Nagising ako nang maramdaman ko ang pagsakit ng buong katawan ko. Iminulat ko ang aking mga mata at awtomatikong pumasok kaagad sa isipan ko ang mga nangyari kahapon. Inis kong itinakip ang unan sa ulo ko at hinihiling na sana hindi na lang ako nagising. Tama nga sila, the hardest thing to do is waking up in the morning remembering what you were trying so hard to forget last night.
Para akong pinapatay ng paulit-ulit tuwing pumapasok siya sa isipan ko. Napakabigat sa dibdib at halos hindi ako makahinga. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin para huwag na siyang pumasok sa isipan ko lalo na ang mga sinabi niya upang hindi ko na maramdaman pa ang sakit. Kahit gaano kasi kasakit ang bugbog na natamo ko ay nangingibabaw pa rin ang sugat na iniwan niya sa puso ko.
Hirap na hirap akong bumangon mula sa pagkakahiga at napatingin sa bintana ng kwarto ko. Napakunot ang noo ko nang mapansing bahagyang madilim ang kalangitan. Mukhang masama ang panahon at ilang sandali lang ay uulan na. Pero teka? Bakit nakabukas ang bintana ko? Sa pagkakatanda ko ay nakasara ito at hindi ko binuksan kagabi.
“Tulog pa si Summer at ayoko siyang gisingin. Mabuti pang bumalik ka na lang ulit sa ibang araw. Gusto ko munang makapagpahinga ang anak ko.”
Napatingin ako sa may pintuan nang marinig ko ang boses ni Mama habang may kausap ata sa baba.
“Hihintayin ko na lamang po siyang magising.” boses ng isang matanda at mukhang kilala ko kung sino iyon.
Nagmamadali akong bumangon at muntik na akong mapasigaw nang kaagad kong maramdaman ang pagsakit ng buong katawan ko. Tiningnan ko ang sarili ko at mas malala na ang mga pasa ko ngayon. Halos magkulay ube na ang buong katawan ko dahil sa mga pasa.
“Gaano ba kaimportante ang pakay mo kay Summer at kailangang ngayon mo pa siya makausap? Hindi mo ba alam ang lagay niya? Kailangan niyang magpahinga.” Halata na ang galit sa boses ni Mama.
Kahit na masakit ang buong katawan ko ay pinilit ko ang sarili kong maglakad palabas ng kwarto ko at bumaba sa hagdan. Kaagad namang napatayo si Mama at Papa pati na rin ang kapatid kong si Sam nang makita ako. Napatingin ako sa taong kausap nila at tama nga ang hula ko. Si Mr. Morgan nga. Napatayo rin siya at akmang lalapit sa akin upang tulungan ako pero naunahan na siya nina Mama at Papa.
“Summer, bakit bumangon ka na?! Ayos ka lang ba?” puno ng pag-aalalang tanong ni Mama pagkalapit niya sa akin.
Nagpakawala ako ng pekeng ngiti at tumango na lang sa kanya.
“Ano ka ba naman! Dapat nagpahinga ka na muna sa kwarto mo!” halatang naiiyak na saad niya at saka inalalayan ako.
“Okay na ako, Ma.” Pagsisinungaling ko at ibinalik ang tingin kay Mr. Morgan. Tumingin ako sa sofa namin umaasang may iba pa siyang kasama pero wala nang ibang tao pa ang nakaupo roon.
“Kung ang hinahanap niyo po ay si ginoong Jack Frost, paumanhin pero hindi ko po siya kasama.” biglang saad ni Mr. Morgan. And just by merely hearing his name, I felt my heart breaking into pieces all over again.
Napabuntong hininga na lang ako at ipinagpatuloy ang pagbaba ng hagdan habang akay-akay ni Mama at Papa.
“Ayoko man maging bastos pero sana ay mabilis lang ang kung ano mang sasabihin mo. Kita mo naman sa itsura ng anak ko na kailangan pa niyang magpahinga.” Saad ni Mama.
“Nauunawaan ko po.” mabilis na sagot ni Mr. Morgan at saka muling naupo.
Alam kong may galit na pinanghuhugutan si Mama kaya ganito na lamang ang trato niya kay Mr. Morgan. Wala kasi siyang ibang sinisising tao kung bakit nangyare sa akin ito kundi si Jack.
Naupo na rin ako at hinarap siya. Ano kaya ang pakay niya at ganito kaaga ay nandirito na siya?
“Una sa lahat ay nais ko munang iparating ang paghingi ni Madame President ng paumanhin sa inyo sa hindi niya pagharap ng pormal ngayon. May importante ho kasi siyang kailangang asikasuhin kung kaya‟t ako na lang ang nautusan niyang magpunta.” Panimula ni Mr. Morgan.
“Madame President?”
“Ang ina ni ginoong Jack Frost ang tinutukoy ko. Kakarating lang niya kahapon galing America at ang pakay niya talaga sa pagpunta rito ay ang makausap ka pero napakaraming sitwasyon ang biglaang kinailangan niyang asikasuhin.”
Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang mga sinabi niya. Ang ina ni Jack Frost? Hindi ba‟t ni minsan ay hindi siya umuwi sa Pilipinas kaya nga lumaki ng walang pag-aaruga si Jack? Gaano kaimportante ang pakay niya sa akin para umuwi pa siya ng personal at gustuhing makaharap ang isang tulad ko?
Bumuntong hininga muna si Mr. Morgan bago may isang envelope na ipinatong sa ibabaw ng lamesa. Nagtataka ko lang itong tiningnan at walang balak buksan.
“Ang envelope na iyan ay naglalaman ng mga papeles na tutulong sa iyong makapagsimula ng panibagong buhay.” Saad niya.
Bigla na lang naging tahimik sa loob ng bahay nang marinig ang sinabi niya.
“Anong ibig mong sabihin?” pagsingit ni Papa sa usapan.
Tumingin sa kanya si Mr. Morgan at saka sumagot. “Iniisip ni Madame President na masyadong malaking pinsala ang nagawa ni Ginoong Jack sa buhay ni Summer. Kaya upang makabawi ay nais niyang tulungan ang anak niyong si Summer na makapag-aral sa New York.”
Sabay-sabay na napasinghap ang mga magulang ko nang marinig ang sinabi niya.
“Mula plane ticket, titirhan sa New York, kakainin, at allowance sa araw-araw ay sagot na rin ni Madame President.” dagdag pa ni Mr. Morgan.
Nagkatinginan sina Mama at Papa. Alam kong magandang balita iyon para sa kanila dahil narinig ko rin silang nag-uusap kagabi tungkol sa paglipat nanaman namin ng bahay at paglipat ko ng school.
“Huwag kayong mag-alala dahil hindi naman ito pwersahan. Nasa sa inyo pa rin naman ang desisyon.” pahabol pa niya.
“What‟s the catch?” wala sa sariling tanong ko.
Pakiramdam ko kasi ay hindi lang nila iyon inoffer dahil they felt guilty and sorry towards what happened. Pakiramdam ko ay meron pang ibang dahilan.
“Walang catch, Summer. Nais lang ni Madame President na makabawi sa nagawang gulo ni Ginoong Jack sa buhay mo.”
Parang mas lalong nagpintig ang tainga ko sa sinabi ni Mr. Morgan. Nagawang gulo ni Jack sa buhay ko? Paano nila nasabing ginulo ni Jack ang buhay ko? When all this time, he‟s been protecting me from everyone.
Tumingin si Mr. Morgan sa relos niya bago ibinalik ang tingin sa amin. “Paumanhin pero ayoko nang magtagal pa dahil alam kong kailangan na ni Summer ng pahinga. Kung sakaling nakapagdesisyon na kayo, here‟s my calling card. You may contact me anytime.” Saad niya at saka ipinatong ang karampot na papel sa mesa.
Nang tumayo na siya ay tumayo na rin sina Mama at Papa upang ihatid siya sa pintuan. Pero bago pa man siya tuluyang makalabas ay tumayo ako at pinigilan siya. “Sandali lang, Mr. Morgan. Pwede ba tayong mag-usap ng tayong dalawa lang?” tanong ko.
Ngumiti siya sa akin at mabilis na tumango. Pagkatango niya ay sumunod ako sa kanya sa may pintuan at hinarap sina Mama at Papa. “Sa labas na lang kami mag-uusap. Sandali lang ako kaya huwag po kayong mabahala.” Paalam ko.
Wala namang nagawa pa sina Mama kaya‟t napatango na lang ito. “Oh, sige. Sandali ka lang ha?” bilin niya bago inilipat ang tingin kay Mr. Morgan. “Salamat ho pala. Ingat kayo sa pagmamaneho.” Paalam niya.
Sinuklian naman sila ni Mr. Morgan ng ngiti bago kami tuluyang lumabas. Pagkalabas namin ay hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at tinanong na siya kaagad.
“Talaga bang ang ina ni Jack ang may gusto noon at hindi siya?”
Bumuntong hininga muna siya at saka ngumiti. Mukhang inaasahan na ni Mr. Morgan na itatanong ko iyon. “Ang totoo niyan ay walang kaalam-alam ang ginoo tungkol dito. Inutusan ako ng kanyang ina na ilihim ito sa kanya.”
Hindi ako makapaniwalang napanganga nang marinig ang sagot niya. Hindi ko inaasahan iyon. Ang akala ko ay palabas lang niya na ang ina ni Jack ang may gusto na mag-aral ako sa New York. Ang buong akala ko ay si Jack ang may gusto noon dahil ayaw na niya akong makita pa.
“Pero bakit? I mean, napakagenerous ba talaga ng mga Frost para bigyan ako ng ganoong offer? Parang ang babaw naman na dahil lang sa akala nila ay sinira ni Jack ang buhay ko ay kaya nila ginagawa ito.” Hindi pa rin makapaniwalang saad ko.
Muling bumuntong hininga si Mr. Morgan bago ako sagutin. “Paumanhin Miss Summer pero iyon lang din ang nakikita kong dahilan kung bakit nila ginagawa ito. Nasa sa‟yo pa rin ang desisyon kung gusto mong i-grab ang opportunity na ito para makapag-aral at makapagsimula ng panibago sa ibang bansa.”
Hindi ko magawang matuwa sa ino-offer nila. Sa totoo lang ay kahit sinong sabihan mo ng ganoong bagay ay labis na matutuwa at magpapasalamat. Pero bakit hindi man lang ako makaramdam ng miski katiting na kaligayahan? Dahil ba sa malalayo ako ng tuluyan kay Jack kapag tinanggap ko ang offer ng kanyang ina?
Tuluyan nang nakaalis si Mr. Morgan habang naiwan akong naguguluhan pa rin. Bakit pakiramdam ko ay kaya nila ako binibigyan ng ganitong klaseng offer ay dahil gusto lang nila akong malayo kay Jack?
Pagkapasok ko ng bahay ay nakaupo pa rin sina Mama at Papa sa may sala at mukhang seryoso nilang pinag-uusapan ang offer ng ina ni Jack.
“Summer, sa tingin ko ay magandang oportunidad ito para sa‟yo...para makapagsimula ka ng panibagong buhay. Chance mo na ito para iwan na lang dito sa Pinas ang masasamang ala-ala at pangyayare sa buhay mo sa mga schools na pinasukan mo, anak.” Seryosong saad ni Mama.
Inaasahan ko nang sasabihin niya iyon. Nauunawaan ko na ang ikabubuti ko lang ang iniisip niya pero bakit pakiramdam ko ay napakaselfish ng desisyon na iyon?
“Paano kayo? Kakayanin niyo bang hindi ako makita ng ilang taon para lang makapagsimula ako ng panibagong buhay?” kunot noong tanong ko.
Dahan-dahang napayuko si Mama. “Ang gusto lang naman namin ay ang ikabubuti mo, Summer. Para sa‟yo lang ang iniisip namin. Nais ka lang namin magkaroon ng bagong buhay. Kakayanin naman namin ang ilang taong pagtitiis na hindi ka makita para lang sa ikagaganda ng buhay mo.”
Hindi ako makapaniwalang napanganga sa naging sagot niya. “Ang selfish naman nun.” inis na sagot ko. “Kung kayo kakayanin nyo...paano naman ako? Tingin niyo ba ay kakayanin ko rin?”
“Summer...”
“Tama na, Ma!” napasigaw na ako. “Huwag nyo naman po akong itaboy. Huwag nyo naman pong ipilit sa akin ang isang bagay na hindi ko gusto. Kung ang nag-iisang paraan lang para makapagsimula ako ng panibago ay ang mag-aral sa New York, pwes, mas gugustuhin ko na lang ang buhay ko ngayon. Mas gugustuhin ko na lang na araw-araw akong kinukutya ng mga kamag-aral ko pero kasama ko pa rin kayo. Matitikman ko pa rin ang luto nyo araw-araw...maririnig ko pa rin ang mga pang-aasar sa akin ni Sam. „Yun lang ang gusto kong buhay!”
Sunod-sunod na kumawala sa mga mata ko ang maiinit kong luha. Inis ko iyong pinunsan ang mga ito at saka ako nagmamadaling tumakbo palabas ng bahay.
“Summer, sandali!” sigaw ni Mama pero hindi ako lumingon at imbes ay mas binilisan ko pa ang pagtakbo kahit napakasakit ng buong katawan ko.
Habang tumatakbo ay natigilan ako nang bigla na lang bumuhos ang napakalakas na ulan. Dapat ay tumakbo na ako sa lugar na may masisilungan ako pero tila may mga sariling utak ang mga paa ko at nanatili lang sa kinatatayuan ko. Mabilis na nabasa ang buong katawan ko dahil sa lakas ng ulan.
Narealize ko na lang na ito ang eksaktong lugar na kinatatayuan ko noon nang unang beses kong makita si Jack. Unti-unting bumalik sa ala-ala ko ang mala-anghel niyang mukha habang natutulog. Sinong mag-aakala na ang isang Jack Frost na isang cursing machine ay minsang inakala kong isang anghel?
Tumingala ako at tiningnan ang madilim na kalangitan na patuloy na nagbubuhos ng malakas na ulan.
“I love summer.”
Unti-unti akong parang tanga na napangiti nang maalala ang mga sinabi niya sa akin noon.
“Summer is a beautiful season, and so are you.”
Tuluyan na lang akong napahagulgol. All these times, he‟s always been there for me. Pero masyado akong naging bulag para hindi makita iyon. Lahat ay ginawa niya para lang maprotektahan ang isang gaya ko pero lahat din ay ginawa ko para lang maitaboy siya palayo. At ngayon...tuluyan na siyang sumuko. Ang tanga-tanga ko pala talaga.
Namalayan ko na lang ang sarili kong tumatakbo papunta sa mansion nila na pinuntahan namin ni Storm. Kailangan ko siyang makausap. Kailangan ko siyang makita. Ngayon sigurado na ako. Kailangan ko siya. Kailangan ko siya sa buhay ko.
Wala pa ring tigil ang malakas na buhos ng ulan nang makarating ako sa tapat ng mansion nila Jack. Pero hindi tulad ng pagpunta namin ni Storm noong nakaraan na walang katao-tao ay ngayo‟y napupuno ng napakaraming tao ang tapat ng gate nila. Napakarami ring sasakyan ang hindi maayos na nakaparada at tila nag-uunahang dumating ang mga ito rito.
Napakunot ang noo ko nang mapansin ang dalawang pang-pulis na sasakyan nakaparada rin sa tapat ng gate nila. Doon ko lang napansin na ang mga tao palang nag-aabang sa tapat ng gate nila ay mga reporters mula sa iba‟t-ibang network company. May kanya-kanya silang hawak na mic at may mga kasama pa silang mga cameraman. Hindi nila alintana ang napakalakas na ulan at tila desperado silang lahat na makakuha ng maibabalita sa buong Pilipinas.
Naguguluhan akong lumapit sa kanila at nakisali sa pagsisiksikan nila. Napaka-ingay nila at wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi nila. Napakabusy nila at parang ang balitang maihahatid nila sa masa ay isang napakaimportante at hindi dapat palagpasin.
Napatingin ako sa gate nang unti-unting magbukas ito. Kaagad namang nagkagulo ang mga reporters at nag-uunahang lumapit sa may gate na bumukas. Sunod-sunod na flash ng camera ang sumalubong sa mga taong papalabas ng gate at hindi ako makapaniwalang natigilan sa kinatatayuan ko nang makita kung sino ang papalabas.
Kahit na wala pa ring tigil ang malakas na buhos ng ulan at basang basa na ang buong katawan ko ay pakiramdam ko pa rin ay tila nabuhusan ako ng napakalamig na tubig nang makita ko si Jack na hawak-hawak ng dalawang pulis habang nakaposas ang kanyang mga kamay sa likuran niya.
Tila bigla na lang naging slowmo ang paligid habang pinapanuod ko siyang nakayuko at mabagal na naglalakad patungo sa sasakyan ng mga pulis. Anong ibig sabihin nito? Anong nangyayari?
Unti-unting nadudurog ang puso ko habang pinagmamasdan siyang pinagpyepyestahan ng mga reporters at kinukunan siya ng napakaraming litrato habang nakaposas at hawak-hawak ng mga pulis.
Pilit kong hinahakbang ang mga paa ko papalapit sa kanya pero hindi ko magawang makalapit dahil napakaraming reporters ang nakaharang sa harapan ko at pilit siyang tinatanong ng mga bagay na hindi ko maintindihan.
Pakiramdam ko ay bigla na lang huminto sa pag-ikot ang mundo nang saglit niyang iangat ang mukha niya at nagtama ang tingin naming dalawa. Saglit siyang natigilan sa paglalakad nang makita ako. Katulad ko ay basang basa rin ang buong katawan niya dahil sa malakas na buhos ng ulan.
Parang bigla na lang nanlabo ang paligid ko at tanging siya lang ang natitirang malinaw na nakikita ko. Maging ang ingay ng mga reporters ay hindi ko na marinig at ang tanging naririnig ko na lang ay ang malakas na pagbuhos ng ulan.
May mali sa mga tingin niya. Napakalamig nito at halos matalo pa nito ang lamig na dulot ng malakas na ulan. Sa paraan ng pagtingin niya ay pinaparamdam niya sa akin na ayaw niya akong makita. Napakabigat sa pakiramdam nang unti-unti niyang iiwas ang tingin niya. At sa paghihiwalay ng tingin naming dalawa ay naging malinaw at maingay na ulit ang paligid.
“J-Jack...” nanginginig na tawag ko sa pangalan niya pero alam kong hindi naman niya iyon maririnig. At kung marinig man niya ay alam kong hindi na niya ako muling titingnan pa.
Naramdaman ko na lang ang sunod-sunod na pagtulo ng mainit na likido sa magkabilang pisngi ko habang pinapanuod siyang dahan-dahang isinasakay sa sasakyan.
“Jack!” desperadang tawag ko sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit ko siya tinatawag. Hindi ko alam kung bakit nagpupumilit akong magsumiksik sa mga reporters para mas makalapit sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan...hindi ko na alam.
Nang tuluyan nang umandar ang sasakyan ng pulis kung saan nakasakay si Jack ay agad-agad namang nagsisakayan ang mga reporters sa kani-kanilang mga sasakyan at agad nagsunuran sa kung saan man dadalhin si Jack.
Sa ilang sandali ay mabilis akong naiwang nakatayo sa tapat ng mansion nila habang patuloy pa rin sa pagbuhos ng malakas ang ulan. Kahit na napakalamig ay hindi ko iyon maramdaman. Pakiramdam ko ay namanhid na ang buong katawan ko dahil sa pisikal at emosyonal na pagdurusang nararanasan ko.
Nagulat na lang ako nang muling magbukas ang gate ng mansion nila at lumabas roon ang isang itim na sasakyan. Nang mapansin kong makakaharang ako sa daraanan nito ay mabilis akong tumabi pero nagtaka ako nang imbes na magdire-diretso ang kotse paalis ay huminto ito sa tapat ko.
Dahan-dahang bumaba ang salamin ng bintana at bumungad sa akin ang may katandaan ng mukha ni Mr. Morgan.
“Summer.” bungad niya sa akin.
Dali-dali niyang binuksan ang pintuan ng sasakyan na paraan na rin niya ng pagsasabi na sumakay ako. Hindi na ako nagdalawang isip pa at kaagad na sumakay.
“Ano hong ginagawa niyo rito sa kasagsagan ng ulan?” tanong niya at mabilis na hinubad ang itim na coat na suot-suot niya at iniabot sa akin.
Kinuha ko naman iyon at isinuot. “A-Anong nangyayare? N-Nakita ko si Jack...” hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin ko.
“Sadly, imbes na maging biktima ay naging isa rin siya sa mga nakasuhan sa gang war na kinasangkutan ninyo.”
“Ibig sabihin...makukulong din siya?” kinakabahang tanong ko.
“Kaya ako pupunta roon ngayon. Upang mailabas siya. Ako ang magiging lawyer niya sa kaso.”
“Pwede ho ba akong sumama sa inyo? Gusto kong masiguradong okay lang siya.”
Ngumiti si Mr. Morgan at saka tumango. “Wala akong karapatang humindi.” Sagot niya at saka sinimulang paandarin ang sasakyan.
Inilipat ko ang tingin ko sa labas at pinanuod ang malakas na buhos ng ulan. Unti-unti ay nagbalik sa ala-ala ko ang paraan ng pagtingin ni Jack sa akin kanina. Talaga bang...sumusuko na siya?
Nang tuluyan na kaming makarating sa prisinto ay iniwan muna ako ni Mr. Morgan sa may waiting area upang asikasuhin ang kaso ni Jack at pansamantalang pyansahan ito. Hindi ako mapakali habang hinihintay ang pagbabalik ni Mr. Morgan. Ilang oras ang lumipas at halos mabali na ang leeg ko sa paulit-ulit na pagtingin sa orasan na nakasabit sa may dingding.
“Narito ang nagbabagang balita natin para sa araw na ito. Ang nag-iisang tagapagmana ng Frost enterprise na si Jack Daryl Frost o mas kilala bilang Jack Frost ay dinampot mismo sa kanilang mansion matapos masangkot sa isang napakabrutal na gang war kahapon.
Ayon sa impormasyon na nakalap ay dahil sa nangyareng gulo ay agad na umuwi sa bansa ang kanyang inang si President Florencia Anne Frost na siyang presidente ng kanilang kumpanya. Para sa kaalaman ng lahat, ang Frost enterprise ay isa sa sampung itinala ng forbes na World‟s Most Innovative Company.
Malaki ang kuntribyusyon ng kanilang kumpanya sa pag-unlad ng ekonomiya ng ating bansa at dahil sa pangyayareng ito ay nangangamba ang karamihan dahil sa maaring maging epekto nito.”
Hindi ako makapaniwalang napatulala sa tv na umaandar sa harapan ko. Hindi ko inakala na isa ang pamilya ni Jack sa tumutulong sa pag-unlad ng Pilipinas. Iyon pala ang dahilan kung bakit napakaraming reporters kanina. Alam din kaya nila Storm ang tungkol sa bagay na iyon? Pero nabanggit niya sa akin minsan na kahit kailan ay hindi nila napag-usapan ang pamilya ni Jack.
Mag-a-alas-dose na ng madaling araw nang tuluyan na akong balikan ni Mr. Morgan sa waiting area. Kaagad akong napatayo at mabilis siyang sinalubong.
“Mr. Morgan, kamusta po siya?” puno ng pag-aalalang tanong ko.
Imbes na sagutin ako ay tumingin siya sa gilid niya. Nagtataka naman din akong tumingin sa kung saan siya tumingin at agad na bumilis ang tibok ng puso ko nang makita si Jack. Nagkatinginan kaming dalawa at katulad kanina ay ganoon pa rin ang paraan ng pagtingin niya sa akin.
Kahit na masakit ang paraan ng pagtingin niya ay umasta pa rin akong parang walang kakaiba at ngumiti ako sa kanya
“Jack...” mahinang tawag ko sa kanya.
“Hey.” tila hindi interasadong bati niya.
“A-Ayos ka na ba?” naiilang na tanong ko. Pakiramdam ko ay nakikipag-usap ako sa isang taong kakakilala ko pa lang.
“Yes.” Tipid na sagot niya.
Tumango-tango ako at saka ngumiti ng pilit. “Mabuti naman kung ganon. Nagugutom ka ba? Balita ko hindi daw masarap ang pagkain nila sa...kulungan. Gusto mong kumain muna?”
Halos magcrack ang boses ko nang banggitin ko ang salitang kulungan sa harapan niya. Pakiramdam ko ay natapakan ang pagkatao niya ngayon dahil hinuli siya ng mga pulis sa mismong mansion nila at napakaraming reporters pa ang kumuha ng larawan niya. At marahil ngayon ay labis niyang sinisisi ang sarili niya dahil dahil sa kanya ay nasangkot sa kahihiyan ang pamilya niya.
“I don‟t want to eat and I want to go home and sleep.” Mabilis na pagtanggi niya sa alok ko.
Kahit na alam kong napipilitan lang siyang kausapin ako ay pinilit ko pa ring ngumiti at magmukhang masaya sa harapan niya. “Ah, ganun ba. Hehe.”
Napabuntong hininga siya at inalis ang tingin sa akin. “It‟s already late, Summer. Go home. You look like a mess.”
Pakiramdam ko ay sinaksak niya ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Mukhang ayaw na niyang makipagplastikan pa sa akin at tuluyan na niya akong tinataboy. Napayuko na lang ako. Bakit kasi ang kulit ko eh halata namang naiirita na siyang kausapin ako at masyado na siyang nakukulitan sa akin.
Hindi na siya nagsalita pa at sinimulan na niyang humakbang paalis. Naiwan akong nanatiling nakatayo at nakaharap kung saan siya nakatayo kanina. Masakit. Wala akong ibang maramdaman kundi ang masaktan sa trato niya. Pero anong magagawa ko? Kasalanan ko kaya humantong kami sa ganito.
Matagal akong nanatili sa kinatatayuan ko hanggang sa napagpasyahan kong habulin siyang muli. Hindi ko siya susukuan katulad ng hindi niya pagsuko sa akin noon.
Mabilis akong tumakbo papunta sa parking lot kung saan pinark ni Mr. Morgan ang kotse niya kanina. Pagdating ko doon ay naabutan ko pa siyang nakatayo sa tapat ng isang itim na sasakyan. Alam kong hindi iyon ang sasakyan ni Mr. Morgan dahil malayong mas maganda at mukhang mas mamahalin ang itim na kotseng ito ngayon.
Unti-unting bumukas ang pintuan ng mamahaling sasakyan at may isang babae doon ang lumabas. Halata sa itsura at suot nito na may mataas na katungkulan ito sa buhay at kagalang-galang. Teka, hindi kaya siya ang ina ni Jack?
Tiningnan ko si Jack at nakayuko lang siya habang kinakausap ang may katandaang babae. Nagulat na lang ako nang malakas siyang sampalin ng babae. Dahil sa pagkagulat ko ay hindi ko sinasadyang mapasigaw sa nasaksihan kung kaya‟t kaagad kong naagaw ang atensyon nila. Parehas silang napatingin sa akin at mabilis ko namang tinakpan ang bibig ko.
Inis na napakagat sa labi niya si Jack nang makita ako habang ang babae namang sumampal sa kanya ay matagal muna akong tinignan bago siya halatang galit na sumakay sa sasakyan. Pagkasakay nito ay mabilis na umandar ang sasakyan at umalis.
Nang tuluyan nang makaalis ang sasakyan ay dahan-dahan akong lumapit kay Jack. Pagkalapit ko ay nanatili siyang nakatulala sa sahig at halatang walang balak pansinin ako. Nakita kong namumula ang pisngi niya dahil sa lakas ng pagkakasampal sa kanya. Nagtangka akong hawakan siya pero kaagad niyang tinabig ang kamay ko.
Inis niya akong tiningnan habang nakakunot ang noo niya. “I said go home, right? What the f*ck are you still doing here?” galit na tanong niya.
Bahagya akong napaatras dahil sa paraan ng pagtingin at pagsasalita niya.
“J-Jack...” natatakot na tawag ko sa kanya.
“What, Summer? Hindi pa ba malinaw sa‟yo ang mga sinabi ko kahapon?” tila nanggigigil na tanong niya.
“Ganun na lang, Jack? Susuko ka na lang ng ganun-ganun lang?” naiiyak na tanong ko.
Saglit siyang natawa ng pilit nang marinig ang sinabi ko. “Ganun-ganun na lang? What the f*ck? Ganun-ganun na lang?” tila nainsultong tanong niya. “Sabagay, you don‟t f*cking know what I‟ve been through kaya ganun-ganun lang „yun para sa‟yo.”
Napatulala ako sa mukha niya nang may isa-isang luha ang nag-uunahang pumatak sa magkabilang pisngi niya.
“I gave you my all but I was so stupid to think you‟d fall for me too.”
Namalayan ko na lang na umiiyak na rin pala ako habang pinagmamasdan siyang nasasaktan.
“I f*cking broke every damn rule for you, Summer. What I get in return? You chose to break this,” dahan-dahan niyang iniangat ang kamay niya at saka malakas na hinampas ang dibdib niya. “You f*cking chose to break my heart.”
Patuloy lang sa pagpatak ang luha naming dalawa at heto ako, wala akong ibang magawa kundi ang tumayo lang sa harapan niya at tanggapin lahat ng masasakit na salita mula sa kanya.
“And now what? Ano pang ginagawa mo dito? Ano pa bang kailangan mo sa akin? Hindi pa ba sapat lahat ng sakit na binigay mo sa akin?”
Tuluyan na akong napahikbi. “I‟m so sorry. Hindi ko intensyon na saktan ka. Hindi ko ginustong masaktan ka.”
Sarkastik siyang natawa sa sagot ko. “Ako din,” sagot niya. “Hindi ko din intesyon at ginustong mapamahal sa‟yo. But look, I still fell for you...so damn hard.”
“But what if I tell you, I feel the same? That all this time, mahal din pala kita?” tanong ko.
Napatitig siya ng matagal sa akin at saka dahan-dahang umiling. “You don‟t hurt the people you love, Summer.” Puno ng pait na sagot niya.
Napapikit ako ng mariin at napayuko. “Then why are you hurting me?” luhaang tanong ko sa kanya.
“If I am hurting you then I am sorry. But I can‟t let myself keep on loving the person who keeps me alive and kills me at the same time, Summer.”
And his words finally hit me. Tuluyan na akong nawalan pa ng maisasagot sa kanya. Tuluyan na akong nawalan ng pag-asa na maayos pa namin ang kung ano man ang mayroon kaming dalawa.
Matagal na namayani ang katahimikan sa pagitan naming hanggang sa may isang sasakyan ang huminto sa tabi namin...sasakyan ni Mr. Morgan. Ito na ang hudyat na aalis na siya. At alam kong sa sandaling pagsakay niya sa sasakyan ay hindi ko na siya makikita pang muli.
Tiningnan muna ako ni Jack ng matagal bago siya unti-unting lumakad papalapit sa sasakyan pero natigilan siya nang magsalita muli ako.
“May gustong magpaaral sa akin sa New York.” Saad ko.
Dahan-dahan siyang humarap sa akin at halata sa mukha niya ang pagkabigla.
“Doon na ako titira. Hindi ko alam kung ilang taon ako roon at kung makakabalik pa ba ako dito sa Pilipinas.”
Matagal siyang natulala sa mukha ko bago niya tuluyang iniwas ang mukha niya. “Why are you telling me this?” tanong niya.
“Kung talagang sumusuko ka na...kung talagang pagod ka na,” saglit akong huminto at huminga ng malalim. “Then tell me to go.”
Napatitig siya ng matagal sa akin habang ako naman ay pilit na pinipigilang tumulo ang nangingilid na luha sa sulok ng mga mata ko. Matagal kaming nanatiling nakatitig sa isa‟t-isa bago niya dahan-dahang iniwas ang tingin niya. At ginawa niyang iyon...alam ko na ang pasya niya. Napakagat ako sa labi ko at dahan-dahang napatango na para bang pinapaalam na rin sa kanya na alam ko na kung ano ang sasabihin niya.
Napayuko siya at iniwas ang mukha niya. “I am sorry, Summer.”
Ngumiti ako sa kanya pero hindi ko na nakaya pang pigilan ang mga luha ko na kanina pa nagbabadya sa pagpatak. Tuluyan na silang kumawala at nag-uunahang umagos.
Dahan-dahan siyang tumalikod sa akin bago mabagal na inihakbang ang mga paa niya patungo sa sasakyan. Pinanuod ko siyang sumakay na hindi manlang lumilingon sa akin. Umandar na ang sasakyan at wala akong ibang nagawa kundi ang pagmasdan itong unti-unting nawawala sa paningin ko.
Tuluyan na siyang nawala at hindi ko man lang nasabi sa kanya ng diretso na...mahal ko rin siya.
❄ ❄ ❄
Napakatahimik sa loob ng kotse na kasalukuyang minamaneho ni Morgan. Nakasanayan naman na niya noon pa na hindi talaga pala-imik si Jack sa tuwing nasa byahe sila dahil marami itong iniisip pero iba ang sitwasyon ngayon. Napakabigat ng athmosphere sa loob ng sasakyan at pakiramdam niya ay nararamdaman din niya ang bigat na dinadala ng binata.
“Paumanhin kung pinangunahan kita at sinama si Ms. Summer sa presinto. Gusto ko lang na makita mo rin siya kahit sa huling sandali.” Pagbasag ni Morgan sa katahimikan.
“Do you think she will be fine without me?” mahinang tanong niya.
“The question is, will you be fine without her?” pagbabalik tanong ni Morgan sa kanya.
Napabuntong hininga ang binata at may kinuhang maliit na kahon sa bulsa niya. Dahan-dahan niyang binuksan ang kahon at kaagad na kuminang ang dyamanteng nakalagay sa singsing nang tamaan ito ng liwanag mula sa street lights na nadadaanan nila.
Napapikit siya ng mariin bago muling isinara ang kahon.
“I was not able to say goodbye to her,” mahinang bulong niya bago dahan-dahan niyang binuksan ang bintana ng sasakyan. “And I was not able to tell her that I love her for the last time.”
Muli siyang napabuntong hininga bago dahan-dahang inilabas ang kamay niyang may hawak-hawak na maliit na kahon. Unti-unti ay binitawan niya ang kahon at hinayaan itong malaglag sa kalsada.