ko nang makita ang isang lalaki na nakatayo sa may tapat ng bintana ng kwarto ko. Nakaramdam ako ng takot sa dibdib at maging ang katawan ko ay kaagad na nanginig.
Dahil hindi ko pa nagagawang buksan ang ilaw ay hindi ko maaninag ang mukha niya dahil sa dilim at hindi ko makilala kung sino siya. Tatangkain ko sanang tumakbo papalabas ng kwarto ko pero laking gulat ko nang makarating kaagad siya sa harapan ko at itinulak niya ako pasandal sa pintuan.
“Summer?! Ano iyong kalabog na narinig ko?!” Sigaw ni Mama na sa tantya ko ay nasa may hagdanan lang.
Sisigaw sana ako para humingi ng tulong pero tinakpan ng lalaki ang bibig ko. Nagulat na lang ako nang ang isang kamay niya ay ipinulupot niya sa bewang ko at ang noo naman niya ay isinandal niya sa noo ko.
“It‟s me.” Bulong niya.
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses niya. Dahan-dahan niyang inalis ang pagkakatakip ng kamay niya sa bibig ko dahilan para halos magdikit na ang dulo ng ilong naming dalawa.
“Jack?” Hindi makapaniwalang tanong ko.
Tumango siya bilang sagot. Hindi ko magawang magreact dahil sa posisyon naming dalawa. Nagulat na lang ako nang biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
“Summer?” Boses ni Mama. “Ayos ka lang ba? Ano „yung narinig ko na kalabog?” Tanong niya.
“A-Ayos lang po ako. Nabitiwan ko lang po „yung baso at nabasag.” Sagot ko.
“Ha? Teka lang at lilinisin ko.”
“Huwag na po, Ma. Naayos ko na po.” Pagsisinungaling ko.
“Ah ganoon ba.” Malungkot na sagot niya. “Oh, sige. Tawagin mo lang ako kapag kailangan mo ng tulong, okay?”
“Opo.” Mabilis na sagot ko para umalis na siya.
Nang tuluyan na siyang makaalis ay ibinalik ko ang tingin sa gangster na nakayakap pa rin sa akin. Dahil sa dilim ay hindi ko magawang makita ang itsura niya. Sinubukan kong kapain ang switch ng ilaw sa tabi ko pero nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at pigilan sa balak gawin.
“Don‟t.” Bulong niya at saka dahan-dahang umayos ng tayo at tuluyan nang inilayo ang katawan niya sa akin.
Napakunot ang noo ko nang marinig na parang may mali sa boses niya. Sinubukan kong tingnan ang mukha niya pero wala talaga akong makita dahil sa dilim. Itinukod niya ang kamay niya sa pader na nasa likuran ko habang nananatiling nakatayo sa harapan ko. Sa palagay ko ay sobrang lapit lang ng mukha niya sa akin dahil nararamdaman ko ang paghinga niya.
Nagulat na lang ako nang bigla niyang haplusin ang mukha ko. Sa tingin ko ay nakikita niya ako dahil sa liwanag na nanggagaling sa nakabukas na bintana sa may likuran niya kung saan ay sa tingin ko siya ay nanggaling.
“A-Anong ginagawa mo rito?” Kinakabahang tanong ko.
“I‟m just making sure na wala nang magtatangkang umakyat pa rito.” Tila nahihirapang sagot niya.
“What do you mean?” Kunot noong tanong ko.
“Stop…” Nagulat ako nang bigla na lang siyang napasandal sa akin. “…asking.” Hirap na hirap na saad niya.
Iniangat ko ang kamay ko at niyakap siya‟t inalalayang tumayo.
“J-Jack.” Kinakabahang tawag ko sa kanya. “Ayos ka lang ba?”
Mas lalo akong kinabahan nang tila nawalan siya nang malay dahil sa pagsandal ng ulo niya sa balikat ko.
“J-Jack!” Mahinang tawag ko sa kanya at sinubukan siyang alugin pero wala siyang naging reaksyon.
Kinapa ko ang switch ng ilaw na nasa tabi ko at nang makapa ko iyon ay mabilis ko itong binuksan. Nang tuluyan nang mailawan ang loob ng kwarto ko ay hindi ako makapaniwalang napanganga nang makita ang napakaraming dugo sa sahig. Tiningnan ko ang mukha ni Jack at kinabahan ako nang makita kung gaano kaputla ang mukha niya.
“J-Jack…” Tawag ko sa kanya pero wala akong nakuhang tugon mula sa kanya. “J-Jack…” Naiiyak na tawag ko.
“Damn. I‟m not yet dead, stupid.” Nanghihinang bulong niya.
Nabuhayan ako ng loob dahil nakuha pa niyang magmura at insultuhin ako. Ibig sabihin ay ayos pa siya. Dahan-dahan ko siyang inihiga sa kama ko at kaagad akong napatakip sa bibig ko nang makita ang damit niyang napupuno ng sariwang dugo. Napatingin rin ako sa sa sarili ko at nakitang nalagyan na rin ng dugo ang damit na suot ko.
“Sandali lang. Tatawag ako ng tulo—”
Natigilan ako sa pag-alis nang hawakan niya ang kamay ko at pigilan ako.
“Don‟t leave.” Bulong niya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya at tiningnan ako. “Stay here, please.”
Tumango ako dahilan para unti-unting lumuwang ang pagkakahawak niya sa akin. Hindi rin nagtagal ay binitiwan na rin niya ako. Muli niyang ipinikit ang mga mata niya at halata sa namumutla niyang mukha na may sakit siyang iniinda.
Naupo ako sa tabi niya at tinulungan siyang alisin ang t-shirt niyang punong puno na ng dugo. Nang tuluyan na niyang nahubad ito ay bumungad sa akin ang bandage na nakabalot sa tyan niya na basang basa na ng dugo. Ibigsabihin, ang lahat ng dugong iyon ay galing sa sariwa pa niyang saksak?
Mabilis kong kinuha ang first aid kit ko at inihanda ang mga gagamitin ko para sa paggamot sa saksak niya pati na rin sa pagpalit ng dressing ng sugat niya. Inalis ko ang puno na ng dugo na bandage at saka nilinisan ang sugat niya gamit ang maaligamgam na tubig na nilagay ko sa maliit na planggana na kinuha ko sa banyo ng kwarto ko.
Gamit ang maliit na kulay puting twalya ay pinunasan ko ang palibot ng sugat niya upang linisan at alisin ang nagkalat na dugo. Pagkatapos noon ay gumamit naman ako ng betadine upang gamutin ang sugat na natamo niya mula sa pagsaksak sa kanya noong nakaraan sa Avellino.
Nang matapos ko na ang paglilinis at paggamot sa sugat niya ay nilagyan ko siya ng panibagong bandage para na rin takpan ang sugat niya at makatulong na rin sa pagpapatigil sa patuloy na pagdurugo nito.
Napangiti ako nang mapansing mapayapa na siyang natutulog. Inayos ko na ang mga ginamit ko para sa kanya at nilabhan ko kaagad ang puting twalya saka itinapon ang tubig na nahaluan na ng dugo niya sa lababo.
Pagkatapos kong maayos ang lahat ng iyon ay babalik na sana ako sa tabi niya upang bantayan siya habang natutulog pero natigilan ako nang mapatingin ako sa sahig at nakita ang mga bubog mula sa mga basong nabitiwan at nabasag ko kanina. Napakunot ang noo ko nang mapansin na napakaraming dugo ang nasa palibot nito. Mabilis kong inilipat ang tingin sa paa ni Jack at kaagad akong nanlumo nang makitang duguan ang mga paa niya.
Nilapitan ko siya at tiningnan kaagad ang paa niya kung mayroon pang bubog na naiwan. Nang makitang may naiwan pa nga ay aalisin ko na sana ito gamit ang kamay ko pero nagulat ako nang may biglang humablot sa kamay ko. Gulat ko siyang tiningnan na halata pa sa mukha niya na nahihirapan siya.
“J-Jack.” Tawag ko sa kanya. “Bakit bumangon ka na kaagad?”
Binitiwan niya ang kamay ko at tiningnan ang paa niya.
“Ako na. Baka masugatan ka pa.” Nanghihinang saad niya at kaagad na sinuri ang paa niya.
Nang makita niya ang bubog na naiwan sa paa niya na nakita ko rin kanina ay dahan-dahan niya itong hinila. Matapos niyang tuluyang maalis iyon ay bumalik na siya sa pagkakahiga at hirap na hirap na pumikit. Nag-aalala kong tiningnan ang mukha niya.
“If my memory serves me right, I already have told you how rude it is to watch someone sleep.” Nakapikit na saad niya.
Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. Mukhang okay na talaga siya.
“Papatayin ko na muna ang ilaw para makatulog ka na ng tuluyan.”
Hindi siya umimik at mukhang nakabalik na ulit siya sa pagtulog. Tatayo na sana ako para patayin ang ilaw pero nabigla ako nang hilain niya ang kamay ko dahilan upang mapahiga ako sa tabi niya.
“Don‟t.” Pigil niya.
Gulat ko siyang tiningnan dahil sa ginawa niya.
“If you‟re going to turn the light off, I won‟t be able to see your beauty.” Saad niya.
Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ko habang tinitingnan ang mga mata niya. Pilit akong natawa at umasta na isang joke lang ang sinabi niya.
“You‟re kidding.” Wika ko.
Dahan-dahan siyang umiling at nagpakawala ng maliit na ngiti. “Seeing you is my favorite piece of every day, Summer.” Bulong niya.
Mabilis akong bumangon pero hawak-hawak pa rin niya ang kamay ko. “Naghihingalo ka na ba para masabi „yan? May tawag dyan eh, hallucination.” Saad ko.
Nang hindi siya sumagot ay nilingon ko siya at nakitang nakapikit na siyang muli. Balak ko sanang alisin ang kamay niyang nakahawak sa akin pero natigilan ako nang bigla ulit siyang nagsalita.
“Don‟t.” Pigil niya.
Napahinto naman ako at nilingon ulit siya upang tingnan. Paglingon ko ay sumalubong sa akin ang mukha niyang inaantok habang seryosong nakatingin sa akin. Nakakatawang isipin na nagagalit ako sa mga taong sinusunod siya…sa mga taong sinusunod ang mga utos niya. Samantalang isa lang din pala ako sa kanila. Tulad ngayon, ilang beses kong sinunod ang „Don‟t‟ niya.
“Aren‟t you going to sleep?” Mabagal at halatang nanghihinang tanong niya.
“Paano ko gagawin iyon? Nandito ka sa kwarto ko.” Sagot ko.
Nagulat ako nang dahan-dahan siyang bumangon at naupo. “T-Teka.” Pigil ko sa kanya dahil sa pagbangon niya.
Nagtataka ko siyang tiningnan nang iangat niya ang dalawang kamay niya at ipinatong iyon sa magkabilang balikat ko. Nagulat na lang ako nang dahan-dahan niya akong itinutulak at inaalalayang mahiga. Nang makahiga na ako ng tuluyan ay kinuha niya ang kumot ko at maayos iyon na ibinalot sa katawan ko.
“Sleep well.” Bulong niya at saka dahan-dahang tumayo.
“Teka, saan ka pupunta?” Nag-aalalang tanong ko.
“I‟m going home. It‟s late. Sleep.” Mabilis na sagot niya.
Tinitigan ko ang namumutla niyang mukha. Napabuntong hininga na lang ako at saka tinap ang pwesto sa tabi ko. “Sige na, matutulog na ako kahit na nandito ka. Hindi mo na kailangang umalis.” Saad ko.
Nanatili lang siyang nakatitig sa akin at halatang wala siyang balak bumalik sa tabi ko.
“Kung mananatili ka pa dyang nakatayo, mas matatagalan pa tayong makakatulog. Inaantok na ako.” Pagkukumbinsi ko sa kanya at saka humikab para mas lalo siyang mapaniwala.
Tila napilitan naman siyang naupo sa dulo ng kama ko. “Alright, I‟ll let you sleep first.” Saad niya.
“But I thought it‟s rude to watch someone sleep?” Nakangiting tanong ko.
Napangiti rin siya at saka dahan-dahang tumango. “Okay.” Sagot niya at saka lumipat sa tabi ko.
Pagkatabi niya sa akin ay seryoso niya akong tiningnan. Na-awkwardan naman ako bigla. Okay lang ba talaga na matulog ako katabi siya?
“Matutulog na ako.” Naiilang na saad ko at saka nahiga na nakatalikod sa kanya.
Ilang sandali rin ang lumipas bago ko siya naramdamang humiga na rin sa tabi ko. Namagitan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa at tila kami mga estatwa na hindi gumagalaw. Pilit kong pinapatulog ang sarili ko at pilit inaalis sa isip ko na katabi ko siya upang makatulog na „ko nang tuluyan pero napakahirap pala. Nagulat na lang ako nang bigla siyang bumangon.
“F*ck it. Look, you can‟t sleep because I‟m here.”
Aalis na sana siya sa tabi ko pero kaagad ko siyang pinigilan. “No. I can‟t sleep because the lights are on.” Pigil ko.
Unti-unti namang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. “You can‟t sleep because the lights are on, not because you don‟t want me here?” Paglilinaw niya.
Dahan-dahan akong tumango. Mabilis naman siyang napangiti sa pagtango ko.
“Then let‟s turn the lights off now.” Saad niya at agad na bumangon at lumakad papunta sa may switch.
Tiningnan ko ang paa niyang may sugat pero mukhang hindi naman siya nasasaktan habang inilalakad iyon.
“Hindi ba masakit „yang paa mo?” Tanong ko.
Saktong pagtanong ko ay ang pagpatay niya ng ilaw. Kahit na patay na ang ilaw ay makakabalik pa rin naman siya sa higaan ko ng walang problema dahil may kaunti pang liwanag ang nanggagaling sa labas.
“It hurts.” Sagot niya nang makarating na siya sa harapan ko. “But I don‟t want to make you worried.” Dagdag niya at saka nahiga pabalik sa tabi ko.
Dahan-dahan din naman akong nahiga sa tabi niya. Pilit akong umaasta ng natural upang hindi ipahalata sa kanya na naiilang ako. Tatalikod na sana ulit ako mula sa pwesto niya pero natigilan ako nang magsalita ulit siya.
“Can I ask you a favor?” Tanong niya.
Tiningnan ko naman siya at nakitang nakaharap pala siya sa pwesto ko.
“Ano naman „yun?”
“Can you promise me na hindi ka gagalaw at mananatili lang sa ganyang posisyon hanggang sa pagsikat ng araw?”
Napakunot ang noo ko. Pati ba naman sa pagtulog ay maarte pa rin siya? Tch! Inis kong ibinalik ang tingin sa kisame. “Huwag kang mag-aalala, hindi naman ako malikot matulog. Napakadali lang pagbigyan ng pabor mong iyan.” Inis na saad ko.
“So that‟s a promise then?” Tanong niya.
“Oo!” Inis na sagot ko.
Nagulat na lang ako nang bigla siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Kikilos sana ako upang itulak siya pero natigilan ako nang magsalita siya.
“You promised me.” Saad niya at wala na nga akong nagawa kundi manatili sa ganoong posisyon habang yakap-yakap niya.
What the hell? Nahulog ba ako sa patibong niya? Ugh. What a tricky gangster!