noveltoon logo noveltoon
By the way, his name is Jack Frost

Special Chapter 1

Ch. 46 / 47 Feb 05, 2022

Pumasok si Jack Frost sa lugar na itinuturing nilang magkakaibigan na hide-out at doon ay naabutan niya ang mga kaibigan na magugulong nakasalampak sa sahig at naglalaro ng tong-its. Natigil sandali sa pagtapon ng baraha si Drake nang makita siya at kaagad itong bumati sa kanya.

“Oh, himala! Napadaan ka!”

Sabay-sabay na napalingon ang mga nakatalikod sa pwesto niya na sina Israel, Samuel at Andrew dahil sa ginawang pagbati ni Drake. Si Justine naman ay saglit lang na tumingin sa kanya bago ibinalik ang atensyon nito sa hawak-hawak niyang PSP at ipinagpatuloy ang kung anumang nilalaro.

“Aba, oo nga. Isang buwan kang absent, ah!” salubong ni Samuel.

“Buti naman at napadalaw ka ngayon,” saad naman ni Israel.

“Alam mo bang balitang balita ngayon sa school na girlfriend mo „yung…sino na nga ulit „yun?” medyo naguguluhang sabat ni Andrew.

“„Yung Cherry,” pagsagot naman ni Justine na kasalukuyan pa ring tutok na tutok sa PSP niya.

Inis na lang na napa-iling si Jack dahil sa bungad sa kanya ng mga kaibigan. Pati ba naman kasi dito ay iyon pa rin ang topic. Sabagay, napakabig deal naman kasi talaga ng balitang iyon dahil simula nang maghiwalay sila ng ex-girlfriend niyang si Jasmine ay wala ni isang pangalan ng babae ang nalink pa ulit sa kanya. Ngayon na lang ulit. At iyon nga ay si Cherry.

Hindi na lang niya sinagot ang mga kaibigan. Dumiretso na lang siya sa sofa at doon ay tila pagod na pagod na nahiga.

“Anong problema? Bakit parang stress na stress ka?” nagtatakang tanong ni Andrew.

“Oh, give me a break! Damnit!” inis na sagot niya.

Ayaw na niyang pag-usapan pa ang tungkol sa balitang iyon. For Pete‟s sake, ilang araw na siyang hindi pinapatahimik ni Cherry. Palagi itong tumatawag at nagtetext sa kanya kahit na hindi naman niya sinasagot o nirereplayan ito.

Napabalikwas siya mula sa pagkakahiga nang bigla na lang maingay na tumunog ang cellphone niya. Inis niyang inilabas sa bulsa niya ang kanyang cellphone at tama nga ang hinala niya, ang pangalan nanaman ng Cherry na iyon ang nakabalandra sa screen.

Mabilis na nagsumiksik sa kanya ang mga kaibigan niya at nakibalita kung sino ang tumatawag.

“Cherry?” gulat at naguguluhang sambit ni Israel sa pangalang nakalagay sa screen.

“Huwag mong sabihin sa aming totoo nga ang kumakalat na balita?!” hindi naman makapaniwalang tanong ni Andrew.

Napabuntong hininga na lang si Jack at saka inis na ibinulsa ang cellphone niya. “You nosy people.” Inis na saad niya at saka siya tumayo.

“Oh, saan ka pupunta? Huwag mong sabihing may date kayo ng Cherry mo?” natatawang saad ni Drake.

“Please don‟t pop the Cherry!” tawang tawang sigaw ni Andrew.

Mabilis naman silang sabay-sabay na napahagikgik dahil sa sinabi ni Andrew.

“F*ck you all.” Tanging inis na nasabi ni Jack Frost at saka mabilis na iniwan ang mga kaibigang naghahalakhakan.

Nang tuluyan na siyang makalabas ng hideout nila ay muling malakas na tumunog ang cellphone niya. Mukhang wala talagang epek ang pambabalewala niya sa babaeng iyon at kailangan na niyang komprontahin ito na hindi talaga siya interesado rito.

“What now, Cherry? Wasn‟t being your so called „boyfriend‟ good enough?!” inis na bungad niya sa dalaga pagkasagot niya ng tawag.

Sobra-sobra na ang pasensyang binibigay niya sa babaeng ito at ngayon ay mukhang wala na siyang pasensyang maibibigay pa. Pumayag na nga siyang maging boyfriend nito pero mukhang gusto pa ng babae na gampanan pa niya.

“Jack…”

Kaagad na napakunot ang noo niya nang ibang boses ang sumagot sa kanya mula sa kabilang linya. Saglit niyang inilayo ang cellphone sa kanyang tainga at tiningnan kung sino ang kasalukuyang kausap. Hindi na kasi niya tiningnan pa kanina kung sino ang tumatawag dahil akala niya ay si Cherry nanaman ito.

Bumilis ang tibok ng puso niya nang makitang „Jasmine‟ ang pangalan na nakalagay sa screen. Tila nag-echong muli ang malumanay na pagtawag ng dalaga sa pangalan niya. Ilang buwan na nga ba ang lumipas simula noong huling beses niyang narinig na banggitin nito ang pangalan niya?

“Jasmine…woah, what a surprise.” Halatang may halong pait na sagot niya.

“Uh, pwede ba tayong magkita?”

Ayaw man aminin sa sarili ni Jack pero bigla na lang siyang nakaramdam ng saya nang marinig na gustong makipagkita sa kanya ni Jasmine.

“Sure.” Kaswal na sagot niya kahit ang totoo ay halos magtatatalon na ang puso niya dahil sa kaligayahan.

“Sa dating lugar. Hihintayin kita.” Sagot ng dalaga at pagkatapos ay ibinaba na ang tawag.

Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Jack at mabilis na siyang naglakad patungo sa Tan Siu International Academy, ang paaralan kung saan sila nag-aaral ng mga kaibigan niya pati na rin si Jasmine at ang rumored girlfriend niya ngayong si Cherry.

Nang makarating na siya sa Tan Siu ay hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon at mabilis siyang dumiretso sa isang bakanteng silid sa 5th floor kung saan ay dating madalas nilang pagtagpuan ni Jasmine. Pagkarating niya sa silid ay naabutan niya ang dalaga na nakaupo sa dulong row, sa may tabi ng bintana habang may librong binabasa. Nang makita siya ng dalaga na dumating na ay mahinhin nitong isinara ang librong binabasa at saka lumapit kay Jack na nakatayo lang sa may pintuan.

Ito ang unang beses na magkikita ulit sila matapos nilang maghiwalay mag-iisang taon na ang nakakalipas. Miski na nasa iisang school lang sila pumapasok ay bihirang magtagpo ang landas nilang dalawa dahil hindi na nagpapapasok pa si Jack Frost maiwasan lamang ang dalaga. It does pain him to see her again after the betrayal she has done pero hindi niya maitatanggi sa sarili niya na sobrang namiss niya ang dalagang ito.

“It‟s been a while.” Pagbasag ng binata sa awkward silence.

Ngumiti ng pilit si Jasmine sa kanya bago ito nagsalita. “You must be surprised,” saad ng dalaga.

“Well, I am…indeed.” Sagot naman ni Jack.

Saglit na hindi umimik si Jasmine at matagal munang pinagmasdan ang mukha ni Jack. Katulad ni Jack ay namiss din niya ito ng sobra. Ngayong nasa harapan niyang muli ang binata ay narealize niyang napakapangit pala talaga ng naging breakup nila.

“I don‟t wanna waste any more of your time so I‟d be direct with my intention. Talaga bang…kayo na ni Cherry?” may halong pait na tanong ni Jasmine.

Hindi naman napigilan ni Jack ang hindi matawa dahil sa tanong niya. “Why are you interested? Are you jealous?”

“Not at all, Jack. I know you too well.” Mabilis na tugon ng dalaga.

“Why ask then if you already knew the answer?”

Nagpakawala ng malalim na paghinga ang dalaga. “Stop it…the rumor.”

Napataas ang kilay ni Jack. “And why would I do that?”

“Because I hate it.” Matapang na sagot ni Jasmine. “Hindi ko masikmura na pumatol ka sa katulad niya. Kung ipagpapalit mo man ako, sa mas desente naman. Nakakainsulto. Masyado mong pinapababa ang tingin ko sa sarili ko.”

Hindi nagawang makasagot ni Jack dahil sa sinabi ng ex-girlfriend niya. Ang buong akala niya ay nagseselos ito…which made him quite happy dahil mukhang may feelings pa ang dalaga sa kanya. Pero matapos marinig ang mga sinabi ni Jasmine, para tuloy siyang nasampal.

Iniwas ni Jack ang tingin niya kay Jasmine bago sumagot dito. “You think I‟d date her for no reason?” mapait na tanong niya sa dalaga. Kung talaga naman kasing kilalang kilala siya nito ay dapat alam niyang hinding hindi niya papatulan ang Cherry na iyon kung wala siyang matinding dahilan.

“That‟s exactly why I‟m telling you to stop the rumor… Because it‟s so not like you. Hindi lang ako ang pinapababa mo sa rumors na kumakalat tungkol sa inyo kundi pati ang sarili mong reputasyon.”

Inis na napakagat sa labi niya ang binata at saka galit na ibinalik ang tingin kay Jasmine. “You think I didn‟t think of that? Of course I knew this what would happen but heck, pinasok ko pa rin ang sarili ko sa ganitong klaseng sitwasyon because of you!” napasigaw na siya.

“W-What?” gulat na tanong ng dalaga. “Because of me? What do you mean? Para pagselosin ako?”

Insultong natawa si Jack sa conclusion nito. “You think I am that cheap and desperate?”

“Then what the f*ck do you mean?!”

Huminga muna ng malalim ang binata bago sinagot ang tanong niya. “Because she knows your damn secret. She knows that you came from Avellino. And she even knows your connection with that f*cking Thunder.”

“And she used that to have you as her boyfriend? Unbelievable.” Hindi makapaniwalang reaksyon ng dalaga.

Seryoso siyang tiningnan sa mga mata ni Jack. “You know it too well na hindi maaring makapasok ang mga taga-Avellino dito sa Tan Siu, and vice versa. Kapag nalaman nilang galing ka sa Avellino, naiimagine mo ba kung anong maaring mangyare sa‟yo rito? Paano pa kapag nalaman nila kung anong relasyon mo kay Thunder?”

Saglit na natahimik si Jasmine sa paliwanag ni Jack.

“I will never let anyone here hurt you, Jasmine. And yes, I still care for you.” Dismayadong saad ni Jack bago niya tinalikuran ang dalaga at iniwan.

***

Dahil sa hindi magandang pag-uusap ni Jack Frost at Jasmine ay napilitan ang binata na pumunta sa pinakamalapit na bar sa paaralan at doon ay magpakalunod sa alak. Halos mapuno na ang lamesa niya ng mga bote na wala nang laman dahil sa dami na ng naiinom niya. Sa totoo lang ay hindi naman talaga siya nalalasing. Halos alak na nga at hindi dugo ang dumadaloy sa katawan niya dahil sa araw-araw na pag-inom niya kung tutuusin. Pero ngayon ay may napansin siyang kakaibang nangyayare sa katawan niya.

Namamanhid na ang katawan niya at hindi na siya makapag-isip ng tama. Mukhang bigla na lang nagkaepekto ang alak sa kanya matapos niyang inumin ang huling beer na isinerve sa kanya ng waiter. Tuluyan na siyang nawalan ng kontrol sa sarili at napasubsob na lang ang mukha niya sa lamesa. Gising pa ang isip niya pero hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya magawang ikilos ang katawan niya.

Iminulat niya ng bahagya ang kanyang mga mata at kahit na nanlalabo na ang kanyang paningin ay nakita pa niya ang ilang mga lalaki sa katabi niyang mesa na nagsitayuan at lumapit sa pwesto niya.

“Akala ko pa naman ay walang makakapagpatulog sa Jack Frost na „to ha ha ha!”

Hindi niya makita ng maigi ang mga mukha nila dahil nanlalabo na ang paningin niya pero alam niyang mga taga-Tan Siu rin ang mga ito base sa suot-suot nilang uniporme.

“Tara, dalhin na natin sa labas iyan.”

Nais niyang magprotesta nang hawakan siya ng mga ito pero hindi niya magawa dahil hindi na niya maigalaw ang katawan niya. Inakay siya ng mga lalaki palabas ng bar at pagkalabas nila ay kaagad silang sinalubong ng napakalakas na ulan. Ibinagsak siya ng mga lalaki sa basa at maruming sahig. Gusto naman niyang magwala at pagsasapakin ang mga ito dahil nagawa nilang ibagsak ang napakalinis niyang katawan sa napakaruming sahig. He loathes dirt at talaga namang mapapatay niya ang mga ito kung nagagalaw lang talaga niya ang katawan niya.

Malakas siyang sinipa ng isa sa mga lalaki sa kanyang sikmura. Masakit ito pero hindi niya magawang makapag-react. Naririnig niyang nag-uusap-usap ang mga ito pero hindi niya maintindihan ang mga sinasabi nila dahil sa sobrang pagkahilo niya. Muli niyang sinubukang imulat ang kanyang mga mata pero mas lalo siyang nahilo dahil umiikot ang paningin niya. Naramdaman na lang niya ang sakit dulot ng sunod-sunod na pagsipa ng mga lalaki sa kanya. Unti-unti ay tuluyan na siyang nawalan ng malay at sa muling pagmulat ng mata niya, ang bumungad na sa kanya ay isang babaeng nakasuot ng puting uniporme.

“S-Sir?” gulat na sambit ng nurse nang tabigin niya ang kamay nito na dapat sanang hahawak sa kanya.

Masama niya itong tiningnan at tinanong. “Where the f*ck am I?”

“N-nasa hospital po kayo, Sir,” halatang natatakot na sagot sa kanya ng nurse.

Tila isang bulkan na bigla na lang siyang sumabog nang marinig ang sinabi nito. “What the f*ck, did you say?! Hospital?! How the f*ckin‟ hell did I get here?!” galit at hindi makapaniwalang tanong niya.

“Sir, huminahon po kayo.” Hahawakan sana ulit siya ng nurse pero agad niya itong pinigilan.

“Don‟t you even dare, you stupid f*ckin‟ nurse! Who the hell gave you the right to touch me, huh?! I don‟t wanna have germs coming from your f*ckin‟ dirty hands. Stay the f*ckin‟ hell away from me, you b*tch.” Nanggagalaiting saad niya.

Halatang naoffend ang nurse sa mga salitang binitawan niya. Umalis ang nurse sa harapan niya at saka kinausap ang isang babae na kasama pa nila sa silid.

“Miss, lalabas muna ko.” Halatang galit at nainsultong paalam ng nurse.

Halata naman sa itsura ng babaeng kinausap ng nurse ang takot at protesta sa paalam nito. Pero wala na itong nagawa nang tuluyan nang makalabas ang nurse.

Nang makaalis na ang nurse ay ibinaling naman ni Jack ang atensyon niya sa babaeng naiwan kasama niya. Napakaliit lang ng babae at sa tingin niya ay isang pitik lang niya rito ay matutumba na ito.

“You stupid woman,” tawag niya sa babae. “Why the f*ckin‟ hell am I here, huh?! How the hell on Earth did I get here, huh?!” sunod-sunod na tanong niya.

“A-ano kasi…Nakita kitang bulagta sa sahig kaya dinala kita—”

Muli, katulad ng sa isang bulkan ay kaagad na sumabog si Jack sa narinig.

“You f*ckin what?! So you f*ckin touched me?!” hindi makapaniwalang tanong niya. “Sh*t! I will kill you!” banta pa niya.

Halata namang kaagad na natakot ang babae sa bantang ginawa niya. Ngayon ay pinag-iisipan na niya kung paano niya ito paparusahan dahil sa kapastanganang ginawa nito sa paghawak sa katawan niya. Magsasalita sana ulit siya pero hindi na niya nagawa nang mag-ring bigla ang cellphone niya.

“Ah sh*t!” mura niya nang makitang si Cherry nanaman ang tumatawag. “Damn! This stupid obsess woman,”

Kunot noo niyang ibinalik ang tingin sa babae. Inangat niya ang kanyang kamay at sinenyasan itong lumapit. Pagkalapit ng babae ay inihagis niya ang kanyang cellphone dito. “Pick up the call and tell her to f*cking leave me alone.” Utos niya pagkasalo ng babae sa patuloy na nagri-ring na cellphone niya.

Mukhang sobrang natatakot ang babae sa kanya at nanatili lang itong nakatulala.

“Damnit! Answer the goddamn phone!” galit na utos niya.

Natauhan naman ito at dali-dali nitong sinagot ang tawag.

“H-hello?”

Alam niyang magugulat si Cherry dahil isang babae ang sumagot sa cellphone niya. Naisip niyang tutal ay hindi rin naman naging maganda ang pag-uusap nila ni Jasmine kanina ay mabuti pang putulin na niya kung ano man ang ugnayang meron sila ni Cherry. Hindi na siya makikialam pa sa buhay ni Jasmine. Mabuti pa nga siguro na pabayaan na lang niya ito.

Ibinalik niya ang tingin sa babae nang natatakot itong nagtanong. “S-Sino raw ako?”

“F*ck. Tell her you‟re my stupid f*ckin‟ girlfriend. Damnit,” utos niya.

Muli namang ibinalik ng babae ang cellphone sa tainga nito at saka sinagot si Cherry. “Uhm…This is her s-stupid f-f*ckin‟ girlfriend.”

“What the f*ck?” hindi makapaniwalang mura niya nang marinig ang naging sagot nito kay Cherry. “You‟re not supposed to say the stupid and f*ckin‟ thing. I can‟t believe I‟m having this conversation with someone as stupid as you,” ngitngit niya.

Mukhang hindi niya magagamit ang babaeng ito upang tigilan na siya ni Cherry kaya mabuti pa ay siya na ang kumausap sa baliw na babaeng iyon.

“F*ck! Give me that phone! Stupid!” utos niya. Nanginginig namang inabot sa kanya ng babae pabalik ang cellphone niya. “Damn! Germs!” ika niya at nandidiring kinuha ang cellphone.

Galit niyang idinikit sa tainga niya ang cellphone. “B*tch, listen. I already dumped you, right? So f*ckin get your thoughts straight „cause I‟m going to say this one last time. I‟m f*ckin over you and I‟m dating somebody else now. You got that? So move on, alright?”

Nang maibaba na niya ang tawag ay tumingin siya sa babaeng kasama at bumaba ang tingin niya sa kamay nito na nanginginig. Mukhang napakalampa ng babaeng ito at hindi sanay makaharap ng taong katulad niya. Hindi na niya masikmura pang tingnan ito kaya napagpasyahan niyang paalisin na ito sa harapan niya.

“Sh*t. Get your ugly face out of my sight! Go home, you cry baby!” sigaw niya.

Kaagad namang lumiwanag ang mukha ng babae dahil sa sinabi niya. Pinanuod niya itong nagmamadaling nagpunta sa may pintuan pero habang pinagmamasdan niya itong papaalis na ay tila may nag-uudyok sa kanyang pigilan muna ito. Tila gusto niya pa itong makausap at makilala.

Hindi niya alam kung anong nagtulak sa kanya para habulin ito at pigilan. He‟s Jack Frost. Hindi siya naghahabol. Pero ngayon, tila nawala siya saglit sa sarili niya at heto nga‟t hinablot na niya ang dalaga at hinarap sa direksyon niya.

Bakas ang gulat at takot sa mukha ng dalaga dahil sa ginawa niya. Napaisip tuloy siya kung masyado bang napalakas ang pagkakahatak niya rito at baka nasaktan niya. Kaagad naman siyang nainis sa naisip niya. Eh ano naman kung napalakas ang hatak niya rito? Kailan pa siya nagkaroon ng pake sa iba?

“What the f*ck is your name?” tanong niya sa babae. Halata naman sa itsura nito na nabigla ito sa tanong niya. Mukhang nagdadalawang isip pa ito kung sasabihin ang pangalan niya, at sa itsura pa nito ay mukhang balak pa siyang bigyan ng maling pangalan. “Don‟t even think about it. I‟m gonna cut your tongue if you dare,” banta na niya bago pa ito makapagsinungaling.

Nanatiling tikom ang bibig ng babae. Mukhang wala itong balak sabihin kung anong pangalan niya. Mukhang hindi niya kilala sa Jack. Lahat ng gusto niya ay dapat niyang nakukuha.

“I‟m a very impatient person. Your name,” inip na saad ni Jack at ipinaparating ng tono ng boses niya na wala itong ibang choice kung hindi ang sagutin ang tanong niya.

“Jasmine,” kinakabahang sagot ng babae. “My name is Jasmine.”

Bigla na lang nakaramdam ng kirot sa dibdib niya si Jack. Bakit sa dinami-dami ng pangalan sa mundo ay Jasmine pa ang naging pangalan ng babaeng ito?

Unti-unti siyang lumayo sa babae sapat na para magkaroon sila ng disenteng distansya sa isa‟t isa. Ngayon ay nagsisisi tuloy siya kung bakit pinag-aksayahan pa niya ng panahon para kausapin at hingin ang pangalan nito. Bakit pa ba kasi niya hiningi ang pangalan ng babaeng ito? It‟s not like he‟s going to meet her again.

“Leave,” galit na utos niya rito. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siya nakaramdam ng galit. Dahil ba sa nagkaroon siya ng interes sa babaeng ito at nagkataon na Jasmine din pala ang pangalan nito? Pero paano kung hindi naging Jasmine ang pangalan niya? Is he going to look for her?

Dali-daling binuksan ng babae ang pintuan at saka nagmamadaling tumakbo palabas at hindi na nag-abala pang lumingon. Pinanuod lang ni Jack ang likuran niya. Bigla na lang siyang nakaramdam ng kaunting kirot sa dibdib niya nang tuluyan na itong nawala.

Nanghihina niyang kinuha ang cellphone niya sa kanyang bulsa at agad niyang tinawagan ang kanyang tauhan na si Morgan upang sunduin siya. Hindi na siya bumalik pa sa kama niya at nanatili lang siyang nakatayo sa may pintuan at sinigurado na hindi dumidikit ang katawan niya sa kahit anong bagay sa silid dahil nandidiri siya na baka malagyan siya ng napakaraming germs.

Napadaan ang isang lalaking nurse at nakita siyang nakatayo sa may pintuan kaya agad itong lumapit sa kanya. Masama naman niya itong tiningnan dahil kinamumuhian niya ang mga ito.

“Sir, hindi po kayo pwedeng tumayo na lang dito. Bumalik po kayo sa kama nyo para makapagpahinga pa kayo.” Utos ng nurse. Tiningnan niya lang ito at hindi inimikan. “Sir,” pangungulit ng nurse.

Mukhang naubos naman ang pasensya ng nurse at hinawakan siya upang marahang itulak pero kaagad itong bumulagta sa sahig nang suntukin niya.

“You f*ckin‟ had the guts to touch me?” gigil na saad niya sa nurse.

Agad namang tumawag ng security ang mga nakakita sa nangyare. Dali-daling dumating ang mga security guards at tatangkain sanang hawakan din siya pero agad niyang binuhat ang lamesa sa tabi niya at ibinato iyon sa kanila. Hindi pa siya nakuntento at tuluyan na siyang nagwala. Lahat ng bagay na mahawakan niya sa loob ng silid niya ay ipinagbabato niya. Napakalaki na ng gulo na nagawa niya sa hospital pero mabuti na lang at dumating na si Morgan. Kaagad nitong inayos ang gusot na nagawa ng alaga niya.

***

“Mabuti na lang at pumayag ang hospital na bayaran na lang natin ang pinsala na nagawa mo at hindi na magsasampa ng kaso. Huwag kang mag-alala dahil nasa one-hundred thousand lang naman ang nasira mo.” Saad ni Morgan habang minamaneho ang sasakyan papauwi sa Mansion ng mga Frost.

Nanatili namang tahimik si Jack at pinapanuod lang ang dinaraanan nila.

“Sino nga pala si Summer Pascua?” tanong bigla ni Morgan.

“Who the f*ck is that?” hindi interesadong tanong niya.

“Hindi mo siya kilala? Siya ang nakalagay sa records ng hospital na nagdala sa‟yo roon.”

Gulat na napatingin si Jack kay Morgan. “What the f*ck is her name?!” gulat at hindi makapaniwalang tanong niya.

“Summer,” ulit ni Morgan. “Summer Pascua.”

Napakagat sa labi niya si Jack at saka galit na napasandal. Napahawak siya sa noo niya at inis na hinilot ito.

“Find that girl.” Galit na utos niya.

***

Gabing gabi na pero gising na gising pa rin si Jack at hindi makatulog. Pabalik-balik sa isipan niya ang itsura ni Summer na inosenteng nakatingala sa kanya habang tinatanong niya ang pangalan nito kanina. Marahas niyang iniling ang ulo niya upang maalis sa isipan ang dalaga. Hindi na niya dapat iniisip pa ito dahil nagawa nitong magsinungaling sa kanya. Isa iyong malaking insulto.

“Damn,” mura niya nang talagang hindi mawala sa isipan niya ang dalaga.

Bumangon siya at inis na napahawak sa noo niya. Bakit ba hindi niya ito maalis sa isipan niya? Dahil ba nagsinungaling ito sa kanya at malaking insulto iyon para sa kanya?

Namalayan na lang niya ang sarili na kumukuha ng isang papel at lapis. Matagal niyang tinitigan ang lapis na hawak-hawak niya bago nagsimulang gumuhit sa papel. Ilang taon na rin ang lumipas simula nang itigil niya ang pagguhit. Pero ngayon, tila bumalik ang passion niya at namalayan na lang niya na nakangiti siya habang inaalala ang inosenteng mukha ng babaeng iyon.

Nang matapos siyang gumuhit ay napatitig siya sa mga mata ng iginuhit niya. Ngayon ay tila nasa harapan niyang muli ang babae at inosente ulit itong nakatitig sa kanya. Sa kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay niya, ngayon lang siya gumuhit ng mukha ng isang babae.

Inis siyang napabuntong hininga nang marealize niya kung anong ginagawa niya. Napatanong tuloy siya sa sarili kung nababaliw na ba siya para iguhit ang mukha nito. Muli niyang tiningnan ang larawan at balak na sana niyang punitin ito at itapon pero may nakakalokong ideya ang biglang pumasok sa isip niya. Napangiti siya habang tinitingnan ang mukha nito.

“Summer Pascua, huh? We‟re definitely going to meet again.” Saad niya habang suot-suot ang isang nakakalokong ngiti.

***

“Any news about the girl?” tanong ni Jack pagkapasok na pagkapasok niya sa opisina ni Morgan.

Napatingin si Morgan sa relos niya at nakitang ala-sais pa lamang ng umaga. Ito ata ang unang beses na ganito kaaga nagising si Jack sa buong panahon niyang nagsisilbi rito. Bukod pa roon ay ito rin ang unang beses na sinadya siya ng binata mismo sa kanyang opisina.

“Masyado ka atang interesado sa babaeng iyon at siya kaagad ang pumasok sa isipan mo pagkagising na pagkagising mo, Mr. Frost.” Nakangiting puna ni Morgan. Nakapajama pa kasi si Jack na pumunta sa opisina niya. Don‟t get me wrong, nasa Mansion lang din ng mga Frost ang opisina ni Morgan. Sa Mansion din siya nakatira at halos parte na rin siya ng pamilyang Frost.

Napaubo si Jack at nahihiyang iniwas ang tingin. Lingid sa kaalamanan ni Morgan, hindi naman talaga nakatulog si Jack dahil hindi na niya naalis pa sa isipan niya si Summer.

Masaya namang napangiti si Morgan dahil sa asal ng binata. Na-curious tuloy siya bigla kung anong klaseng babae si Summer Pascua at nagawa nitong yanigin ang mundo ni Jack.

“Madami akong impormasyon na nakuha tungkol sa kanya pero may isang bagay akong natuklasan na magbibigay interest sa‟yo.” Nakangiting report ni Morgan sa kanya.

“What is it?”

“Naghahanap siya ngayon ng school na malilipatan.” Masayang balita ni Morgan.

“And what the hell is so interesting about that?” kunot noong tanong ni Jack.

“Nagpasa siya ng application sa Tan Siu International Academy.”

Saglit na natigilan at napa-isip si Jack. Ibigsabihin ay magiging kamag-aral niya ito? Unti-unti ay napangiti siya at inimagine na agad niya si Summer na naglalakad sa isa sa mga hallway ng paaralan habang siya naman ay tahimik na nakamasid dito.

“Pero may problema. Tan Siu rejected her application.”

Kaagad na naglaho ang magandang imagination ni Jack at mabilis na uminit ang kanyang ulo. “And why the f*ck did they do that?!”

“Hindi maganda ang records ni Summer. Palipat-lipat siya ng school at may mga bagsak din siyang subject mula sa latest school na pinanggalingan niya kaya mahihirapan talaga siyang makahanap ng lilipatan.”

Inis na napahawak si Jack sa kanyang noo. Gusto niyang mangyare ang iniimagine niya. Gusto niyang maexperience iyon.

Seryoso niyang ibinalik ang tingin kay Morgan. “Prepare the car.”

Napangiti si Morgan at saka yumuko. “As you wish.” Sagot nito at mabilis na umalis sa harapan niya.

***

Halos mapaupo sa kinatatayuan niya ang head ng admission office nang sa pagpasok niya sa kanyang opisina ay bumungad kaagad sa kanya si Jack na inip na nakaupo sa couch at mukhang kanina pa siya hinihintay.

“Mr. Frost, what a surprise.” Kinakabahang bati niya kay Jack at saka nanginginig na pumunta sa kanyang mesa.

Hindi naman na nag-aksaya pa ng panahon si Jack at agad itong lumapit sa kanya. Itinukod nito ang kanyang mga kamay sa mesa at saka seryosong tiningnan ang opisyal.

“W-What can I do for you, Mr. Frost?” takot na takot na tanong ng opisyal kay Jack.

Napangiti naman si Jack nang mukhang alam ng taong ito na malaki ang impluwensya niya sa paaralan. Umayos siya ng tayo at saka ipinatong sa mesa ang application form ni Summer.

Nagmamadali at kinakabahan naman itong tiningnan ng head official at agad na napakunot ang noo nito nang makita kung ano ang nasa papel na ipinatong ni Jack sa lamesa niya.

“W-What do you want me to do to her, Mr. Frost?” utal-utal na tanong ng opisyal.

“Accept her.”

Kaagad nanlaki ang mga mata nito nang marinig siya. “P-Pero nakalagay na rito na rejected na siya.”

Muling itinukod ni Jack ang kanyang mga kamay sa mesa at seryoso siyang tiningnan. “I said accept her.” Ma-awtoridad na utos nito.

Napalunok naman ang opisyal at muling ibinalik ang tingin sa application form ni Summer. “P-Pero maari akong mawalan ng t-trabaho.”

Ngumiti ng pilyo si Jack at tinap ang balikat niya. “Don‟t worry, it‟ll never happen.”

“T-Talaga?”

“I am Jack Frost, remember?” saad ni Jack habang nakapaskil sa kanyang labi ang malokong ngiti.

Kaagad na napatango ang opisyal at nanginginig na dinampot ang telepono sa tabi niya. Dinial nito ang numero ng Mama ni Summer at saka tinawagan.

“Mrs. Pascua?” bungad nito nang sagutin ng ina ni Summer ang tawag. “Gusto ko lang pong ipaalam na nireconsider ng Tan Siu International Academy ang application ng anak niyo.” Kinakabahang ibinalik ng opisyal ang tingin kay Jack bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Nais po sana namin kayong imbitahan ngayon na magpunta dito sa school upang pagtake-in si Summer Pascua ng entrance exam.”

Hindi na hinintay pa ni Jack na matapos ang usapan nila at mabilis na niyang iniwan ang admission office. Pumunta siya sa 5th floor at doon ay tahimik na naghintay at nag-abang sa pagdating ni Summer. Ilang oras din ang lumipas bago tuluyang dumating si Summer kasama ang Mama niya.

Napangiti siya habang pinagmamasdan ang dalaga na naglalakad sa hallway patungo sa admission office. It is exactly what he imagined.