Naguguluhan akong tumingin kay Storm nang lumapit siya sa akin dahil hindi ko maintindihan kung anong nangyayari.
“S-Si Thunder ba „yon?” kinakabahang tanong ko.
Dahan-dahan siyang tumango at saka naupo sa tabi ko.
“Inasahan na namin ito pero hindi ko akalain na ganito siya kaaga magpaparamdam.” Saad niya.
“Bakit sila nandito? Anong ginagawa nila rito? Anong gagawin nila?” sunod-sunod na tanong ko.
Umiling si Storm bago sumagot. “I really have no idea.” Frustrated na sagot niya.
Halata sa itsura niya na hindi siya mapalagay. Marahil siguro ay dahil napilitan siyang mag-stay kasama ko at wala siyang ibang magagawa kundi ang bantayan lang ako imbes na tulungan ang mga kaibigan niya.
“I‟m sorry, Storm. Kasalanan ko ito.”
“No, Summer. Wala kang kasalanan dito.”
“No. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung hindi ako lumipat sa Avellino ay hin—”
Nagulat ako nang bigla niyang takpan ang bibig ko. “Sh*t, Summer.” gulat na saad niya.
“Anong sinabi mo?”
Napatingin ako sa mga babaeng kasama naming naiwan sa loob ng classroom nang sabay-sabay silang lumapit sa amin ni Storm.
“Lumipat ka sa Avellino? Pumasok ka sa Avellino?!” hindi makapaniwalang tanong ng isa sa kanila.
Inalis ni Storm ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko at hinarap sila.
“Wala kayong narinig.” Saad ni Storm.
“Huwag mo nang pagtakpan ang babaeng iyan. Narinig namin ang sinabi niya!” sigaw ng isa pa.
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Tila bumalik sa alaala ko ang experience na naranasan ko sa Avellino noong lumipat ako noon. Naalala ko kung paano ang naging reaksyon ng mga estudyante noon nang may bumanggit sa Tan Siu.
Nagulat na lang ako nang biglang tumayo si Storm at humarang sa harapan ko.
“Tandaan nyo kung anong pwedeng mangyari sa inyo kapag hinawakan nyo miski ang dulo lang ng kuko niya.” banta niya sa kanila.
“Tingin mo ba natatakot kami? She broke the rule, Storm! Kung patuloy mo siyang pagtatakpan, madadamay ka rin!”
Umiling sa kanila si Storm. “I will protect her. No matter what.” Sagot niya.
Gulat akong napatingin sa may pintuan nang may iba pang mga estudyante ang pumasok roon.
“Kunin nyo si Summer!” sigaw ng isang lalaki.
Umayos ng tayo si Storm at itinupi ang sleeve ng puting polo na suot-suot niya. “Dadaan muna kayo sa akin bago kayo makalapit sa kanya.” saad niya at saka sinipa ang isang upuan papunta sa mga lalaking nakatayo sa harapan niya.
Agad silang nag-uunahang sumugod sa kanya. Nakipagsabayan si Storm ng suntok at sipa sa kanila pero dahil sa madami sila ay makikita mong dehado siya sa laban. Napatakip ako sa bibig ko nang may isang suntok ang tumama sa sikmura niya. Napayuko siya mula sa tamang iyon dahilan para samantalahin nila ang pagkakataon para pagtulungan siya.
“S-Storm!” nanginginig na tawag ko sa kanya. “S-Storm…N-No.”
Bigla na lang may marahas na humatak sa akin. Hinila niya ako palabas ng classroom habang ang ibang mga estudyante ay binabato ako ng notebook at kung anu-ano pa. Pagkalabas namin sa classroom ay kaagad nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga bubog sa sahig mula sa mga nabasag na bintana ng classroom. Ang mas nakakagulat pa ay ang ibang mga estudyanteng nakahiga sa sahig at mukhang mga nabugbog.
Kinaladkad nila ako pababa mula sa fourth floor kung nasaan ang classroom namin papunta sa ground ng school. Tila isa akong criminal na minumura-mura ng mga taong nadaraanan namin. Pero kahit na ganoon na ang sitwasyon ko ay napansin ko pa rin kung anong nangyare sa paligid ko. Tila dinaanan ng bagyo ang school namin at ang bawat madadaanan ko ay wasak-wasak na.
“Nakikita mo ba ang nangyari sa school namin? Kasalanan mo ang lahat ng ito!” saad ng babaeng isa sa kumakaladkad sa akin.
Nang makarating na kami sa ground floor ay kaagad na nabalot ang pagkatao ko ng takot nang mapansin na papunta sa covered court ang direksyon ng pinagdadalhan nila sa akin.
“A-Anong gagawin nyo sa akin? B-Bakit dito tayo papunta?” kinakabahang tanong ko.
“Hahatawan ka namin ng parusa. Dahil sa‟yo ay nagulo ang paaralan namin!” sagot ng babae sa tabi ko.
Natulala ako sa sagot niya. J-Judgement? Gusto ko silang pigilan pero kulang ang lakas ko para labanan sila sa dami nila. Bawat madadaanan namin ay tumatabi para mabilis kaming makarating sa covered court. Habang dinadala nila ako roon ay patuloy pa rin ang iba sa pagbato ng kung anu-anong bagay sa akin. Tila sinasanay na nila ang katawan ko para sa magiging kaparusahan ko mamaya sa loob kung saan ay daan-daang itlog muli ang tatama sa akin.
Pagkapasok namin sa court ay napansin ko kaagad na may kung ano silang pinagkukumpulan sa gitna. Pagkarating namin sa gitna ay naabutan ko si Jack na may hawak-hawak na isang lalaking duguan. Nang magtagpo ang tingin naming dalawa ay kaagad niyang nabitiwan ang lalaking hawak-hawak niya. Bumaba ang tingin niya sa katawan ko at nakita niya kung ano ang kasalukuyan kong itsura.
Halata rin sa itsura ng mga kaibigan niya na kasalukuyan ring nakikipaglaban ang pagkagulat nang makita ako. Katulad ni Jack ay natigilan rin sila at natulala sa akin. Mabilis na lumakad si Jack papalapit sa amin at kaagad niyang hinila sa may kwelyo ang isa sa mga babaeng kumaladkad sa akin.
“What. The. F*ck. Did. You. Do. To. Her?” galit na tanong niya.
“Hindi mo ba alam? Siya ang may kasalanan kung bakit pumasok ang mga taga-Avellino rito!” sagot sa kanya ng babae.
“What?!” hindi makapaniwalang tanong niya at inilipat ang tingin sa akin.
“Narinig namin ang sinabi niya! Lumipat siya sa Avellino! Ibig sabihin pumasok siya sa Avellino! She broke the rule, Jack!” sagot naman ng babaeng may hawak-hawak sa akin.
Inis na binitiwan ni Jack ang babaeng hawak-hawak niya at lumapit sa amin at marahas niyang inalis ang kamay ng babaeng mahigpit na nakahawak sa akin. Kaagad siyang inis na napakagat sa labi niya nang makitang namumula ang kamay ko dahil sa higpit ng pagkakahawak sa akin ng mga babae kanina.
“Are you okay? Are you hurt somewhere?” nag-aalalang tanong niya habang hawak-hawak ang kamay ko.
Napayuko ako at hinila ang kamay ko at itinago ito sa likuran ko. Ayoko nang may madamay pang ibang tao dahil sa akin. Tama na na nasaktan si Storm ngayon. Ayoko nang mangdamay pa ng kahit sino.
“Ayos lang ako. I deserve this.” Bulong ko.
“F*ck what?! You deserve what?!” galit na sigaw niya.
Unti-unti kong iniangat ang mukha ko at tiningnan siya. Mabilis kong nasalubong ang mga mata niyang halatang nasasaktan habang nakatingin sa akin. Nakaramdam na lang ako ng kung anong sakit sa dibdib ko. The way he looks at me…I‟ve seen this many times before. The pain in those pair of eyes…I‟ve seen it. Marahas kong ipinikit ang mga mata ko dahil tila sinasaksak ang puso ko habang pinagmamasdan siya.
“She‟s right, Jack! She deserves it! Kailangan niyang maparusahan dahil sa kasalanan niya!” sigaw ng babae mula sa likuran ko.
“Oo nga! Hindi mo dapat siya ipagtanggol! Kasalanan niya kung bakit nagkagulo ngayon dito sa school! Kasalanan niya kung bakit madaming nasaktan! Dapat niyang pagbayaran ang lahat ng ito!” dagdag pa ng iba.
“Shut the f*ck up b*tch bago ko makalimutang hindi ako nananakit ng babae!” Gigil na utos ni Jack sa kanila.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at muli siyang tiningnan.
“You fool. Why do you keep on putting me into trouble?” inis na tanong niya sa akin.
Iniwas ko ang mukha ko at naramdaman ko ang muling pagbasa ng mga luha ko sa aking pisngi. “Jack, hindi ako isang prinsesa na kailangan ng knight in shining armor.” malungkot na sagot ko. “So please, stop protecting me.”
Halata sa reaksyon niya ang pagkagulat dahil sa sinabi ko. I need to say all these things. Ayokong mapahamak siyang muli dahil sa akin. He has to stop protecting me.
Tuluyan nang lumapit sa amin ang mga kaibigan niya. Ipinatong ni Samuel ang kamay niya sa balikat ni Jack at tinap ito.
“Jack, alam mong wala na tayong magagawa.” Bulong ni Drake.
“We need to proceed with the judgement. This is your rule, remember? We can‟t break your rules.” Dagdag pa ni Andrew.
Sarkastik na natawa si Jack at iniwas ang tingin sa akin. “You think I will let them hurt her again?” inis na tanong niya.
“If you let your emotions rule, you‟ll make mistakes that‟ll make you weak. Get your heart off your sleeve, Jack.” Singit ni Israel.
“Israel is right.” Pagsang-ayon ni Justine.
Inis na inalis ni Jack ang kamay ni Samuel na nakahawak sa kanya at galit na lumapit sa isa sa mga babaeng kumaladkad sa akin. Halata sa itsura ng babae ang takot nang huminto si Jack sa harapan niya.
“P-Please don‟t hurt me.” Takot na pakiusap nito.
“I won‟t. I will just ask you a question.” Kalmadong sagot ni Jack. Huminga muna siya ng malalim bago nagpatuloy. “Will you tell me why do we have to punish Summer?”
Takot na tiningnan ng babae ang mga kasama niya bago ibinalik ang tingin kay Jack. “B-Because she entered our enemy‟s territory. It‟s a rule that we are not allowed to go in their place. Now that she went to Avellino, they sought revenge and came here.”
Tumango-tango si Jack sa naging sagot niya. “Okay.” Sagot ni Jack. “But what if I tell you it wasn‟t her fault? What if I tell you it was my fault?”
Kaagad nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Maging ang mga tao sa paligid ay napa-gasp dahil sa pagkagulat.
“Jack!” suway ni Andrew sa kanya.
“They came here because they‟re trying to seek revenge on me.”
Natulala silang lahat sa kanya dahil sa sinabi niya.
“Damn, Snowman. You really are screwed up!” inis na saad ni Israel sa kanya.
Nagbulungan ang lahat ng tao sa paligid dahil sa rebelasyong ginawa ni Jack. Hindi sila makapaniwala sa narinig mula sa kanya.
“So what will be your actions now? What will be my punishment?” seryosong tanong ni Jack sa babae.
Natahimik ang lahat. Makahulugan silang lahat na nagkatinginan. Tila nag-uusap-usap sila sa isip nila. Matagal na naging tahimik sa covered court hanggang sa may isang tao ang nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita.
“We will proceed with the judgement and you‟re the target, Jack Frost.” Wika ng isang estudyante.
Sabay-sabay na inis na napayuko ang mga kaibigan ni Jack. “F*ck you, Snowman. I will kill you after this.” Inis at disappointed na bulong ni Israel.
“So do the others agree?” tanong ni Jack sa ibang estudyante.
Nagkatinginan muna ang iba bago takot na mabagal na tumango.
“Alright. Let‟s start the judgement then.” Saad niya at saka siya nagsimulang lumakad patungo sa pinakagitna ng court.
Nanatili lang akong nakatingin sa kanya at wala man lang ako magawa. Why Jack? Why are you doing this? I don‟t deserve this.
Nagsimula ang mga estudyante na pagpasa-pasahan ang itlog hanggang sa magkaroon ang lahat. Maging ako at ang mga kaibigan ni Jack ay binigyan nila ng itlog.
“Do we really have to do this? Kailangan bang pati tayo ay batuhin siya ng itlog?” nanghihinang tanong ko.
“This is the choice he chose, Summer. We have to support him in the decision he made. So yes, we‟ll have to throw these eggs on him.” Seryoso at halatang disappointed rin na sagot ni Justine.
Napakagat ako sa labi ko at tiningnan ang itlog bago dahan-dahang inilipat ang tingin kay Jack. Agad na nagkasalubong ang tingin naming dalawa. Binigyan niya ako ng ngiti na tila sinasabi niya sa aking okay lang. But the truth is, it‟s not okay with me.
Hindi ko maimagine na ang isang Jack Frost na tinitingala ng lahat ay tatayo sa harapan namin habang masayang tinatanggap ang pagtama ng mga itlog sa kanya. Iniimagine ko pa lang ay nasasaktan na ako. Ang Jack Frost na kilala kong ayaw magpatalo ay magmumukhang kaawa-awa sa harapan ko. Hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin.
“Let‟s start!” sigaw ng lalaking nakatayo sa pinakaharapan.
“W-Wait!” pigil ko.
Kaagad silang napatingin sa akin dahil sa pagsigaw ko.
“Summer, what are you going to do?” bulong ni Drake na nasa likuran ko.
“I‟m sorry but I can‟t support his foolish decision.” Sagot ko at saka lumakad papunta sa gitna.
Pagkarating ko sa gitna ay hinarap ko silang lahat. “Because all of you wrongly accused me, hindi ba dapat it‟s my right to do the judgement?” tanong ko.
“What do you mean?” tanong ng isang estudyante.
Napalunok muna ako bago sumagot. “Dahil sa lalaking ito ay pinagbabato ako kanina mula sa fourth floor hanggang dito. Dahil sa kanya ay nasaktan ako. Kaya dapat ay ako ang gumawa ng judgment na „to. Dapat ako ang magparusa sa kanya.” Sagot ko.
Kaagad silang nagbulungan dahil sa sinabi ko.
“What the hell are you doing, Summer?” tanong ni Jack na nasa likuran ko.
Nanatili akong nakatalikod sa kanya. This is my only way to protect him. Hindi ko siya hahayaang masaktan ng dahil sa akin. Naalala ko ang mga sinabi sa akin ni Storm noon tungkol sa Judgment day na ito: “In this school, we have rules that must be followed. Rules na noon pa nagawa at patuloy pa ring sinusunod. During the judgement day, you were there to do the punishment. „Yung mga babaeng iyon ang nagframe-up sa‟yo, remember? So para pagbayaran nila ang kasalanan nila sa‟yo, dapat mo silang parusahan. Pero hindi mo ginawa ang judgement so it turned out na kinunsinti mo ang pagiging masama nila. So ikaw ang pinarusahan. That‟s the rule.” I will protect you this time, Jack.
“I will do the punishment to him. Nagkasala siya sa akin at dapat ko siyang parusahan.” Saad kong muli nang mukhang hindi pa rin sila nakakapagdesisyon.
“Well, she has a point.” Pagsang-ayon ng isang estudyante.
“Fine. It‟s you who will do the punishment to Jack, then.” Wika ng isa pa.
Napangiti ako dahil sa naging desisyon nila at dahan-dahan kong hinarap si Jack na nasa likuran ko. Kunot noo niya akong tiningnan at halata sa itsura niya na naguguluhan siya sa ginagawa ko. Napabuntong hininga ako at tiningnan ang itlog na hawak-hawak ko. This is the only thing I could do for him in return.
“I‟m sorry, Jack.” Saad ko at ibabato ko na sana ang itlog sa sarili ko pero natigilan ako nang mabilis niyang nahablot ang kamay ko.
“I thought I already told you that I will do everything to keep you safe?” malungkot na tanong niya at saka mahigpit na hinawakan ang kamay kong may hawak-hawak na itlog.
Suot ang malungkot na ngiti ay hinila niya ang kamay ko at inihampas iyon sa dibdib niya. Agad na nabasag ang itlog nang malakas itong tumama sa dibdib niya. Hindi ako makapaniwalang napanganga at gulat na tiningnan siya sa mga mata.
“You really are a fool and a stubborn woman.” bulong niya at kasabay noon ay sunod-sunod na siyang pinagbabato ng mga estudyante ng itlog.