noveltoon logo noveltoon
By the way, his name is Jack Frost

Chapter 16

Ch. 16 / 47 Feb 05, 2022

Tulad nga ng sinabi ni Jasmine ay nagkaroon ako ng bagong tyansa na mamuhay ng tahimik dahil mapayapa ang Avellino High kumpara sa mga paaralan na dati kong pinasukan. Kahit na isa akong transferee, wala akong nahuli ni isang estudyante na nakatingin sa akin. Walang pumapansin sa akin at tila may sari-sariling mundo ang lahat…Isang bagay na matagal ko nang ipinagdarasal na mangyari sa akin.

Sa dalawang subject na lumipas ay wala akong napansin na masama sa kanila. Para akong nasa catholic school at lahat ng estudyante ay required na maging mabait. Nang break na namin ay naiwan lang akong mag-isa sa loob ng classroom dahil ang lahat ay nagsilabasan.

Sanay naman akong magpalipat-lipat ng school pero tila ngayon ay hindi na ako sanay. Hinahanap-hanap ko ang kakulitan ni Storm. Kung kailan naman nagkaroon na ako ng maituturing na mabuting kaibigan, saka pa nawala.

Makalipas ng ilang sandaling pag-iisa, lumabas din ako ng classroom upang libutin at obserbahan ang bagong paaralan na nilipatan ko. Kulay brown ang uniporme namin at halos katulad lang din ng sa Tan Siu at tanging ang kulay lamang ang ipinagkaiba.

Hindi mo aakalain na masyado palang malawak ang Avellino High dahil hindi ito ganoong kalaki kung titingnan sa labas. Yun nga lang, wala itong soccer field „di tulad ng sa Tan Siu. Hindi tulad sa mga dating paaralan na nilipatan ko noon, ngayon lamang ako mapayapang nakakapag-ikot ng school. Bukod kasi sa walang nambu-bully sa akin rito, wala ring katao-tao na siya namang ipinagtaka ko.

Walang kaalam-alam ang mga magulang ko na lumipat na ako ng paaralan. Ang buong akala nila, ang unipormeng suot-suot ko ngayon ay isa sa mga uniporme ng Tan Siu. Nakaka-guilty man pero kuntento na ako sa paaralang nalipatan ko ngayon. Ayoko na rin bigyan pa sila ng alalahanin kapag sinabi kong lumipat ako dahil ang buong akala nila ay maganda ang sitwasyon ko sa Tan Siu.

Hindi ko namalayan na ang tinatahak ko na palang lugar ay papuntang cafeteria. Pakiramdam ko, sa sobrang laki ng school na ito ay madalas akong maliligaw. Dahil sa cafeteria na rin naman ako papunta, napagdesisyunan ko na lang na bumili ng makakain para na rin makita kung ano ang itsura nito sa loob.

Pagpasok ko sa loob ay ingay ng mga estudyante ang sumalubong sa akin. Napangiti ako nang wala ni isa ang nakapansin sa aking pumasok. Lahat ay may kani-kaniyang pinag-uusapan. Nang makabili ako ng tinapay at juice na makakain ay naupo ako sa isang bakanteng upuan kung saan hindi masyadong matao. Nakakatuwang isipin na pwede rin pala akong maging normal na estudyante.

“Sigurado kang taga-Tan Siu iyon?”

Isusubo ko na sana ang tinapay na binili ko nang marinig ko iyon mula sa mesa sa bandang likuran ko.

“Hinaan mo ang boses mo. Baka may makarinig sa‟yo. Alam mo namang ipinagbabawal ang pangalan ng paaralan na „yun dito,” bulong ng kasama niya.

Gusto kong lumingon upang makita sila pero naunahan ako ng takot. Sa paraan ng pag-uusap nila, tila isang malaking kasalanan sa paaralang ito ang pagbabanggit ng pangalan ng dati kong paaralan. Mukhang totoo nga ang mga sinabi ng Jasmine na iyon kahapon.

Napatingin ako sa babaeng nasa katabing lamesa ko nang padabog itong tumayo at galit na lumakad papunta sa may likuran ko.

“Narinig ko ang pinag-uusapan niyo.” galit na puna niya.

Bigla na lamang naging malamig ang aura sa paligid. Natahimik ang mga estudyante na kanina ay may kani-kaniyang usapan at lahat ay itinuon ang atensyon sa bandang likuran ko. Kahit wala sa akin ang atensyon nila, pakiramdam ko‟y sa akin pa rin sila nakatingin dahil nasa likuran ko lang ang mga taong tinitingnan nila. Gusto ko ring lumingon upang tingnan ang nangyayari pero hindi ko magawa dahil sa takot.

“Alam mo namang ipinagbabawal ang pagbanggit ng kahit anong bagay na may kaugnayan sa paaralan na „yun, „di ba?”

Napatingin sa akin ang ibang estudyanteng malapit sa akin nang makita nilang nanginginig kong nabitiwan ang tinapay na isusubo ko na sana kanina. Iniiwas ko ang tingin ko sa kanila at nanatiling nakayuko.

“Pasensya na. Hindi naman namin intensyon na banggitin iyon pero totoo ang sinasabi ko. May nakapasok na taga-Tan Siu rit—”

Nanlaki ang mga mata ko nang makarinig ng isang malakas na sampal. Hindi ako makapaniwalang napaharap sa aking likuran. Nakita ko ang isang babaeng nakahawak sa pisngi niya at kasalukuyang may dugo sa labi.

“At talagang inulit mo pa?” tanong ng babaeng sa tingin kong siyang sumampal sa kanya.

Napatingin ako sa paligid nang isa-isa silang naglapitan sa dalawang babae. Nagulat na lang ako nang pagbabatuhin nila ito ng kung anu-anong pagkain na kanina‟y kinakain nila. May isa pang babae ang lumapit sa kanila habang may bitbit na plato at talagang napanganga ako nang ibuhos niya sa dalawang babae ang spaghetti na laman ng plato niya.

Napalunok ako sa pangyayaring nasasaksihan ko. Hindi ako makapaniwala na kasing sahol lang din pala sila ng mga taga-Tan Siu. Ang buong akala ko ay isa na itong langit. Ang hindi ko lang maunawaan ay kung bakit ganoon na lang ang reaksyon ng lahat? Kung bakit ganoon na lamang kung kamuhian nila ang Tan Siu? Na ang sabihin lang ang pangalan ng dating paaralan na pinapasukan ko ay tila maituturing nang napakalaking kasalanan.

“Sandali lang. Ang sabi niya ay may nakapasok raw dito mula sa basurang school na „yun. Anong ibig sabihin nun?”

Kaagad akong nanigas sa kinauupuan ko. Tila binuhusan ako ng malamig na tubig. Napatingin sa akin ang mga estudyante nang bigla na lang akong tumayo. Nanginginig akong lumakad palabas ng cafeteria habang halos lahat ng mga mata ay nakatuon sa akin. Alam kong isang katangahan ang tumayo at umalis sa gitna ng nagaganap na gulong iyon pero nais kong takasan ang anumang masamang bagay na maaaring mangyari sa akin kung mananatili pa ako roon.

Iyon nga lang babaeng binanggit ang Tan Siu, grabe na ang natamo, paano pa kaya ako na galing sa eskwelahang iyon? Buong akala ko ay mamumuhay na ako ng normal sa lugar na ito na malayo sa gulo at takot pero nagkamali na naman ako. Hanggang kailan ba ako magiging ganito? Hanggang kailan pa ba ako mamumuhay ng ganito? Sawang sawa na ako. Gusto ko rin ng normal na buhay.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa isang tagong parte ng paaralan. Inikot ko ang aking paningin sa paligid at napansin kong mukhang walang katao-tao. Talaga bang kakaunti lang ang mga estudyante sa paaralanng ito? Simula kanina nang magsimula akong mag-ikot-ikot, iilang estudyante pa lang ang nakikita ko.

“Hindi pwede ang sino mang estudyante rito.”

Muntik na kong mapatalon sa gulat nang isang lalaki ang tumalon mula sa puno na nasa tabi ko lang.

“Pasensya na. Hindi ko kasi alam.” kinakabahang saad ko at aalis na sana pero laking gulat ko nang hablutin niya ang braso ko at pwersado akong iniharap sa kanya.

“Ikaw pala „yun.” saad niya.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko.

“A-Anong ibig mong sabihin?” kinakabahang tanong ko.

Hindi niya ako inimikan. Imbis na sagutin ang tanong ko, sinuklian lang niya ako ng nakakalokong ngiti. Binitiwan niya ang braso ko at saka ibinulsa ang kanyang mga kamay.

“Makikita ulit kita mamaya. Yun nga lang, hindi na ako magiging mabait sa‟yo.” banta niya habang seryosong nakatitig sa mga mata ko.

Bigla na lang akong nakaramdam ng takot sa dibdib ko. Ngayon lang ako nakakita ng mga matang tulad ng sa kanya. Napakaamo ng mukhang meron siya pero napakamapanganib ng mga mata niya. Napaatras ako palayo sa kanya at bigla na lang nanginig ang mga tuhod ko.

Mas lalong lumawak ang ngiting meron siya dahil sa naging reaksyon ko. “So fragile…” komento niya at saka mahinang natawa at umalis sa harapan ko.

Nilingon ko siya habang naglalakad paalis at napaupo na lang ako nang tuluyan na siyang nawala sa aking paningin. Ibang klase. Pakiramdam ko‟y napakamisteryoso ng paaralan na ito at napakalayo sa inaakala ko. Napabuntong hininga ako at napatingin sa puno kung saan nanggaling ang lalaking iyon. Napakunot ang noo ko nang mapansin ang dalawang letrang naka-ukit rito.

„J.F.‟

Hindi ko alam kung nagkataon lang ba pero ang gangster na iyon ang unang pumasok sa isip ko. Marahas kong iniling ang ulo ko dahil sa pagkakaalala ko sa kanya. Hirap na hirap akong tumayo nang marinig ko ang bell na hudyat na tapos na ang break. Ipinagpag ko ang uniporme ko bago tinahak ang lugar kung saan ako dumaan kanina. Patuloy ako sa paglalakad pero mukhang ito na nga ba ang sinasabi ko…maliligaw ako dahil masyadong malawak ang Avellino High.

Patuloy lang ako sa paglalakad at paghahanap sa classroom ko nang mapahinto ako dahil sa isang lalaking duguan na bumagsak sa harapan ko. Nanlalaki ang mga mata ko at gulat na gulat na napanganga. Kasunod niya ay isa pang lalaki ang bumagsak sa tabi niya na mukhang nagulpi rin.

Dahan-dahan kong iniangat ang tingin ko at agad akong nanigas sa aking kinatatayuan nang masalubong ang galit na titig ng lalaking hindi ko inaasahang makita. Hindi siya makapaniwalang napasabunot sa kanyang sarili nang makita ako. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na tila pinag-aaralan ang unipormeng suot-suot ko.

“Damn,” inis na saad niya at sinipa ang isang lalaking nakahiga sa tabi niya. “You had the guts to run away?” tila hindi makapaniwalang tanong niya.

Napalunok ako dahil sa takot sa itsura niya. May dugo sa kanyang labi at sa may kilay habang napupuno ng dugo ang magkabila niyang kamao. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid niya at nakita ko ang napakaraming lalaking nakahiga sa sahig na puro nakasuot ng uniporme ng pang-Avellino High.

“H-How did you find me?” nanghihinang tanong ko.

“I told you, there‟s no way you can get away from me. I‟ll look for you even in the deepest part of hell.” galit at tila nagtitimping sagot niya.

Napalunok ako habang tinitingnan ang mga mata niyang tila nag-aapoy sa galit. Tiningnan ko ang mga lalaking namimilipit sa sakit habang nakahiga sa sahig. Binugbog niya ba silang lahat?

Nagulat ako nang may mga lalaking biglang sumulpot sa harapan ko at tila hinaharangan ako sa gangster na nasa harapan ko.

“Damn! Why do you keep on blocking my way?! I said I just want my girlfriend back!” inis na sigaw niya.

Tila isang bola na bigla na lang tumalbog ang puso ko dahil sa sinabi niya. G-Girlfriend?

“She‟s now a property of Avellino High, Snowman.” sagot ng isang lalaki na tila pinipigilan siya.

Gigil na gigil namang tumingin si Jack sa nagsalita at tinawanan niya ito sa napakasarkastikong paraan.

“I can‟t believe this school is still full of stupid sh*t.” saad niya at saka inilipat ang tingin sa akin. Seryoso niya kong tiningnan sa mga mata at saka ipinagpatuloy ang sinasabi. “She‟s my property and Avellino High can‟t claim what‟s mine.”