Naiilang akong tumingin sa limang lalaking nakaupo sa harapan ko habang tila bawat pagsubo ko ng pagkain ko ay pinapanuod nila.
“Will you stop it, men? Hindi na siya makakain sa ginagawa ninyo.” saad ni Storm na nakaupo naman sa tabi ko.
Sabay-sabay nilang masamang tiningnan si Storm pero agad rin naman nilag ibinalik ang tingin sa akin na para bang balewala lang sa kanila ang pagsaway nito. Nagulat ako nang biglang ilapit ni Drake, lalaking may brown ang buhok, ang mukha niya sa akin.
“Where were you yesterday?” tanong niya.
Nakigaya rin sa kanya ang iba pa niyang mga kaibigan at sabay-sabay rin nilang inilapit ang mga mukha nila sa akin maliban kay Israel na sa palagay ko ay napakalaki talaga ng galit sa akin.
“Jack was also missing yesterday. Were you with him?” tanong naman ni Samuel, lalaking pink ang buhok.
Inilayo ko ang mukha ko sa kanila at naiilang na ininom ang orange juice ko.
“Knock it off, guys.” pag-awat ni Storm sa kanila at isa-isang itinulak ang mga mukha nila palayo sa akin.
Tumingin ako kay Storm nang siya naman ang biglang naglapit ng mukha sa akin.
“Pero nasaan ka nga ba talaga kahapon?” tanong rin niya.
I rolled my eyes. Seriously?
Sabay-sabay siyang binato ng tissue nina Justine, Drake, Andrew at Samuel. “Booo!” pang-aasar ng mga ito sa kanya.
Napailing na lang ako sa kakulitan nila. Napakagulo nila maliban kay Israel na tahimik lang na nakaupo sa gilid namin at halatang hindi natutuwa na nasa iisang mesa lang ako kasama sila. Tiningnan ko siya at masama naman niya akong tiningnan. Napailing na lang ako at sumubo ng isa pang kutsarang kanin at manok na libre ni Storm para sa akin.
Habang ngumunguya ay inikot ko ang aking tingin sa buong cafeteria ng Tan Siu. Ngayon lang ata ako nakakain dito. Kumpara sa Avellino, mas malaki pala ang cafeteria ng paaralang ito. Nakakatawang isipin na kahapon lang ay nagsisimula ako ng bagong buhay sa ibang paaralan pero kaagad rin pala akong babalik dito.
Tiningnan ko ang mga estudyante sa cafeteria sa pagbabakasakaling makikita ko ang gangster na iyon. Wala sana akong balak bumalik kaagad sa Tan Siu pero ayaw akong patahimikin ng konsensya ko at gusto ko siyang makita kaagad upang masiguro ko na maayos na ang kalagayan niya pero lunch break na ngayon at wala pa rin siya. And that really bothers me.
Napatingin ako sa harapan ko nang may fries na itinapat si Drake sa mukha ko na para bang iniaalok niya iyon sa akin. Awkward akong ngumiti sa kanya at saka umiling.
“I don‟t eat fries.” tanggi ko.
Bigla na lang silang natahimik sa tugon ko at sabay-sabay silang nagkatinginan.
“Ibang klase. Bukod sa hindi pagkain ng fries, ano pa kayang mga pagkakaparehas niyo ni Jasmine?” tanong ni Drake at saka isinubo ang fries na kanina ay iniaabot niya.
Namalayan ko na lang na humigpit bigla ang pagkakahawak ko sa kutsara at tinidor. I can‟t believe I‟m capable of hating someone this much. Narinig ko lang ang pangalan ni Jasmine, bigla na lang nag-init ang ulo ko.
“Will you stop comparing her to Jasmine? They‟re completely different.” singit ni Israel.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at padabog kong ibinaba ang kutsara at tinidor na hawak ko. Inis ko siyang tiningnan at binigyan ko siya ng napakasarkastikong ngiti. “Tama ka. Hinding-hindi kami magkatulad.” asar na saad ko at saka padabog na umalis sa harapan nila.
Naramdaman kong sinundan nila ako ng tingin pero hindi na ako nag-abala pang lumingon. Hindi ko alam kung paano ko nakayanang lumabas paalis ng cafeteria nang mag-isa. Parang kanina lang ay halos kailanganin pa „kong buhatin ni Storm para lang makapasok rito. Pwede rin pala akong magkaroon ng lakas ng loob kapag nagagalit.
Binabaybay ko ang daan pabalik sa classroom namin nang may babaeng nakangiti ng peke ang humarang sa dinaraanan ko.
“It‟s so nice to see you again, Summer.” bungad niya sa akin. Nararamdaman ko ang pagkasarkastik niya.
“Ayoko ng gulo.” sagot ko at nagsimulang maglakad palayo sa kanya.
Nagulat ako nang marahas niya akong hinatak sa braso ko at hinila papasok sa isang bakanteng silid malapit lang sa amin. Nang makapasok kami ay inis niya akong iniharap sa kanya.
“Hindi ka marunong sumunod sa usapan. Akala ko ba nagkaintindihan na tayo?” inis na tanong niya.
“Wala akong intensyong sirain ang usapan natin.” sagot ko.
Tinaasan niya ako ng kilay at inekis niya ang mga kamay niya sa tapat ng dibdib niya. “Walang intensyon? Kung ganoon ay anong ginagawa mo rito ngayon? Bakit bumalik ka pa? Alam mo ba kung anong ginagawa mo ha?”
Napabuntong hininga ako at kunot noo siyang tinignan. “Bakit hindi si Jack Frost ang kausapin mo dahil siya naman ang dahilan kung bakit ulit ako nandito?”
“A-Anong sinabi mo?” hindi makapaniwalang tanong niya. “S-Si Jack? Anong ibig mong sabihin?”
“Hindi mo ba alam?”
Nagulat ako nang bigla niyang hablutin ang braso ko. “Itatanong ko ba sa‟yo kung alam ko ha?! Ibang klase ka rin, ano? Talagang pinahabol mo pa si Jack sa Avellino!”
“Pinahabol? Nagpapatawa ka ba? Bakit ko naman gagawin iyon?” naiinis na tanong ko.
Mas lalo akong nasaktan nang mas humigpit pa ang pagkakahawak niya sa akin. “A-Ano ba! Nasasaktan ako!”
“N-Nasaan si Jack?! Anong nangyare sa kanya?!”
Sinubukan kong alisin ang kamay niya sa braso ko pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakakapit niya sa akin.
“Sumagot ka! Nasaan siya?!” sigaw niya. Nagulat na lang ako nang may sunod-sunod na luhang tumulo sa magkabilang pisngi niya.
May isang taong bigla na lang humablot sa kabilang braso ko. Nang tingnan ko kung sino iyon, halos mapanganga ako sa aking nakita. Israel?
“Let her go, Jasmine.” utos nito sa kanya.
Tila wala namang nagawa si Jasmine kundi ang bitawan ako. Kumunot ang noo ko nang mapahawak si Jasmine sa ulo niya at tila frustrated na napasabunot sa kanyang sarili.
“What‟s going on?” tanong sa kanya ni Israel. Nakahawak pa rin siya sa braso ko habang nagtatakang nakatingin kay Jasmine.
Wala akong nakitang bakas na kasama niya sina Storm at tanging siya lang ang nakasunod sa amin ni Jasmine.
“Israel, si Jack…I don‟t know. Pumasok siya sa Avellino.” umiiyak na saad ni Jasmine.
“W-What?!” gulat na gulat na tanong ni Israel at saka inilipat ang tingin sa akin.
Tiningnan niya ako ng maigi na tila sinusubukan niyang i-analyze ang pangyayari at nagulat na lang ako nang bigla na lang din siyang napahawak sa ulo niya. Ibinalik niya ang tingin kay Jasmine na kanina pa hindi mapakali.
“Nakita mo na ba siya?” tanong ni Israel.
“No, I haven‟t seen him. He‟s probably hiding at this moment. Maaring hindi na muna siya magpapakita ng ilang buwan.”
Habang pinapanuod ko kung paano sila mag-usap, hindi ko maiwasang isipin na talagang seryoso ang mga nangyayari. I know this is really serious dahil na rin sa mga nasaksihan ko kahapon pero I don‟t understand why they are acting this way. It seems like something bad is going to happen.
Tumingin sa akin si Israel at hindi pa rin niya binibitiwan ang braso ko. “Anong nangyare sa kanya sa Avellino?” seryosong tanong niya.
Kinakabahan ako at napalunok na lang bago tuluyang nakasagot. “Nasaksak siya.” sagot ko.
Napabuntong hininga siya sa narinig na tila he felt relieved. Pero wala naman akong makitang magandang bagay sa sinabi ko para magmukha siyang natanggalan ng tinik sa lalamunan.
“I‟ll find him, Israel.” saad ni Jasmine.
“Wala tayong magagawa sa ngayon, Jasmine. All we have to do is to wait.”
Inis itong lumapit kay Israel na tila naetsapwera ako sa eksena at hindi na nila nakikita.
“I can no longer wait. I need to do something. Hindi ko kayang maghintay na lang at panuorin na lang ang mga mangyayare!”
“Calm down.” utos ni Israel.
“I can‟t. This is my fault.” saad niya.
Magsasalita pa sana si Israel pero hindi na iyon natuloy pa nang bigla na lang tumakbo paalis si Jasmine palabas ng silid.
“Damn, Jasmine! Hindi ka pa rin marunong makinig.” saad niya at napahawak na lang sa kanyang noo.
Kaagad niyang kinuha ang kanyang cellphone mula sa bulsa at may numerong idinial at dahil sa tahimik lang ang silid at kaming dalawa lang ang nasa loob, narinig kong hindi niya ma-contact ang tinatawagan niya.
Inis siyang tumingin sa akin. “Are you sure nasaksak lang siya?” tanong niya.
Dahan-dahan akong tumango bilang sagot.
“Sigurado akong wala siya sa condo niya ngayon. Pero nasaan siya?” tanong niya na tila kinakausap ang kanyang sarili.
“Ano bang nangyayare?” naguguluhang tanong ko.
Iritable niya akong tiningnan at saka inilipat ang tingin sa pinto kung saan lumabas si Jasmine. “Mabuti na ang wala kang alam. I‟m pretty sure Jack would not want you to get involved.”
Frustrated akong napahawak sa ulo ko. “Seriously, hindi pa ba ako involved sa lagay na „to? I don‟t know what‟s going on but I know for sure na may kinalaman iyon sa pagpasok niya sa Avellino High nang dahil sa akin. Paano ako matatahimik kung nakikita ko kayong ganito ang reaksyon? There must be something wrong.” inis na saad ko.
Nagulat na lang ako nang imbis na sagutin niya ako ay bigla na lang niya akong hinablot at hinila palabas ng silid. Sinubukan kong magprotesta pero wala na akong nagawa dahil sa lakas niya. Huminto siya sa pagkaladkad sa akin nang makarating na kami sa tapat ng classroom ko. Nakita kong nasa loob na si Storm at agad siyang lumabas nang makitang kasama ko si Israel.
“You‟re hurting her, man.” bungad ni Storm sa kanya nang lumabas siya mula sa classroom namin.
Kaagad akong binitiwan ni Israel at seryosong humarap sa kanya.
“Jack broke the rule.” saad niya.
Sa isang pangungusap lamang na iyon ay agad na nagbago ang timpla ng mukha ni Storm at awtomatikong tila hahakbang na paalis pero mabilis siyang pinigilan ni Israel.
“It‟s too early to do something. We have to wait.” pigil ni Israel.
“We know him too well. He‟s impatient.” sagot ni Storm at inalis ang kamay ni Israel sa balikat niya.
Wala nang nagawa pa si Israel nang tuluyan nang umalis si Storm. Inis siyang napakagat sa kanyang labi bago walang imik na umalis rin sa harapan ko at nagpunta sa kabilang direksyon ng pinuntahan ni Storm. Parehas ko silang pinanuod papalayo patungo sa magkabilang direksyon.
Nanghihina akong pumasok ng classroom at pumunta sa upuan ko sa likuran. Nang dumating na ang teacher namin at nagsimula nang magturo ay wala akong maintindihan sa kahit anong sinasabi niya. Hindi ako mapakali sa upuan ko at panay ang tingin ko sa aking relo at sa pintuan sa pagbabakasakali na darating ang gangster na iyon.
Namalayan ko na lang ang sarili ko na nakatingin sa upuan niya sa kabilang dulo ng pwesto ko. Mag-isa lang ako sa dulo ng classroom at wala akong ibang magawa kundi ang panuorin lang ang sikat ng araw na nasisinagan ang upuan niya.
“Okay, class dismissed.” saad ng teacher namin at saka sinimulang ayusin ang mga gamit niya.
Nanghihina akong naglakad palabas ng school pauwi. Nakakatawa. It was the kind of a day I have been dreaming of dahil tila isa lang akong normal na estudyante sa araw na „to at walang kahit na sinuman ang nambu-bully sa akin pero hindi ko magawang magsaya dahil sa pag-aalala sa gangster na iyon.
Nang lumiko ako sa kanto kung saan malapit na ako sa bahay namin ay natigilan ako sa paglalakad nang makita ang lalaking nakasandal sa may poste at tila inip na may hinihintay. Nang makita niya akong nakatayo di kalayuan sa kanya ay kaagad siyang nagpakawala ng matamis na ngiti na siya namang nagdulot ng takot sa akin.
Kaagad kong naramdaman ang malakas na pagkabog ng puso ko habang pinapanuod siyang lumakad papalapit sa akin. Napatitig ako sa mga mata niya at tulad noong isang araw ay tila hinihigop ng titig niya ang lakas ko. Halos hindi na ako makahinga nang huminto siya sa harapan ko. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko habang tinitingnan siya.
“Cute.” nakangiting saad niya.
Humugot ako ng malalim na paghinga at nanginginig na umatras palayo sa kanya.
“A-Anong k-kailangan mo sa akin?” natatakot na tanong ko.
“Don‟t worry. I won‟t lay a hand on her, Storm.” saad niya at saka sumulyap sa likuran ko.
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya at dahan-dahan akong lumingon sa likuran ko at nakita ko nga si Storm habang masamang nakatingin sa lalaking nakatayo sa harapan ko.
“What are you doing here, Thunder?” inis na tanong niya rito.
Ibinalik ko ang tingin kay Thunder at mas lalo akong nakaramdam ng takot nang inalis niya ang mapagpanggap niyang ngiti at seryoso akong tiningnan.
“Nakakatawang isipin na sa loob ng tatlong taon ay magkakalakas ka pa ng loob na magpakita sa akin dahil lang sa babaeng ito.” saad niya.
“Leave her alone. She has nothing to do with us.” sagot ni Storm.
Natawa ng napakalakas si Thunder sa kanya at bigla muling naging seryoso ang mukha nito.
“You want to know what‟s funny? Iyon ay „yung buong araw kong hinahanap si Jack pero hindi ko siya makita. At ngayong wala pa akong isang minutong nakatayo sa harapan ng babaeng ito, nakita ko na kaagad siya.”
Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ko matapos niyang sabihin iyon. Sumulyap siya sa kabilang likuran ko at unti-unti ay naramdaman ko ang malamig na presensya ng gangster na iyon. Dahan-dahan akong lumingon sa likuran ko at hindi ako makapaniwala nang makita nga si Jack na nakapamulsa habang nakatayo sa may likuran ko.
Ibinalik ko ang aking tingin kay Thunder nang bigla na lang siyang tumawa ulit.
“Dalawang lalaki na pinahirapan akong maghanap, ngayo‟y bigla na lang sumulpot sa harapan ko dahil sa pagbisita ko sa isang binibini.”
Natawa siya sa ideyang naiisip niya at saka ngumiti ng makahulugan.
“This must be something.” saad niya.